14: Kontrata

Turn the table upside down once in a while. –jazlykdat



Aubrey

Kung siya ang masusunod, ayaw na niyang ituloy ang deal sa VLF Empire kaya lang magmula noong pumayag si Vander na sa kanila ibigay ang deal ay hindi na siya tinigilan ng kaibigan. Araw-araw siyang kinukulit na pirmahan na yung kontrata para maibigay na sa opisina ng asawa.

Maraming tanong ang gumugulo sa isip niya. Siguradong alam ni Vander na co-owner siya ng travel agency kaya siguro nito inopen ang deal. Ilang beses niyang pinapaamin si Lily kung kinausap siya nito pero mariin naman itong tumanggi. Sinabi lang nito na nabasa nito ang invitation to bid sa newspaper.

If she doesn't know Lily, iisipin niyang kasabwat ito ni Vander. But why would he do that? Revenge? Hindi naman sana. Mula nang huli silang nagkita ay hindi na siya nito ginulo.

Tumira siya sa private in-land resort nina Lily sa Cavite nang umalis siya hanggang sa nakapanganak. Doon na rin nila inumpisahan ang travel agency na matagal na nilang pinaplano. Nang makapanganak siya ay saka sila lumipat ng Manila.





Huminga siya ng malalim habang nakatingala sa mataas na building ng VLF Empire. Ang alam niya sa building na ito nag-oopisina ang magkakapatid na Filan maliban kay Vanna. May sarili din namang opisina ang hipag sa building pero hindi nga lang ito naglalagi doon.

Dala-dala niya ang kontrata para dalhin kay Vander. Hindi niya alam kung bakit siya pumayag na dalhin ang kontrata sa opisina. Marahil ay umaasa siya na magiging civil na sila ng asawa sa isa't-isa kahit para na lang sa mga anak nila. Gusto na rin kasi niyang sabihin ang totoo sa asawa.

Isang buwan pa lang matapos siyang nagpakalayo-layo ay nalaman niyang buntis pala siya. She was sure it was Vander's child dahil wala namang ibang lalaking nakagalaw sa kanya. Kahit na naging sila noon ni Charlie, hindi naman naging intimate ang pagsasama nila.

Noong buntis siya ay binalak na rin niyang makipagkita rito pero natatakot siya sa maaaring mangyari kaya ipinagpaliban na lamang niya. The pain was still so fresh, then. A part of her is still mad for what happened. It took a while before she finally accepted that things really happened as it should be.

Wala na siyang balita kay Vander simula noon maliban lang sa ilang detalye mula sa society pages ng dyaryo.





"Ano pong pangalan niyo ma'am?" tanong agad ng guwardiya sa bukana ng building lobby. Mahigpit talaga ang seguridad ng building noon pa man. Ito kasi ang central office ng business empire nila.

"Aubrey--" she stopped for a moment. Nag-alangan kasi siya sa sasabihing apelyido. Kahit kailan naman kasi ay Filan ang ginagamit niya kahit noong nagpunta siya ng Dubai at Canada.

"Aubrey Filan po?" sabad agad ng guwardiya. May mga pinindot ito sa monitor at lumabas ang mukha niya sa screen.

"Ma'am sama na po kayo sa akin. Ihahatid ko kayo sa opisina ni Sir Vander," saad nung isa pang guwardiya. Huminga siya ng malalim at sumunod na sa guwardiya. Mukhang hinihintay talaga ng asawa ang pagpunta niya ng opisina nito.

They rode on the elevator. Pagtigil sa 25th floor ay iginiya siya nito isang pintuan. A lot of uniformed staffs are walking along the corridor. Pagpasok nila ay namangha pa siya sa dami ng cubicles at employees. Abala ang mga ito sa telepono, parang isang call-center company.

"Mga nag-aasikaso po yan ng bookings sa mga hotels at resorts ng mga Filan." Saad ng guwardiyang kasama nang makita ang reaksyon niya. Napakunot-noo tuloy siya.

So kaya ayaw nilang tumanggap ng bookings from travel agencies, may sarili din pala silang staff para sa mga ganung bagay. Pero bakit ngayon nag-open sila? They practically don't need it. Kayang-kaya naman nilang i-handle ang mga direct bookings. Was it because of her? What is Vander thinking?

Iginiya siya ng guwardiya papunta sa pinakadulong opisina.

"Nasa loob po ang sekretarya ni Sir. Siya na lang po ang kausapin ninyo," saad nito bago yumukod at umalis na.

She earned the courage to go inside the office. Akala niya ay opisina na agad ni Vander, receiving area pa pala. May kausap pa ang sekretarya kaya naghintay muna siya saglit.

"Ate Aubrey?" Nagulat siya nang biglang tumingin ang sekretarya sa kanya.

"Ate Aubrey, ako 'to!" Excited nitong saad at lumapit sa kanya. For a moment her forehead creased bago nakilala ang babae.

"Marlene?" she asked unsure. Nagliwanag naman ang mukha ng dalaga.

"Kumusta na po kayo?" Tuwang-tuwa itong lumapit. Marlene was Ayder's nanny. Parang nag-iba na kasi ang itsura nito kaya hindi niya agad nakilala.

