39: The Last Part
There's a proper time for everything and it oftentimes comes out of the blue. –jazlykdat
Aubrey
"Mom, you look exhausted," Desiry commented.
Nagkatinginan silang mag-asawa. Sinundo kasi nila ang dalawang anak sa eskuwelahan dahil coding ang sasakyan ng dalaga. Hinatid lang ng driver ang mga ito kaninang umaga.
"Pagod lang sa trabaho," tugon niya sa anak. Vander grinned secretly at her. Tinaasan naman niya ito ng kilay at bahagyang pinandilatan. Napatawa naman ito ng mahina bago ibinalik ang tingin sa daan.
Gusto pa sana niyang matulog muna kanina sa hotel pero pinilit siya nitong bumangon. Sasamahan daw nila si Desiry na mamili ng isa pang kotse nito para hindi problema kung coding ang dati nitong sasakyan. She would have spare car.
"Gusto mong dito na lang muna sasakyan para makapagpahinga ka?" Vander asked her when they were already at the auto shop.
"Ehermm, parang alam ko na kung bakit pagod si Mommy," Desiry snapped. Napatingin pa silang pareho sa dalagang anak.
"I think so, too." Ayder muttered grinning at his sister.
"Kayong dalawa ha?" sita ng ama ng mga ito. Napatawa naman ang dalawa.
"Dad, I'm turning 19. That's fine!" balewalang tugon ng dalaga.
"As if naman hindi namin alam kung paano kami ginawa," Ayder said laughing.
Hinayaan na lamang niya ang mga itong magbiruan. Halata ba talagang pagal siya?
"Ang dumi ng utak niyong dalawa." Vander said sternly.
"Dad, we are your children. Mana-mana lang yan." Desiry answered back before walking out of the car laughing. Sumunod din ang kapatid nito.
Nagkatinginan pa silang mag-asawa. Parang gusto niyang matawa sa itsura ni Vander. Pikon yata ito lagi kapag tinutukso ng dalawa.
"Pa-obvious ka kasi." Natatawa niyang saad sa asawa.
"Nakisama ka pa. Dapat ako lagi ang kinakampihan mo."
Napatawa na lang siya sa sinabi nito at hindi na sumagot pa.
Sabay silang umibis mula sa sasakyan at sumunod sa dalawang anak na excited tumingin ng kotse.
"Dad, gusto ko yung four-seater na Ferrari," Desiry requested as they were looking around kasama ng car sales agent.
"Tamang-tama po itong Ferrari FF. Pang-racing yung speed niya pero convenient din gamitin sa road trip kasi hindi mo mararamdaman kahit lubak 'yong daan."
"Dad, ito na please?" Desiry requested.
"Let's ask the boss." Tugon naman ng asawa at bumaling sa kanya. Nakaakbay ito sa kanya. Desiry even laughed at her father's remark.
"As long as it's easy to use and safe. That would be okay." Tugon na lamang niya.
"How much is it?" tanong ni Vander habang pinapasadahan ng tingin ang kotse.
"17.5 Million, sir. Included po na lahat ng processing and licensing fee."
Napalunok si Aubrey pagkarinig sa presyo.
Ganoon na talaga kamahal ang mga sasakyan ngayon?
"Mura na kung ganon," Vander muttered. Napatingala siya sa asawa.
Wow ha? 17.5 Million, mura?
"Oops, ayaw yata ni boss." Vander told Desiry when he saw her reaction. He was grinning ear to ear.
Inirapan naman ito ng anak. Napakunot-noo siya sa dalawa.
"Sorry, baby. Gustuhin ko man kung ayaw ng boss wala tayong magagawa," Vander uttered smiling. Nagpigil siya ng ngiti.
Parang alam na niya kung bakit inirapan ito ng anak. Vander's teasing Desiry. Parang gumaganti ito kanina sa ginawang pangangantiyaw ng anak.
"It's too expensive. Spare car mo lang naman 'di ba? Besides, your pink Cadillac is already expensive." She commented.
Vander winked at her. Pinisil pa nito ang balikat niya.
"Mom, I would use it, too. So it has to be high quality." Desiry said in defense.
"Vios na lang kaya? Okay din naman iyon." suhestiyon niya at hindi pinansin ang sinabi ng anak. Iyon kasi ang model ng kotse niya.
"Mom, are you serious? I'm a Filan's daughter. I deserve the best."
Napatawa siya sa sinabi ng anak. Alam na niya kung ano ang namana nito sa ama.
"Remember, you're my daughter and I am not a Filan." She muttered joking.
"Haluhh, Dad oh? Si Mommy, hindi daw Filan." Tudyo ni Desiry. She was taken aback when Vander released her shoulder.
"Gano'n ba?" bulong nito bago lumayo. He looked around the displayed cars.
Nagtampo?
"Mommy, hala!" tudyo ng anak. Itinaas pa nito ang hintuturo. Napatawa pa si Ayder sa ginawa ng kapatid. Hindi niya pinansin ang anak at sinundan ang asawa.
