20: Don't Mess with a Filan

The world does not revolve around you. Learn how to adjust. -jazlykdat

Aubrey

After Desiry's debut, hindi na sila umuwi ng condo dahil dumiretso na sila ng airport kinabukasan. Pupunta silang anim sa Los Angeles para ipakita si Dirran sa isang espesyalista. Ayaw magpaiwan nina Desiry at Ayder at ayaw din namang iwanan ni Vander si Deshima sa pangangalaga ng ibang tao kaya lahat sila ay kasama.

Gustong-gusto niyang itanong si Vander tungkol sa sinabi nito noong debut ng anak pero alam niyang siya lang din ang mapapahiya. This is what she wanted in the first place. Dapat nga maging masaya pa siya. Vander's already civil at ni hindi na siya kinakausap ng tungkol sa personal nilang issues. It's all just about the kids.

But she doesn't know why it hurts like hell. Hindi niya ito inasahan.

Kung maaari nga lang na hindi na siya sumama pero ayaw naman niyang wala siya kapag ipina-check up ang bata. She need to set aside her own feelings for the kid.




Halos isang oras nang umiiyak si Dirran mula ng lumipad ang eroplano at inaalo ng ama pero ayaw nitong tumigil. Kapag naman siya ang umaalo ay yumayakap naman agad ito sa ama.

Kinuha na nga rin ito ni Vander sa upuan nito at kinandong. Magkatapat na isahan kasi ang upuan sa loob ng plane kaya hindi sila magkakatabi, perks of a first class flight. Katapat ng upuan ni Desiry ang upuan ng ama nito.

Tumayo siya at ipinahawak ang anak kay Desiry para tulungan ang asawang patahanin ang bata. Kita na kasi niya ang yamot ng ibang mga pasahero na hindi makatulog sa ingay ng bata. Pero sa halip na tumigil ay itinulak lang siya ng anak. Sinenyasan naman siya ng asawa na bumalik na lang sa upuan. She can't do anything but oblige. Tiningnan na lamang niya ang dalawa.

"What do you want, son? Are you hungry?" he asked patiently to the kid. Tinawag nito ang attendant. Dinala naman nito ang cart kung saan maraming chocolates at chips.

"Get everything you want, c'mon!" saad nito sa anak. Dirran only fidgeted and wailed.

"Nooooo!" Sigaw nito at itinulak ang laman ng cart. Natapon tuloy ang mga iyon sa sahig.

"Gusto mong matulog? Let's go the private room," aya ulit nito sa bata. Binuhat niya ito pero nag-iiyak ito at itinuro ang upuan nila. He's yelling unrecognizable words. Hindi naman nito first time na sumakay ng eroplano. Malamang ay talagang may sumpong lang ito.

"You want some lollipops?" Desiry asked his brother. Inabutan niya ito ng isang pack ng lollipops. Kinuha naman ito ng kapatid at inakap pero hindi pa rin ito tumigil sa pagnguyngoy.

Alam niyang inis na inis na ang isang babaeng pasahero sa ingay ng anak. Nakita pa niya itong nakikipagdiskusyon sa isang attendant at itinuturo ang mag-ama. Nahiya tuloy siya. Hindi napapansin ni Vander ang babaeng nagrereklamo dahil busy ito sa pag-alo sa anak.

Ipinahawak niya ulit kay Desiry si Deshima at dinaluhan ang mag-ama. Ayder also went there pero ayaw talagang tumigil ni Dirran.

She saw the woman stood up and approached them. Pinipigilan naman ito ng attendant. She looked at Vander na inaalo pa rin ang anak.

"Mister, if you can't stop your son, can you just exchange place with my staff at the back? The kid's so noisy. I can't sleep." Mataray nitong saad kay Vander.

Vander looked at the woman.

"Can't you see? My son's special and he's having tantrums!" Inis na saad nito sa babae. He stood up. Buhat nito ang anak na nakahilig sa balikat nito at pumapalahaw pa rin ng iyak.

"I don't care if he's having tantrums. I just want my peace!" Mataray na sigaw ng babae.

"What do you want me to do? Inject him with sedative so he would stop?" Vander asked gritting his teeth.

Sandaling natuliro ang babae bago ito galit na sumagot.

"I took a first class flight so I could relax. So, please could you just exchange seat with my employee?!" giit ng babae.

Vander's jaw clenched. Gusto niyang pigilan ang asawa para wala nang gulo pero naitulos siya sa kinatatayuan.

"Hear me out woman. If you can not understand my son's situation, put your headset on, have it in full blast and fuck off!" sigaw nito sa babae.

Nagulat siya sa sigaw ni Vander. Naghalo na rin siguro ang pagod at inis ng asawa. Alam niyang mainitin ang ulo ni Vander, mabuti nga at hindi nito pinapagalitan si Dirran kahit na kanina pa ito nagwawala.

"You don't have the right to yell at her! Don't you know who she is?" Galit na lumapit ang isang lalaki na halatang mayaman din. Hinawakan niya ang braso ng asawa. Tumingin naman ito saglit sa kanya pero galit pa rin itong bumaling sa lalaki.

"I don't care who the hell she is! You don't have the right to tell me where to sit inside OUR fucking plane!" Sigaw nito. May mga flight attendants na lumapit pero natatakot na pumagitna. Alam marahil ng mga ito na sa pamilya ni Vander ang VLF Empire airlines.

Napatingin pa halos lahat ng pasahero. May mga tumayo pa para tingnan ang nangyayari. "Vander," she whispered but it was futile.

"I will return everything you paid for your flight. Just don't ride in any of OUR planes again! Bullshit!" Dagdag nito bago humakbang paalis.

