Chapter 8:
Euclid Astral Gemini
Makalipas ang ilan pang minuto ay narating ko na ang bangin. Wala itong pinagkaiba sa itsura nito dati. Klaseng hanggang ngayon ay iwas padin sa lugar na ito ang mga tao. Ng dahil sa misteryo at mg kwento-kwentong bumabalot dito.
Kaya ito ang tila naging tirahan at lagian namin ni Arkal.
Tahimik at medyo madilim ng dahil sa hamog na bumabalot sa paligid. dahan-dahan kong tinawid ang layo mula sa bungad hanggang sa bunganga ng balon. Sa aking bawat pagtapak, ramdam na ramdam ko ang unti-unting pagbigat ng aking pakiramdam.
Muli namang humangin ng malakas ng sa wakas ay makalapit ako. Sa unang tingin ay aakalain mong doon nagtatapos ang mundo. Tahimik akong umupo doon ay hinayaan ang paa kong tumatayon-tayon sa kalaliman nito. Hindi alintana ang kamatayang maaari kong makaharap sa isang bangga lamang.
Ngumiti ako at inalala ang mga pangyayari noong mga panahong wala pang bahid na kasamaan at malisya ang mundong ito para sa akin. Noong mga araw na ang buhay ko ay pumo ng mga kasiyahan.
Napahigpit ang hawak ko sa bungkos ng bulaklak. Tulad ng dati kong ginagawa ay isa-isa kong pinitas ang petals noon at isa-isa itong marahang tinatapon sa bangin.
"Arkal...." Untag ko sa mahinang boses. "Kumusta ka na?" Pagbati ko sa kanya kahit na hindi ko ito kinukuha. Pinagmasdan ko ang mga parte ng bulaklak na aking hinuhulog. Parang mga ala-ala ko sa kanyang unti-unti nang nawawala.
"Alam mo ba Arkal," napahinga ako. "Hindi na ako mangnanakaw." Nakangiti kong saad. Sana ay maging masaya s'ya saaking kwento. "Noong isang-isang buwan kasi, habang nagnanakaw ako ay may nakilala akong mga tao." Napapikit ako at inalala ang araw na 'yun. Maikli pa lamang ang pagsasama namin ngunit para saakin ay naging isa na silang malaking parte ng aking puso. "Alam mo ba, medyo kinabahan ako dati kasi kala ko masasama sila noong una." Kuwento ko at muling nagmulat. Lalo na ng maalala ko ang unang pagpapalitan namin ng tingin ni Loki. Ang mga mata n'ya noon ay parang mata ng isang lobo. Malamig at nakakatakot. "Kala ko ay papatayin nila ako. O di kaya'y, gagawing katulong. Kinabahan ako dahil ayaw kong mabuhay ng ganoon. Lalo na ng dahil ito ang pangalawang buhay na ipinagkaloob mo saakin." Humangin namang muli ng malakas. Lumawak ang aking ngiti. "Klaseng naririnig mo ako ah?" Pagak akong napatawa. "Maganda na ba ako? Malayo na ba ako sa batang sinasabi mo noong gusgusin at napakadumi?" Tanong ko. Nagpatuloy naman ako sa pagku-kwento. "Alam mo ba Arkal, ng dahil sa kanila ay naging ganito ako. Ang mga taong akala ko dati'y mananakit saakin ay ang mga taong s'ya ring tumulong para mahanap ko kung ano talaga ang tadhana ko sa mundong ito.... Naging parte ako ng Elra." Taas noo kong sabi kay Arkal. "'Yung grupo na tutulong para mabuhay ang isang dyosa na magliligtas sa 'sang katauhan. At alam mo ba Arkal? Lahat ito ay nangyayari dahil niligtas mo ako. Lahat ito ay nangyayari dahil sa pahiram mong buhay." Unti-unti nang lumabas ang luha mula saaking mga mata kaya't napasinghap ako. At muling bumulong ng kanyang pangalan tsaka inalala ang mga nangyari noon.
--
Crescent Frendall Altair
Inayos kong muli ang aking buhok at marahang tinapik ang aking pisngi. Ito na... Ito ang gabi kung saan malalaman namin 'kung ano ba talaga ang kakahantungan ng mundo.
