Chapter 9:

Euclid Astral Gemini

"Bata?" Napamulat ako ng may marahang tumapik saaking pisngi. Tinulungan akong umupo ng lalaki. Mag kasing tangkad lang kami pero mas matangkad s'ya saakin ng kaunti.

"Hmmm?" Tanong ko dito. Naalala ko naman si My. "Asan si My?" Naiiyak ko muling tanong. "Si My?!" Noong hindi sumagot 'yung lalaki ay tuluyan na akong napahagulgol. "Mama!!!!"

Iyak lang ako ng iyak habang pinapanood ako ng bata. Napatigil ako sa pagsigaw ng biglang kumalam ang aking silmura.

"Gutom ka na ba?" Tanong saakin bigla ng lalaki. Tumango-tango naman ako. "Sabagay, nakakagutom nga pag wala kang ginawa kundi ang magiyak." Humahalakhak nitong sabi. Muli namang nanggilid ang aking luha sa aking mga mata. Bigla itong naglabas ng mansanas sa bulsa. Pinunasan n'ya ito ng kanyang damit. "Ito, may pagkain ako." Ini-umang n'ya sa harapan ko ang pagkain. Maabot ko na sana iyon ng muli itong inilayo.

"Gutom na ako..." Bulong ko pa sa kanya.

Pero nginitian lang ako nito. "Ayaw ko nga! Ang dumi mo! Kadirii!!!" Sigaw saakin ng bata 'saka tumayo at lumayo ng lakad. Sinundan ko naman ito.

"Pero gutom na ako!" Pagmamakaawa ko pa. Mas lalo kasing nasakit ang aking t'yan habang natagal. Napansin kong napatingin s'ya saakin pero muli lamang s'yang umiwas ng tingin. Napanguso ako sa ginawa n'yang iyon.

Pero dahil wala akong patutunguhan ay sumunod nalang ako sa kanya. Nasaan na ba si My? Diba't uuwi na kami?

"O! Maghinaw ka muna." Sabi saakin ng batang lalake ng makarating kami sa isa pang liblib na lugar ng gubat. Sa isang bato ay may sumisirit na tubig. Nilinis ko naman agad doon ang putikan kong kamay. Naghilamos din ako dahil 'yun ang turo saakin ni My.

Na dapat ay malinis ako lagi bago kumain.

"Oy! Sabi ko maghinaw lang! Hindi maligo." Napalayo ako sa tubig ng makaramdam ng hapdi saaking may ulo. Muli akong napahagulgol.

"Ang sakit!" Sabi ko at nakapa ang isang malaking sugat saaking ulo. Naalala ko naman si My. "Huy si My!!" Napapaiyak kong saad. "Si Mama tumalon!!" Tumalon si mama sa bangin! Baka ngayon nakabalik na s'ya.

Napakunot saakin ang noo ng lalaki. Pero imbes na sagutin ako ay kumuha ito ng panyo mula sa kanyang bulsa. Ang laki naman ng bulsa n'ya ang galing.

Pinunasan ng lalaki ang mukha ko. Naramdaman ko din na tinali n'ya 'yun sa may parte ng sugat ko sa ulo. "Hayaan mo babalik din 'yun!" Tumango-tango naman ako. Oo nga! Babalik din si My! "'Yan ngayon mukha ka nang tao!" Natatawa nitong sabi at nag-okay sign saakin. Tumango-tango naman ako at nag-okay sign din.

Mula sa kanyang bulsa ay may kinuha s'yang kutsilyo. "Bawal nang humawak ang bata di'ba?" Inosente kong tanong. "Nakakamatay 'yan! Lagot ka!"

"Bakit? Ipampapatay ko ba?" Inis itong napa-tsk saakin. Umupo s'ya sa lupa kaya naman nagindian sit din ako sa tabi nito. Hinugasan n'ya sa tubig ang mansanas pati ang kutsilyo.

"Anong gagawin mo d'yan?" Nagiisip ko pang tanong. Tinaasan ako nito ng kilay.

"Hindi ba halata?" Inis nitong sabi at itinarak 'yun sa puno ng mansanas. Na dahilan ng pagkahati nito. "'Yan! Tigisa tayo!" Malaki ang ngiti n'yang sabi kaya napangiti din ako.

"Ang galing mo!!!" Tawa ko pa at kinuha ang kalhating mansanas. "Ngayon pareho na tayong may pagkain!" Masaya kong sabi.

"Sinong nagsabing bibigyan kita?" Kuwari'y inis nitong asar. Napanguso nalang naman ako. Pero maya-maya ay tumawa ito. "O. Kakaawa ka naman." Sabi pa n'ya at hinagis saakin ang mansanas na agad ko din namang sinambot.

