17: One Call Away


Every child needs a father. – jazlykdat


Aubrey

She was awakened when Deshima stirred from the bed. Nauna na naman itong nagising at naglalaro sa tabi niya. Napangiti siya. Hindi talaga ito madalas umiyak kapag nagigising sa umaga.

Napakunot ang noo niya nang makarinig ng ingay mula sa sala. Gising na naman yata si Dirran. She took Deshima in her arms at tinungo ang pinto ng kuwarto.

She doesn't know what to feel when she saw her kids playing.

"Kuya will save you, Dirran!" sigaw pa ni Ayder.

"A-a-a—haha!" Dirran shouts trying to escape from his sister na tumatawa habang hinuhuli ito.

Kiniliti ni Desiry si Dirran nang mahuli ito. Tawa naman ng tawa na umiiwas ang bata habang pinipigilan naman ni Ayder ang kapatid na babae sa ginagawa.

"Hey, stop that!"

Napatingin silang lahat sa bukana ng kitchen nang sumigaw si Vander.

"Dad---daa-dad—dy!" Dirran screamed at mabilis na tumakbo sa ama at yumakap.

Her heart melted at the scene. She even blinked hard to stop herself from crying.

"Morning!" tipid na bati ng asawa sa kanya nang makita siyang nakatayo sa may pinto ng kuwarto.

Desiry and Ayder looked at her. She felt a little nervous. Galit ang mga ito nang huli niyang makausap.

She smiled at the two. Dahan-dahan ang mga itong lumapit.

"Mommy," Desiry mumbled before kissing her on the cheek. Mas lalo itong tumangkad at gumanda. Dalagang-dalaga na talaga ito. Ayder also approached her.

"I'm sorry about last time, mom." Saad nito bago humalik sa pisngi niya. Her tears rolled down at their gesture.

"Mommy, can I carry Deshima?" Desiry asked. Agad naman niyang ipinahawak ang bata rito. Ayder held her baby sister's hand and teased her.

Before she burst down into tears, agad siyang pumasok sa kuwarto. Parang sasabog ang dibdib niya sa sayang nadarama. Her four children are in the same room and it felt like they're so close with each other kahit ngayon lang naman sila nagkasama-sama.

It took her few minutes to calm herself. Tinungo niya ang banyo at inayos ang sarili. It wouldn't be good kung mukha siyang ewan sa harap ng mga anak. Nagbihis na rin siya ng pambahay bago lumabas ng kuwarto.

Rinig niya ang ingay ng mga bata sa kusina paglabas niya.

"Dirran, don't throw the food." Rinig niyang saway ni Desiry sa kapatid. Dirran is wailing. Mukhang nagta-tantrums na naman ang anak kaya nilapitan niya agad ito. Hindi kasi nito ma-verbalize ang gusto kaya madalas ay nagwawala ito kapag hindi nahuhulaan ang gusto nito.

"Why?" tanong niya sa anak nang malapitan ito.

"He's throwing the food mom. Ayaw niya yata ng bacon." Tugon naman ni Ayder. Ang kasambahay naman ay nililinis ang natapong pagkain. Desiry is feeding her baby sister with mashed potato.

"Why, anak? Bacon's your favorite. Kain ka na?" pang-aalo niya rito tinabig naman siya nito.

"No-non-no!" sigaw nito. His eyes are blinking and his head's tilting again. He's always like this when he's emotional.

"Okay baby. What do you want to eat?" Hinaplos niya ito sa likod para pakalmahin.

"Non-no-no-no!" sigaw ulit nito. His fidgeting and wailing.

She inhaled deeply.

"Da-dad-da-ddy!" sigaw nito. He crossed his arms and looked angrily at the table. Napatingin siya sa mga anak.

"Asan ang daddy niyo?" tanong niya sa mga ito.

"Kailangan daw po niyang pumunta sa office." Tugon naman ni Desiry. Napakamot siya narinig.

"Anak nasa office daw ang daddy. Babalik naman siya mamaya. Kain ka na ha?" pakiusap niya sa anak. Galit pa rin itong nakatitig sa lamesa.

"Daaaddddy!" gigil nitong sigaw. Napatanga siya sa pagsigaw nito. It was the first time he didn't repeat the first syllable of a word.

Parang gusto niyang maiyak.

"Gusto mo tawagan natin si Daddy? Para makausap mo siya?" tanong niya sa anak. Hindi naman ito sumagot. Ano pa nga ba? Nag-umpisa na naman itong ngumuyngoy.

Binalingan niya ang dalagang anak.

"Desiry, please call your dad." Agad naman itong tumayo at tinungo ang sala.

"Mom, dad's not answering his phone." Saad ng anak pagbalik ng kusina. Nagdial ulit ito. They all waited for the call.

"Wala, hindi talaga sumasagot, mommy." Saad ng dalagang anak. Dirran started howling again.

"Baka nagda-drive," Ayder butted in.

"Anak, busy si Daddy. Mamaya tatawagan ulit ni ate ha?" baling niya sa anak.

"Gu-gu-gusto ko daaddy!" sigaw ulit nito. Napaiyak pa si Deshima sa lakas ng pagsigaw nito. Agad naman itong dinaluhan ni Desiry at binuhat mula sa baby chair.

"Laro na lang tayo. Halika na kay kuya," yaya naman ni Ayder sa kapatid na lalaki at hinila na ito. Nag-aalangan man ay sumama rin ito sa kapatid papuntang sala.

