16: Daddy

It may take a while but the right thing will come out naturally. – jazlykdat

Aubrey

Parang namimigat na ang mga mata niya nang makarating ng condo. Late na kasi silang nakauwi ni Lily dahil nag-audit sila. Lumalaki na rin kasi ang scope ng travel agency. Lily was right, the deal opened their doors to the international market. Marami kasing hotels at resorts ang VLF Empire sa iba't-ibang bansa at kapag nakita na part iyon ng travel packages nila ay talagang ina-avail ng tourists.

At sa mga nagdaan pang mga buwan talagang hindi na sila nagkita ni Vander. She was trying to reach him pero mailap ito. Ni hindi siya makasingit sa schedule nito. Gustong-gusto na niyang makita ang dalawang anak. Ayaw naman niyang pangunahan ito dahil baka ito na naman ang maging sanhi ng pag-aaway nila kapag hindi siya nagpaalam rito kahit pa sabihing may karapatan siya bilang ina. She wants a peaceful life at mangyayari lang iyon kapag nakapag-usap na sila ng maayos ni Vander.

"Good evening Ma'am Aubrey! Akala ko po nandoon na po kayo sa unit niyo." Nakangiting bati ng guwardiya ng condo tower sa kanya. Kilala na siya ng mga ito dahil mahigit isang taon na siyang residente.

"Medyo late na kasi kaming natapos sa agency." Tugon niya rito.

"Ma'am okay lang po ba na pinaakyat ko yung asawa niyo?" tanong ng guwardiya.

"Sino?" balik-tanong niya rito. Biglang lumakas ang kabog sa dibdib niya. Her husbands face automatically pops on her head.

"Asawa niyo daw po ma'am. Vander Lewis Filan po. May ID naman pong binigay." The guard handed her Vander's driver's license.

Halos liparin niya ang direction papuntang elevator. Her heart beats fast.

Samu't-saring isipin ang pumapasok sa utak niya. Ipinagdarasal niya na sana hindi ito pinapasok ng kasambahay niya.

Mas lalo siyang kinabahan nang makitang walang tao sa hallway. Vander must have been inside the condo unit.

She inhaled deeply as she unlocked the unit.



"Vander," Kinakabahan niyang saad nang makita ito sa living room.

He looked at her but never spoke. Mag-isa itong nakaupo sa couch. Hindi niya mahinuha kung ano ang iniisip nito.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya nang hindi ito umimik. Humakbang siya papuntang sala. Nanatili itong nakatitig sa kanya. She maintained a little distance between them.

"Deshima..." He whispered. Nasapo nito ang ulo at yumuko. She felt like Vander was about to cry.

"S-she's our daughter." Sambit niya sa asawa. Vander looked at her. Nanatili itong nakaupo.

"I am sorry, Aubrey. For all that I have done." Yumuko ito at tinakpan ang mga mata gamit ang kanang kamay. She bit her lip when Vander's shoulder started shaking. It was always Vander's way of hiding his tears.

If this would have happened before, she will laugh at him. Pero iba ang nararamdaman niya. She suddenly felt his angst. Umupo siya sa harap ng asawa.

"I'm sorry, ang laki-laki ng kasalanan ko sa 'yo." Saad nito habang takip pa rin ang mga mata..

Pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya sa reaksyon nito. Lalapit sana siya para hawakan ito sa mga kamay pero bigla itong tumayo at tumalikod. She saw him wiping his tears. It was different from the Vander who's always tough and strong.

"Can I go to her room?" Paalam nito nang humarap. His eyes are red. Napatango siya. Sinundan niya ito nang tingin nang pumasok sa kuwarto.

Vander may have been worse for a husband pero alam niyang mabuti itong ama.

She wiped her tears and decided to follow him.

Naabutan niya itong nilalaro ang bata. However, she could sense his sadness.



