Chapter 5:

Euclid Astral Gemini

"Anak!" Sigaw ng mahal na hari na nakaluhod sa harap ng halaman kung saan nakatali si Kris. Biglang kumulog at kumidlat ng malakas kasabay ng malakas na pagulan.

Sa paligid naman ay ang iba pang iritan at sigawan.

"Sino kayo?!" Tanong ni Leo na nasa baba ng mataas na halaman. May isang itim na usok ang biglang nagaparisyon sa kanyang harapan. Mula doon ay lumabas ang isang babaeng may kulay berdeng buhok, sa kanyang kamay ay isang maliit na kahoy na patusok. Pinasadahan n'ya noon ang baba ni Leo.

"Hera ang aking ngalan binata." Nakangiti nitong sambit kasunod ng isang malakas na halakhak at ang pagdugo ng kay Leong leeg. Muling nawala sa usok ang babae, sunod itong nagpakita sa may taas ng halaman kung saan nakatali ang umuungol na si Kris ng dahil sa sakit.

Hindi ko naiwasang makaramdam ng galit ng dahil sa ginawa n'ya saaking kaibigan. Hindi....

"Ito.... Itong babaeng ito si Luna?" Muling humalakhak ang babae at sinampiga si Kris. Wala namang nagawa si Kris kundi ang mapadura na lamang ng dugo. "Walang kwenta! Wahahahahah! Wahahahahha!" Tila baliw nitong tawa. "Pero mas maayos na ito, dahil ngayon, ay wala nang hahadlang pa sa plano ko! Lahat kayo!!!" Nagtuturo ang babae sa iba't-ibang parte ng lupa at doon ay lumabas ang ilan pang mga halaman. "Lahat kayo ay mamamatay!!!" Sa pagusbong ng mga halaman ay ang pagkapit nito sa iba-ibang taong dumalo ng selebrasyon. Kaya naman nabalot ng masangsang na amoy ang paligid.

Naramdaman ko ang paglabas ng isa pa mula saaming kinatatayuan ni Loki ngunit agad ko s'yang nahigit palayo kaya hindi kami nadawit.

Nakita ko ang pagtatanggal ng mga guwante ng mga Elra sa kanilang mga kamay. Doon ay nagsilabasan ang kanikanilang mga armas.

Espada ang kay Loki,

Isang palakol naman kay Leo,

Martilyo kay Tauro,

Papyrus kay Khan,

Sibat kay Pio,

Latigo kay Gita,

At isang libro naman kay Irie.

Napatawang muli ang babaeng nagmula sa usok.

"At sino naman ang mga ito?" Sarkasmong sabi ng babae. "Ang iyong mga alagad Luna?" Hinawakan ng babae ang panga ni Kris at pinisil ito. Kita ko naman sa mukha ng kaibigan ko ang mga naglandas n'yang luha. "At tingin n'yo ba ay matatalo n'yo ako?" Nangaasar pang turan ng hayop. "Pero bago 'yon, ay patay na s'ya." Muling humalakhak ang babae at gamit ang hawak nitong kahoy ay sinaksak iyon sa puso ni Kris.

Naramdaman ko ang pagbugso ng galit sa aking puso ng makita ang dugo nitong unti-unting tumutulo.

Ang kaibigan ko...

Naalala ko naman ang mga bagay na kanina lamang ay pinaguusapan namin. Ang mga memoryang tumatak sa puso't isipan ko kahit na dalawang buwan ko palang silang nakakasama.

"Oops. Pasensya." Sambit ng babae bago humalakhak. Sa pagkakataong ito ay tuluyan nang nagdilim ang aking paningin.

Crescent Frendall Altair

Pinakiramdaman ko ang paghugot ng gamit na patpat ni Hera galing sa aking dibdib. Lihim akong napangisi. Sasaksak na nga lang ay mali pa ang kanyang tatamaan.

Lihim akong nagdasal sa dyosa ng buwan. Hindi ko alam kung tama ba ang naintindihan ko at pinapaniwalaan ayon sa bersong binigay ng orakulo noon. Ngunit alam kong hindi ako ang personipikasyon ng dyosang kanilang hinihintay.

O dyosa ng buwan, ng pagbibigay buhay, imulat mo ang mata ng taong nararapat malaman ang kanyang pinaggalingan, ang kanyang pinagmulan. Nawa'y bigyan mo s'ya ng lakas na lumaban para sa kabutihan.

Pinilit kong imulat ang isa kong mata at nakita ang pakikipaglaban ng mga Elra kay Hera. Sinusubukan nila itong atakihin, ngunit lagi s'yang nakakatakas.

