Chapter 6
Kabanata 6: Trap
Nakapoker face lang ako habang nakatingin sa lalaking kaharap ko ngayon sa kotse nya.
Naka-itim na suit ito na syempre slacks ang lower part tapos naka-black rubber shoes ito na sakto lang sa suot nya.
“So, what's with the outfit huh?”
Kasi nga diba, bakit napakapormal naman yata ng suot nya. Oo, sa party nga kami pupunta kasi ngayon yung 60th birthday ng dalawang matanda na nasu-suspetsahan ng masamang gawain at kailangan nga naming pumunta dun para mahuli sila.
“Partner, syempre sa party tayo pupunta e alangan namang mag-T-shirt lang ako dun.”
Pinaikutan nya ako ng mata bago nagsimulang mag-drive.
Ouch. Natamaan naman ako dun.
Black T-shirt at black fitted jeans na penaresan ng black rubber shoes na high cut ang suot ko.
“Hoy! Hindi diyan 'yung daan papunta sa Crystal Port!”
E kasi naman bigla nyang iniliko ang kotse sa hindi-ko-alam na lugar.
“At ano naman ang ginagawa natin dito?”
Pinameywangan ko sya habang nakatingin lang sa harapan ng mall kung saan nya inihinto ang sasakyan.
“Labas na,”
Hindi pa ako nakakasagot ay naunahan na nya akong lumabas kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod rin sa kanya.
“Hoy! Hintayin mo naman ako!” pagrereklamo ko na hindi naman nya sinagot.
Maya-maya ay huminto sya sa harapan ng botique saka dire-diretsong pumasok dito.
Ano naman gagawin nya dun? Bibili ng mga damit? Hello, mission pa namin ngayon o 'tas saan-saan pa magsususuot. Tsk.
“Partner! Halika na!”
Nabalik naman ako sa huwisyo nang tawagin ako ni Aldus mula sa loob ng botique.
Napaikot nalang ang mga mata ko bago pumasok doon.
“O? Bumili ka na.” sabi nya na nakapagpakunot ng noo ko.
“Huh?”
Imbes na sagutin ang tanong ko ay inilahad nya sa akin ang isang pink na dress na sakto lang yata sa paa ko ang height nito at saka nya ako itinaboy papasok sa fitted room.
Pagkatapos kong isuot ang dress nang hindi man lang hinuhubad ang fitted jeans ko ay tinitigan ko ang sarili sa full-length na salamin.
“Infairness hindi halata na may suot-suot akong jeans.”
Nang masigurado kong hindi talaga halata na naka-jeans ako ay napagdesisyonan ko nang lumabas.
Pagkalabas ko ay nadatnan ko ang saleslady na kausap si Aldus kaya hindi ko na sila pinansin at tumingin-tingin nalang sa mga dresses at high-heels na display.
“Oy andito ka na pala!”
Ibinaling ko naman ang tingin kay Aldus na tapos nang makipag-usap sa saleslady.
“Oo, tara na.” sabi ko saka nauna nang lumabas ng mall.
Siguro naman ay binayaran nya 'tong dress ko diba? Hayy. Bahala na yun.
Pagkatapos ng isang oras na byahe ay narating narin namin ang Crystal Port na kasalukuyang mayroong mga bisita na kakarating palang.
Ang Crystal Port ay isa sa tanyag na beach dito sa Pilipinas. Hindi dahil sa malawak ito kundi nagtataglay ito ng napakalinis na tubig na tila ba kahit apakan mo ang buhangin ng ilalim nito ay hindi nito masisira ang kalinisan at kagandahang taglay ng beach.
Sa hindi malayong karagatan ay nakikita ko ang isang yate na sobrang laki at ganda. Yayamanin.
May nakasulat sa itaas nito.
Margerett's Life
Bakit kaya ganun yung pangalan ng yate nila? Baka naman Margarett ang pangalan nya kaya ganun.
Tumingin-tingin pa ako sa paligid at katabing karagatan kung may yate pa ba pero wala na kaya ang ibig sabihin ay ang Margarett's Life na yate ay ang venue ng sixtieth birthday ng dalawang matanda na main target ng mission namin.
“Pano tayo pupunta dun?”
Bumaling ang tingin ko kay Aldus nang bigla syang magsalita.
