32: Together?
Sometimes you think it was gone but it was always there all along. –jazlykdat
Aubrey
Vander wasn't around at dinner time. She texted him once pero ni hindi ito nagreply. She was waiting for his call pero hindi ito tumawag.
Akala niya okay na sila. Bakit parang hindi naman yata sila mag-asawa? He didn't even inform her na hindi ito makakauwi ng maaga.
Nakatulugan niya ang inis sa asawa.
Pagkagising kinabukasan ay naabutan niya itong nasa komedor at kumakain na ng agahan. He took Deshima from her embrace. Bahagya siyang nasaktan pero binalewala na lang niya ang nararamdaman dahil nasa hapag din ang mga anak at mga biyenan.
Isang minuto lang yata nitong binuhat ang bata bago ibinalik ulit sa kanya.
"I have to go to the office early," saad nito nang maibigay sa kanya ang bata. Ni hindi niya alam kung kanino ito nagpaalam.
Sa kanya ba? Sa mga bata? O sa mga magulang nito?
Aligaga siya buong araw. Hindi niya kasi mawari ang nangyayari sa kanilang mag-asawa. Simula kahapon nang tanungin niya kung puwede silang sa kuwarto nito tumuloy ng anak at hindi siya binigyan ng diretsong sagot ay hindi na sila nagkausap ulit. Ni hindi niya alam kung anong oras na ito nakauwi kaninang madaling araw.
She kind of expected that they'll be okay. He said he loves her still but he's sort of ignoring her.
Pinaglalaruan ba nito ang damdamin niya?
Ni hindi ito nagtext o tumawag sa kanya buong araw. Hindi tuloy siya makapagtrabaho ng maayos. Kaya naman nang yayain siya ng kaibigan na mag-dinner sa labas ay sumama na lang siya para maaliw. She just texted Desiry to tell her grandparents about it.
Nagulat siya nang madatnan si Vander pag-uwi ng bahay. Nginitian lang niya ito bago tumuloy sa elevator.
Sumunod ito sa kanya at sumakay din.
"Are you still mad at me?" He asked when the elevator closed.
"Nope? Why?" Tipid niyang tugon.
"Hindi kasi halata." Natatawa nitong saad bago siya kinabig at inakbayan. Hindi niya talaga ito maintindihan. Now, he's being sweet again.
"Huwag ka nang magtampo, boss." Bulong nito sa tainga niya.
Inis siyang tumingala sa asawa. Nakangisi naman ito sa kanya.
"Sige, welcome na kayo ni Deshima sa kuwarto. Ikaw talaga! Para 'yon lang nagtampo na." natatawa nitong saad at pinanggigilang halikan ang tuktok niya.
Iniisip pala nito na nagtampo siya sa pagtanggi nito. Nakakatampo naman talaga pero hindi naman iyon ang mas ikinasasama ng loob.
"Hindi lang 'yon. Dapat nagsasabi ka rin sa akin kapag hindi ka makakauwi ng maaga." Saad niya sa asawa. Ni hindi man lang kasi nito sinagot ang text niya.
"Iyon ba? Sorry, nawalan ako ng pagkakataong magreply. Inasikaso kasi naming magkakapatid 'yong paghuli sa nagnakaw sa kumpanya."
Natigilan siya sa sinabi nito.
"Nahuli niyo na ba?" Parang nakunsensiya pa siya. May iba pa nga pala itong problema. Napaka-selfish niya talaga. Ni hindi niya naisip, nainis siya agad sa asawa.
"Yes, he was in Macau. Sumama ako kahapon sa Interpol para hulihin."
Tumigil ang elevator sa third floor kaya sabay silang lumabas.
"Hindi ba nag-lunch lang tayo kahapon?" tanong niya rito. Vander smiled.
"Susundan kita dapat sa opisina niyo kaso pinagmadali ako ni ate Vanna na pumunta ng airport. I wasn't able to call you. I'm sorry." Paliwanag nito. Napatango siya.
"Okay lang. Ang importante nahuli niyo na." tugon na lamang niya. Next time she'll try to understand Vander's situation before overthinking their situation.
"Yes, lucky charm talaga kita, boss." Nakangiti nitong saad. Kinabig nito ang baywang niya.