Lumipas pa ang ilang minuto at pansin ko ang sugat-sugat nang katawan ng mga Elra. Dapat ay malaman nilang hindi pa ito ang huli. Dahil ito ay isang hakbang lamang upang malaman ni Hera kung gaano sila kalakas.

Hinanap ng mata ko si Euclid.

Si Euclid... Ang aking kaibigan... Nasan na s'ya?

Naramdaman ko ang pagluwag ng baging mula sa aking mga braso at binti. Nanlaki ang aking mata ng dumulas ako panaba. Doon ay nasambot ako ng isang dahon. Naramdaman ko ang isang paghawak sa butas sa aking dibdib kaya naman muli akong napamulat ng mata.

"Euclid..." Bulong ko sa hangin ng makita ang maamo nitong mukha. Ngunit hindi ito ang pagkakakilala ko sa kanya....

Pula ang mata nito habang ang kabila ay itim. Napakunot ang aking noo. Naramdaman ko din ang kakaibang sensasyon ng takot na kanyang idinulot. Hindi... Hindi s'ya si Euclid.

"Euclid, makinig ka... Rinig mo ba ako?" Tangis ko habang unti-unti n'yang pinaghihilom ang aking sugat. Mula sa itim at pulang mga mata ay naging ginto at pilak ito. Binigyan n'ya ako ng isang banayad na ngiti na nagpakalma saakin.

Ito... Ito ang kaibigan ko.

Nang mahilom ang sugat ko ay hindi parin ako makatayo ng dahil sa panghihina. Tumayo naman si Euclid at hinigit ang benda sa kanyang kanang kamay. Doon ay nagbago ang itsura nitong gulo-gulo.

Ang kanyang pilak na buhok ay biglang naitali, bukod doon ay nagbago din ang kanyang damit. Nawala ang suot nitong sapatos at nanatiling nakapaa. Kasabay noon ay ang pagkaramdam ko ng kakaibang enerhiya.

Ito ba? Ito ba ang kapangyarihan ng nawawalang Elra?

Napatigil si Hera sa pagikot-ikot at napatitig din sa pinanggalingan ng malakas na enerhiya. Dahil doon ay nataga ni Loki ang isang parte ng kanyang katawan. Sumunod naman ay si Leo, nahati n'ya ang iba pang baging na nakatali at sumisipsip ng buhay ng iba. Ganoon din ang ginagawa ng iba pang Elra ngunit tulad ni Hera ay napatigil din sila at napatitig sa nagliliwanag na si Euclid.

Mula sa kanyang kamay ay lumabas ang armas na pana na may kasamang tatlong palaso. Agad n'ya itong pinakawalan at walang mintis na natamaan ang kay Herang hawak-hawak na patpat na pinagmumulan ng kanyang kapangyarihan. Sunod naman ay ang kwintas nitong ginamit upang mabuhay ang isang bangkay at maging siya.

Nawala ang lahat ng ginawa nitong nakamamatay at may lasong mga halaman. Nawala din ang kulimlim, ulan at kidlat. Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ni Euclid saaking binti.

Hinawakan ko ang ulo nito bago tuluyang mawalan narin ng malay.

--

Tahimik at maaliwalas. Malayo sa huling bagay kong nakita bago ako tuluyang mahimatay. At base sa amoy ng aking paligid ay nasa clinic ako ng eskwelahan. Napatingin naman ako sa kama sa aking may tabihan. Doon ay mahimbing na natutulog si Euclid.

"Ahh, prinsesa." Napatingin ako kay Khan na bagong pasok lamang sa silid. May dala itong isang libro at tsaa. Marahil ay s'ya ang naatasan saamin ngayong magbantay. "Sandali lamang at tatawagin ko ang doktor." Umiling ako kay Khan dahil s'ya lamang ang alam kong makakaintindi ng nais kong sabihin sa mga oras na ito.

"Khan," nilingon ko ang maamong mukha ng tulog na si Euclid. "Sa tingin ko ay hindi lang basta Gemini ang kanyang pwesto. Maaaring may mas malalim pang dahilan kung bakit s'ya ang pinakamahirap hanapin. At kung bakit sa inyong lahat ay s'ya lamang ang babae." Napapahawak sa dibdib kong saad.

Ito na ba ang kasagutan?

--

Euclid Astral Gemini

Napahinga ako ng malalim ng malanghap ko ang simoy ng hangin sa gabi. Kaakibat noon ay ang marahang paghamplos ng isang nilalang saaking ulo.

Agad akong napamulat at bumangon. "Ugh!" Napahawak ako sa kanan kong palapulsuhan ng dahil sa sobrang sakit nito. Ano ba ang nangyari?