Gusto niyang maawa sa babae pero nakataas pa rin naman ang kilay nito at hindi natitinag. Alam niyang puro VIP ang lulan ng eroplano kaya't nakasisiguro siyang mayaman ang babae kaya kung magtaray ito ay ganun-ganun na lang.

"That's why I told you earlier ma'am that I can not grant your request. They are the owner of this airline." Paliwanag ng attendant sa babae.

"He's so arrogant! I swear my family won't ever ride in this plane again." Inis nitong saad bago bumalik sa kinauupuan. Umirap pa ito sa kanya pero hindi na lamang niya pinatulan.

Napatingin siya sa mga anak. Nagkibit-balikat naman ang dalawa. Pa-simple na lamang siyang bumalik sa kinauupuan at kinuha si Deshima mula sa dalagang anak. Tumahimik naman ang buong paligid.

Maaaring mali ang ginawang pagsigaw ng asawa at pagmamayabang pero sa isang banda ay humanga siya sa pagtatanggol nito sa kalagayan ng anak.

There'd been a lot of people who don't understand kids like Dirran. Madalas noon kapag nagpaparinig ang nasa paligid na naiingayan sa bata, nanahimik na lamang siya sa hiya.

Vander is different. Ipinagtanggol talaga nito ang anak. He wants people to adjust to the kid's situation. Imposible nga rin naman na yung bata ang mag-aadjust dahil hindi naman ito conscious sa ginagawa dahil espesyal nga.

Mas lalo tuloy siyang humanga sa nakikitang pagbabago sa asawa.




It took thirty minutes bago bumalik ang mag-ama sa kinauupuan. Tahimik na ang bata. May lollipop na ito sa bibig. Parang gusto niyang matawa nang makitang naka-lollipop din si Vander. Mukhang kalmado na ito.

"Dad, you're so cute. I'll take a picture of you." Desiry chuckled. Agad nitong pinicturan ang mag-ama. Vander glared at Desiry pero hindi naman ito pinansin ng dalaga.

"Dirran, bigyan mo rin si ate." Saad nito sa anak. Agad naman itong lumapit sa kapatid at binigyan ng isa. Dirran also went to her side and gave her two.

"Thank you, anak. Ang sweet naman. Pero bawal pa ito kay baby Deshima." Ginusot niya ang buhok ng anak. Tumawa naman ito. He went to Ayder and also gave him one. Natawa na lang sila sa ginawa nito. Lahat tuloy sila ay may tig-isang lollipop sa bibig.

"Family picture!" Desiry suggested. Natatawang lumapit ang tatlong lalaki at nakipag-picture sa kanila.

They stopped laughing when the pilot made an announcement.

"This is your pilot captain Gacoscos. I would just like to inform everyone that in ten minutes, we will be having an emergency landing at Guam International airport. But rest assured, there is no technical problem. There is just an emergency and we'll only be there for fifteen to thirty minutes. Thank you for understanding."

Nagkibit-balikat na lamang siya. Ang alam niya doon sila sa Japan magstop-over at hindi sa Guam.

Inihatid ni Vander ang bata sa upuan nito at nilagyan ng seatbelt bago ito bumalik sa sariling upuan.

Minutes later, they were informed that they are about to land in Guam.

When the plane stopped, Vander asked them to move out from the plane kahit wala pang announcement.

Pagbaba nila ng plane ay iginiya sila nito sa isa pang eroplano na mas maliit kaysa doon sa sinakyan nila. She automatically knew, it is one of the Filan's private planes. So, kaya sila lumapag ng Guam para lang makalipat ng plane?

"Finally, we own the plane by ourselves! Puwede ka nang magsisigaw!" saad nito nang makapasok sa loob. Binuhat pa nito si Dirran na sumigaw ng "Yeyyyy!"

Tuwang-tuwang nagtatakbo ang bata nang ibaba ito ng ama.

Alam na niya ang loob ng plane. Madalas din silang sumakay sa private plane ng mga ito noon. It looks like a restaurant. Magkaharap ang dalawang upuan at may table sa gitna ng mga ito.

"This is all your fault!" saad ni Vander nang lumabas ang kapatid mula sa cockpit area.

"I already told you, we needed a private plane," dagdag nito.

"Hello Daddy Liam!" Desiry and Ayder greeted. They used to call their uncles, daddy eversince.

"Kasalanan ni Vanna, ginamit niya 'tong plane nang walang paalam. Saka sinabi ko naman sa 'yong bumili ka ng sarili mong plane 'di ba?" tugon naman ni Liam sa kapatid habang hinahalikan sa pisngi ang mga bata.

She doesn't know her sister-in-law can fly a plane by herself.

"I will really buy one. Please kuya, tell your employees to get the name of those two people and ban them from our airlines. Isama mo na rin mga pamilya at kaibigan nila." inis nitong saad sa kapatid.

"Consider it done!" tugon naman ng kuya nito. Parang gusto niyang matawa sa magkapatid. Naalala niya kasi ang sinabi ng babae na hindi na sasakay ang pamilya nito sa VLF airline. Mas matindi pala itong dalawa, dinamay pati ang mga kaibigan.

"Bakit sinong nang-api sa Dirran namin?" baling ni Liam sa bata at niyakap.

She almost choked at her brother-in-laws gesture. She's happy that they really care so much for her son.

However, she can't help but smile bitterly at the thought. Alam niya kasing ilang araw na lang ang bibilangin, maaaring magbukas na ulit ang usapan tungkol sa tuluyan nilang pagpapa-annul ng kasal ni Vander.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top