5: Annulment

Vander Lewis

His secretary had been calling him dahil kailangan na niyang pirmahan ang mga nakabinbing dokumento pero ipinagsawalang bahala na muna niya ito. Itinext kasi ng anak na nasa mall ang mga ito at nagsa-shopping kasama ang mommy nila. He finds it an opportunity to spend time with them. Kahit na may kaunting hang-over pa siya dahil inabot na sila ng mga kapatid hanggang madaling-araw na nag-inuman.

"Hi, nandito pala kayo?" kunwaring gulat na salubong niya habang nasa isang boutique ang mga ito at namimili ng damit. His daughter winked at him. He averted his gaze baka makahalata si Aubrey.

"Obviously," sagot naman ni Aubrey at tumingin-tingin na sa mga damit.

"Great. Samahan ko na kayo." Nakangiti niyang saad rito habang sinusundan niya. Sa ibang direksyon naman naglakad si Desiry. He saw Ayder at the men's section na kumaway lang sa kanya.

"Wala ka bang gagawin sa opisina mo?" tanong nito sa kanya.

"Wala naman. So, I might as well spend this day with you," masaya niyang saad.

"-and the kids," he added nervously. Kinabahan kasi siya dahil tumingin si Aubrey sa kanya nang nakakunot-noo.

Huminga ito ng malalim at tumitig sa kanya ng mataman. His heart skipped a bit.

"You don't have to do this, Vander. My decision is final." Titig na titig ito sa kanya habang nagsasalita. He can't decipher how she feels.

That remark stings big time but he just shrugged it off.

"I know. Sasamahan ko lang naman kayo ng mga bata." Mahina niyang tugon rito.

"For what? So you can use it in court to claim that we are one happy family?" taas-kilay nitong tanong.

Ni hindi iyon pumasok sa isip niya pero malamang ay ito nga ang iisipin nito dahil sa hindi niya pagsang-ayon sa hinihingi nitong annulment.

"Wala 'yan sa isip ko. I just want my kids to experience a day with their parents. Mahirap bang ibigay iyon?" hayag niya para depensahan ang sarili.

"Please do not let them live in your make-believe world, Vander. Huwag mo silang itulad sa akin na minsang nabuhay sa paraisong ipinangako mo na hindi naman nagkatotoo."

He inhaled deeply to calm himself. Ayaw niyang maiyak sa sinabi nito. It took him quite a while thinking how to refute her remark. Sinabi nitong napatawad na siya pero sa pagbitaw nito ng mga kataga nararamdaman niya ang sama ng loob nito.

"It's funny how you say na napatawad mo na ako pero puro naman sama ng loob ang lumalabas sa bibig mo." Saad na lamang niya.

"I have forgiven you, Vander. Ayoko lang na itrato mo ako na parang ako pa rin yung Aubrey na kayang-kaya mong paikutin."

Pinaikot ba talaga niya ito noon? Hindi ba sapat na pinakasalan niya ito noon sa murang edad para ipakita na seryoso siya rito? Siguro nga hindi niya natupad ang pangakong magiging responsable siyang asawa rito.

"I'm sorry, Aub. I was young then. Now, I can show you that all I've promised before is no longer a fantasy. We can be happy again, together."

"Stop it!" Aubrey exclaimed before turning away. Tinawag nito ang mga anak bago lumabas ng boutique. But the Vander that he is didn't just watch the three, sinundan niya ang mga ito.

"Look," inis na bumaling si Aubrey sa kanya. Desiry held her mother's arm.

"Mommy, isama na natin si daddy please." Pakiusap nito. Aubrey looked at her daughter for a moment. Inilipat din nito ang tingin kay Ayder na halatang nakikiusap din.

Nakahinga siya nang maluwag nang tumango ito. The kids smiled at him. At least, he has two powerful allies, now.

They went inside a restaurant. Agad naman niyang ipinaghila ng upuan ang asawa. He was a bit happy she didn't retaliate.

The kids eagerly talked about their latest projects in school na sinesegundahan naman niya dahil alam na alam niya ang pinagkakaabalahan ng mga ito sa eskuwelahan.

"Desiry's really good in acting. You have to watch her latest school play. I have a soft copy. Ibibigay ko sa 'yo." Baling niya sa asawa nang madako ang usapan tungkol sa school play ng anak.

"I know. I've already watched it. She uploaded it in vimeo." Tugon naman nito. Napahiya pa siya. Mabuti na lang sumabat ang anak na babae.

"But dad's file is the uncut version, mom. Iniklian ko lang kasi yung in-upload ko. He really should give you a copy," saad ng anak. Nginitian niya ang anak bilang pasasalamat. Tumango lang naman ang asawa sa pahayag ng dalagita.

