Chapter 2
Kabanata 2: Mission
Alas-syete na ng gabi ako nakauwi sa tinutuluyang apartment dahil namili pa ako ng stock ng pagkain ko.
Sabado na bukas. Sabado ang araw ng pag-go-grocery ko pero hindi ako pwedeng bukas pa kumilos kasi naatasan na naman kami ng partner ko sa isang misyon.
Ang kailangan lang naming gawin ay bantayan ang isang pulis na pinaghihilaang nagbebenta ng droga at kapag napatunayan namin na may kasalanan nga sya ay kami mismo ang magdadala sa kanya sa presinto.
Papasok na sana ako ng apartment ko nang biglang mahulog ang instant cup noodles na kasama sa pinamili ko kanina sa convenience store.
Lagi kasi akong bumibili ng noodles kasi madali lang lutuin at suitable pa kapag may lakad ako lalo na kapag alam kong late na ako sa trabaho.
*beeeeeeeeep*
Napatalon ako sa gulat nang mapansing nasa gitna na pala ako ng kalsada habang habol-habol ang cup noodles na nagpagulong-gulong palayo sakin.
“Ano ba?! Kitang nagmamadali ang tao! Alis nga!”
Yumuko ako upang humingi ng tawad sa driver ng pulang kotse.
“Pasensya na po, pasensya na.” sabi ko saka agad na kinuha ang cup noodles na nasa paanan ko na pala.
Napatingin naman ako sa biglaang pagsulpot ng isang kotse sa harapan ko na any minute ay feeling ko sasagasaan na ako.
Ipipikit ko na sana ang mga mata nang may humigit ng kamay ko palayo sa gitna ng kalsada.
Magpapasasalamat palang sana ako nang bigla nalang lumayo sakin ang nakaitim na lalaking syang humigit sa akin.
Kaagad na kumunot ang noo ko nang pumasok sya sa isang itim na kotse nang hindi man lang ako nililingon at kaagad itong pinaharurot ng mabilis.
Sino yun?
Maaga palang ay hinanda ko na lahat ng mga gamit ko na gagamitin para sa mission ko mamaya.
Tinawagan ko na rin ang partner ko upang makapaghanda na ito.
Kaagad kong isinukat ang 4-inches high heels ko upang malaman kung kasya pa ba ito sa akin dahil medyo matagal na rin nang gamitin ko ito.
Nang mapagtanto kong kasya pa naman ay napatango-tango ako.
Isinuot ko na kaagad ang earpiece sa kanang taenga saka isinabit ang itim na purse sa balikat bago lumabas ng apartment na tinitirhan ko.
Kung nagtataka kayo kung bakit ako nakatira sa apartment at kung bakit mag-isa lang ako ay tanging isang sagot lang ang sasabihin ko.
Ulilang lubos ako in short, wala na akong pamilya. Uncle? Titas? Pinsan? Wala.
Hindi pa nga ako nakakapasok sa kotse ko nang makita ang itim na kotse di kalayuan sa akin pero hindi ako nito napansin dahil may kausap sya sa telepono.
Hangga't hindi pa sya lumilingon sa kinaroroonan ko ay dali-dali kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa venue.
Hihinga na sana ako ng maluwag nang hindi makita ang kotseng itim na nakabuntot sakin nang mapatingin sa gilid ko.
Napatingin sya sa gawi ko kaya naman kaagad na binalot ng takot ang buong sistema ko.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang maunahan na ako nito.
All I was expecting na haharangan nya ako at ia-ambush pero mali ako dahil nilagpasan lang ako nito na para bang wala lang sa kanya na natatakot ako.
Naaninag ko nalang ang kotse niya na palayo na sa akin na naging dahilan ng paghinga ko ng maluwag.
And out of nowhere, biglang may nagsalita sa kanang tenga ko.
“Where are you, Zeah? Kanina pa andito si Aldus at hinihintay ka. Dalian mo kundi mahuhuli na tayo.” pagkatapos ay naging tahimik ulit ang kabilang linya.
Umiling nalang ako bago pinaharurot nang napakabilis ang sasakyan ko papunta sa venue.
