Chapter 1

Napabalikwas ako ng bangon nang biglang tumunog ang alarm clock ko. Gosh! I'm late!

Hindi ko na alam kung paano ko pa nagawang maligo, kumain, mag-toothbrush at magbihis sa loob ng limang minuto. Hindi ko na talaga alam basta ang alam ko lang ay papunta na ang sasakyan ko sa agency namin.

Galvas Potential Best Agency o mas kilalang GPBA; ang ahensyang pinagtatrabahuan ko. Isang ahensyang patago at tanging ang mga empleyado at ang boss lang nito ang nakakaalam. Pero kahit na ganoon ay may kaunting kaugnayan parin ito sa pamahalaan.

Noon ay isa akong babae na nagtatrabaho lamang sa isang pipitsuging fast food chain na hindi makapaghintay ang mga customer.

But...hindi ako umabot ng isang buwan doon dahil kaagad akong napatalsik ng manager ko kaya wala akong nagawa kundi ang paikutin ang mga mata ko at umalis dala-dala ang sweldo ko good-for-one-month.

Hindi ko pa nakakalimutan kung paano ako nakarating sa kinaroroonan ko ngayon at kung paano ako nakapasok sa GPBA.


Flashback***

Papauwi na sana ako sa tinutuluyang apartment nang maramdaman kong parang may mali.

Kaagad kong binalingan ng tingin ang itim na kotse na nasa harapan ng kotse ko nang mapansing ang bagal-bagal magpatakbo nito na tila bang may sinusundan.

At hindi nga ako nagkamali.

Biglang pinaharurot ng driver ng kotseng itim ang kanyang sasakyan nang mapansin nyang malayo na sa kanya ang puti na kotse na nasa unahan nito.

Kumunot ang noo ko sa sumunod na nangyari.

Sa isang iglap lang ay naharangan na ng kotseng itim ang puting sasakyan.

Pinili kong pabagalan ang pagmamaneho sa sasakyan ko nang matignan ko ang susunod na gagawin ng driver ng kotseng itim.

Nakita kong bumukas ang pinto ng kotseng itim kasabay ng paglabas ng isang lalaking naka-hood at naka-itim na jeans.

Napailing ako dahil sa nakita. Kidnapper ba sya? Holdaper? Ano ang pakay niya?

Napapitlag ako nang biglang may narinig na putok ng baril dahilan para maihinto ko ang kotse. Mabuti nalang at malayo-layo ako sa kanila kaya hindi nila ako napansin.


“LUMABAS KA! FUCK! ANG DAMI MONG KASALANAN SAKIN!”


Napakunot ang noo ko dahil sa narinig na sigaw ng lalaking naka-hood. That voice...seems familiar.


“GET OUT! ANG TAPANG-TAPANG MO NUNG GABING YUN AND NOW? HINDI MO KO MAGAWANG HARAPIN?! WHAT THE HELL?! LABAS!”


Napapikit nalang ako sa sunod na nangyari dahil hindi ko na yata kaya pa ang manood sa kanila.

Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para paandarin ang kotse ko at huminto sa harapan ng puting kotse.

Napatingin ang lalaking naka-hood sakin. Naka-mask sya. Pero hindi iyon ang inintindi ko.

Tinapunan ko ng tingin ang driver ng puting kotse na may sugat pala sa kanang braso at patuloy na dumadaloy ang dugo rito.

Naglakas-loob akong buksan ang pinto ng kotse ko saka padabog na binuksan ang pintuan ng puting kotse.


Labas!” buong tapang kong sabi na naging dahilan ng paglabas niya.

“Don't.you.dare.” pagbabanta ko sa lalaking naka-hood nang pumihit itong lumapit sa lalaking may sugat.


Nagtagumpay ako na papasukin ang lalaking may sugat sa kanang braso sa loob ng sasakyan ko nang walang anumang balakid.

Kaagad kong pinaharurot ng napakabilis ang kotse ko nang mapansing nakasunod lang pala sa amin ang itim na kotse.

Ni-U-turn ko ang sasakyan ko pabalik sa kung saan man ako nanggaling kanina. Ngunit nasundan parin kami ng lalaking nakahood.


“Ano ang kailangan niya sayo?” hindi ko na napigilan pa ang magtanong habang ginagawa ang lahat para mailigaw ang kotseng sumusunod samin.

“Hindi ko alam.” walang ganang sabi niya na nakapagpangisi sakin.


Wala namang gaganti kung walang nauna...

Magsasalita palang sana ako nang mapansing nasa unahin na namin ang kotseng itim.

Napailing ako bago tinignan ang lalaking namimilipit dahil sa sakit ng tama ng baril.


Kumapit ka.”

Hindi ko na pinansin pa ang reaksyon niya at dali-daling pinalipad ang kotse ko papunta sa kabilang side ng kalsada saka ito pinaharurot nang napakabilis.