"Huwag mo nga akong binobola. Yung ninakaw na pera naibalik ba?" napapailing niyang tanong. Hindi niya maiwasang mapangiti.
"Not all. He was able to spend a hundred million. But it's okay. It's just a hundred." Vander shrugged.
Napatango na lang siya. It's just a hundred million? Ang yaman.
"Bakit ka nga pala sumunod sa akin dito?" Natatawa niyang tanong nang sumunod itong pumasok ng kuwarto.
Nadatnan nilang pinapatulog na ng yaya si Deshima.
"I'm fetching you and Deshima." Nakangiti naman nitong tugon.
"For real?" She asked smiling. Ngumiti din ito.
"Ayaw mo ba?" Balik-tanong nito.
"Gusto ko. Baka naman bawiin mo pa!" Natatawa niyang sagot.
"Baliw ka talaga minsan." Natatawa nitong komento. Napatawa na lang din siya. Her heart is beating fast. Nae-excite siya na hindi niya maintindihan.
Kumuha siya ng ilang gagamitin nila ni Deshima bago sila bumaba ng second floor.
Dirran was ecstatic when they told him na doon na sila ni Deshima matutulog sa kuwarto. Tumalon-talon pa ito sa kama.
Nakabihis na siya at mag-aayos na para matulog nang makarinig sila ng katok. Mahimbing nang natutulog sina Deshima at Dirran sa kama. They both stared at each other.
Magkasunod silang nagtungo sa pinto.
"Mom, Dad, why?" tanong ni Vander nang mabuksan ang pinto. Nasa likod siya ng asawa kaya hindi niya makita ang mga biyenan.
"Where's Aubrey?" Lianna asked.
Humawak siya sa baywang ng asawa at nahihiyang sumilip sa may pinto.
"Nandito ako, 'my." Tanong niya rito. Pinamulahan siya nang tumingin ito sa mga kamay niyang nakahawak sa baywang ni Vander.
"You'll gonna sleep here? Are you sure?" Lianna asked. She doesn't sound hostile.
"Yes, mom." She answered. Pakiramdam niya ay mas lalo siyang pinamulahan. Vander caressed her hand to calm her.
Napatango naman ang biyenan. Ang biyenang lalaki ay nakangiti lang sa kanilang dalawa na parang nanunudyo.
"Tara na," Lianna muttered to Vaughn before turning away. Natatawa namang sumunod ang biyenang lalaki.
"Si mommy talaga." Napapailing namang komento ni Vander nang isara nito ang pinto.
"Bakit?" tanong niya sa asawa. Yumakap siya sa baywang nito.
"She's too nosy. Para namang may gagawin akong masama sa'yo." Tugon nito. He snaked his arms around her shoulder.
"Wala ba?" Nakangiti niyang tanong rito.
"Tulog na ang mga bata." She glanced at the kids and smiled seductively at him.
"Wala, matulog na tayo. Ikaw talaga!" Natatawa nitong saad at nauna sa kama.
Pinagitnaan nila ang ang dalawang anak.
"Ayaw mong lumipat dito sa tabi ko?" tudyo niya kay Vander nang nakahiga na sila.
"Stop teasing me, Aub." He mumbled.
"I was just asking." Natatawa niyang saad.
"Whatever! I'm sleeping. Good night, boss." Saad nito at pumikit na.
Kakasuhan kaya siya kapag binato niya ang asawa ng lampshade?
Naiinis na siya sa pagpapakipot nito.
Huwag nitong sabihing na-trauma ito? Ang lagay ito pa talaga ang na-trauma?
Napailing na lang siya sa naisip.
She stared at the three. First time itong nangyari. It feels great to sleep next to them in one bed.
Ang akala niya dati ay na-trauma siya kay Vander kaya ni halik ay hindi niya mapagbigyan noon si Charlie pero hindi lang pala talaga niya kayang ibigay ang sarili sa ibang lalaki. Si Vander pa rin pala talaga. And Deshima is the evidence that it was always Vander all along.
"Vander Lewis Filan, wait 'til you become mine again." She said staring at her husband. Nakapikit na ito.
"Stop being dramatic, Aub. I was always yours." Tugon nito ng nakapikit. Ngumiti pa ito ng nakakaloko. Shocks, akala niya ay tulog na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top