Pinagkibitan ko lang sya ng balikat kasi hindi ko rin alam.
“Ano ba naman kasi 'yung Boss natin e hindi man lang nag-provide ng masasakyan. Pano tayo magtatagumpay sa mis—”
Bago pa man nya matapos ang sasabihin ay ibinato ko kaagad sa kanya ang maliit na bato na nakita ko sa paanan kanina.
“Bibig mo, Aldus. May makarinig sayo.” inis kong sabi saka sya inirapan na ikinasimangot nya nalang.
Maya-maya ay nakuha ang atensyon ko ng paparating na maliit na bangka. Papunta ito sa kinaroroonan namin at nang makarating na nga ito malapit sa amin ay saka nya kami niyaya.
“Ms. Beautiful, tara na dito.”
Kinunotan ko ang bangkero dahil sa sinabi nya.
“Lahat po kasi ng bisita ni Madam Margarett ay sinusundo kaya halina po kayo. Magsisimula na daw maya-maya.” sabi ng bangkero kaya dali-dali kaming sumakay sa bangka nya at nang makarating kami sa harap ng Margarett's Life ay bumaba na kami saka sya pinasalamatan.
“Hoy! Aldus! Tulongan mo naman ako dito!” sigaw ko sa kanya nang inunahan nya akong bumaba ng bangka at dire-diretsong humakbang sa hagdanan na naka-provide sa mga bisita papunta sa entrance ng yate.
Pero ang loko, binelatan lang ako.
Ayoko namang ipakita sa harap ng mga bisita na kaya kong talunin ang pagitan ng bangka at yate kasi baka magtaka sila sa kilos ko at mapagsuspetsyahan pa ako ng kung ano-ano. Edi mission failed ulit.
“Al—”
Napahinto ako sa pagtawag kay Aldus nang biglang may naglahad ng kamay sakin.
Tumingala ako upang makita ang mukha ng naglahad ng kamay sakin ngunit nakasuot ito ng maskarang itim.
Ayoko namang maging choosy kaya tinanggap ko nalang ang kamay niyang nakalahad hanggang sa nakaapak na nga ako sa yate.
Magpapasalamat pa sana ako nang maglakad na ito palayo sa akin.
“Sino 'yun?”
Tinitigan ko naman si Aldus na nagtataka rin sa lalaking naglahad ng kamay sakin saka pinagkibitan nalang ng balikat.
“Infairness, mukhang gwapo.”
Di ko na napigilan pa ang pagtili nang maalala ang mata ng lalaki kanina. Shocks talaga! Ang gwapo ng mata!
Naghiwalay na kami ni Aldus ng daanan upang walang makapansin sa amin. Ako sa Ball Room tapos sya naman sa Mini Restaurant ng yate.
Dahan-dahan kong isinuot ang earpiece na nasa bulsa ko kanina saka umupo sa isang table na vacant medyo malayo sa mga nagsasayaw ng ballroom.
“Ma'am, juice po or wine?”
Napatingin naman ako sa waiter na nasa harapan ko saka ngumiti.
“Wala po bang milk tea?” ang arte naman yata ng dating.
Tinignan ko ulit ang waiter saka ngumiti.
“Juice would be fine.”
Pagkatapos nyang ilahad ang grape juice ay umalis na sya at naglibot-libot pa.
Malapit ko nang maubos ang juice ko nang bigla akong mapatingin sa isang table kung saan nakaupo ang isang matandang babae na nakatingin lang sakin.
It must be Madam Margarett.
Nakaramdam ako ng iling sa klase ng tingin nya kaya naman iniwas ko nalang ang tingin ko at ibinaling ang atensyon sa pag-inom ng juice.
Saktong 3 PM na nang magsimula ang party.
Wala namang something really special na naganap. Ayun, nag-message lang si Madam Margarett sa asawa nya na dapat raw magmahalan sila hanggang dulo at sana marami pa ang taon na dumating sa kanilang buhay. Nalaman ko din na ang pangalan pala ng asawa nya ay si Senior Hipolito pala.
As of now, wala pa naman akong napapansin na iba except for the fact na ang daming phone call ni Senior Hipolito. Parang maya't-maya ay may tatawag na naman tapos hindi pa nga lumilipas ang limang minuto, may tatawag na naman. 'Yun ang pinagtataka ko sa lahat.
