22: Uweee! Haha!
This has always been the irony of life. You'd only know its worth when it's gone. -jazlykdat
Aubrey
Vander didn't join them for dinner. Sinabi nito sa mga anak na hihintayin na lang muna nitong magising si Dirran para may kasama itong kumain.
Nakaramdam siya ng lungkot sa pagdistansiya nito. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na baka pinagsabihan ito ng babaeng kausap kanina na layuan siya.
After dinner, she had a heart-to-heart talk with the kids. She wanted to find out why they are no longer mad at her.
"Bata pa kami, lagi nang sinasabi ni Daddy na huwag kaming magalit sa 'yo." Desiry answered smiling a little.
She was so busy nurturing her anger while Vander's pacifying their children in her favor.
"Kung magagalit daw kami sa 'yo mas dapat daw kaming magalit sa kanya kasi siya ang dahilan kaya ka umalis." Ayder seconded.
Hindi niya mapigilang ma-guilty sa mga naririnig mula sa mga anak.
"That's why when we had those chances to talk to you over skype we never said anything bad to you." Dagdag ng binatilyong anak.
"Masakit lang talaga noong pinakulong mo si Daddy. He was the only parent we got while growing up. I'm sorry mom for saying those things to you. But that's how I felt." Desiry stated.
She can't help but wipe a tear.
"I understand." She whispered while trying hard not to sob.
"Mee said nobody has the right to judge a mother who abandoned her children. Kasi may mabigat daw na dahilan ang lahat ng ina para tiisin ang hindi makita ang kanilang mga anak."
Tuluyan na siyang napaluha sa pahayag ni Desiry. Her mother in-law had always been so nice to her ever since. Lahat naman ng mga Filan ay naging mabait sa kanya.
"And she was right, mom. Dirran needed you more than us."
Hindi niya napigilang yakapin ang anak sa pagiging mabait nito sa kabila ng lahat ng nangyari.
"Don't cry mom. Naiintindihan na namin ngayon." Ayder whispered. Sa halip na kumalma ay mas lalo siyang napaiyak.
"But what I did was unforgivable. I abandoned you." She hugged both of them.
"No, mom! I know that you love us both. You just didn't have the choice. Sabi nga ni Daddy kung hindi mo raw kami mahal, dapat noon pa lang ipina-abort mo na kami." Desiry said chuckling while wiping her tears.
Kumalas ang mga ito sa pagkakayakap at tumingin sa kanya.
"Sabi nga niya sa amin, hindi ka daw handa noong nagbuntis ka kay Ayder but you still carried him in your womb for nine months. Kung ayaw mo daw sa kanya dapat noon pa lang hindi mo na siya binigyan ng pagkakataong mabuhay."
Her shoulders shuddered as tears rolled down her cheek realizing how profound Vander is.
Muling yumakap ang mga anak sa kanya.
Hindi niya akalaing ganoon ang paliwanag ni Vander sa mga anak nila para lang isaisip ng mga ito na mahal niya ang mga ito.
She always think of him as an antagonist eversince their marriage was shaken. Pakiramdam niya noon ay wala na itong gagawing tama.
Lily and her family were right, may mga pagkukulang din siya kaya nagkandaloko-loko ang relasyon nila.
It took them minutes hugging each other.
Natatawa silang tatlo na bumitaw nang pare-pareho silang mahimasmasan.
Hindi siya makatulog. She kept caressing Desiry's face while sleeping. Her little princess is already a lady. Pinagitnaan nila si Deshima na mahimbing ding natutulog.
There are a lot of what if's in her mind.
Paano kaya kung bumalik din siya noon pagkagaling ng Dubai at hindi dumiretso sa Canada?
Would they have fixed their marriage?
Baka hindi rin. Galit pa kasi siya noon sa naging sitwasyon niya. She wanted to escape from Vander pero pinabaunan pa siya ng anak na espesyal.
She inhaled deeply and sat down. There is no use whining over the past. Nangyari na ang lahat. Ang kailangan niyang harapin ay ang ngayon na sa kasamaang palad ay mukhang mahirap nang ayusin.
Nakakapanghinayang ngunit parang mas madali na lang na pakawalan ang lahat kaysa ayusin.
That thought made her shiver. Dati lang gusto niyang makawala kay Vander, ngayong mukhang handa na itong pakawalan siya, saka naman siya nakararamdam ng sakit. This has always been the irony of life. You'd only know its worth when it's gone.
Ang dami naman kasing nangyari noon na sapat nang dahilan para matigil na ang lahat ng namamagitan sa kanila ni Vander.
She inhaled deeply and walked out of the room to calm herself.
Napatigil siya sa akmang paghakbang nang marinig ang asawa na may kausap sa telepono.
