18: Family
There comes a time when the place where you had always belonged to will make you feel out of place. – jazlykdat
Aubrey
Hindi siya mapakali habang nasa opisina. Iniisip niya kasi ang mag-amang naiwan sa condo.
"Sus, hindi mawala sa isip ang asawa," tudyo ni Lily nang dumaan sa harap niya. Naikuwento na niya rito ang tungkol sa pag-uusap nilang mag-asawa at ang pagpunta ng mga anak sa condo kahapon.
Mas malakas pa ang tili nito kaysa sa anak na nagwawala kanina habang nakukuwento siya.
"Tumawag ka na sa kasambahay mo para kumustahin ang mag-ama mo. Nahiya ka pa." tudyo nito bago bumalik sa table nito.
She stared at her phone for a while before finally deciding to call her maid.
["Ma'am lumabas po si sir Vander kasama si Dirran."] Tugon ng kasambahay nang itanong niya ang mag-ama.
Napakunot-noo siya.
"Saan daw nagpunta?"
["Hindi ko po alam mam. Ayaw po kasing payagan ni Dirran na umalis si sir kaya pinabihisan na lang po niya at isinama."]
"Hindi ba sinabi kung saan pupunta?"
["Hindi po basta ang sabi po babalik din daw sila mamayang hapon."]
She immediate called Vander's secretary. Sinabi naman nitong nasa opisina ang mag-ama.
Hindi na siya makapag-concentrate nang mga sumunod na oras. Iniisip niya kasing baka makagulo ang bata sa opisina ng ama. Makulit pa naman ito baka kung anu-ano ang pakialaman nito sa opisina ng asawa. Hindi rin ito makakapagtrabaho kung sakali.
Naghintay siya ng tiyempo bago nagpaalam sa nanunudyong kaibigan para puntahan ang anak.
"Nasaan yung mag-ama?" tanong agad niya kay Marlene nang makarating sa opisina ni Vander. Sinamahan naman siya nito sa opisina ng asawa. Binuksan lang nito ang pinto at iniwan na siya.
The office is very spacious. Sa kaliwa ay conference area kung saan may mahabang lamesa na may labindalawang magkakaharap na upuan. Sa gitna ay ang table ng asawa na may dalawang magkaharap na upuan sa harapan nito. May living area ito sa kanan kung saan may mahabang sofa, dalawang single couch at centertable.
Nakita niya ang mag-ama sa may sofa. Nagkalat ang mga eroplanong papel sa paligid ng dalawa. May mga bondpapers pa na nakapatong sa centertable at ginagawa ng mga ito na eroplanong papel.
"Pa-pa-pa-pilot daaaddy!" Pinalipad ng anak ang papel.
"Yehey! Pilot si Dirran," tugon naman ng ama nito. Pinalipad din nito ang hawak na papel. The two of them laughed.
She stepped closer to them. Napatingin naman ang dalawa sa kanya.
"Maaaammy!" Dirran jumped and ran to her. Agad naman niyang niyakap ang anak. Halata ang kasiyahan nito. Umupo siya sa may sofa kasama ang anak.
"He wants to be a pilot," saad ng asawa. Tumayo ito at nagpunta na sa table nito. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang tungkol sa pangarap ng anak. Ni hindi nga sumagi sa isip niya na gusto iyon ng bata. Alam niya kasing hindi normal ang bata at mahirap makakuha ng sagot mula rito kaya ni minsan ay hindi niya ito tinanong.
Masaya siya na mukhang naging maganda ang epekto ng pagpapakilala niya sa anak kay Vander.
They seem to get along well. At mukhang pasensiyoso naman ito sa bata.
Napatingin siya sa mga eroplanong papel na nagkalat sa living area. Inisa-isa niya itong pinulot.
"Hayaan mo na 'yan. Ipapalinis ko mamaya."
Nagulat siya nang biglang nagsalita si Vander. Nakaupo na ito sa swivel chair nito at may tinatawagan sa telepono. Hindi na lamang siya sumagot.