"Astral." Napansin ko ang lalaking katabi ko pala. Napatingin ako kay Loki at napakunot ng noo. Anong ginagawa n'ya sa kwarto ko?

Kinuha ni Loki ang palapulsuhan kong nananakit at ganoon nalang ang gulat ko ng tanggalin n'ya doon ang benda sa aking palad. Napaigik ako sa sobrang sakit na dulot nito.

"Ahhh!" Mahinga kong daing. Mabilis na kinuha ni Loki ang sing-sing mula sa kaliwa kong palasing-singan at nilagay iyon sa may kanan. Nanlaki naman ang mga mata ko ng hindi na naramdaman ang sakit doon.

"Moon seal, Euclid. Moon seal." Maikli n'yang pagdeskribo sa kanyang ginawa. Muli namang sumagi sa isip ko ang pangalang Arkal. Ngunit kinalimutan ko na din agad.

Arkal is dead Euclid.

Arkal is dead.

Dahil sa'yo kaya s'ya namatay. H'wag mo na itong hanapin sa iba pang tao.

"Paano mo nga pala nalamang kaarawan ko?" Tanong ko habang pinapanood s'yang may ginagawa sa aking palad. Na tila may isang maliit na dasal s'yang iginagawad doon.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong nababasa ko ang ilang parte ng isipan mo?" Napatitig ako sa mga mata ni Loki. Hindi ko naman maiwasang tumango kaya napatango ako.

"Aw!" Sambit ko ng bigla n'ya akong batukan. Napangisi ito.

"It's just coincidence. Madalas kong gawin 'yon sa aking mga kaibigan. Sumakto lamang na kaarawan mo pala noon." Natatawa at nangaasar nitong sambit. Lihim naman akong napanguso mula sa gilid.

Ibig ba noong sabihin ay ginagawa n'ya yuon sa lahat?

Napahawak naman ako sa aking dibdib. Bakit may tila parang hindi ko kilalang pakiramdam na nagmumula dito?

"Nasan ang iba?" Tanong ko ng mapansing kaming dalawa lamang ang tao sa clinic. Naalala ko naman si Kris. "Si Kris?" Kinakabahan kong tanong. Ang huling ala-ala ko dito ay noong nakatali s'ya sa may bulaklak.

Napakunot ng noo saakin si Loki. "You saved her didn't you? Bakit ka kinakabahan?" Taka nitong tanong na ikinakunot ko ng noo.

"Ako? Niligtas s'ya?" Nagdalawang isip naman akp at sinubukang alalahanin ang mga nangyari sa kanyang kaarawan. "Pero, di'ba nahimatay ako sa takot??"

Loki eyed me suspiciously. "Wala ka bang naaalala?" Umiling ako sa kanya.

"Basta ang tanda ko lang, nagalit ako tapos...." Naalala ko naman ang mga nangyari noong kabataan ko. Noong namatay si Arkal pati narin ang aking ina. "L-Lumabas ba?" Napahawak ako sa aking kanang kamay at mahigpit 'yong hinawakan. "M-may g-ginamit ba akong pana at p-palaso?" Unti-unting sinakop ng kaba ang aking dibdib. Nabibingi ako at nahihirapang huminga. Kasabay ng dagundong na nagmumula dito.

Lalo naman 'yong nadagdagan ng dahan-dahan at unti-unting tumango si Loki. Hindi... Hindi maari!

"Astral?" Tawag nito at hinawakan tsaka binaba ang mga palad kong pinangtakip ko sa tenga.

"M-may namatay ba?" Tanong ko at hindi na napigilan ang lumuha. Ayaw ko... Ayaw ko na muling kumitil ng buhay ng mga taong mahahalaga saakin! "May namatay ba?!" Sigaw ko na ng dahil sa takot.

"Hey..." Hinawakan ni Loki ang dalawa kong pisngi at tinapat iyon sa kanyang mukha. Hindi alintana ang panginginig ng aking mga labi. "Ikaw ang nagligtas saamin," hinawi n'ya ang mga hibla ng buhok na nahulog saaking mukha. "Hindi mo..." Napalunok ito. "Hindi mo kaylangang matakot." "Walang namatay."

Napahinga ako at mahinang humagulgol.

Salamat naman at walang namatay... Salamat...

Muli kong naramdaman ang paghiga ko sa kama kaya napamulat ako. Huli kong namataan ang pagbulong ni Loki ng kung ano sa may hangin, unti-unting humina ang kanyang boses, saglit din akong nabingi sa tunog mula sa paligid bago ako mawalan ng malay.

~*~*~*~*~*~*~*~

VOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.

THANKS FOR READING!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top