"Salamat!" Masaya kong sabi at kumagat sa mansanas. Isa pa iyon sa turo ni mama. Ang laging magpasalamat! "Anong pangalan mo?"

"Arkal." Sabi n'ya habang nakagat ng mansanas. "Ikaw?"

"A." Napakunot ang noo nito at napatigil sa pagkain.

"A?" Napakibit balikat s'ya. "Ang ikli naman. Sigurado ka ba?" Tanong pa n'ya.

"Oo naman! Ayun ang tawag saakin ni My eh." Paliwanag ko dito. Napansin ko naman ang unti-unting pagdilim ng paligid. Kumuha si Arkal ng isang dahon ng saging ng matapos s'yang kumain ng mansanas. "Anong gagawin mo d'yan?" Tanong ko sa kanya ng pagapatung-patungin n'ya iyon. Kumuha din s'ya ng ilang makakapal na damo at nilagay 'yun sa bandang taas ng dahon.

"Higaan. Ano pa ba?" Namimilosopo nitong sambit. Napakunot naman ako ng noo.

"Hindi ka ba uuwi?" Tanong ko sa kanya.

"Wala akong pamilya." Wala s'yang family? Paano s'ya nabuhay? "Ikaw? Hindi ka ba uuwi?" Napakibit balikat nalang ako sa sinabi ni Arkal.

"Hindi ako marunong umuwi. Hihintayin ko nalang siguro si My." Saad ko sa kanya na ikinatango nito. Tinulad ko naman ang ginawa n'ya. Agad kong kinuha ang isang dahon din ng saging at nilapit 'yun sa higaan n'ya. Kumuha din ako ng isang damo para maging unan—'yun kasi ang ginawa n'ya duong sa damo n'yang nakuha. "Ang sakit." Sabi ko ng humiga ako sa ginawa kong kama.

"Sa una lang 'yan. Pag tumagal masasanay ka din." Tumango nalang ako bilang pagsangayon sa sinabi ni Arkal. Klase namang hindi s'ya nasasaktan kaya totoo din siguro 'yun.

Unti-unti akong napalagay at napatigil sa pagikot-ikot sa aking higaan ng mapagmasdan ang mga bituwin. Ang gaganda nito. Lalo na ang puti at bilog na bilog na buwan.

"A ang pangalan mo hindi ba?" Napatingin ako kay Arkal ng magsalita ito. "Mahilig ka ba sa mga bituwin?" Tumango-tango ako sa dalawang sagot ni Arkal.

"Bakit?" Tanong ko dito. Nilihis naman ni Arkal ang paningin mula saakin at lumingon sa may langit.

"Sige nga! Anong pangalan ng konstelasyong 'yun?" Napagawi agad ang mata ko sa tinuro ni Arkal. Naalala ko naman ang turo ng guro ko sa may bahay.

"Gemini." Napatango si Arkal at ngumiti saakin.

"Simula ngayon, ikaw na si Euclid Astral Gemini." Napakunot ako ng noo.

"Pero may pangalan na ako. A!" Panlalaban ko. 'Yun kasi ang tawag saakin nina mama. Tumango lang naman si Arkal.

"Wala naman akong binago ah? Dahil A ang tawag sayo ay pinahaba ko ito upang maging Astral dahil mahilig ka sa bituwin. Tapos Gemini naman dahil 'yun ang una kong pagkakakilala sa'yo. Na kilala mo ang konstelasyong Gemini."

"Ohh! Ang talino mo!" Puri ko kay Arkal habang masayang pumapalakpak.

"Ako pa." Sagot pa nito. Pero may isa akong pinagtataka.

"Eh saan galing ang Euclid?" Tanong ko dito. Ngumiti naman s'ya saakin.

"Wala lang, trip ko lang. Masama ba?" Napanguso ako sa sinabi n'ya. "Isa pa, ang ganda kaya. Parang ikaw." Naka-kibit balikat nitong sabi. Masaya naman akong tumango.

"Oo nga! Maganda ako!" Tuwang-tuwa kong sabi. Rinig ko naman itong napa-tsk muli.

"H'wag na nga. Pangit ka na uli. Pangalan lang ang maganda." Ngumuso nalang ako sa turan ni Arkal. Pero kahit ganoon ay nagpatuloy lang kami sa paguusap at pagaasaran, hanggang nakatulog na kami.

--

Nakaupo ako sa tabi ng bangin na noon ay tinalunan ni mama. Hindi ko naman mapigilan ang mapaiyak. "Astral?" Napatingin ako sa bumanggit ng pangalan ko. "Ba't ka naiyak? Panget." Lalo namang lumakas ang hilbi ko sa sinabi ni Arkal.