"Marlene, pakisabi sa El Nido branch, mag-furnish ulit ng kopya ng mga finances nila." Saad nito sa telepono.
She looked at the papers she's holding. Mukhang financial reports nga ang ginawang eroplanong papel ng anak. Pinakialaman siguro ng anak ang dokumento sa mesa nito. Mabuti naman at hindi nito pinagalitan ang bata at mukhang sinamahan pa sa gustong gawin.
Inakay niya ang anak para magpaalam na sa asawa.
"Mom and dad want to meet Deshima at Dirran. They will wait for them at dinner time. Okay lang ba na dalhin ko sila?" tanong nito nang makalapit sila sa lamesa nito.
Nag-alangan siya saglit pero wala namang dahilan para hindi siya pumayag.
"Okay." Tugon na lamang niya.
"You are also invited. They will be glad to see you, too." Dagdag nito. Muli siyang natigilan. Is she ready to face his family?
"Sige, pag-iisipan ko." tugon niya rito.
"Sinong kasama ni Deshima kung hindi ka sasama?" tanong nito.
She inhaled deeply. He has a point.
"Okay, then." Nahihiya niyang sagot. Bahala na.
"Sige, hintayin niyo na lang ako saglit. Daanan na lang natin ang baby sa condo."
"Ngayon na?" Kunot-noo niyang tanong rito. She looked at her watch. It's still 4PM.
"Yes. Daanan na lang din natin ang dalawa sa school. Well, that is if you want to stay with me in one car." Napatingin ito sa kanya. She doesn't exactly know what emotion he's feeling. Pero parang ayaw naman niyang hiyain ito.
"Okay lang," tugon na lang niya rito.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman habang papasok ang sasakyan sa dati nilang eskuwelahan. It has a lot of memories. Lalo na sa high school grounds kung saan nila susunduin si Ayder. Vander said pupunta na lang din daw doon si Desiry dahil magkalapit lang ang college at high school campus ng eskuwelahan.
Vander was silent the whole time. Ni hindi ito tumingin sa kanya. Nasa backseat silang mag-ina.
Hindi ito lumabas ng kotse nang makarating sila. Tinawagan lang nito ang anak na babae at inabisuhang nasa parking area na sila.
The kids greeted her happily when they entered the car. Alam yata ng mga ito na kasama sila. Desiry occupied the passenger's seat.
Dinaanan muna nila si Deshima bago sila tumuloy sa bahay ng mga magulang ng asawa.
She inhaled deeply as they entered the house. Mas lalo siyang kinabahan nang makitang marami silang nandoon sa living room.
Leandrei was the first person who smiled and greeted her. Ipinakilala nito ang dalawang anak at asawa na bumati rin sa kanya.
"Aubrey, anak!" her mother-in-law was teary-eyed when she hugged her. Nagpunas siya agad ng mata para hindi malaglag ang nagbabadyang luha.
"M-mommy," she mumbled. Hindi niya ito mayakap dahil hawak niya si Deshima. Lianna kissed her baby. Inilipat nito ang tingin kay Dirran.
"This must be Dirran." Agad nitong nilapitan at niyakap ang bata na nakayapos sa baywang ng ama nito.
"Aubrey," her father-in-law mumbled and gave her a hug. Ito ang bumuhat kay Deshima. Vance also greeted at ipinakilala ang asawa at nag-iisang anak na babae.
Liam also approached her with his wife and two kids. Ipinakilala din nito ang asawa at anak ni Vanna.
They are about to go to the dining area nang dumating ang hipag niya.
"I'm not late. Am I?" tatawa-tawa itong lumapit. She gave Dirran a hug bago binuhat si Deshima.
"Aubrey," bati nito sa kanya at ngumiti ng tipid. She doesn't know what to feel about her gesture towards her but she just shrugs it off. Ang importante nginitihan siya nito kahit tipid lang.
Hindi naman niya masisisi kung magtatampo ito sa ginawa niyang pagtatago sa mga pamangkin nito.
"So, let's eat?" singit naman ng biyenang lalaki. They all went to the dining area.
