11) Missing?
Kahit gaano ka naiinis, hahanapin mo pa rin ang nakasanayan mo.
Tinawag ni Famela si Janica dahil may delivery raw para sa kanya. Nakangiti pa ito nang nakakaloko pero hindi na lamang niya pinansin.
"Para raw po sa inyo Ms. Janica." Iniabot ng guard ang palumpon ng puting lilies.
"May admirer ang dalaga," kantiyaw naman ni Famela. Ngumiti lang siya at agad na bumalik sa loob. Nahiya kasi siya bigla.
Sino naman ang magbibigay sa kanya ng bulaklak? Binuksan niya ang note. Encoded pa ito.
Hetty,
Black Mamba :-p
May emoticon pa ito sa dulo na tumatawa at labas ang dila. Kahit walang nakalagay na pangalan. Alam na alam niya kung kanino iyon galing.
Nakaramdam siya ng pagkayamot. Parang namimihasa na ito sa pangti-trip sa kanya. Pinagbigyan na niya ito kanina ngayon may second wave pa pala. Kikiligin pa naman sana siya pero mambu-bully lang pala.
Inis niyang tinungo ang pintuan ng opisina ni Leandrei.
"Sa 'yo ba 'to galing?" agad niyang tanong nang makalapit sa table nito.
"Ako ba ang nag-abot sa 'yo?" nakangisi naman nitong balik-tanong.
"Don't be too literal," seryoso at madiin niyang saad. Sa halip na sumeryoso ay napatawa pa ito nang malakas.
"Ayaw mo niyan white lilies complement sa kulay mo?" Tumawa ulit ito. Hinintay niya itong tumigil sa pagtawa bago nagsalita.
"Complement? Baka contrast?" sarkastiko niyang wika. Tumawa lang ito.
"Hindi kulay ang black at white. They are hues remember that. They make colors lighter or darker," nang-uuyam niyang paliwanag.
"Woah! You're really a good hearted. Ang dami kong nakukuhang free lecture sa 'yo, prof," tatawa-tawa nitong wika. Huminga siya nang malalim. Hindi siya dapat mainis pero 'yon talaga yata ang gusto nitong mangyari. Tumalikod na lamang siya para tunguhin ang pinto.
Bakit niya ibabantay ang sarili niya? Para mas lalo siya nitong inisin? Nunca!
"Paghingi ko 'yan ng tawad sa pambubully ko sa 'yo dati," saad nito. Napatigil siya sa paglalakad.
Ano raw? Eh sa note nito nambubully pa rin naman. Napailing na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa may pintuan.
"But I can't promise not to do it again," tatawa-tawa nitong sambit. Napatingin siya rito. Kumindat pa ito.
"Bahala ka na nga," irap niya saka tuluyang lumabas.
"Sorry, Hetty!" sigaw pa nito bago tuluyang sumara ang pinto.
Napangiti na lang siya. Isip-bata talaga.
*****
Napatingin siya sa may pintuan nang pumasok si Famela. May nakasunod ditong maganda at seksing babae.
"May assistant na pala si Leandrei," komento nito nang pumasok. Nginitian siya nito kaya napangiti rin siya. Ang ganda ng bukas ng mukha nito. Nakaiinggit. Sobrang puti pa.
"Opo, Miss Lei. Si Janica po," pakilala naman ni Famela sa kanya. Nginitian siya nito nang matamis.
"Hi, Janica." Iniabot nito ang kamay kaya nakipagkamay rin siya. Ang lambot ng kamay. Halatang mayaman.
"Si Miss Lei. Girlfriend ni sir Leandrei," pagpapakilala ni Famela sa babae. Parang nabitin pa sa ere ang pagngiti niya. May girlfriend pala ito? Ngumiti lang naman ang babae bago naglakad patungo sa pinto ng opisina ni Leandrei.
Sinundan na lamang niya ito ng tingin. Ang ganda ng tindig. Bagay na bagay nga sila ni Leandrei kapag pinagtabi.
"Kagagaling lang niya sa Paris. Model kasi siya roon. May pasalubong pa siya sa akin na bag," natutuwang sambit ni Famela pagkaalis ng babae. Napangiti na lang siya.
"Sayang kung alam lang no'n na may kasama na ako rito. Binigyan ka rin sana. Mabait 'yon," bida pa ni Famela. Napatango na lang siya at napangiti. Mabait pa pala. Talaga ngang bagay sila ni Leandrei. Isang anghel at isang demonyito. Napailing siya sa naisip. Nagpaalam si Famela na lalabas kaya tumango na lamang siya.
Makalipas lang ang ilang minuto. Narinig niya ang tawa ng dalawa palabas ng opisina.
Bakit ganon pati pagtawa ng babae ang sarap pakinggan? Anghel na anghel. Nakaka-insecure.
Tumigil si Leandrei nang makatapat sa puwesto niya.
"Hetty, kapag may gustong kumausap sa akin ikaw muna ang haharap ha?" bilin nito. Napatango siya.
"I thought her name's Janica?" tanong ng babae. Napatawa naman si Leandrei. Nadako ang tingin niya sa kamay ng babae na nasa bandang likuran ni Leandrei.
"Hey! Save that for later," natatawang baling ni Leandrei sa babae. Tumawa naman ito. Ewan niya kung saan dumako ang kamay ng babae kaya ganoon ang reaksiyon ng isa.
"Ikaw na ang bahala rito, ha?" bilin nito bago inalalayan ang babaeng lumabas ng opisina.
Huminga na lamang siya ng malalim.
Hanggang mag-out siya ay hindi na bumalik si Leandrei.
Kahit noong nakauwi siya ng mansyon ay hindi niya nakita ni anino nito.
Hindi niya rin ito nakita kinaumagahan. Hindi na lang siya nagtanong.
Nag-commute siya papuntang office. Pagdating niya sa opisina, sinabi sa kanya ni Famela na may darating na investors para magbigay ng proposal at ibinilin ni Leandrei na siya ang humarap dahil hapon pa ito pupunta ng opisina. Hinarap naman niya ang mga ito. Inilagay na lamang niya sa note ang comments niya sa proposal ng mga ito bago mag-out ng tanghali.
Bakit gano'n parang na-miss niya ang makulit na presensiya ng binata?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top