Napangisi ako nang makitang wala na ang kotseng itim na nakabuntot sa amin. Well then, good job, Heizeah Aleonda.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay niya. Oo, bahay ng lalaking may sugat sa kanang braso. Ayaw niya kasing pumunta kami sa ospital dahil baka balikan sya ng taong iyon kaya pumayag nalang ako.


Marami pa akong gagawin, mauna na ako sayo.” pagpapaalam ko saka tumalikod.


Bago ko pa tuluyang mabuksan ang pinto ng sasakyan ko upang umalis ay napatigil ako dahil sa sinabi nya.


“Would you jois us? I would like to hire you as my agent in GPBA.”


Ngumisi muna ako bago siya hinarap.


“Sorry, I'm not interested.”


Aalis na sana ako nang bigla na naman syang magsalita.



“You know, you have the potential. You're brave at the same time generous. Here's my calling card,” ipinakita nya sa akin ang isang maliit na puting card bagi ito ibinigay sa akin. “I hope you wouldn't mind.” pagkatapos ay pumasok na sya sa loob ng bahay nila. That.oldie.is.such.a.bossy.

***EndofFlashback



Hindi ko mapigilan ang pagngiti nang maalala ang gabing iyon. I was such a desperate one na makatulong kahit na hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin pagkatapos kong ginawa yun.

But, look at me now...I am an agent in the secret agency and hindi ako kailanman nagsisi na pumayag ako sa alok ng boss namin. Yes, he is tha boss and I call him Bossy Oldie. Hindi naman sya masyadong matanda, ano lang siguro...Fourty? Or maybe 50? Tss whatever basta ayun nga, he's too old for me kaya ayun ang tawag ko sa kanya.

Napatingin ako sa rearview mirror ng kotse ko kasabay ng pagkunot ng aking noo. Damn! Not again!


Pinaharurot ko ng mabilis ang kotse papunta sa kabilang side ng highway.


Napakagat-labi ako nang makita ang kotseng itim na nakasunod parin sa akin. Damn! Alam kong matapang nga ako pero hindi naman sa ganitong oras. Naman o! Pagod pa ako makipaglaban sa inyo!


“Ugh!”


Inis na inis kong pinaharurot ang kotse ko with the fullest speed pero hindi, nakakasunod pa rin sya. Damn!

Mula nang sumabak ako bilang isang agent ng GPBA ay tuluyan ng naglaho ang inosente at tahimik kong mundo. Kung noon ay wala akong kahit na anong problema na hindi ko malulutas pero ibang-iba na sa kasalukuyan.

Napakaraming problema sa ahensya namin. Walang araw na hindi kami sumasabak sa kanya-kanyang misyon na ina-assign sa amin ni Bossy Oldie.


Bukod sa tahimik ang buhay ko noon ay naglaho rin ang inosenteng buhay ko.


Takot ako sa mga kagamitang nakakapatay sa isang tao. Takot ako sa baril. Takot akong makarinig ng isang putok ng baril man lang. Takot akong humawak ng kutsilyo. Hindi ko magawa-gawang humawak man lang ng bomba noon pero lahat yun ay nagbago.

Ngayon, bihasa na ako sa lahat ng bagay. Hindi na ako natatakot sa isang putok ng baril, lagi na akong may kasa-kasamang baril, kutsilyo at bomba. Wala na akong kinakatakutan.


Pwera lang sa isang bagay.

Magmula nung gabing iniligtas ko ang boss ko hanggang ngayon ay palaging nakabuntot ang kotseng itim na iyon sa akin na tila ba sinusundan ako at tinitignan ang bawat galaw ko.

Hindi ko alam kung ano ang pakay niya or nila sa akin. Bakit niya ako sinusundan. Bakit nya ako pinapakialaman. Bakit nya ginugulo ang isip ko. Ano ba ang kailangan niya sakin? Ang sagot ay hindi ko alam.


Pero may isang tanong na nakakapagpanginig ng buto ko.


Ako ba...ako ba ang target nila?


Hindi ko na napansin na nakarating na pala ako sa harap ng ahensya namin.

Tinignan ko naman ang rearview mirror ng kotse ko at napahinga ng maluwag nang mailigaw ko na sya.

Nailigaw ko nga ba talaga? O kusa syang tumigil sa pagsunod sa akin?

Lagi niya itong ginagawa sa akin. Sa twing susundan nya ako ay kusa nalang syang mawawala kalaunan. Ngunit isa lang ang sigurado ako...kalaban sya.



Bago bumaba ng sasakyan ay tinalian ko muna ang buhok kong taga-balikat ko lang saka inipit ang kakaunting bangs sa isang hairpin saka tuluyan nang lumabas dito.