It was a noisy dinner. Parang natural lang na nandoon silang mag-iina. Parang noon lang din. Tuwing Sunday ay nandito silang lahat for lunch. Ang pagkakaiba lang may kani-kaniya ng pamilya ang magkakapatid. Dati rati si Vander lang ang may dala-dalang asawa't anak.
Nagkukuwento-kuwento ang mga ito at paminsan-minsang tinatanong siya sa kanyang opinion. They never made her feel that the dinner was unusual at ngayon lang nangyari.
Hindi binabanggit ng mga ito ang tungkol sa pag-alis niya ng maraming taon at ginawang pagtatago ng mga anak. Sometimes they'd joke and they will all laugh.
At some point, Desiry became the star of the conversation. Nabukas kasi ang usapan tungkol sa debut nito. It will be the first time that the Filans will open their yard for a celebration. Ayaw kasi ng anak na sa isang hotel ang venue ng debut nito kaya sa lawn at pool area sa likod ang magiging venue.
"Dad, can I shift my course next semester?" baling nito sa ama nang matapos ang usapan tungkol sa debut. Everyone looked at her. Hindi niya tuloy maiwasang isipin ang pag-shift din noon ni Vander ng kurso.
"Why? Akala ko ba gusto mong maging lawyer?" balik-tanong ng ama. She learned that Desiry's taking up A.B. Political Science at nasa unang taon na ito sa kurso.
"Well, I changed my mind I wanna take up B.S. Psychology instead." Saad nito at sinulyapan pa ang kapatid na nilalaro na naman ang pagkain.
She smiled at her daughter. Alam na niya kung bakit gusto nitong magbago ng kurso. Vander didn't disagree.
"I know a specialist in California that might help Dirran. He's one of the best in the world," Vance butted in.
"Really? Give me the details. I'll schedule a meeting with him." Sagot agad ni Vander sa sinabi ng kapatid.
"Okay," tugon naman nito.
Nanatili lang siyang tahimik at nakinig sa usapan. Narinig na rin niya ang tungkol sa doctor na 'yun. She was actually earning the courage to tell Vander about it. Mabuti at nabanggit na ito ni Vance.
"Why? Ayaw mo na?" tanong ni Vander kay Dirran. Inilayo na kasi nito ang plato. The kid tilted his head and smiled widely at his father.
"P-play! Daaddy!" Dirran said aloud. Napangiti naman ang ama nito.
"C'mon, let's play." Agad nitong binuhat ang anak at dinala na sa living room. Ni hindi na nito itinuloy ang pagkain. Nakakalahati pa lang nito ang kinuhang pagkain.
His siblings smiled while gazing at the two. Napapailing ang mga itong itinuloy ang pagkain.
"Can I play with Dirran and Tito Vander, dad?" baling naman ng panganay na anak ni Leandrei rito. He's already seven years old.
"Nope, you have to finish your food first." Tugon nito sa anak. Napatingin silang lahat sa mag-ama.
"Why dad? Dirran and Tito aren't done eating also. That's unfair!" Inis at simangot na tugon ng bata.
"Dirran's different. Uhm, I mean he's special." Napapakamot nitong paliwanag sa anak. He looked at Aubrey apologetically. Naintindihan naman ni Aubrey ang bayaw.
"Why dad? You said I'm the most special kid in the world." Giit pa rin ng anak nito.
"Hon?" baling nito sa asawa para humingi ng tulong.
"Bakit? Problema mo na yan!" Natatawa namang tugon ng asawa nito. They all laughed at Leandrei when he scratched his nape.
Napangiti rin siya sa mag-asawa. Knowing Leandrei, Aubrey never thought he would marry this woman. Pero hindi pa naman niya masyadong kilala ang babae. Leandrei really matured a lot from the last time she was here.
"Vander's really a lot like me," Vaughn stated smiling.
Napatingin naman sila rito.
"Mapagmahal sa anak," natatawa nitong dagdag.
"Mapagmahal sa anak? O nang-iispoil ng anak?" Napapailing namang tugon ni Liam. Napatawa ang mga kapatid nito sa biro ng panganay.