"Vand, bakit?" tanong niya sa asawa ng malapitan ito.
He inhaled deeply.
"Hindi ka Filan?" he asked seriously.
Her forehead creased as she smiled.
"It was supposed to be a joke. Para kang bata." Natatawa niyang saad sa asawa. Hindi ito sumagot at ibinalik ang tingin sa mga nakahilerang sasakyan na kunwari ay sinusuri ang mga ito.
"I don't mean it." She whispered. Agad siyang pumunta sa harap nito at yumakap. Tiningnan niya ito sa mga mata. Vander stared back.
Hindi nagtagal ay ngumiti rin ito at hinapit siya sa baywang.
"It's time that you get reminded that you are a Filan," he whispered nuzzling her cheek. She chuckled a bit.
"Ang yucky dad!"
They both looked at Desiry.
"Nakakasuka 'yang style niyo. Hindi na kayo teenager." Nagkunwari pa itong nasusuka. Ayder was laughing behind his sister.
"Akala ko ba alam mo kung paano kayo nagawa?" Vander asked laughing. Niyakap pa siya nito ng mas mahigpit.
"I know but I don't intend to see it with my naked eyes." She said stucking her tongue out. Napatawa naman ang ama nito. The sales agent even laughed at them.
Napatingin siya sa mag-ama nang ilahad ni Vander ang kamay nito sa anak. His other hand is still snaked around her waist.
"As in now?" Desiry asked.
"Yes, akin na." Vander said smiling. He released her waist.
Desiry opened her bag. Nagpalipat-lipat lang ang tingin niya sa mag-ama.
Her heart rumbled when Vander fell down on his knees.
Mas lalo siyang kinabahan nang iabot ni Desiry sa ama ang isang kahita.
"Aub, it's already been two decades since you became a Filan. Nakalimutan mo na rin yata," natatawa nitong umpisa.
Napasinghap siya ng buksan nito ang kahita. There lays a diamond ring.
Her heart thumped faster.
Is this a proposal? But they are already married?
Bigla siyang natuliro.
"Please let me remind you again, how was it to become a Filan. Marry me, again on our 20th wedding anniversary." He said looking up at her.
Hindi na niya napigilan ang karambola sa dibdib niya.
Napaluha siya. Ilang linggo na lang pala ay anniversary na nila.
How could she ever forget?
She looked at her kids. They are smiling at her. Nang mapatingin siya sa asawa ay nagpunas pa ito ng pawis.
"Get up please. It's a yes. It will always be a yes." She said nodding many times.
Tumayo naman si Vander at yumakap sa kanya ng mahigpit. The ring perfectly fits her. Alam na alam talaga nito ang size ng daliri niya.
She didn't protest when Vander kissed her deeply.
"Aw, porn!" Desiry and Ayder said in chorus. Napahiwalay sila sa isa't-isa at nagkatinginan.
"Kuya yung Ferrari FF ang kukunin namin, sigurado na 'yon! Good mood sila pareho!" Natatawang baling ng dalaga sa sales agent. Napatawa naman ang lalaki.
The kids gave them a group hug.
"Ang ganda ng proposal mo, ah! Halatang pinaghandaan." Kantiyaw niya kay Vander. Napatawa naman ang dalawang anak na nasa backseat. Pauwi na sila ng bahay.
"Sinabi mo kasing hindi ka Filan, I panicked." Depensa ng asawa.
"Ang sabihin mo dad, atat ka masyado!" Ayder butted in.
"Oo nga. Pa-plano-plano pa na dapat sa harap ng buong pamilya sa magkabilang side. Hindi naman pala." Desiry said teasingly.
She looked at Vander. Napakamot naman ito sa batok.
"Nagbago ka na talaga 'noh? Hindi ka na impulsive." Natatawa niyang saad sa asawa. It was just a joke.
"It's not being impulsive. It's called timing." Depensa ulit nito. Napatawa naman sila.
"Timing ba 'yong agad-agad?" Desiry asked laughing.
"Tigilan niyo nga akong tatlo. Aubrey, akala ko ba kakampi na kita ngayon? Bakit parang sumasama ka na naman sa mga nanghahamak sa akin." Nagtatampo nitong hayag.
"Nanghahamak? What a word? We are just teasing you." She said laughing. Hindi naman ito sumagot.
She moved closer and gave him a peck on the cheek.
"Sorry na. Kakampi mo naman talaga ako eversince kaya dapat makinig ka sa akin lagi." She said smiling. Vander didn't hide his smile.
"Ang corny!" "Parang bata!" Sabay pang hiyaw ng dalawa sa likod.
"Inggit lang kayo!" baling ni Vander sa dalawa. The kids laugh at their father.
She smiled inwardly. After everything that were said and done, who would say that this time will come? Ito ba yung sinasabi ni Vander na timing?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top