"So, how's your leg Ayder? Okay na? Hindi ka naman nakararamdam ng sakit?" baling ni Aubrey sa halip na sagutin ang sinabi ni Desiry. Nagka-injury kasi ang lalaking anak sa latest football game nito sa school.

"Hindi naman po, mommy." Tugon naman ni Ayder.

"He's okay, now. I made sure he was attended by the best orthopedic doctor in the country." Dagdag naman niya para sumali sa usapan. Tiningnan naman siya ni Aubrey.

"Really? Sinong nagbayad? Parents mo?" Napapailing nitong tanong.

Nasaktan ang ego niya sa narinig. Wala talagang bilib sa kanya ang asawa. Hanggang ngayon ba tingin nito umaasa pa rin siya sa mga magulang?

"Bakit naman po sila Mee at Dee ang magbabayad may pera naman si daddy?" Desiry stated matter-of-factly. Nagkibit-balikat naman ang ina at hindi na ito sumagot.

"Dami ngang pera ni daddy eh. Ikaw sumagot nitong bill natin, dad ah. Pati lahat ng bibilhin namin mamaya." Natatawang dagdag ng anak niya.

"Of course." Nakangiti niyang tugon.

He mutely thanked his daughter sa pagsalo nito sa kanya. Alam niyang sinasabi lang iyon ng anak niya para i-build up siya. Naramdaman siguro nito ang pagkapahiya niya sa pahayag ng ina nito.

Kahit nasasaktan siya sa pambabara at pambabalewala ni Aubrey sa kanya ay hindi pa rin siya natinag. Sinamahan niya ang mga ito hanggang magsawa sa kasha-shopping.

Aubrey never allowed him to pay for whatever item she bought. May sarili daw itong pera. Marahil ay ayaw talaga nitong tumanggap ng kahit ano mula sa kanya.

Ayaw pa nga sana nitong sumakay nang ihatid niya ang mga ito sa hotel pero pinilit ito ng mga anak. Si Ayder na lang ang sumakay sa passenger's side habang ang dalawang babae ay sa backseat.





------

Sa katabing suite sana siya matutulog kaya lang ay tinawagan siya ng ina para umuwi ng mansiyon. May dumating daw na sulat para sa kanya galing sa Regional Trial Court. He has hint kung ano yon pero hindi na lang niya binanggit sa ina.





----

His parents were waiting for him at the living room pagdating niya ng bahay.

"Open it," utos ng daddy niya nang iabot sa kanya ang sulat.

"Sa kuwarto na lang po." Tugon naman niya sa ama.

"We want to know what that is. May ginawa ka bang kalokohan? Why do you have a letter from court addressed here?"

Hindi niya sinagot ang ama. He may be thinking that if it's about business dapat ay naka-address ito sa opisina niya.

"Vander?"

Napatingin siya sa nagsalitang ina. He inhaled deeply. Ayaw niyang sumama na naman ang loob ng ina niya. He always gave her headache since he was born. Not this time. He opened the letter and read its content.

His guess is right. It's a court summon asking him to answer the annulment petition.

"What is it?" tanong ng ina niya.

He inhaled deeply before answering. "It's a subpoena for the annulment case."

"Oh!?" Iyon lang ang lumabas sa bibig ng ina. Umupo ito sa couch. She might have expected this a long time ago. Noong umalis is Aubrey inasahan niyang sasabihin ng ina na "I told you, so." But it never came out her mouth. Ang sinabi lang nito nang magbalik siya ng mansion kasama ng mga anak ay "Gather, yourself up, son for the kids. They need a sound father." Hindi siya pinagalitan. Siguro napagod na rin ito sa kapapangaral sa kanya. Aminado naman siyang siya ang black sheep ng pamilya.

"Pormal na talaga ang paghihiwalay niyo ni Aubrey." His dad mumbled. He nodded.

"Baka may balak nang pakasal si Aubrey sa boyfriend niya."

Napatingin siya komento ng ina.

"Boyfriend? Aubrey has a boyfriend? Kanino niyo nalaman?" Sunod-sunod at naguguluhan niyang tanong sa ina.

"Your kids. Nabanggit nila."

"Desiry knew about it?" kunot-noo niyang tanong. Napatango naman ito.

Hindi niya sigurado kung ano ang mararamdaman sa narinig. His kids knew?

He felt his father's tap on his shoulder.

"Not everyone gets a fair share of happy endings," rinig niyang saad ng ina. His mother is right. Kung may boyfriend na talaga si Aubrey malabo na niya itong mapigilang iatras ang petisyon.

But fuck? They are still married. Sana man lang nakipaghiwalay muna ito ng pormal bago nag-boyfriend.

.

.

.

.

.

*Sapat ba ang sampung taong paghihiwalay para magkaroon ng karapatang magmahal ng iba?*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top