"Puwede ko ba siyang dalawin dito?" tanong nito nang maramdaman ang presensiya niya. Ni hindi ito tumingin sa direksyon niya.

"I promise I won't ever do something against your will again," sumulyap ito saglit sa kanya. Hindi niya sigurado kung ano ang mararamdaman sa sinabi nito. Dapat maging masaya siya na hindi na siya nito guguluhin pero bakit parang hindi niya makapa ang saya sa dibdib niya. The way he said sounds serious and final.

"Aubrey, please allow me to see our daughter?" pakiusap ulit nito.

"Yes, karapatan mo naman iyon bilang ama." Saad niya rito. Batid naman niyang hindi niya puwedeng ipagkait sa anak ang pagmamahal nito bilang ama.

Napatango naman ito at binuhat ang bata.

She wiped a tear. It's been so long since she saw him carry a baby in his arms. The last time was Ayder. He was so happy then. Ngayon hindi niya sigurado kung masaya ito o malungkot.

"Salamat." Tugon nito. Gumaan ang loob niya na parang maayos na itong kausap ngunit pakiramdam niya ay may pader nang nakapagitan sa kanila.

Deshima seemed to be at ease with her father. Yumakap pa ito sa ama nang tumayo ito at inihele ng ama.

She stood there looking at the two. The room was so silent.

Yung katahimikang nakakatakot pakinggan. Hindi niya mawari kung ano ang emosyong bumabalot sa bawat buntong hininga ng taong kaharap. He never even dare moved a step closer to her.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong niya makalipas ang ilang saglit. Vander glanced at her.

He laid Deshima on the bed. Ang bilis lang nitong napatulog ang bata.

He stood up and put his hands on his pockets.

"Next week will be Desiry's debut." Umpisa nito.

Napatango siya. Of course, she will never forget her birthday.

"I was thinking that if I invite you over and we act civil towards each other. It will be the best gift we could ever give to her."

Napangiti siya sa sinabi nito. He's really a good father. No doubt.

"I will be glad to." Sagot niya rito.

"I promise. I will keep my distance."

"Okay." She doesn't know why her reply came out as a whisper. There was a long silence before Vander spoke again.

"Can I ask a favor?" He asked inhaling deeply.

"Ano 'yon?" balik-tanong niya rito.

"Can I have the liberty to tell my family about Deshima?"

"Sure." Ito naman talaga ang may karapatang magsabi sa pamilya nito ang tungkol sa bata. Isa pa hindi rin niya alam kung paano haharapin ang pamilya nito.

"Thanks." Saad nito. Napatango na lamang siya.

"Sige, alis na ako. I'll just come back to visit our daughter." Basag nito sa katahimikan.

She just nodded. Vander walked out of the room.

Huminga siya ng malalim at napapikit.

A tear escape from her eye.

She has to tell Vander everything now. Baka magalit ito sa kanya kapag hindi pa niya inamin ang lahat. She immediately went out of the room and followed him.







"Vander!" tawag niya rito. He was about to get out of the unit. Napatigil naman ito at tumingin sa kanya.

She inhaled deeply and earned her strength to speak.

"There is something else that you need to know," saad niya rito. Vander didn't move. Nanatili ito sa kinatatayuan.

"Puwedeng umupo ka muna dito?" tanong niya rito habang nakaturo sa sofa. He inhaled deeply and obliged.

Umupo rin siya sa kaharap na couch.

She doesn't know how to start explaining. Ilang beses siyang huminga ng malalim pero hindi niya pa rin maisip kung ano ang tamang salita para umpisahan ang lahat.

"Aubrey?" untag ni Vander sa kanya nang hindi siya nagsalita. Saka lang siya natauhan.

"When I left almost twelve years ago, galit na galit ako sa 'yo. I was mad at you for making me feel less human."

It was surprising that she didn't feel the same pain remembering what happened years before.

"Gusto kong magdemanda noon pa man pero iniisip ko lahat ng kahihiyan magiging dulot 'non." Pagpapatuloy niya.

