Chapter 5

Kabanata 5: New Mission



Unti-unti kong iminulat ang mga mata just to know kung nasaan ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong nakahiga ako sa isang kotse na sigurado akong hindi ko pagmamay-ari.

Nababalot ito ng itim na kulay at tinted rin ang bintana nito at mukhang mamahalin rin.

Unti-unting nanginig ang mga buto ko sa naiisip na dahilan.

Wag niyong sabihin na ang sasakyang ito ay pagmamay-ari ng tagasunod sa kotse ko lagi? Oo nga! Parang kotse nya talaga 'to!

He-he-he! Sa wakas naman ay makikilala na kita.

Kaagad akong bumangon mula sa pagkakahiga saka inilipat ang paningin ko sa harapan ko.

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang mapagtantong nakatingin sakin ang driver na as usual naka-black hoodie at mask.

Ngunit ang mga mata nito ay expressionless. Kung may poker face, mayroon ding poker eyes. Wala kang makikitang kahit na anong ekspresyon dito.

Yung saktong kapal lang ng kilay na mayroon sya at ang mata niyang may pagkapungay.

Umayos ako sa pagkakaupo ko sa passenger's seat ng kotse saka nagkibit ng balikat.


“So...magpapakilala ka na ba?”


Bahagya naman akong napaatras nang gumalaw sya papalapit sakin.


“Oy oy oy! Ano yang ginagawa mo?! Layuan mo nga ako!” inis kong sabi saka sya tinulak.


Umayos naman sya sa pagkakaupo saka nagkibit rin ng balikat.


“Hindi ka man lang ba magpapasalamat sakin?” shocks! Bakit ang ganda ng boses niya?


Ipinilig ko ang ulo bago sya tinaasan ng kilay.


“At bakit ko naman gagawin yun aber?” kunwari hindi ako natatakot.

“I just saved you from those bad guys.” walang ganang sabi niya na para bang nagyayabang sya na ikinairap ko naman.

“Saved? Oo, niligtas mo nga marahil ako kanina pero papatayin mo parin naman ako ngayon diba?”


By that sentence ay napaisip ako.

Kung may balak nga syang masama sakin..e bakit hindi nya nalang ako pinatay habang wala pa akong malay kanina diba? Bobo rin siguro 'to.



“And why would I do that?”


Unti-unti kong ikinunot ang noo dahil sa sinabi niya. Like what the hell? Bakit nga ba hindi?


“Kasi...yun naman talaga ang motibo mo diba? Kaya mo 'ko sinusundan ay dahil gusto mo akong patayin.” halos mapunit na ang mga daliri ko sa kamay dahil sa kakapisil ko sa mga ito. Dala na marahil ng takot at pangamba sa maaring gawin nya.


“No...not now,”


Dahil sa sinabi nya ay hindi ko na napigilan pa ang pagtawa ng mapakla.


“Talaga? Bakit hindi nalang ngayon diba? Kailan pa? Sabihan mo nalang ako ng eksaktong petsa o oras man lang para naman makapag-prepare ako, noh? Bakit ba hindi nalang ngayon?! Patayin mo nalang ako! Pwede ba?! Nakakainis ka na e! Ano ba ang nagawa kong kasalanan sayo?! Dahil ba sa pagligtas ko kay Bossy Oldie nung gabing yun?! Edi sorry na kung nagawa ko man yun kasi ayoko lang na may makitang mamatay sa harapan ko nang hindi ko man lang natulongan! Please naman o...patayin mo na lang ako...” hindi ko na napigilan pa ang pagsilabasan ng mga luha sa mga mata ko.


Kung papatayin nya lang naman ako, bakit hindi pa ngayon? Eto na o! Nasa harapan na nya! Ang tanga-tanga naman talaga ng lalaking 'to o!

Nakita kong bahagya nyang iniwas ang tingin sa akin hanggang sa paandarin nya ang sasakyan na hindi ko na natutulan pa.

Oo na! Tanggap ko na! Ngayon na talaga ako mamamatay!! Huhuhu! Someone help me!

Pinunasan ko ang mga luha bago tumingin sa bintana.


“Sana man lang kung papatayin mo ako ay madaliin mo na...ayokong maranasan ang magdusa muna bago makarating kay kamatayan at sana naman, sa malinis na lugar mo ako patayin. Ayoko kasi ng germs.” maarteng sabi ko habang nakatingin parin sa labas ng bintana.


Siguro tinted talaga 'tong kotse nya kaso hindi ko lang napansin noon dahil laging nakabukas ang bintana niya e.


“Saan mo ba ako papatayin? Sa balcony? Abandonadong bodiga? Lumang gusali? Sa kanal? Sa balon? Sa tunnel? Sa kangkungan?”


Hindi ko na napigilan ang pagtawa dahil sa sinabi ko. Ang papangit naman ng location ng place of death ko kung sakali. Sana naman magandang lugar ang piliin nya noh. Kundi ay palagi ko syang mumultuhin.

Bigla nalang ulit tumulo ang mga luha ko bago tumingala sa langit ay este sa bubong ng kotse nya.


“Daddy...Mommy...papunta na ako diyan. Wag kayong mag-alala dahil masaya na naman ako na makakasama ko ulit kayo sa tagal ng panahon na hindi natin pagkikita ay miss na miss ko na kayo. Sana man lang welcome a—”

“Pft! Ha-ha-ha!!”


Automatikong kumunot ang noo ko bago binaling ang tingin sa driver na kasalukuyang lumiit ang mata dahil sa kakatawa.