Pumasok ako sa isang kakaibang lugar na nasa harapan ko; GPBA

Kung mapagmamasdan mo ang ahensya namin ay isa lang syang simpleng hotel dahil sa disenyong taglay nito. Simple glass-walled na hanggang 10th floor lang.

Pag pumasok ka sa loob ay may makikita kang receptionist na babaeng nakasalamin. Pero pag nakalagpas ka na sa unang palapag at pag bumukas ang elevator ay malalaman mo na ang tunay na balat ng gusaling ito.

Makikita mo kaagad ang mga taong may kanya-kanyang laptop na kaharap at earpiece bluetooth sa taenga nila.


Oh, I almost forgot.


Kaagad kong kinuha sa kulay itim na purse ko ang sariling earpiece saka inilagay sa kanang tenga.

Konektado ang device na ito kay Bossy Oldie. Lahat ng empleyado niya ay kailangang suot-suot ito sa lahat ng oras at kapag hindi ay isang orasang misa ang maririnig mo sa kanya.

Lagi kaming pinapaalalahanan ni Bossy Oldie na wag kalimutang isuot ang earpiece namin dahil kahit anong oras ay may ia-assign sya saming mission.

Mahirap maging agent lalo na't sa isang sikretong ahensya pa pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Nasimulan ko na, ngayon pa ba ako titigil? Hindi na.



Lunch time na nang mag-aya sakin si Yiren Bautista; isa rin sa empleyado rito at mahinhin nga sya pero hindi mo aakalaing kaya nyang mapabagsak ang limang tao sa loob ng sampung segundo—na kumain na daw kami na kaagad ko naman tinanggihan.

Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa katawan ko pero hindi ako patay-gutom na tao. Madalas ay 2 times a day lang ako lumalamon, minsan pilitan pa.

Siguro ay dahil sa pagiging seryoso ko sa trabaho kaya hindi na hinahanap ng sistema ko ang pagkain kasi trabaho palang, busog na ako. Ang daming trabaho e.

Minsan nga, hindi pa natatapos ang isang misyon mo ay may matatanggap ka na naman kaya wala kang magagawa kundi ang pabilisang tapusin ang isa para matutukan mo ang isa pa.

Mahirap maging ahente pero mas mahirap ang hindi ka makaranas ng hirap dahil alam ko na pag hindi ako bihasa sa lahat ng bagay ay hindi ako magiging handa sa mga darating pang pagsubok.

Napabaling ang tingin ko sa biglaang pagsulpot ng isang pagkain sa table ko.


Kunin mo 'yan. Hindi ako kakain,” sabi ko saka hinawi ang packed lunch.

Partner naman, isang oras ko yang niluto tapos tatanggihan mo lang? Ang sama mo.”


Umupo ang isang lalaki sa kaharap kong swivel chair saka ako ponagkibitan ng balikat.

Napaikot nalang ang mata ko saka kinuha ang packed lunch na binigay nya at kinain.



“Masarap naman pala.” sabi ko saka uminom ng tubig.


Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng tubig sa tumbler ko nang may biglang nagsalita sa kanang tenga ko.



Zeah, I need you, now.” pagkatapos ay nawala na ang boses sa tenga ko.


Napailing ako bago tumingin sa kaharap kong lalaki na nakakunot ang noo. Marahil ay sinabi rin sa kanya ni Bossy Oldie ang sinabi nya sakin sa earpiece.


Iniligpit ko ang pinaglagyan ng pagkain ng partner ko bago tumayo.




“Tara na, Lucifer.” sabi ko sa partner ko kaya naman sinamaan nya agad ako ng tingin.


“It's Aldus,” pagtatama niya na ikinaikot ng mata ko.


“Whatever, Gabrielle.”


Hindi ko na sya pinansin at tinahak na ang office ni Bossy Oldie na nasa third floor pa.


Naramdaman ko naman sumunod ang partner ko pero hindi ko sya pinagtuunan ng pansin.


“Why wouldn't you call me by my name? Kahit anu-ano nalang ang tinatawag mo sakin.” mahihimigan ang tampo sa boses nya kaya naman nakonsensya ako.


Bakit nga ba hindi ko sya tinatawag sa pangalan niya? Kasi sa loob ng isang taon na pamamalagi ko dito sa GPBA ay lagi akong iniiwan ng mga partner ko. Iwan ko kung ano ang nagawa ko sa kanila basta malalaman ko nalang na maghahanap na naman si Bossy Oldie ng partner ko pero syempre, galing parin sa empleyado nya.


Marami na akong naging partner pero tatlo nalang ang naaalala kong pangalan nila. Gabrielle, Lucifer at Kiro. Yung iba hindi ko na matandaan pa kasi hindi sila umaabot ng isang buwan sakin. Ano naman ngayon kung wala akong partner diba? Mabubuhay naman ako kung wala sila.


Kaya ayun, tinatamad na akong alamin ang pangalan ng mga partner ko kasi mawawala rin naman sila kalaunan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top