23: Beef Broccoli
Things will always be different when we get older and matured. –jazlykdat
Aubrey
"Don't talk to any man on the plane," bilin ni Vander kay Desiry. Inihatid nila ito sa airport dahil mauuna na itong uuwi ng Pilipinas.
They spent the whole week going around L.A. It was a good bonding moment for them. Kahit na dumidistansiya lagi si Vander at palagi itong may kausap sa telepono. Nasasaktan siya ngunit iniisip na lang niya na mabuti na rin iyon kaysa sa dati nilang sitwasyon.
Lumipat na rin sila sa isang apartment na may apat na bedroom. It's a 2-floor apartment. Sa taas ay may tatlong rooms na inokupa nilang mag-iina. Sa baba ay may isang bedroom na inokupa nina Vander at Dirran. The kid seems so fond of his father. Paunti-unti na itong nakakapagsalita ng buo. Madalas niyang makita ang mag-ama na nag-uusap. Pakiramdam nga niya ay hindi na nito kailangan ng therapist dahil natututo na ito sa ama.
"Dad, you're so overprotective. Wala na nga akong katabi sa plane 'di ba?" natatawa namang tugon ng dalaga. Tahimik lang siyang nakinig sa usapan ng mag-ama.
"Yes pero paano kapag may lumapit sa 'yo? Bakit ba kasi ayaw mong mag-private plane?" sagot naman ni Vander.
"Daddy talaga paranoid!" Napapailing lang na saad ng anak bago hinalikan si Dirran sa pisngi na nakahawak sa kamay ng ama.
"Take care, li'l bro. Galingan mo sa sessions mo ha?" bilin nito sa kapatid bago ito niyakap.
"Dirran, tell ate, "No boys!" dali." Untag ng ama nito. Parang gusto niyang matawa sa inaakto ng asawa.
"A-ate, non-no boys!" saad naman ng kapatid nito.
They all laugh at what he said. She was glad to see that Dirran only tilted his head twice while saying it. Dati ay hirap na hirap ito.
"Dahil ikaw ang nagsabi, susundin ko!" Natatawa namang tugon ni Desiry. Mas lalo silang natawa sa sinabi nito. Dirran also giggled.
Tumayo ang anak at humalik sa pisngi niya bago kinarga ang kapatid saglit at hinalikan.
"Take care, mom." Saad nito.
"Ikaw ang mag-ingat sa biyahe, anak." Tugon naman niya rito. Napatango naman ang dalaga. Ayder also said his goodbye bago tuluyang pumasok si Desiry sa loob. When they could no longer see her back saka sila nagpasyang bumalik sa sasakyan.
Pagdating sa apartment ay humiwalay na naman ang mag-amang Vander at Dirran. Agad na pumasok ang mga ito sa kuwarto. Si Ayder naman ay umupo sa couch at nakatutok na sa phone nito.
She felt empty. Wala kasi si Desiry na lagi niyang kausap.
Ilang minuto siyang nakaupo sa couch nang lumabas ang mag-ama. May hawak na laptop si Vander at dumiretso sa porch. He saw him set his laptop habang tahimik lang na umupo si Dirran sa isang upuan. Dirran is surprisingly disciplined. Dati kapag nagtatrabaho siya noon online lagi nitong gustong makialam sa ginagawa niya at nagwawala kapag hindi pinagbigyan.
Inilapag niya sa crib ang natutulog na anak at pinabantayan kay Ayder bago nagtungo sa kusina.
She prepared snacks for them. She gave Ayder a glass of pineapple juice and tuna sandwich bago dinalhan ang mag-ama sa porch.
Sinadya niyang dumaan sa likod ni Vander para makita ang kausap nito sa monitor. Nasilip niya kasi na kanina pa ito may kausap doon.
Nakahinga siya nang maluwag nang makita ang sekretarya nito sa screen. Nagulat lang siya nang kumaway ito sa screen, napalingon tuloy si Vander at nahuli siyang nag-uusyoso. He put down the headset at tumitig sa kanya.
"D-dinalhan ko lang kayo ng snacks." Saad niya habang inilalapag ang tray sa mesa. She didn't dare look at him.
Dirran immediately took a sandwich.