"I might not go back to the Philippines yet." Rinig niyang saad nito. Nakahilata ito sa couch. The television is turned on with low sounds.
"You may come here if you want." Saad nito matapos itong tumahimik ng ilang saglit.
She doesn't want to eavesdrop but she can't help it. Vander didn't talk. Malamang ay nagsasalita ang kausap nito. She doesn't want to think negative but her heartbeats are racing in a rhythm she doesn't want.
"Puwede ka namang pumunta dito anytime. Why wait for them to leave?" Tugon nito sa kausap.
"Okay. I'll tell you when Aubrey goes home with the kids." Tugon ulit nito. Mas lalo namang bumilis ang kabog sa dibdib niya.
Narinig niya ang pagtawag ni Dirran sa ama kaya mabilis siyang pumasok sa kuwarto bago pa nito makitang nandoon siya.
Napasandal siya sa likod ng pinto.
There are a lot of things running in her head. She has a hint kung sino ang kausap nito.
She waited for her heartbeats to stabilize bago siya kaswal na lumabas.
Naabutan niya ang dalawa na kumakain sa komedor.
"Hi!" alanganin siyang ngumiti sa asawa. Tumango lang ito bago itinuloy ang pagkain. She felt a spasm in her heart with his reaction.
"Mommy, eat?" Dirran mumbled smiling.
Napangiti siya sa tinuran ng anak. He's really showing some progress. She sat beside him. Naluluha niyang hinagkan ito sa ulo at tinapik sa likod.
Vander looked at her and smiled down.
Kahit sa pagkain lang ito ngumiti, okay na sa kanya iyon.
Umupo lang siya doon habang kumakain ang dalawa. None of them dared to talk.
Namasyal sila ng sumunod na araw. They went to Disneyland. Tuwang-tuwa si Dirran sa mga nagpaparadang Disney characters.
Desiry and Ayder seem not to be surprised. Maraming beses na din daw kasi silang namamasyal sa mga Disneyland sa iba't-ibang bansa. [Eh, di sila na ang mayaman! Hehe!]
They took turns in carrying Deshima except Vander dahil nakaalalay lang ito lagi kay Dirran.
"Dad, kung nakakapagsalita lang si Deshima magrereklamo siya, oh!" Natatawang biro ni Desiry sa ama habang buhat ang isang taong gulang na kapatid. Nagsisimula na kasi itong umiyak at pilit na iniaabot ang kamay sa ama para magpabuhat.
"Oh, baby sorry! Come Daddy will hug you." Kinuha naman niya ito mula kay Desiry at hinagkan sa noo. Deshima giggled. They all laughed at Deshima's reaction.
"Ay kinilig ang baby! Mana kay Mommy! Gustong-gustong hinahalikan sa noo." Vander exclaimed glibly. Napatigil sila sa pagtawa at napatingin rito.
"Ehemm, dad!" Ayder whispered teasing.
"Omg! Kikiligin na ba ako?" Desiry also commented.
She smiled remembering how she liked it whenever Vander kisses her on the forehead. Yung unang kiss nito noon sa kanya ay sa noo. She remembered smiling widely back then. Kinantiyawan pa siya nito at sinasabihang noo pa lang kilig na kilig na.
She looked at Vander. Ngumiti naman ito ng alanganin.
"Mommy Lianna likes to be kissed on the forehead." Saad nito.
Napalis ang ngiti niya.
"Oh, I thought it's mom. Gustong-gusto din pala ni Mee na hinahalikan sa noo." Desiry seconded.
Hindi na lamang siya nagreact at nagkunwaring hindi affected.
"Kailan nga pala kayo uuwing tatlo?" pag-iiba ni Vander sa usapan. Ibinalik nito ang bata sa kanya na agad naman niyang binuhat.
Kadarating lang nila kahapon, uwi na agad ang sinasabi nito.
"Ikaw hindi ka muna uuwi?" balik-tanong niya rito. Pinilit niyang maging kaswal kahit na gusto niyang magngitngit sa inis.
"Hindi na. Dirran should start his therapy the soonest possible time." Tugon naman nito.
"How about Ayder? Hindi ba muna ninyo aayusin ang transfer papers niya?" tanong niya habang tinitingnan ang mga anak na tahimik lang na tumitingin sa paligid.
"Madali lang iyon. Mom could just send it. So, kailan mo balak bumalik ng Pilipinas?" tanong ulit nito.
Nasaktan siya sa tanong nito. Parang gustong-gusto nitong makaalis na sila agad.
"Desiry can go first. Para hindi maantala ang pag-aaral niya." tugon niya rito. Ayaw niyang sagutin ang tanong nito.
"How about you?"