"Sampong taon na ako pero hindi parin nabalik si My." Malungkot kong saad kahit na sa likod ng isip ko ay alam ko na naman ang totoo. "Arkal, wala na si My... Patay na s'ya." Sobrang lungkot kong sabi. Ng dahil saakin namatay na si My...

Naramdaman ko ang haplos ni Arkal saaking likod. "Shhh, babalik pa 'yun." Umiling-iling ako.

"Hindi Arkal, patay na si My!" Sigaw ko at napatayo. "Kasalanan ko kung bakit s'ya namatay!" Sigaw ko at nagpapadyak. Napatingin ako sa kamay kong may tattoo. "Kung sana.. Kung sana wala ang tattoong to edi sana, edi sana buhay pa s'ya!" Sigaw ko at sinubukang pilit na burahin ang tatak doon. Pero hindi ko kaya.

Ayaw nitong mabura.

Kumuha na ako ng isang bato mula sa lapag at sinubukan iyong ipangkuskos doon. Humapdi na ito at dumugo ng kaunti pero ayaw parin talaga.

"My, sorry po, my.." Iyak ko habang ginagawa iyon. Napatigil naman ako ng higitin at tingnan ni Arkal ang aking kamay. Inis n'ya akong tiningnan.

"Tingin mo ba matutuwa ang nanay mo sa ginagawa mo?!" Bulyaw n'ya saakin at dinala ako sa pinaghinawan namin ng mansanas noon. Mas malapit na ito kumpara noong mga panahong limang taong gulang pa lamang kami.

Napapikit ako ng maramdaman ang tubig na tumutulo doon.

"Pero Arkal, kasalanan ko! Dapat mamatay din ako para mabuhay s'ya. Di'ba ganun 'yun? Para may kapalit?" Humahagulgol ko pading saad. Napatigil ako ng bigla akong sampalin ni Arkal. Ito ata ang unang beses na nagawa n'ya yuon saakin.

Kinuha n'ya ang panyo na nasa aking ulo na bigay n'ya dati. Ginawa ko kasi iyong headband upang hindi mahulog ang aking buhok.

Nilinis n'ya iyon sunod ay may binanggit na katagang hindi pamilyar saakin.

Pero ikinainis ko lamang iyon. Bakit n'ya ako sasampalin ng wala naman akong ginagawa? "Pwede ba Astral? Tumigil ka na sa pagiyak." Tila naiinis na nitong sabi habang tinatalian ng panyo ang sugatan kong palad. Galit kong hinigit iyon palayo.

"Paano mo ba malalaman ang lungkot ko! Wala kang pamilya! Wala kang nanay!" Humihikbi ko muling sabi at nagtatakbo palayo.

Nakakainis! Sobrang nakakainis!

Bakit ba sakin s'ya magagalit gayong hindi naman n'ya alam ang pinagdadaanan ko?

Nagmukmok ako sa isang parte ng gubat. Naramdaman ko naman ang pagkalam ng aking sikmura. Ano ba 'yan... Sa mismong kaarawan ko pa kami nagaway. Bigla naman akong nakarinig papalapit na mga gulong. Mula sa isang puno ay sinipat ko kung saan iyon nanggagaling. Isang karitong puno ng prutas!

Naalala ko naman noong si Arkal ang laging kumukuha ng aming pagkain. Nakonsensya naman ako sa ginawa kong pangaaway sa kanya.

Alam ko na! Ako ang nanakaw ngayon para sa aming dalawa.

Biglang napatigil ang matandang nakahawak sa may karitong ng tumalbog ang kanyang sinasakyan ng dahil sa isang bato sa daan. Dahilan upang mahulog ang ibang prutas.

Kahit hindi sanay ay lumabas ako sa aking tinataguan. At habang pinapamulot ng matanda ang ibang prutas ay nakikipulot din ako. Natutuwa pa nga ako dahil paikot-ikot kami.

Sigurado akong matutuwa si Arkal mamaya. Halos walong araw na din kasing walang dumadaan dito kaya't hindi kami makakuha ng pagkain.

Masaya kong pinulot ang isang mansanas. Ito na ang huli.

At agad na tumakbo sa kung saan. Pero hindi ko sinasadya ay bigla akong nadapa. "Aw!" Sigaw ko kaya't napalingon saakin ang matanda. Biglang umusok ang ilong nito at namula ang mga mukha.

"Mangananakaw na bubwit!" Galit n'yang sigaw na labis kong ikinatakot. Kumuha ito ng itak mula sa kanyang likod. Kaya napairit ako. Iniwan ko nanaman ang mga prutas na dapat ay dadalhin ko para sana saamin ni Arkal at tumakbo papalayo sa matanda.