Sa mga ganitong misyon ay bihasa na kami. Lagi nalang ito ang ina-assign sa amin ni Bossy Oldie. Minsan nga gusto ko nang magreklamo kasi ang boring-boring. Gusto ko kasi ay yung may putukan ng baril na maririnig, mga bombang sumasabog at syempre, may babarilin din para may thrill.
Pero, hindi nalang ako nagtangkang magreklamo baka isang arawang misa ang matatanggap ko galing kay boss. Highblood pa naman yun masyado.
Pagkalabas ko palang ng kotse ay naaninag ko na si Mr. Vasquez na syang pulis na mamanmanan namin.
Sa isang hotel ang venue dahil may party na magaganap at imbitado si Mr. Vasquez kaya ako nagsuot ng formal dress and high heels para hindi magtaka ang mga tao bakit nakapasok ang isang babaeng hindi man lang inimbita ng may-ari ng party.
“Asan ka na?” biglang may nagsalita sa earpiece ko kaya napaikot ko nalang ang mga mata dahil sa gulat.
“Nasa venue na,” walang gana kong sambit.
“What?! Tangna! Bakit hindi mo ko hinintay?!” halatang galit na galit na sabi ng partner ko.
“Alangan namang lagi kang bumuntot sakin diba? Pagkakamalan tayo nun. Sige na, papasok na si Mr. Vasquez, kailangan ko syang sundan.” sabi ko saka tumayo na at dire-diretsong tinahak ang lugar na dinaanan ni Mr. Vasquez.
Nang matanaw ko syang umupo lamang sa isang table malapit sa may cake ay umupo rin ako sa hindi kalayuan sa table niya.
“Hey, ano nang ganap?” biglaang sabi ng partner ko sa kabilang linya.
Itinapat ko muna ang isang basong wine sa bibig bago nagsalita.
“Wala pa akong nakikitang mali.”
“Sige, tandaan mo lang na wag kang susugod nang mag-isa gaya ng palagi mong ginagawa.” may pagbabantang sabi nito na naging dahilan ng pag-ikot ng mata ko.
Nang mapansin kong tumayo si Mr. Vasquez ay tumayo rin ako.
Nang makitang pumasok sya sa isang pinto na katapat ng elevator ay dali-dali ko syang sinundan. Ngunit hindi ko napansin na may nabunggo na pala ako.
“Naku! Pasensya na talaga.” sabi ko saka yumuko.
Nang mapatingala ako ay napakunot ang noo ko. Hindi ko alam pero biglang may nag-flashback sa isipan ko pero hindi ko alam kung ano talaga ito.
He seems familiar. His handsome face that is full of mysteries. His nostalgic smirk. His mapungay eyes. His perfect nose. His red lips. Ang dibdib niyang sa isang tingin palang ay halatang ang tigas-tigas. Ang braso niyang maganda ang pagkakaukit ng mga muscles. Ang tiyan nyang siguradong may lamang anim? Walo? Basta maraming pandesal. All of his features seems familiar.
Para akong napako sa kinatatayuan nang bigla syang ngumisi na naging dahilan ng paghina ng tuhod ko.
Hinintay ko nalang ang pagkakabagsak ko sa sahig pero hindi yun nangyari dahil nasalo ako ng kaharap kong lalaki.
Kaagad kong hinawi ang pagkakahawak nya sa beywang ko saka sya nginitian.
“Thank you.” sabi ko saka tinalikuran na sya.
Why does his touch seems familiar, too?
Napasapo ako sa noo nang maalala ang totoong pakay ko dito.
“Argh! That Mr. Vasquez!”
Kaagad kong inalis ang suot-suot na heels saka binitbit at dali-daling tumakbo sa dinaanan ni Mr. Vasquez.
Sasara na sana ang pinto ng pinasukan nya nang makita nya ako. Tumigil ako sa pagtakbo saka siya tinitigan.
Nginitian nya nalang ako bigla saka tuluyang isinara ang pintong iyon.
Kung ibang tao ang makakakita ng ganoong ngiti ay sigurado akong magkakandarapa na sila sa pagtakbo upang makatakas lang pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Wala akong maramdamang kahit ni-katiting na takot o panginginig ng buto man lang.