Napangiti ako ng matamis ng mapagmasdan sa salamin ang aking hikaw.
Ang mahal ko...
Gagawin ko ang lahat upang mabuhay kaming muli at nang maipagpatuloy ang aming naudlot na pagmamahalan.
Napatigil ako sa malalim na pagiisip ng biglang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Binuhat ko ang mabigat na laylayan ng aking puting bestida at lumapit doon. Pagbukas ko ay nakita ko agad ang kinakabahang mukha ni Kuya Pio.
Agad na pinasok ng kaba ang aking dibdib. May nangyari ba? "Nandyan ba si Euclid??" Walang habas nitong bigkas habang sinisilip ang loob ng aking kwarto.
"Nawawala s'ya?" Halos masampiga ko naman ang aking sarili ng dahil sa aking tanong. Malamang ay nawawala ito! Why would he even call her in the first place kung hindi? Dahil ba ito sa sakit na nadulot ko sa kanya?
"She's not here." Bagsak ang mga balikat na sambit ni Kuya Pio. Kasunod doon ay ang pagdating ng iba pang Elra na hingal na hingal. "At ngayon na talaga dapat isagawa ang ritwal! Para may tatlong buwan pa tayo upang maghanda sa kung ano mang panganib ang dapat pa nating kaharapin..." Napapalunok na sabi nito.
"Ano?" Tanong naman ni Kuya Irie na agad ding nalukot ang mukha ng sigot s'ya ni Kuya Pio ng isang iling. "'San ba s'ya huling nakita?" Tanong nito na nagpatigil ng aking paghinga.
"We saw her earlier, pero hindi n'ya kami pinansin..." Malungkot, kinakabahan at nakatingin ko sa sahig na sagot. I am hurting deep inside ng dahil sa mga pumapasok sa aking isipan. Paano kung gawa ko nga? God! I don't want to lose a friend!
"May nasabi ba s'ya nitong mga nakaraang araw?" Nanlaki ang aking mga mata ng mula sa isang sulok ay lumabas si Kuya Rico. Isa pang Elra. Sa kanilang lahat ay s'ya ang pinakamatalino at mapagkakatiwalaan.
"Oh! On Kris' birthday!" Sambit naman agad ni Tauro which made us all look at him. Nanlaki naman din ang aking mga mata ng maalala ang kanyang tinutukoy.
"Nagpaalam s'yang lalabas ng kastilyo!" Tugon ko naman to answer their questioning gazes. "Pero walang nakaka-alam saamin kung saan, all I know is that she was going somewhere important. Marahil ay duon s'ya pumunta dahil noong makasalubong namin ito ay nagmamadali s'ya!" Napatango-tango ako ng mapagtanto at mapagko-konekta ang aming mga hula sa kung nasaan man si Euclid.
"Well, may nakakaalam ba?" Sambit naman ni Kuya Gita sa isang tabi habang nakaekis ang mga braso. He looked at Khan. Marahil ay dahil laging sila ni Euclid ang magkasama.
Khan raised both of his arms. "Wala akong alam." Pero kahit ganoon ay hindi parin kami nakuntento. We stared at him for some minutes hanggang sa napahinga nalang ito at napailing. "Wala akong alam but I know someone who might." Napatingin ito sa likudan ni Kuya Verge. Sinundan naming lahat ang kanyang mga mata at natanto namin doon ang nananahimik na si Loki.
Napakunot ang noo nito sa binigay namin sa kanyang titig. Everyone who knows him and Euclid raised their eyebrows.
Bumalatay sa mukha nito bigla ang pagaalala ng siguro ay matanto ang ibig sabihin ni Khan.
"Hindi ko sigurado... But follow me."
--
Euclid Astral Gemini
"Ma!!!! Tingnan mo po!! Look at this!" Pagmamalaki ko saaking ina habang nagpapaikot-ikot at tinatanaw ang baba ng malalim na bangin. Kitang-kita ko naman kasi sa ibaba ang halos patong-patong na bahaghari sa taas ng isang ilog.
Agad namang napatigil sa pagbabasa ang aking ina at napasigaw ng mapansin kung gaano ako doon kalayo.