“Anong tinatawa-tawa mo diyan? Mamamatay na ako kaya bigyan mo 'ko ng moment. Gusto ko lang na makapaghanda sila daddy at mommy sa pagdating ng dyosang anak nila. Tch!” inis kong sabi bago sumimangot.


Nakita ko naman ang pag-iling nya bago ko ulit itinuon ang tingin sa mga lugar na nadadaanan namin.


“Hayy..bakit ang ganda yata ng mga lugar ngayon? Pati mga gusali..Totoo yata yung sinasabi nila na kapag mamamatay na ang tao ay saka mo lang maaappreciate ang mga bagay-bagay sa paligid mo.”


Ngumiti ako ng malungkot bago ipinikit ang mga mata ko.

For the last time, sasabihin ko....handa na akong mamatay.

Rest in peace na dis!





✳✴

“Heizeah? Hoy! Gumising ka nga jan!”

Iminulat ko ang mata ko ng kunti bago ngumiti.


“Nasa langit na ba ako? Bakit ang pangit yata ng anghel dito.” sabi ko bago ibinaling ang tingin sa paligid.


Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makita ang itim na paligid.


“What the?! Nasa impyerno ako?! Kaya pala hindi mga magulang ko ang sumundo sakin at itong pangit pa talaga.” umiling-iling ako saka patuloy na tinignan ang paligid.


Bigla akong nagising dahil sa isang batok na natanggap ko saka ko lang nakita ang isang lalaking nakaupo sa tabi ko.


“Argh! Aldus! Anong ginagawa mo dito sa kotse ko?! Tsaka...bakit ako andito?”


Ang huli kong naaalala ay yung lalaking papatay na sana sakin.


“Buti nga andito ako kahit na kanina mo pa ako sinasabihang pangit. Hindi kaya ako pangit! Ang cute-cute ko nga e! Tsk! Insecure ka lang.” saka sya nag-pout.

“Oo na, oo na. Cute ka nga. Pero...buhay pa ako? Paano? At bakit ako andito?”

“Thank you naman, partner. At ano ba ang sinasabi mo jan? May papatay ba sayo? Tsaka...kanina ka pa andito sa kotse mo e. Napansin lang kita kaya ako lumapit dito at ayun nga, nakita kitang mahimbing na natutulog.”


Napahinga naman ako ng maluwag dahil nga sa sinabi nya. Thank goodness buhay pa ko!

Daddy! Mommy! Sa susunod ko nalang kayo sasamahan jan, a? He-he-he! Hindi ko pa yata oras e.



Pagkatapos ng ilang minutong pamamalagi ko sa kotse kasama si Aldus ay lumabas na kaagad ako at pumasok ng dire-diretso sa GPBA habang nakasunod lang sakin si Aldus.

Pero hindi pa ako nakakaupo sa table ko nang biglang dumating sa harapan ko si Bossy Oldie at pinameywangan ako.


“Bakit late ka ng dalawang oras? Gusto mong ma-suspended ulit? Tsaka, asan earpiece mo?”


Kumunot naman ang noo ko dahil sa asal ni Bossy Oldie. Aba! Malaking achievement 'to kasi hindi man lang sya sumigaw habang pinapagalitan ako.

Bago pa man ako masigawan ay inilabas ko ang earpiece sa purse ko saka inilagay sa tenga ko.

Pero bigla itong kinuha ni Bossy Oldie saka may inilabas na naman syang bagong earpiece.


“Ito gamitin mo.” pagkatapos ay pumasok na sya sa elevator.





Pauwi na ako nang biglang may nagsalita sa earpiece ko.


“At my office, now.”


Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad na pumunta sa office ni Bossy Oldie.


“May I guess it? May bagong mission ako kasama si Aldus, tama ba?”


Napa-snap naman ako ng daliri nang tumango sya.

Sabi na e!


“But now, you shouldn't do what you did with your mission with Mr. Vasquez. May partner ka kaya kailangang hintayin mo sya at wag kang kikilos ng mag-isa.” seryosong sabi nya na ikinatango ko nalang.


Mahirap na tumutol baka magkamisahan pa. Pagabi pa naman na baka biglang topakin 'tong boss kong 'to at ma-delay pa ang pagkain ko.


“So, what's my mission?”


Kalaunan ay hindi ko na napigilan na umupo sa swivel chair na nasa harap ng table nya.

Unfair naman kung sya lang ang nakaupo noh. Pano naman ako? Kaya dapat quits lang.


“This..”


Inabot nya sakin ang isang expanded envelope na kaagad ko namang kinuha at binuksan.


“What's with this two oldies?”


Nakita ko kasi sa picture ang dalawang matanda na halatang mayaman dahil sa mga suot ng babaeng perlas sa leeg tapos ang relo naman ng lalaki ay obviously na mamahalin. Tapos ang bahay pa nila na ang laki-laki ng chandelier na kulay ginto pa.


“They are suspected as the handler of the sexual harrassment of children. Their 60th birthday is on friday and the venue is on their yacht. You MUST do everyting just to arrest them. I'll count on you and Aldus. Binigay ko 'tong misyon sayo dahil alam kong matapang at matalino ka kaya alam mo na ang dapat gawin. Pugsain ang mali at ang mali ay gawing tama.” mahabang salaysay nya na ikinatango ko nalang.

“So, posible bang yumaman sila dahil sa ayun nga, sa sindikato nila?” tanong ko.


Tumingin naman ako ulit sa picture ng matatanda saka kinilatis ang mga mukha nito.

Bakit hindi mahalata na kaya pala nila gumawa ng masama? Ang inosente kasi ng mga mukha e.

Pinasok ko na ang mga litrato pabalik sa expanded envelope bago tumango kay Bossy Oldie.


“Copy, boss.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top