"Okay naman. Kumusta ka na?" agad niya itong niyakap. Naluha pa siya nang mayakap ito. She was once a witness of her life with Vander more than a decade ago.

"Ayos naman ate. Sandali ate, umupo ka muna," agad siya nitong ipinaghila ng upuan. "Miss mamaya ka na lang bumalik ha? Asawa nga pala ni Sir Vander," baling nito sa kausap kanina. Bahagya namang yumuko ang babae bilang paggalang bago lumabas ng opisina.

"Sekretarya ka na ni Vander?" takang tanong niya sa dating yaya.

Ngumiti ito. "Oo, ate. Noon kasing umuwi na sila sa bahay ng parents ni kuya, tinanong niya ako kung gusto kong bumalik sa pag-aaral. Umoo naman po ako kaya naging scholar niya ako."

Napakurap siya at prinoseso ang sinabi ng sekretarya.

"Tapos noong nagtapos na ako pinag-apply niya ako dito sa kumpanya," dagdag nito.

Hindi siya makapaniwala sa naririnig mula rito. Did Vander really have that side? Sabagay ni hindi niya ito nakitang nagalit sa kahit na sinong kasambahay noon.

"Mabuti naman at hindi niya kayo pinabayaan." Tugon na lamang niya.

"Naku! Hindi po, ate. Yung driver niyo po dati saka si manang Rosa, binigyan niya rin ng pang-negosyo."

Napangiti na lamang siya sa sinasabi nito. Kasambahay din nila dati si Manang Rosa simula nang ikasal sila. She can't help but remember what Desiry said before. "Sana tiniis mo man lang kahit kaunting panahon pa yung sakit baka sakaling nagbago pa si daddy."

"Magkakabalikan na po ba kayo?" excited na tanong ng sekretarya matapos ang ilang sandali.

"Hindi, nagpunta lang ako dito para ibigay itong kontrata." Tugon niya rito. She has nothing to hide from her. Alam na alam naman ng mga ito ang naging sitwasyon nila noon ni Vander.

"Pasensya ka na, ate kung matabil ako, ha. Na-miss po kasi kita." Nahihiya nitong saad.

"Okay lang. Namiss ko rin kayo." She answered smiling. She's also happy to see her. Ito ang naging kasama niya dati sa pag-aalaga sa anak.

"Akin na lang po yang kontrata. Wala kasi si sir. Hindi po ba niya nasabi? Wala po siya kapag first Thursday of the month." Her smile is contagious. Ang laki na talaga ng ipinagbago nito.

"Ah ganun ba. Sige pakibigay na lang ito." Tugon niya rito at iniabot ang folder.

There was a long silence. Magpapaalam na sana siya nang makuha ang lakas ng loob para itanong ang nasa isip.

"Bakit nga pala wala si Vander kapag first Thursday of the month?"

May date kaya ito sa mga anak nila? O sa ibang babae?

"Atin-atin lang po ha. Tutal asawa niyo naman po si sir Vander dati..." nahihiya nitong saad. Tumango na lamang siya.

"May session po siya sa psychologist kapag unang huwebes ng buwan."

Napatango siya sa binanggit nito. She didn't expect that news. Her mother-in-law had been really true to her word.

Hanggang sa nakaalis siya ng opisina ay iniisip pa rin niya ang nabanggit ng sekretarya. Kaya pala mukhang kalmado na si Vander noong nagkita sila.

Sana nga maging maayos na rin si Vander para masabi na niya ang lahat dito.





--------

She went back the day after para kunin ang kontrata. Kinakabahan pa siya dahil siguradong nandoon na si Vander.

"Good morning, Marlene." Bati niya sa sekretarya. She only gave her name to the guards at the lobby and they already gave her keycard to use.

"Hi, ate. Good morning din po." Bati naman ng sekretarya. Napangiti na lamang siya. Nasanay na talaga ito sa pagtawag sa kanya ng ate.

"Yung kontrata sana." Saad niya rito.

"Nasa opisina pa po ni sir, gusto mong pumasok na lang sa loob?" nakangiti nitong tanong. Alanganin siyang napatingin sa pintuan ng opisina ng asawa. Is it a good idea to be near him?

Sasagot na sana siya ng oo nang may tumawag sa telepono ng sekretarya. Tiningnan na lamang niya ito.

"Yes, Sir. Sige po." Tugon ng sekretarya.

Kinabahan siya bigla. Kausap yata nito si Vander.

"Ate, saglit lang ha." saad nito pagkababa ng telepono bago mabilis na tinungo ang opisina ng asawa.

She waited until the secretary went out holding a folder. Nginitian siya nito kaya ngumiti rin siya.

"Ito na po yung kontrata. Napirmahan na ni Sir. " Nakangiti nitong tugon. Inilahad nito ang folder sa kanya. Her smile faded.

"Si Vander?" takang tanong niya rito.

"Nasa loob po. Medyo busy eh kaya hindi na po siguro kayo maharap." Nahihiya namang tugon ng sekretarya. Alam niyang tinted ang glass wall ng opisina ni Vander at may sapantaha siyang nakita na siya nito kaya ito tumawag para ipakuha ang dokumento sa sekretarya.

"Sige, salamat." Saad na lamang niya. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top