"A! Lumayo ka d'yang bata ka!" Natawa naman ako bigla habang pinapanood s'yang tumakbo papalapit. Dahil napakalayo ng itsura n'ya ngayon sa itsura niya sa bahay. Sa bahay namin kasi ay napaka-ganda n'ya at napaka-elegante. Parang mga princess na napapanood ko sa hologram ni Dy.
"Heheheh! Mymy naman!" Tatalon-talon ko pang sabi. Pero napatigil din ako agad sa pangungulit ng higitin nito ako sa baywang at kargahin. Lumayo kami sa bangin at inikot-ikot n'ya ako. Masaya naman akong nagpadala at nagpatianod.
"Di'ba sabi ko makikinig agad kay Mama?" Umupo s'ya sa isang bato saka ako kinalong at kiniliti. Walang hangganan naman ang sunod-sunod kong pagtawa.
"Eh kasi naman My! Nakatingin ka uli sa sulat ni Dy!" Natutuwa ko pang sabi. Napangiti kong hinaplos ang ilong ni Mama ng bigla itong mamula.
"Ngayon lang kasi uli ang Dad mo nagpadala ng sulat. Alam mo namang miss na ng mama si Dy diba?" Tumango-tango ako. Sabi kasi saakin ni My ay nakikipaglaban daw ngayon si Dy sa mga bad. Inayos ni Ma ang pagkalong saakin at naramdaman ko ang maliit nitong paghalik-halik sa aking ulo. "Para ka talagang hindi five years old sa pagkatalino ng aking chikiting." Pinat ni My ang aking ulo.
"Mana po ako sanyo eh!!!" Tugon ko habang hinuhuli ang kanyang kamay upang iyakap 'yun saakin.
"Talaga!" Muling napuno ang tahimik na gubat ng aming mga halakhakan.
"Sigurado akong paglaki mo ay magiging isa kang mabuti at mabait na..." Napatigil si Mama sa pagsasalita ng tanggalin ko ang ribbon sa aking mga kamay. Hinawakan n'ya naman agad iyon at hinalikan. "Ang anak ko..." Tila nalulungkot ngunit may saya n'yang sabi.
"My?" Nilingon ko ito.
"Bakit 'nak?"
"Bakit po ako may tattoo sa kamay?" Nagtataka kong tanong. Ngumiti naman ito saakin.
"Malalaman mo din 'yan 'nak. Sa pagdating ng tamang panahon." Hinarap ako ni Mama sa kanya at niyakap. Muli ako nitong nilayo at dinala ang aking palad sa aking may puso. "Basta tandaan mo, sundan mo lang ito ha? Dahil 'yan mismo ang magdadala sa'yo kung saan ka nararapat." Payo n'ya pa na basta ko nalang ikinatango.
Lingid saaking kaalaman na sa pagdating ng araw ay isa palang mahalagang bagay.
"Pero My! Tingnan mo po! May natutunan ako!" Malaking ngiti ang aking ipinaskil sa mukha at umalis sa kandungan ng aking ina.
"O'sige... ready na si mama!" Sagot naman nito saakin.
Agad kong pinakita ang aking kamay sa kanya. Unti-unting tumaas ang tattoo sa aking kamay, lumipad iyon sa ere, lumiwanag, at unti-unting nagbago ng anyo. Nahulma doon ang isang pana. Nang higitin ko ang tali noon ay kusang lumabas ang isang palaso.
"My! Di'ba ang galing?" Umikot-ikot pa ako habang pinapakita sa kanya kung gaano kaganda ang pana. Hindi alintana na malapit na pala ako sa bangin. Hanggang sa matanto ko nalang na hinahabol na ako ni Mama gamit ang kanyang alalang mukha. Humangin ng malakas kaya napaupo ako, pero hindi ko maramdaman ang pinagpatungan ng aking puwitan. Hanggang sa tumilapon ako sa isang parte ng lupa at masulyapan ang mga matang nanlalaki ng aking ina.
Nawala s'ya bigla saaking paningin. Dahan-dahan kong ginapang ang patungo sa gilid ng bangin pero hindi ko s'ya nakita. Naging madilim ang kaninang makulay at puno ng kulay na bangin. Bigla ring umulan kaya naman bigla iyong nabalot ng hamog.
"My?" Tawag ko sa isang maliit na boses kasabay ng unti-unting paglaho ng pana at palaso sa aking kamay.