"Slow down, son." Saway ng ama nito nang kukuha din ito ng isang basong juice. Napangiti siya nang makitang nagdahan-dahan naman ang bata.
"Dirran, what did I tell you when someone gives you something?" saad nito sa bata. Saglit naman itong tumingin sa ama na mukhang nag-iisip bago bumaling sa kanya.
"T-thank you, mommy." Saad nito bago itinuloy ang pagkain.
She felt teary-eyed with her son's gesture. Nilapitan niya ito at hinalikan sa tuktok. Ang dami talaga nitong natututunan sa ama. Dati kasi ayaw makinig sa kanya ng bata kapag tinuturuan niya ng mga ganoong bagay. He's having a hard time talking until he gets frustrated.
"It's my pleasure, baby." She mumbled wiping her tear. Napatingin siya kay Vander na nakatingin din pala sa kanila. She mouthed "thank you". Tinanguan naman siya nito bago ibinalik ang tingin sa laptop.
She stayed there for a while at inalalayan ang anak habang kumakain. Pansin naman niya ang mga pagsulyap ni Vander. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng mga sulyap nito. Pakiramdam niya ay nakakaistorbo na siya kaya nagpaalam na lamang siya.
They were so silent during lunchtime. Wala na kasi si Desiry na laging nagbubukas ng usapan.
Hindi na lang din siya nagsasalita. It was her first time to cook lunch since they arrived in the apartment. Lagi kasi silang sa labas kumakain ng lunch at dinner.
"Marunong ka na pa lang magluto." It was Vander who spoke first.
Napatango siya. Pakiramdam niya ay pinamulahan siya sa sinabi nito. Hindi talaga kasi siya marunong magluto noon. They have their own maids at home kaya hindi siya kailanman nag-prepare noon ng pagkain.
"The food's delicious mom especially the beef broccoli. It is dad's favorite." Ayder seconded.
"Thanks," she mumbled smiling at her son. Napasulyap siya sa asawa na patuloy lang na kumakain. Alam niyang iyon ang favorite ni Vander kaya niya niluto. He loves everything with beef and broccoli.
"I just wished it would be a little salty." Komento naman nito.
Napatango na lamang siya. Akala pa naman niya ay nagustuhan nito dahil mukhang magana naman itong kumakain. Nagbaba siya ng tingin. Para sa kanya ay sakto lang naman ang lasa. She knows his taste of food. Maliban na lang kung nagbago na ang panlasa nito. Sabagay, mahigit isang dekada silang hindi nagkasama.
She was thankful nang umiyak si Deshima para may dahilan siyang umalis sa hapag. Hindi na kasi siya kumportable. Nasa living room kasi ang crib ng bata.
Nagulat siya nang makitang lumapit si Vander sa kinaroroonan niya. She was seated at the couch with Deshima in her arms.
"I saw this at the kitchen counter." Ipinakita nito ang bowl ng mashed squash na inihanda niya para kay Deshima.
"Kumain ka na muna. Ako na ang bahala kay Deshima." Saad nito. Inilapag nito ang pagkain sa center table at akmang kukunin ang bata sa kanya pero nahihiya niya itong inilayo.
"Ako na lang ang magpapakain," tugon niya sa asawa.
"Ang konti pa lang ng nakain mo. Sige na, akin na si Deshima" giit nito. Ibinigay na lamang niya ang baby at hindi na nagsalita pa.
She stood up and started walking towards the dining area but she stopped when vander called her name. Napalingon siya rito. Kandong nito si Deshima at mag-uumpisa nang pakainin.
She stared at him with questioning eyes. Tumitig naman ito sa kanya.
"The beef broccoli is fine." Saad nito bago hinarap ang anak at pinakain.
Her heart started pounding fast.
Hindi pa niya alam kung ano ang sasabihin. Ngumiti na lamang siya ng tipid bago tumalikod at hindi na sumagot.
"Mom, why are you smiling?"
Nagising siya mula sa pagkatuliro nang magsalita si Ayder. Malapit na pala siya sa lamesa. Hindi man lang niya napansin na nakatitig pala ang dalawang bata sa kanya.
