11: Desiry's Angst

[Warning: Kailangan ng mas maraming panyo o tissue. I had it when I wrote, reread and proofread this part. Joke! Iyakin lang talaga ako. Hehe!]


Aubrey

"Mom, bakit niyo po pinakulong si dad?" Desiry asked. Nakipagkita siya sa mga anak para kumbinsihin ang mga itong sumama na sa kanya. This whole thing torments her being. Ayaw na niya ng magulong buhay. Ito ang tinakasan niya 10 years ago, ayaw na niyang balikan ulit.

"Your dad did something which is unforgivable." Tugon niya sa anak.

"But he said he only did that because he loves you."

Ang sakit marinig mula sa anak na ipinagtatanggol nito ang ama sa krimeng nagawa.

"Desiry, there will never enough justification for a crime. I know you are old enough understand." Nanginginig ang boses niyang paliwanag. Her tears began falling.

Ganito bang pag-iisip ang itinuro ng asawa sa anak niya?

"Pero ayaw ko pong makulong si dad." Desiry said wiping a tear. Mas lalo tuloy siyang napaiyak. Hindi naman niya masisisi kung maka-ama ito.

"Sige papayag akong iatras ang kaso laban sa daddy mo pero lumayo na tayo. Sumama na kayo sa akin ng kapatid mo."

"Mommy?" gulat na tanong ni Desiry sa kanya.

"Sige na anak. Layuan na natin ang daddy niyo."

Gusto niyang sa muling pag-alis niya ay kasama na ang dalawang anak. Gusto niya ng tahimik na buhay na kapiling ang mga ito. Kahit wala ng lalaki sa buhay niya.

"No, mommy! Hindi ko magagawa iyon." Sunod-sunod nitong iling. Natigilan siya sa mariing reaksyon ng anak. Napailing din si Ayder pero hindi nagsalita.

"Bakit? Takot ka ba sa kanya? Ginawa rin ba niya sa 'yo ang ginawa niya sa akin?" nahihintakutan niyang tanong. She swears she will never forgive Vander if he did something to their daughter. Tinanggap niya ang lahat ng kabastusang ginawa nito sa kanya pero hindi sa anak nila kung sakali.

"No! Why would you even think of that? You think ganoon kasama si daddy?" Resentment is evident on Desiry's voice.

"Hindi! Pero kung nagawa niya sa akin. He can do it to anyone else." Depensa niya sa anak.

Desiry smiled bitterly.

"You don't know dad, anymore. He just loves you, mom." Her tears rolled down as she said it. It breaks her heart to see her daughter like this over her dad.

"You don't know how much he was hurt when you left. He keeps drinking and drowning himself with alcohol." She narrated sobbing. Hindi siya makapagsalita sa sinasabi ng anak.

"I was six, mom. Takot na takot ako sa tuwing nagbabasag siya ng gamit pero ayaw naman niyang umalis kami sa bahay." She added sobbing.

"Kapag kinukuha kami nina Mee at Dee. Sinusundo niya kami nagwawala siya. I was young but I know how dad feels."

She can't help her tears falling. Na-imagine niya kasi ang mukha ng anak noong anim na taong gulang pa ito.

"Kahit noon naiintindihan ko na kung bakit ganoon si dad. Kaya binabantayan ko na lang si Ayder." Desiry continued narrating while sobbing in between.

She inhaled deeply. Her shoulders started shaking as she remembered how young they were when she left. Ayder was two. He can barely walk and speak. Now, at 12 he's a lot taller. Nakatingin ito sa malayo at pinipigilan ang sariling maiyak.

"Halos dalawang taong ganoon si dad." Desiry wiped her tears pero nagsilaglagan pa rin ang mga luha nito.

"One night, I heard him breaking things inside your room. Kahit takot na takot ako pumasok ako para tingnan siya." She continued sobbing.

"I saw dad sitting on the floor. Nakasandal sa kama. Nilapitan ko siya." Desiry inhaled deply as she wiped her tears.

Pigil ang hininga habang hinihintay niyang ituloy nito ang kuwento. Her tears are uncontrollable.

"Natakot ako noong bigla niya akong niyakap. I was eight. I know what a rape is, mom." She narrated sobbing in between.

Napahawak siya sa dibdib habang minamasdan ang anak na umiiyak.

"I was so scared. Sobrang higpit ng yakap niya. He was so drunk."