Kung ako ang tatanungin ay hindi sya nabibilang sa mga taong mapagkunwari na tila ba maganda lang ang panlabas na anyo o disenteng tignan ang pagkatao ngunit masama pala kundi nabibilang sya sa mga nahinalaan ng mali.
Sa unang impresyon ko sa kanya ay isa lang syang inosenteng pulis na may kalakihang tiyan na bumubuhay sa mga anak. Wala syang ginagawang masama at papatunayan ko yun.
Lumapit ako sa pintong pinasukan nya saka ito binuksan. Akala ko naka-lock ito pero nagkamali ako, nakabukas lamang ito kung saan ko nakitang inaayos ni Mr. Vasquez ang suot nyang sapatos.
Hinawakan ko ang tenga kung saan nakalagay ang earpiece ko pero wala akong makapa.
Saan na yun? Hindi kaya...nahulog kanina nang sinalo ako ng lalaki?
Argh! Bahala na nga.
Unti-unti akong lumapit kay Mr. Vasquez upang silipin ang ginagawa nya sa sariling laptop nang hindi nya ako napapansin.
Kusang kumunot ang noo ko nang makita ang pinapanood niya.
Basketball game?
“Anong kailangan mo?”
Kaagad akong lumayo sa kanya nang bigla niyang isinara ang laptop saka ako binalingan ng tingin.
“A-ako po?” tinuro ko ang sarili ko habang nakakunot ang noong nakatingin sa kanya.
“Sino pa nga ba ang kanina pang sumusunod sa akin?” nakangising sabi niya saka lumapit sa kinaroroonan ko.
Kaagad kong inilabas ang baril ko para balaan sya na wag akong saktan pero nagpatuloy lang sya sa paglapit sa akin ngunit kusa na namang kumunot ang noo ko nang nilagpasan nya ako.
Nakakunot-noo kong ibinaling ang tingin kay Mr. Vasquez.
Kasalukuyan itong nakaluhod sa harap ng cabinet na tila ba may hinahanap.
Ilang saglit pa ay tinignan niya ako at inilahad ang isang pares ng piting rubber shoes.
“Suotin mo yan, malamig baka magkasakit ka pa.”
Saka ko lang naalala na nakapaa lang ako habang dala-dala ang high-heels ko.
Walang pagdadalawang-isip kong tinanggap ang sapatos niya saka umupo sa mini sofa ng room na iyon.
“Bakit mo ako sinusundan?” tanong nya pagkatapos kong isuot ang sapatos na ibinigay niya.
Inangat ko naman ang tingin ko saka napakamot sa ulo habang naghahanap ng maaring idahilan sa kanya.
“About the drug issue?”
Napatingin ako sa kanya nang sabihin nya iyon. Mahihimigan ang pait ng boses nya nang sabihin sa akin iyon. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagpakawala niya ng isang malungkot at halatang pekeng ngiti.
“Hin—”
“Agent ka ba? Kaya mo ako sinusundan dahil inutosan ka ng boss mo sa GPBA. Hanggang ngayon, hindi parin nagbabago si Galvas.” Tinitigan nya ako saka tumayo na at pinagkibitan ako ng balikat habang nanatili lang nakatikom ang bibig ko. “Umalis ka na. Nagsasayang ka lang ng oras.” sabi nya bago binuksan ang pintuan pero bago pa iyon ay may sinabi pa sya sakin. “Wag kang basta-bastang magtitiwala, ija. Wag mong hintayin na masira ang buhay mo.”
At dahil sa sinabi nya ay tuluyan na ngang kumunot ang noo ko.
Ano ang ibig nyang sabihin? Nalaman nya na isa akong agent sa GPBA? Paano? Diba sikretong agency nga lang iyon? Sigurado akong hindi aya basta-bastang pulis lang. Ang dami niyang alam pero isa lang ang siguradong-sigurado ako.
Hindi sya kalaban at mas lalong hindi nya kayang gawin ang binibintang sa kanya ni Bossy Oldie.
And that...I need to find out.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top