"Yey! Ha-happy si mommy!" sigaw ni Dirran. Agad naman niya itong sinaway. Ang lakas kasi ng boses nito at ang klaro pa ng pagsasalita. Now, she doesn't know if she'd be happy at his speech progress.
Sumilip siya sa sala kung nasaan si Vander. She saw him averting his gaze from the dining area. Nakangiti nitong sinubuan ang anak.
She doesn't know what to feel about what happened. It was one of the traits she can't get over with. Ang hirap niyang itago ang pagkakilig kaya alam lagi noon ni Vander kung gusto niya ng ginagawa nito o hindi.
She spent the entire afternoon upstairs. Inihanda niya kasi ang gamit ng dalawang bata. Dirran will start his sessions the next morning. Papasok na rin ang binatilyong anak sa bago nitong eskuwelahan. Napag-usapan nilang ihahatid ni Vander at susunduin ang mga bata.
It was late afternoon when Ayder and Dirran came inside the room.
Iniwan na muna niya si Deshima sa dalawa.
She went to the kitchen para magluto nang maabutan niya si Vander doon na nagpre-prepare ng ilulutong ulam. He's cutting different vegetables. Nakasalang na rin ang rice cooker.
Marunong na din pala ito sa kusina. Marami na talagang nagbago sa asawa. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang mapatingin ito sa direksiyon niya. Their eyes met for a fraction of second bago ito nagbaba ng tingin at itinuloy ang ginagawa.
May beef na rin sa table at mga ingredients sa paggawa ng cream sauce.
"Don't tell me you'll just stand there?" basag nito sa katahimikan. Pinamulahan pa siya sa sinabi nito.
"May maitutulong ba ako?" tanong niya rito. She gathered her composure and walked towards him.
"Do you know how to cook vegetable stew?" tanong nito.
"Of course."
Kailangan ba talaga tanungin pa siya? Pinasosyal lang naman iyon na nilagang gulay.
"Okay then, ikaw na ang magluto ng gulay. I'll cook beef Stroganoff." Hayag naman nito. Napatango na lang siya. So, that explains the cream sauce ingredients.
She started stewing the veggies while Vander is slicing the beef thinly. Wala silang imikan. Pero paminsan-minsan silang napapasulyap sa ginagawa ng bawat isa.
She suddenly blushed when Vander caught her glancing at him. Hindi niya tuloy nabawi agad ang tingin niya.
Vander shook his head and smiled before continuing where he left off.
Nang matapos ito sa paghiwa ay lumapit ito sa stove at inilagay na ang paglulutuan. She's almost done. Iba-iba kasing gulay ang nilalaga niya kaya hindi puwedeng pagsabay-sabayin.
After he finished cleansing the beef, he also started cooking beside her. Mabuti na lang at hindi sila nagkakabanggaan ng braso. Pinipigilan niya ang puso sa bilis ng pagtibok nito pero wala yata itong balak tumigil.
Hindi niya napigilang mapatingala sa katabi kaya't nagkahulihan na naman sila ng tingin. Her heart beats raced even more. Dapat talaga nag-blush on na lang siya kanina para hindi mahalata ang pamumula ng mukha niya.
Vander chuckled and shook his head bago itinuloy ang pagluluto. Her heart pounds erratically.
"I was just wondering what if--" Vander started saying but later shook his head.
"What if?" tanong niya rito. She took that opportunity to inhale deeply to stabilize the beating of her heart.
"Paano kaya kung saka lang tayo nagpakasal noong marunong na tayo sa mga ganitong bagay?"
Vander stared at her. "Okay pa rin kaya ang marriage natin hanggang sa ngayon?" Mabilis nitong dagdag.
His question left her dumbfounded. Pakiramdam niya ay may natitira pa talagang pag-asa sa puso ng asawa na magiging okay pa sila.
Napatungo at huminga ng malalim.
She tried to gather her strength to tell him, they might still stand a chance to fix everything but she lost for word.
She stared at him. His eyes are also fixed on hers.
She tries to speak but whenever she opens her mouth, she forgets the words she was about to utter.
Napatingin sila pareho sa bukana nang kitchen nang marinig ang iyak ni Deshima.