She inhaled deeply trying to calm herself. Pakiramdam niya ay talagang gusto nitong makaalis na siya. For what? Para makasunod ang Sienna na 'yon?
"I can stay longer. Isa o dalawang buwan siguro. Gusto ko rin kasing makita kung ano ang magiging effect ng therapy niya." tugon niya rito. Pinigilan niya ang pagngalit ng bagang niya habang nagsasalita.
"Akala ko ba hindi mo puwedeng iwan 'yong business niyo?" giit pa rin nito.
"Can I not change my mind? Bakit ba pakiramdam ko gusto mo na akong paalisin? Diretsuhin mo na lang kasi ako."
She wasn't able to control her emotions. Vander looked at her.
Bago pa man siya umiyak nang tuluyan ay tinalikuran na lang niya ang asawa at naglakad palayo.
She sat on a bench. She tried playing with Deshima to calm herself pero parang mas lalong sumama ang loob niya. Kamukhang-kamukha kasi ng bata ang ama nito.
Ilang minuto lang ang dumaan nang lumapit si Desiry sa kinaroroonan niya.
"Mommy, akin na muna si Deshima." Paalam nito bago binuhat ang kapatid mula sa kandungan niya. Desiry walked towards Ayder and Dirran. Sinundan na lamang niya ng tingin ang mga anak.
"What was that all about?" Vander asked as he sat on the bench leaving a space in between them.
Ngumiti siya ng mapait at napailing.
"Are you mad?"
Hindi niya sinagot ang asawa. Tinanaw na lamang niya ang mga anak sa di-kalayuan. Mukhang naghaharutan na naman ang mga ito.
"They look so cute together." Komento ng katabi niya. Hindi siya nagsalita. Napasulyap siya nang maramdamang lumapit ito sa kanya. He stopped when their arms were an inch closer.
She heard him inhaling deeply.
"Hindi naman kita pinapaalis." Saad nito.
"Don't worry I can pay my own accommodation here. Lilipat na lang ako ng hotel." Saad niya rito. Para naman may oras sila ng Sienna na 'yon.
"Ikaw ang bahala basta hindi kita pinapaalis." Tugon naman nito.
"Yeah but you ask me three times kung kailan ako aalis. You're so eager to send me away."
Vander didn't say a word. Mas lalo lang nadagdagan ang sapantaha niya na magkikita talaga sila ng dermatologist na iyon. Hindi naman niya masisisi si Vander kung mai-inlove ito sa babae, sobrang ganda naman kasi ng isang iyon. Ewan lang niya kung hindi retokada ang mukha no'n sa sobrang perfect.
Tatayo na sana siya nang pigilan siya ni Vander sa braso.
She stopped and looked at her arm.
"I'm sorry." Sambit nito at tila napapasong bumitaw sa pagkakahawak.
Hindi na niya itinuloy ang akmang pagtayo. They remain quiet for some time.
"You misunderstood me. Hindi kita pinapaalis." Basag nito sa katahimikang namagitan sa kanila.
"I was actually hoping you'd change your mind kaya tanong ako ng tanong." Saad nito. Bigla siyang napatitig sa asawa.
"I'm happy you changed your mind." He smiled.
Ang kaninang inis at panibugho ay unti-unting napalitan ng ngiti.
"Baka hindi ko alam ang gagawin ko kapag naulit yung pagwawala niya sa loob ng eroplano." Nakangiti nitong dagdag.
Her heart started pounding so fast.
Mas lalo itong bumilis nang unti-unting lumapit ang mukha nito. She thought for a moment he'd kiss her on the lips pero umangat ang mukha nito.
She closed her eyes as she smelled his manly scent. He waited for him to kiss her forehead pero naramdaman niya ang pagtayo nito kaya't agad siyang nagbukas ng mga mata.
"Puntahan na natin 'yong apat." Sambit nito. He's already standing at hinihintay siyang tumayo. Napatango na lang siya.
She inhaled deeply before standing up.
She thought for a moment magiging okay na sila pero hindi pa pala. Sinabi lang yata nito ang mga iyon para hindi na siya magalit.
Vander stopped walking and looked at her.
"Hanggang ngayon mabagal ka pa rin sa lakaran." Saad nito ng nakangiti.
Sa halip na mapangiti rin ay parang nalungkot pa siya pagkaalala sa mga pamamasyal nila noon.
Lagi siya nitong kinakantiyawan dati na mabagal especially when they hike. Madalas pa binubuhat siya nito kapag pagod na siya.
"Halika na nga!" Saad nito at inakbayan na siya saka mabilis siyang isinabay sa paglalakad. Bahagya siyang natuliro. Sumabay ang bilis ng tibok puso niya sa paglalakad nito. She didn't feel disrespected. Parang na-miss pa niya ang mga akbay nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top