Her tears run profusely. He won't forgive Vander if he did something bad to Desiry.

"Tiningnan niya ang mukha ko. Sabi niya 'Ang ganda-ganda mo. Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo.' The only word I said was "Daddy"

Tatayo sana siya para yakapin ang anak pero pinigilan siya nito. Desiry wiped her tears pero hindi talaga ito maampat. Like her, Desiry's shoulders are also shaking.

"He cried so hard. Really so hard in my shoulder, mom. He was mumbling "Sorry, my princess. Sorry." Desiry sobs some more narrating his father's reaction. "Sorry. Pinabayaan ko kayo. Mo-mmy niyo l-lang..." Desiry sobs in between. "Mommy niyo lang ang umalis pero pati daddy niyo nawala." She continued.

"He was crying and crying, mom."

Nobody spoke as Desiry calms herself from sobbing. Nang kumalma ito ay saka itinuloy ang kuwento. She saw Ayder wiping a tear.

"He slept crying that night. I thought he'd go back drinking the following morning." Tumingin ito sa ina at ngumiti ng tipid bago nagpatuloy.

"Pero dinala na niya kami sa bahay nina Mee at Dee. Doon na kami tumirang tatlo. He also went back to school."

"Dad was always there for us. Hindi niya kami iniwan." Umiiyak nitong hayag. Her heart sank.

"Two years, mom. Two years siyang nawala sa amin ni Ayder bago siya bumalik nang tuluyan sa amin."

She cant help her tears from falling as Desiry speaks.

"Ikaw? Iniwan mo kami ng sampung taon."

Napahawak siya sa dibdib. Desiry is right. She left them.

"Kung naghintay ka sana kahit ilang taon lang. You could have seen him change, mom." Garalgal ang boses ng anak habang binabanggit ang mga katagang iyon.

"Kung hindi ako umalis hindi rin magbabago ang daddy niyo." depensa niya.

"Someday maiintindihan mo rin ang naging sitwasyon kaya ako umalis."

"Naiintindihan ko naman, mommy. I'm old enough. Alam kong nasaktan ka rin pero sana man lang naisip mo na mas masakit ang ginawa mong pag-iwan sa amin." Puno ng hinanakit nitong hayag. Desiry's never been like this before. Madalas silang mag-skype pero never nitong sinabi ang hinanakit sa pag-alis niya noon.

"You abandoned us! He did not."

"Sobrang sakit, mommy. Hindi mo man lang kami inisip. Ang inisip mo lang kung gaano ka nasaktan."

"I'm sorry, anak." She mumbled between tears. Napakasakit marinig mula sa anak ang mga salitang iyon. She doesn't even know how to react.

"Sana tiniis mo man lang kahit kaunting panahon pa yung sakit baka sakaling nagbago pa si daddy."

If she stayed longer, nagbago kaya ang lahat? Vander never changed. Inakala lang ng lahat na nagbago na siya pero kung nagbago siya. He shouldn't have done what he did.

"Sana ipinaglaban mo man lang na mabuo ang pamilya natin."

"I did try, Desiry. Matagal ang ipinagtiis ko sa daddy mo." Depensa niya pero umiling lang ang anak.

"You did not try harder, mom. If you tried sana bumalik ka para mabuo tayo but you didn't. Sana bumalik ka para sa amin ni Ayder. But no, you only came back for yourself. So you could marry your boyfriend."

That statement caught her offguard.

"Sana hindi ka na lang bumalik." Saad ng anak bago tumayo at nilisan ang lugar. Mas lalo siyang napaiyak sa inakto ng anak.

Tiningnan niya ang anak na lalaki. Pinigilan niya ito nang akmang tatayo at aalis na rin.

"Ayder, anak. Sumama ka na lang kay mommy." pakiusap niya rito.

Ayder looked at her hands clasped in his arms.

"I'm sorry mommy. Sanay po ako na si daddy lang ang kasama namin." He smiled bitterly. Her heart crumbled at her son's remark.

"Lumaki naman po ako na walang ina. I can live another ten years without a mother." He said before turning away.

All she could do was cry in pain.

Siya ba talaga ang nagkamali?

Was it so selfish to think about herself matapos ng lahat ng pinagdaanan niya sa asawa?

.

.

.

.

.

*Kailan nga ba napatutunayan ang pagiging isang ina? O Kailangan nga bang patunayan ang pagiging ina?*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top