Among the siblings, ito lang ang tanging may guts na barahin ang ama ng ganun. He's always been like that since time she can remember. Madalas pa nga, magsasalita lang ito sa hapag kapag babarahin ang sinasabi ng ama.
"Oo nga!" natatawa namang dagdag ni Lianna.
"Dirran's special. So, he must treat him that way." Depensa ng matanda.
"Dee, are you saying that dad's special? You're always treating him special." Desiry commented.
"A little! You know, he has that--" He laughed and even gestured his finger on his head and spinned it round. Nagtawanan naman silang lahat.
"Ako ba ang pinag-uusapan niyo?" Nagulat silang lahat ng dumungaw sa dining area si Vander.
"Dad, sabi ni Dee may ferris wheel ka raw sa utak." Natatawa namang sumbong ni Desiry sa ama. Everybody laughed.
It took a while before she gets the joke. Napatawa siya ng mahina.
"Dad, huwag niyo naman akong ipinapahiya sa mga anak ko." Reklamo nito. Everybody laughed again. Para kasi itong batang nagrereklamo.
"Nandito lang si Aubrey, nahiya ka na?" Vance butted in.
"Sus, marunong ka nang kumantiyaw ngayon ha," saway naman ng asawa ni Vance na ikinatawa nilang lahat. Hinampas pa nito si Vance sa braso.
His siblings seem to have a happy life with their own family. Nahuhuli pa niya ang paminsan-minsang pagkabig ni Liam sa asawa at paghalik sa tuktok nito kapag nagtatawanan sila. Vanna also looks so happy, too, with her handsome husband and cute little daughter.
She can't help but smile bitterly. Hindi kasi nagmadali ang mga ito. They waited for the right time and the right person.
Sana naghintay na lang din sila ng tamang panahon.
Siguro ay nakikipagtawanan din sila ni Vander ngayon at totoong maligaya.
Now, what they have seemed to be uncorrectable. Parang tumaas lalo ang pader na nakapagitan sa kanilang dalawa. He seldom talks to her. Mukhang umiiwas ito. Ang mga anak lang nito ang pinapansin at kinakausap.
Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng pangungulila nang ihatid na sila sa condo. Desiry's carrying her one-year old sister while Vander's carrying Dirran. Pareho nang tulog ang dalawa.
She went inside the master's bedroom with Desiry and Ayder while Vander went to Dirran's room.
"Alis na po kami, mommy." Paalam ng anak nang mailapag ang kapatid sa kama.
"Okay," she answered inhaling deeply.
Bago niya makalimutan ay kinuha na niya ang number ng magkapatid.
"I also saved dad's number, just in case." Saad ni Desiry nang ibalik ang cellphone sa kanya. She wasn't able to react right away. Iniisip pa lang kasi niyang hingiin kay Vander iyon bago sila makaalis.
"We'll go ahead, mom." Ayder said before kissing her on the cheek. Desiry did the same.
Nasa pintuan na ng condo ang ama ng mga ito nang lumabas sila ng kuwarto.
"We're going," saad lang nito bago lumabas ng unit. Tumango na lamang siya.
It's been an hour since the three went off pero hindi pa siya makatulog. She's thinking if they are already home.
She took her phone and scrolled down Vander's number. Iniisip niya kung tatawagan ito para itanong kung nakauwi na pero bigla siyang nahiya.
Nang hindi pa rin makuha ang antok ay napagpasyahan niyang itext na lang ang asawa.
[Vander, this is Aubrey. I'm just wondering if you're home safe with the kids.]
Texting Vander seemed to be a wrong idea dahil mas lalo lang siyang hindi makatulog kakahintay ng reply nito.
Tatlumpung minuto na ay hindi pa rin ito sumasagot. Si Desiry na lang ang tinext niya kung nakauwi ba sila ng ligtas.
Her heart slumped when she received Desiry's reply.
[Yes, mom. It's been an hour since we arrived home safe. I'm about to sleep. 'Night, mom!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top