"I am sorry," Vander mumbled.

"Ang hirap tanggapin na 'yong lalaking minahal ko, ginawa akong parang hayop. Pero alam mo kung ano 'yong mas mahirap?" tanong niya rito.

Vander stared at her. Dama niya ang kalungkutan sa mga nito. She averted her gaze. She doesn't know why looking at Vander's pained eyes affects her.

"Yung gustong-gusto kong kunin 'yung mga anak ko pero hindi ko magawa kasi may isang taong mas higit na nangangailangan ng kalinga ko." Her tears started falling.

"I am so sorry, Aubrey. But I did take care of our kids." Nanatitili itong nakaupo sa sofa at nakatitig sa kanya. If he was the old Vander, he would've crashed her in his arms. But this Vander didn't make a move. Ni hindi ito lumapit sa kanya.

"I know. And I am happy you didn't make me regret my choice." She smiled behind her tears.

Tumayo siya at pumasok sa kuwarto kung nasaan si Dirran. Napaluha siya nang makitang ngumunguyngoy na naman ito at sinasaway ng kasambahay.

Inakay niya ito palabas ng kuwarto. Tumahimik naman ito at tumingala sa kanya nang may nagtatanong na mata. She smiled at the kid.

"Vander, I want you to meet someone," saad niya nang makarating sila sa sala. Umangat naman ang tingin ng asawa at napako sa labing-isang taong gulang na bata.

"Dirran anak, meet your daddy," naiiyak niyang saad sa anak. The kids' eyes blink for so many times. Tumingin ito sa ama bago inilipat ang tingin sa kanya. Dirran's head tilted sidewards for a couple of times. Bumalik ulit ang tingin nito kay Vander

"Da-da-da-dadd---dy?" the kid mumbled. Aubrey saw how Vander broke down in tears looking at his son. Kung kanina ay tinatago pa nito ang pag-iyak ngayon ay umiyak na ito ng tuluyan sa harap ng bata.

Vander moved closer at akmang yayakapin ang anak nang yumapos ang bata sa baywang niya.

"Ma-ma-mmmy!" tumalikod ito mula sa ama at sumiksik nang tuluyan sa tiyan niya at pumalahaw ng iyak. Vander looked at her with tears in his eyes. Nakaluhod na ito sa harap niya.

"He's special." It almost came out as a whisper. Mas lalo namang naiyak ang asawa.

"Dirran, go to your daddy, anak." Kinalas niya ang pagkakayakap ng anak at inilipat sa asawa. Vander immediately held him in his arms kahit na nag-iiiyak ito.

"Shhh, daddy's here, son. I'm daddy. Don't be scared." Inalo nito ang bata. She can't help but cry as she saw his husband broke down.

"I'm sorry. I'm sorry, son. This is my fault! Daddy's here. Don't cry." bulong nito sa anak habang inaalo ito.

Mas lalo siyang naiyak nang yumakap na rin ang bata sa ama.

"Dada-daadddy," pauta-utal nitong banggit. Vander caressed his back hanggang sa unti-unti itong kumalma. Binuhat nito ang bata at umupo sa may sofa nang walang imik. He never asked anything. He just sat quietly caressing his son's back.







"I was so mad when I learned that I was pregnant. You know I was having my birth control shots. Nakaligtaan ko lang ng limang araw. I thought it was impossible for me to get pregnant." She broke the silence. Vander looked at her without saying a word.

"I had this fear na lalabas ang anak kong ganyan. Then it happened. Mas lalo akong nagalit sa 'yo."

Nakinig lang ang kaharap sa sinasabi niya.

"I tried all possible medications para lang maging normal siya. Kahit gusto kong bumalik para kina Ayder at Desiry. I just can't. Nauubos ang pera ko sa therapy niya." She added.

"When I earned the courage to comeback para ayusin na ang gusot natin at ibaon sa limot ang lahat, nangyari na naman ulit ang kinatatakutan ko."