Nasan na si My?
Napalingon naman ako sa aking likuran ng makarinig ako ng isang alulong. Halos wala nadin akong makita dahil nababalot na ng dilim ang aking kapaligiran.
Napagapang ako patungo sa isa pang bato. "My..." Takot kong tawag kay mama. Pero hindi s'ya nasagot. Pinasok ng kaba ang aking dibdib at sumuot ako sa isang kumpol ng damo.
My... natatakot po ako...
Niyakap ko ang aking mga tuhod at labis na napaiyak. Bigla namang kumulog ng malakas kaya lalo pang lumala ang aking paghikbi.
Ganoon nalang ang takot ko ng hawakan ko ang aking noo. Sa dalawang kong kamay ay nakita ko ang itsura ng pinaghalong dugo at putik.
Lalo akong napaiyak kasabay ng pagkawala ko ng malay.
--
Reyna Hera
Tinitigan kong maigi ang babaeng nagngangalang Euclid. Tahimik itong umiiyak habang tumatayon ang kanyang paa sa may bangin. Nakakbighani, nakakalungkot. Napatawa ako. Ito ang gusto kong mangyari. Ang dalawang bagay na gusto kong maghari sa lahat ng mortal dahil inagaw nila saakin ang aking asawa.
Napapaisip tuloy ako kung dapat ko na bang kitilin ang kanyang buhay o s'ya nalang ang panatilihin kong nabubuhay? At nang maramdaman n'ya ang sakit at hinagpis ng pagkawala sa iyong kamay ng mga mahal mo sa buhay?
Tila binubulungan ako ng demonyo ay naalala ko ang pangalang kanina ay kanyang binanggit.
Arkal ba kamo? Ako'y napangisi.
Gusto mo ba s'ya dalagita? Pwes pagbibigyan kita...
--
Crescent Frendall Altair
"Yura, Kris, akyat na kayo." Sambit ni Kuya Felis ng makarating sila ni Leo sa harap namin ni Yura. Suot ang aming mga bestida para sa ritwal na isasagawa mamaya.
Ito lamang ang naisip naming paraan. Na kung hindi babalik si Euclid para sa rituwal ay kami ang maglalakbay patungo sa kanya.
"Prinsesa?" Nginitian ako ni Leo at inabot saakin ang kanyang kamay na tinanggap ko naman agad kasabay ng isang ngiti. Tinulungan ako nitong umakyat at umupo sa harap ng sinasakyan niyang puting kabayo. At hindi ko maipagkakaila kung gaano s'ya kagwapo sa kanyang ginawang iyon. Pero kahit naman maging pangit pa ata ito ay sigurado akong s'ya at s'ya lamang ang titibukan ng aking puso.
Si Yura naman ay nanatili lang na nakatayo sa gilid at nagmamasid saamin. Nakita ko din ang pagbalatay ng inis na itsura sa mukha nito, pero napawi naman iyon ng kunin ni Kuya Felis ang kanyang atensyon.
"Let's go Yura?" Tumango nalang naman si Yura at tinanggap ang naka-ambang kamay ni Kuya Felis.
Pagkatapos ng ilang minuto pang paghihintay ay lumabas nadin mula sa gate ng eskwelahan ang iba pang Elra. Halos lahat sila pati si Leo at Kuya Felis ay nagkikintaban sa mga kasuotan nitong sinuot ng mga sinauna pang Elra.
Huling lumabas sa gate ay si Loki.
Nakatali ang mahaba nitong dilaw na buhok sa likod at matapang ang kanyang mukha. Matikas din ang bawat galaw n'ya. Kung siguro ay hindi ako nahulog kay Leo ay magiging isa ako sa mga babaeng nagkakandarapa dito.
Hinayaan namin itong mauna upang mauna ito sa daan at ng amin itong masundan. Tulad ng isang hari ay nagsalita s'ya sa isang boses na puno ng otoridad.
"Let's go." Bulong n'ya sa hangin bago pumasok sa gubat.
Agad namang pinaandar ni Leo ang kanyang kabayo at sumunod dito. Ganoon din ang ginawa ng iba.
Maghintay ka lamang Euclid. Padating na kami.
~*~*~*~*~*~*~*~
VOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.
THANKS FOR READING!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top