Mga 8 PM na siguro nang matapos ang lahat sa pagkain. Ayoko sanang kumain kasi hindi naman ako ginugutom pero napilitan nalang kasi biglang sumulpot sa harapan ko si Aldus at pinilit akong kumain, kaya ayun.
“Restroom lang ako, partner.” sabi niya na ikinatango ko nalang.
Hindi pa nga sya nakakalayo ay biglang may lumapit sakin na isang matandang babae.
“Madam,” sabi ko saka yumuko upang magbigay-galang man lang.
Nginitian nya ako bago umupo sa harapan ko.
“So, how was the food, ija?”
“Okay naman po. Happy birthday nga pala.”
Tumango-tango sya bago nag-cross arms.
“Invited ka ba dito?” maya-maya ay sabi nya na nakapagpakaba sakin.
What the?! Bakit nya tinatanong?! Argh! Mabubuking yata ako nito!
“Hahaha! Joke lang, ija!”
Kumunot ang noo ko bago bumaling ng tingin sa kanya.
“Po?”
“Kahit sino, pwedeng pumunta dito. Wala namang limitation ng tao ang pwedeng makaapak dito sa yate. Sabi nga nila ‘The more, the merrier’ kaya lahat ng pwedeng pumunta ay makakapunta.”
Napangiti naman ako sa sinabi nya. Hohh! Buti naman!
“Hehehe...ganun po ba?”
“Yes, ija. Alam mo, naaalala ko 'yung sarili ko sayo noon. Katulad mo, maganda rin ako noon saka medyo pasaway rin.”
Kumunot na naman uli ang noo ko dahil sa sinabi nya.
“Look, kung titignan ng ibang tao ay naka-dress ka lang pero pag ako ang tatanungin, naka-jeans ka tama?”
“Pa-paano nyo po nalaman?”
“E kasi nga, pasaway rin ako dati. May party kami na pupuntahan ng mama ko noon pero tinatamad akong hubarin yung jeans na suot-suot ko kaya sinapawan ko nalang, diba?” sabi nya saka tumingin bigla sa may stage.
Kaya naman napatingin narin ako dun. Nandoon ang isang lalaking nakamaskara at prenteng nakaupo sa isang golden chair na para bang hari ng porma.
“Ang gwapo nya no?”
Kaagad naman akong tumingin kay Madam Margarett nang bigla nyang purihin ang lalaki.
Tinitigan ko ulit ang lalaki na nakatingin na pala sa kinaroroonan namin saka tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi nya.
Wait! Diba sya yung lalaking naglahad ng kamay sakin kanina? Parang sya nga 'yun.
“Ito, isuot mo. Nag-request kasi yung apo ko na masquerade party daw yung theme ng party na 'to pero ngayon lang sya nag-suggest kaya hindi masyadong napaghandaan. By the way, maghanap ka na ng partner mo para sa last part ng party na 'to, okay?”
Maya-maya ay umalis na nga si Madam at nilapitan ang lalaking nakamaskara. Napatingin naman ako sa lilang maskara na inilahad sakin ni Madam saka ito kinilatis.
Maya-maya rin ay nakita kong papalapit si Aldus sa kinaroroonan ko na hindi maipinta ang mukha.
“O, yare sa'yo?”
Padabog syang umupo sa harapan ko saka tumingin-tingin sa paligid at ipinukol ito sa akin.
“May mga lalaki akong nakitang nagkabit ng bomba sa mga basurahan. Sinubukan kong tanggalin ang mga yun pero hindi ko magawa. Naka-dikit ito sa basurahan at yung basurahan ay nakadikit rin sa yate kaya hindi tal—”
Hindi ko na sya hinintay pa na matapos sa pagsasalita ay kaagad kong tinungo ang pinanggalingan nya kanina at napahinto nang may marinig na parang nag-ti-tick-tock.
Kaya walang pagdadalawang-isip kong binuksan ang basurahan at kaagad na nanlaki ang mata nang makita ang mga numerong naroon.
8: 24
Eight minutes and twenty-four seconds na lang ang natitira at siguradong patay kaming lahat na nandito sa yate.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top