"I am sorry Aubrey. Kung hindi dahil sa kagaguhan ko, hindi ka mabubuntis nang wala sa oras." Nakayuko nitong saad. Kahit hindi ito tumingin sa kanya, nararamdaman niya ang sinseridad sa boses nito.

"I was so mad at you, Vander. Gusto kong mawala ka na lang sa mundo ko." hayag niya rito. Vander glanced at her but averted his gaze right away.

"Pero paano mangyayari 'yon? Look at Dirran. Even if he's special, kamukhang-kamukha mo siya. Mas lalo na si Deshima." Lily was right when she said that her anger faded when she first laid her eyes on Deshima.

"I am sorry, Aubrey. I know I haven't been good to you but please let me be a father to my children especially to Dirran."

Parang nahaplos ang puso niya sa sinabi ng asawa. He kissed Dirran on the forehead. Nakatulog na ito sa mga bisigi niya. Parang si Deshima kanina.

"He needs me, Aubrey." Dagdag nito.

Seeing how Vander accepts her son makes her doubt her decision before. She's too overwhelmed to answer. She had to avert her gaze.

"Puwede ko bang iuwi na lang siya ngayong gabi?" tanong ulit nito nag hindi siya magsalita.

"Iiyak 'yan mamaya kapag hindi ako nakita paggising niya." Tugon niya sa asawa.

"Gusto ko siyang iuwi," saad nito habang pinagmamasdan ang anak.

Parang gusto niyang pumayag pero ano na lang ang sasabihin ng mga in-laws niya kapag nalaman ang tungkol sa bata?

There was a long silence between them. She could even hear her heart beats.

"He's having a therapy? Anong sabi ng doctor magiging normal daw ba siya?" Vander asked breaking the silence.

"There is a huge possibility na magiging normal din siya eventually basta mai-guide lang ng tama. Yung speech niya ang itinutuwid ngayon." Tugon niya rito.

"Dati kasi pati motor skills hirap siya. Ngayon normal na siyang kumilos. Maliban kapag nagsalita siya o nakararamdam ng labis na emosyon, his eyes are blinking rigourously and his head's tilting sidewards." Paliwanag niya. She remembered how difficult it was. Ni hindi siya makapagtrabaho noon dahil kailangang bantayan ang anak. She needed to work online para mabantayan lang ang bata.

"Sabi ng doctor hindi pa daw niya kayang pagsabayin ang cognitive at psychomotor skills niya. Hindi pa raw kasi fully-developed ang mga mental faculties niya."

"I will look for a specialist na tutulong sa kanya." Hayag naman ng kaharap.

"I'm sorry Vander kung itinago ko siya sa 'yo. I was so mad. Akala ko kaya kong solohin ang pag-aalaga sa kanya."

Vander smiled bitterly.

"I understand. Hindi ka naman mabubuntis kung hindi kita pinilit dati. I am sorry. It was all my fault. Pinagsisisihan ko ang lahat ng nagawa ko sa 'yo."

Her eyes welled up. Agad niyang pinunasan ang mga luha. She knows in her heart napatawad na niya ang asawa. The kids are more than enough reason para patawarin ang asawa sa lahat ng nagawa nito.

"Ihatid mo na sa kuwarto ang bata. Bumalik ka na lang ulit bukas," saad niya sa asawa. Napatango naman ito. Sinundan niya ito hanggang sa maipahiga ang bata sa kama.

"I'll go ahead." Saad nito bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Nilagpasan lang siya nito mula sa kinatatayuan niya.

Parang nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib sa pagsasabi ng totoo sa asawa. She was so busy nurturing her anger. Ni hindi niya naisip na mas okay sana kung ipinaalam niya sa asawa ang tungkol sa anak nila.

Pero nangyari na ang lahat. Ngayong alam na ni Vander ang lahat, she only hopes for the best for her children.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top