10) Joke?

Huwag kang magtanong kung hindi ka handang marinig ang sagot.

Naglalakad si Janica palabas ng village nang tumigil ang itim na Porsche sa tapat niya. Bumukas ang pinto sa passenger's side ng sasakyan na nasa tapat niya mismo.

"Hop in, Janica!" saad ni Leandrei. Papunta na kasi siya sa opisina. May mga dumaraang jeep sa labas ng village kung saan siya laging sumasakay.

"Huwag kang mag-alala. Hindi na kita yayayain ulit na uminom. Alam kong kailangan mong mag-concentrate sa pagre-review," natatawa nitong sabi nang matigilan siya.

Hindi nila ito kasabay kaninang breakfast. Akala niya ay hindi ito papasok nang maaga sa opisina. Kaya hindi niya inakalang makikita pa siya nito sa daan.

Tatanggi ba siya?

"Hey, nigga! C'mon!" untag nito nang hindi siya kumilos mula sa kinatatayuan. Kunot-noong napatingin siya rito. Nakangisi naman ito sa kanya.

Nigga? Akala ba nito hindi niya maiintindihan ang terminology nito?

Hinawakan niya ang pintuan ng sasakyan at malakas na isinarado bago nagpatuloy sa paglalakad. Narinig pa niya ang pagbusina nito pero mabilis siyang naglakad at hindi na ito nilingon pa.

"Hey, black mamba! I was just kidding!" Narinig niya ang malakas na pagtawa nito. Naglalakad na pala ito palapit sa kanya. Tiningnan niya ito nang matalim.

Black mamba? Alam niya kung ano ang black mamba. Isa itong makamandag na ahas pero ginagamit din ito para i-describe ang NBA legend na si Kobe Bryant na isang black American.

Dati tanggap na niya ang kulay niya. Bakit ngayon parang bigla na namang bumalik ang insecurities niya sa kulay niya?

"Ang seryoso mo. Joke lang 'yon. Akala ko ba friends na tayo?" natatawa nitong saad. Tinalikuran na lamang niya ito.

"Para kang bata. Halika na. Sabay ka na sa akin," natatawa nitong habol sa kanya. Hinawakan pa nito ang bag niya. Napatigil tuloy siya sa paglalakad.

"Sino ang parang bata sa ating dalawa?" sarkastiko niyang tanong saka tiningnan ang kamay nito na nakahawak sa shoulder bag niya.

"Sabay ka na kasi sa 'kin," pakiusap nito.

"Hanggang ngayon ba asar-talo ka pa rin?" nakangiti nitong dagdag.

Ibig sabihin naaalala pa nito ang pambu-bully nito noon sa kanya?

"Why are you calling me nigga and black mamba?" nakataas-kilay niyang tanong.

"Wow! Hindi ka naman lasing niyan? Baka may hangover ka pa?" natatawa nitong tanong.

"May problema ka ba sa kulay ko?" seryoso niyang tanong rito. Bumitaw ito mula sa pagkakahawak sa bag niya at tumayo mismo sa harap niya nang nakangiti.

"Joke nga lang 'yon. Ang seryoso mo talaga sa buhay," naiiling nitong saad.

"That didn't sound like a joke to me. Nilalait mo ako," giit niya.

"Hindi kita nilalait." Huminga ito nang malalim

"Akala ko kasi close na tayo." Sumeryoso ang mukha nito. Hindi siya sumagot.

"I'm sorry," sambit nito.

Napanganga siya sa huling dalawang salitang namutawi sa bibig nito. Hindi niya inasahang marunong din pala itong humingi ng sinserong paumanhin. Dati kasi ay labas sa ilong ang pagso-sorry nito sa tuwing binubully siya at pinagso-sorry ng ina nito.

"Tara na?" seryoso nitong tanong. Naglakad na ito pabalik sa kotse nito. Lumingon ito nang hindi siya sumunod.

Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang napasunod rito. Nakita niya ang pagngiti nito nang makapasok siya sa kotse nito.

"So, does this mean we're friends now?"

Kanina lang nakaaawa ang itsura nito ngayon naman ay ngiting-ngiti na ito. Ewan niya kung bakit napangiti siya at napatango.

"Alright, nigga! Let's go!" saad nito bago pinasibad ang sasakyan. Magre-react pa sana siya pero napahawak na siya sa seatbealt sa bilis ng takbo nito.

"Can't you slow down?" hiyaw niya rito. Ninerbiyos na kasi siya.

"Are you scared black mamba?" Tumawa ito at pinatakbo pa rin nang mabilis ang sasakyan. Nang-overtake pa ito ng ilang sasakyan.

"Stop calling me that!" saway niya rito.

"'Yong totoo? Lasing ka pa 'no?" natatawa ulit nitong sagot. Cool na cool lang itong nagda-drive habang siya ay puno ng kaba sa bilis nitong magpatakbo.

"Von Leandrei!" sigaw niya rito. Natatawa naman nitong binagalan ang takbo ng sasakyan.

"You called me by my first name. Friends na talaga tayo niyan," nakangiti nitong saad. Sumulyap pa ito sa kanya. Hindi siya nagsalita at pinakalma ang sarili.

"Makulit ka talaga 'no?" inis niyang tanong rito nang kumalma ang pakiramdam niya.

"Seryoso ka talaga sa buhay 'no?" naiiling naman nitong tanong.

"Bakit mo ba kasi ako tinatawag na nigga?"

"Negra ka naman talaga. Ang itim-itim mo. Black mamba," tatawa-tawa nitong sagot. Hindi siya nagsalita dahil bigla na naman siyang pinamulahan ng mukha.

"Ang seryoso mo talaga!" Ang lakas lang ng tawa nito. Hindi na lamang siya sumagot at tumingin na lang sa bintana.

"Pikon na naman 'yan," kantiyaw nito. Para talaga itong bata. Ayaw paawat. Parang gusto niyang mapangiti sa pagiging isip bata nito. Hindi kasi bagay sa porma nitong pang-opisina.

"Huwag ka kasing magtanong kung ayaw mong marinig 'yong sagot," natatawa nitong dagdag.

"Ang kulit mo talagang bata ka," napatawa siya at napailing.

"Sabi mo kagabi matanda na ako. Ngayon naman bata? Ano ba talaga, ate?"

"Thank you," tugon niya rito. Napapantastikuhan naman itong tumingin sa kanya.

"Marunong ka rin pa lang gumalang sa nakatatanda sa 'yo," nakangisi niyang saad rito. Kumunot naman ang noo nito kaya sinamantala rin niya ang tumawa para makabawi sa pambubuska nito.

"Nigga!"

"Whatever! I love my ethnicity!" tugon niya rito. Kapag nainis siya mas lalo lang itong mang-aasar. Ganoon naman ang mga isip-bata.

"Ganyan dapat. Don't let other people pull you down because of your physical attributes," nakangiti nitong saad. Napatitig naman siya rito.

Ano raw? Sumulyap ito sa kanya.

"Because honestly speaking, there's more about you than just physical appearance," seryoso nitong saad.

She wasn't able to react. Maybe calling her by those terms was his way of making her embrace who she really was. May iba't-iba namang orientation at pamantayan ang mga tao. A derogatory statement to someone maybe a joke to another. Maybe Leandrei really did not mean to discriminate her. She just needs to remind him not to overdo it next time.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top