Minutes later, narinig na niya ang malakas na tawa ng mga anak.

She was happy to see her children that way.


Maghapon ang mga ito sa condo. Nag-message rin siya kay Lily na hindi muna papasok ng agency. Nagdahilan na lamang siya na hindi makakapunta yung stay-out na tagabantay ni Dirran kaya kailangan niyang alagaan ang anak.


It was already late night nang magpaalam ang dalawang nakatatandang anak. Tulog na ang dalawang nakababatang anak.

"Mommy, kailangan na naming umuwi. May pasok pa po kasi kami bukas," paalam ni Desiry.

"Sige," She answered inhaling deeply. Inayos naman ng mga ito ang mga dalang gamit at magkasunod na tinungo ang pinto.

"Does your grandparents know you came here?" tanong niya sa dalawa habang palabas na sila ng unit. Sumabay siya sa mga ito.

"They knew, mom." Tugon naman ni Ayder.

"Alam na ba nila ang tungkol sa mga kapatid niyo?" tanong niya ulit.

Nagkatinginan ang dalawa. Nagkibit-balikat si Ayder.

"Dad said he'll tell them." Desiry answered. Napatango na lang siya.

She wants to ask kung bakit hindi na nakabalik ang ama ng mga ito pero naunahan na siya ng hiya.

Hinatid niya ang mga ito hanggang sa lobby ng condo tower. Nakita niyang sumakay ang mga ito sa isang mamahaling sasakyan na humimpil sa harap ng lobby.






She half-expected that the next morning Vander will be at the unit pero hindi na ito dumating hanggang sa makapagbihis siya at nagising ang dalawang bata ay wala talaga ito.

Dirran is throwing tantrums again at hinahanap ang ama. Ni hindi man lang niya kasi nakuha ang number nito kay Desiry kahapon. Pati nga number ng mga anak, hindi niya nahingi.

Matagal niyang pinapakalma ang anak pero puro daddy lang ang sinasabi nito. Nag-umpisa na naman itong magtatakbo sa buong unit dahil hindi makuha ang gusto.

She decided to call up Lily.

["Hello, sis! Ang dami nating walk-ins ngayon."] Bungad nito sa kabilang linya. Bahagya siyang nahiya. Absent na kasi siya kahapon tapos ngayon ay late pa siya. Ayaw naman kasi niyang iwan si Dirran nang hindi ito kumakalma.

["Kailangan na talaga nating magdagdag ng tao,"] dagdag nito.

"Yeah, tingin ko nga." Tugon naman niya rito.

["Thanks to you!"] natatawa naman nitong tugon.

["Bakit ka nga pala tumawag. Hindi ka ba papasok ulit?"] tanong nito.

"Male-late lang ako saglit. Nagta-tantrums na naman kasi si Dirran." Umpisang paliwanag niya sa kaibigan.

["Ah, ganun ba. Don't worry sis. Asikasuhin mo na muna yang bata."]

"Sis, I have a favor to ask. Puwedeng pa-send naman sa akin yung number ng opisina ni Vander. Yung nasa file natin."

["Why?"]

She inhaled deeply before answering. Alam kasi niyang mangungulit na naman ito.

"Hinahanap kasi ng bata ang daddy niya. I need to talk to Vander."

["Wait what? That's weird. Hindi naman ganyan si Dirran dati ah."] nagtatakang tanong ng kaibigan.

"He already met him. I will explain later. Basta kailangan ko lang makausap si Vander." Saad niya rito.

["Okay, I'll send you but you owe me a lot of explanations."] Saad nito bago ibinaba ang telepono. Nakahinga naman siya ng maluwag.

Wala pang isang minuto nang dumating ang message nito.

She immediately dialed the number.



["Ate, busy po kasi siya. May mga kausap sa opisina."] Tugon ng sekretarya nang itanong niya ang asawa.

"Importante lang please. Pakisabi hinahanap siya ni Dirran. Kahapon pa nagwawala." She told Marlene. She inhaled deeply as she waited for her answer.

"Sige, ate. Try ko. Tawagan na lang ulit kita." Tugon nito. She said her thanks bago nito ibinaba ang telepono.

It took a while before her phone started ringing.



["Aubrey, what happened?"] It was vander's voice on the line.

"Si Dirran kasi nagwawala. Hinahanap ka. Ayaw niyang tumigil." Diretso niyang sagot sa asawa.

["Sige, papunta na ako."] Saad nito.

Inalo naman niya ang anak at sinabing papunta na ang daddy nito. Pinaupo niya ito sa sofa pero patuloy pa rin ang pagnguyngoy nito. He's wailing and fidgeting while mumbling "daddy."



Minutes later, Vander appeared at the doorstep. Agad namang tumakbo ang anak rito.

"Sorry, may emergency kasi sa office kahapon," saad nito habang yakap ang bata. Hindi niya alam kung sa bata nito sinasabi ang bagay na iyon o sa kanya.

The child couldn't stop crying kaya binuhat niya ito at inalo.

"Aubrey, you can go to your office. Ako na ang bahala." Saad nito sa kanya. Nagdadalawang-isip man ay hinayaan na lamang niya ang mag-ama.




[A/N: May mga nakita akong mispelled words at grammar lapses sa mga huling published parts. Please bear with it. Wala na kasi akong time i-edit. Hehe! Salamat pala sa lahat ng nag-iiwan ng votes at comments.]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top