"Mom, I can't pacify her." Ayder stated referring to Deshima while walking towards them.
"Ako na muna dito," saad naman agad ni Vander at kinuha na ang sandok na hawak niya.
Dinaluhan na lamang niya ang anak. Agad naman itong tumigil sa pag-iyak nang buhatin niya.
"M-mommy, daddy lu-luto, luto!" Dirran squealed happily. Napatawa pa silang pareho ni Vander at nagkatinginan.
"Gusto mo rin bang magluto?" natatawang baling ni Vander sa bata. Napailing naman ito.
"D-daddy kiss mommy!" malakas nitong saad sa ama. Nagkatinginan silang mag-asawa.
"Dirran, stop! Kiss? Ang bata-bata mo pa!" Pinandilatan ito ni Ayder.
"N-no! Daddy kiss mommy!" sigaw nito. His face became angry. Tumitig na naman ito sa sahig.
"Ki-kiss ko si mommy?" tanong naman ni Vander sa anak. Tumango ito at tumingin sa ama.
"Saan ko iki-kiss si mommy?" Vander asked smiling at the kid.
"Dad!?" Ayder reacted. Itinaas naman ni Vander ang dalawang kamay bago bumalik sa niluluto. Dirran went to him at hinila ang laylayan ng t-shirt nito.
"Dirran, anak. Hindi puwede." Saway nito sa bata na nagdadabog na.
"Kiss!" Dirran shouted.
"Come to kuya, Dirran. Let's play." Yaya ni Ayder sa kapatid para mailihis sa hinihiling nito pero tumingin ito ng masama sa kapatid.
"No!!!" Dirran shouted. "Kiss mommy!" Hinila ulit nito ang damit ng ama at itinuturo siya.
"It's just a kiss!" She blurted para matapos na ang pagwawala ng bata. Her heart started racing when the three looked at him. Dirran seemed to understand what she said because his face suddenly lit up.
"Mom?" Ayder muttered. Nginitian na lamang niya ang anak.
"Okay, sa noo lang." Vander said. Hindi niya alam kung kanino nito sinabi ang mga katagang iyon.
Para ba kay Ayder na halatang tutol sa sinasabi ng kapatid?
Para ba sa kanya at nanghihingi ng permiso? O kay Dirran?
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang lumapit ito. He inhaled deeply when he was inches away.
Dahan-dahan itong yumuko. Hindi niya alam kung bakit siya napapikit. It feels like the first time. Para siyang teenager na kinabahan paglapit ng bibig nito. Pakiramdam niya ay nagsitaasan ang balahibo niya sa batok nang maramdaman ang hininga nito sa noo niya.
His lips were cold. Ninenerbiyos ba ito? Parang noon lang. Kung gaano katagal ang paghintay niya sa pagdapo ng bibig nito sa noo niya, para namang kisapmata ang paglayo nito. If it was not for the familiar beating of her heart, she wouldn't even believe it actually happened.
She slowly opened her eyes. Vander is back on his cooking while Dirran is hopping like he won the lottery.
Halik lang sa noo, pakiramdam niya ay tumigil na ang pag-ikot ng mundo...
Well, maybe because that gesture reminds her of the times when Vander respects her as a woman.
"Mom, are you okay?" Ayder asked. Napatango siya at nginitian ang anak. Maybe he's nervous that what happened two years ago will be repeated. The case was a nightmare to him and Desiry. She knows that.
She was taken aback when Vander went back infront of her. Dumagundong ang kaba sa dibdib niya nang kabigin nito ang ulo niya at hinalikang muli sa noo. His lips were no longer cold.
"I missed you, Aub." he whispered before going back to what he's doing.
Her eyes welled up not because she was aggravated but because she felt the same way when he kissed her the first time. Parang bumalik ang lahat ng nararamdaman niya noong pagmamahal sa asawa. All this time, nakabaon lang pala ang pagmamahal na iyon sa puso niya. Natabunan lang ng galit at sama ng loob.
She stared at his back. Bigla na lang nakaramdam ng panghihinayang ang puso niya sa panahong lumipas.
Bago pa man tuluyang bumagsak ang mga luha niya ay tumalikod na lamang siya at umalis ng kusina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top