Nagpaliko-liko ako pero nasusundan padin ako ng mama. Sa may isa pang liko ay may biglang humigit saakin, nahagip nito ang dulo ng panyong tinali ni Arkal sa aking kamay kaya nawala 'yun. Sunod n'yang ginawa ay ang pagtatakip ng aking bibig upang hindi ako makairit.

Binalot ako ng takot.

May nakahuli na ba saakin?

Sisigaw sana ako ng tulong ng magsalita ang estranghero. "Shhh..." Sa tono pa lamang ng boses nito ay alam kong s'ya na si Arkal. Napakalma naman ako.

Buti nalang at nandito s'ya...

"Ahhh!!!" Sabay naming sigaw ng madulas ito sa may putik. Napansin ko naman ang pagtingin ng matanda sa aming gawi. Bumalatay ang takot sa mga mata namin pareho.

Bago ko pa mahigit si Arkal ay lumabas na ito sa pinagtataguan naming damo.

"Ako ang gusto mo di'ba mama?" Mapangasar nitong tinig habang iniikot-ikot ang panyong puti sa hangin, klase namang lalo itong nakapagpaapoy ng damdamin ng lalake. Natakot ako sa iginawad na tingin ng matanda kay Arkal. Galit ito. Galit na galit.

Gayunpaman, hindi iyon alintana ni Arkal at nagpatuloy lamang ito sa pangaasar. "Ito ba ang gusto mo?" Nagulat ako ng maglabas si Arkal ng isang mansanas mula sa likuran. Lalong umusok ang ilong ng matanda.

Napatigil ako sa paghinga ng unti-unting magbago ang anyo nito. Unti-unti s'yang naging lobo. Maitim na lobo.

Malamig ang kanyang mga mata at tumutulo ang mga laway. Napakabaho din ng lumalabas na amoy mula rito sa pagbabago n'ya ng anyo.

Sa kasagsagan noon ay napatingin saakin si Arkal. Sinenyasan nito akong lumayo. Saka tumakbo patungo sa likod ng lobo upang ito ay linlangin.

Kinbahan naman ako at umakyat ng puno. Nantalon ako ng mga puno upang masundan sila. Abo't langit ng kaba ko ng makitang padulo sila ng padulo sa gubat.

Naalala ko naman ang bangin.

Hindi, hindi maaari!

Tumalon ako ng isa pang puno at doon ay parang nahulog ang puso ko ng makitang isang hakbang nalang ay mauulit nanaman ang naganap na kamatayan noon ng aking ina.

Hindi pwede! H'wag si Arkal!

Tangis ko sa hangin at napapaiyak. "Wala ka nang kawala!" Sigaw ng lobo habang dahan-dahang lumapit kay Arkal.

Sa sobrang takot ko ay pinalabas ko ang pana at palaso sa aking kamay. Alam kong medyo maliit pa ito pero puno ng pagasa ang aking puso na sana ay matuldukan nito ang buhay ng maligno.

Napatingin naman saakin si Arkal at tumango. Senyales na pakawalan ko ang tatlong palaso.

Agad kong ginawa ang ibig n'ya. Pero nakaiwas ang maligno at napatingin saakin. Nabingi ako sa takot at pangamba ng makitang tumama ang tatlong palaso kay Arkal. diretsyo itong tumama sa kanyang dibdib, unti-unti namang umagos ang masaganang dugo doon.

"At kala mo maiisahan mo ako?!" Natatawang sabi saakin ng maligno na halos hindi ko na marinig sa lakas ng aking hagulgol.

Bigla naman ngumiti saakin si Arkal. Kasabay noon ay ang pagbibitaw n'ya sa panyong hawak at paghigit sa paa ng maligno. Dahilan ng mabilis na pagkalat ng dugo at ang paglubog lalo ng aking palaso sa kanyang katawan.

Ginamit n'ya ang kanyang buong lakas upang higitin ang maligno pababa ng bangin kasama ang kanyang duguang katawan.

Nagpatuloy ako sa pagiyak at unti-unting naramdaman ang pagsakit ng aking palad. Ayaw ko... Ayaw na ayaw ko ng kapangyarihang ito!

Sabi ko. Napagapang ako sa sakit ng mas lalo itong humapdi. Isang pakiramdam ng labis na pagtanggi.

Kinuha ko ang naiwan saaking panyo ni Arkal na may bahid pa ng kanyang dugo. Tinali ko 'yun saaking kamay.

Pangako Arkal. Mabubuhay ako ng matiwasay. Ako ang mabubuhay para sa'yo, para sa ating dalawa. Hinding-hindi ko sasayangin ang sakripisyo mo.

~*~*~*~*~*~*~*~

VOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.

THANKS FOR READING!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top