Chapter 4:
Euclid Astral Gemini
"You seem close." Napatigil kami sa paguusap ni Khan ng magsalita si Loki sa tabi. I raised an eyebrow. Ano ba kasing problema nito? Kung badtrip s'ya, h'wag s'yang mandamay.
Mula kasi ng magrecess kami at pumunta sa may cafeteria ay ganan na ang mood n'ya. Pati tuloy si Leo at Tauro na nagvi-video games sa tabi ay napapatigil sa paglalaro.
Isa pa, nagsasalita s'ya ng magisa. Sa t'wing pupunahin namin ay ipapakita n'ya ang cellphone n'ya at sasabihing may kausap naman daw s'yang iba.
"Does it still hurt?" Tanong ni Khan ng mapatingin s'ya sa kamay kong may benda. Umiling naman ako.
"Masakit lang pagnabubuksan. You see, someone put a seal on this. Kaya naman pagwala lang ang benda nagma-manifest." Mahaba kong paliwanag habang kumakain ng ginataang alimango. Naalala ko naman s'ya. "Okay lang ba sa'yong nakain kami ng alimango?" Taka kong tanong na ikinatawa nito.
"Yap! I also eat those you know." Sabi n'ya at ngumata ng isa. He get the flesh from its insides which made me shiver. Isn't that like... pure cannibalism? "Hey, are you ready for the party tonight?" Tanong ni Khan at liningon si Kris. Kris nodded her head yes. Ganoon din ang iba.
As for me, I kept quiet. What party is that? "Something like a feast?" Taka kong tanong.
"Oh! Nakalimutan kong sabihin." Natatawang sabi ni Kris. "It's my birthday Euclid. Invited ang lahat mamayang hating gabi! Ipapadala ko nga pala mamaya sa'yo 'yung dress mo. I'm sure that you'll look pretty on it." Kumikindat naman nitong saad. After that, I smiled and thanked her.
Speaking of, pareho pala kami ng birthday? At sa t'wing birthday ko, I always visit one place.
"Is it possible to leave the palace tomorrow? May dapat kasi akong puntahan." Nahihiya kong sabi. Baka kasi sabihin nilang masyado akong mapapel kahit na singit lang ako dito.
"Sure! Kung gusto mo, magpahatid ka sa isa sa mga 'yan." Natatawa n'yang sabi habang napapatingin sa mga lalaki. I just laughed.
"No. Kaya ko na." Masaya kong sagot.
Sa t'wing kaarawan ko, I always feel a tinge of both happiness and sadness. Lalo na't iyon ang araw na nawala ang dalawa sa pinakamahahalagang tao sa buhay ko. I am a curse myself.
"You okay?" Khan asked while chewing. Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
--
I looked at myself as I watched the transparent sleeves of the dress fall down. Kulay asul na may itim ang binigay saaking bestida ni Kris. At hanggang ngayon, kahit malapit nang magsimula ang selebrasyon ay nasa kwarto parin ako ng dahil sa sobrang paghanga sa ganda ng bawat tabas at tahi ng damit.
Inayusan naman ako ng isang katulong kanina ng buhok upang bumagay ito sa aking suot. Nakatirintas ang dalawang gilid nitong hinati patungo sa gitna. At ang iba pang parteng bahagyang kulot ay lumandas hanggang sa aking may bewang.
Sa dalawang buwan kong pagaaral dito ay humaba nang muli ang aking buhok. Siguro ay ipapagupit ko na lamang muli pag nagkaroon ng pagkakataon.
Ngunit kaylangan ko pang humanap ng pagpapagupitan. Madalang kasi akong magikot ng campus. Lalo na't mainit parin ang tingin ng ibang estudyante saakin t'wing ako'y kanilang makikita.
Hindi naman nakalagpas sa pakiramdam ko ang marahang pagtibok ng aking kanang kamay. Bawat kaarawan ko ay lagi itong tumitibok na tila ba sasabog. Na para bang may pwersa sa loob ang gustong makawala at magpakita.
Isa pa ay hindi ko maintindihan ang nangyayari saaking sarili. Dahil ang mata kong kulay pilak ay minsanang naggi-ginto at nagpupula. Ipinikit ko ang aking mga mata 'saka ito muling iminulat. Doon ay bumalik ito sa dati n'yang kulay.
Lumabas na ako sa aking kwarto at nilakad ang pababa ng kastilyo. Walk-in-distance lang naman ang ballroom kaya naman ayos lang din na malate ako.
Ng makarating ako sa second floor kung saan kita ang napakagara at napakaliwanag na ballroom sa baba ay napatigil ako sa tapat ng bintana. Doon ay kitang-kita ang kabilugan ng buwan. Ngunit hindi tulad ng mga buwang lumipas. Makulimlim ang langit at tila nagbabadya ang ulan.
Sa di malamang rason ay nabingi ako sa maingay kong kapaligiran at napuno ng katahimikan ang aking paligid.
"Gemini?" Napatigil ako sa malalim na pagiisip at napatingin sa tumawag saakin. It was Loki. Dressed in blue and black suit. Klaseng bagong tabas din ang buhok nito. "You look...." Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo at paa. Napalunok naman ako ng maramdaman ang nanunuri nitong pagtingin. M-maya ay bigla s'yang napakunot. "Ang panget." His face grimaced. "Why is the neckline that low?" Tanong n'ya na nagpairap saakin.
Kahit kaylan talaga! Sadyang panay pangkukutya lamang ang lalabas sa bibig nito!
But was I expecting something? And what was it?
Napailing nalang ako sa naiisip ko. "Makapagsalita ka kala mo ang gwapo mo." Napapailing ko nalang na sabi at inilikod ang ilang parte ng aking buhok na sumaboy sa harap.
"For a fact, I do know that I'm handsome." Mayabang nitong sabi at nakapanalamin pa sa kanyang repleksyon sa may bintana. Doon naman ay pinanood ko kaming dalawa at ang aming mga damit. 'Saka ko lamang napagtanto na ang nakadisenyo palang rosas sa kanyang coat sa bandang taas ay ang eksaktong replika ng rosas na nasa aking may tagiliran. Napailing nalang ako. Walang pagkakamali, nasa plano talaga ito ni Kris! "Anyway, gaganda ka naman. Ngumiti ka lang." Parang walang pakialam na sabi saakin ni Loki. He then touched my shoulders. "And don't bow too much. Kung bakit ba kasi nauso ang mga suot na ganyan. Tss." Para namang naiinis nitong saad.
Napaka-bipolar talaga!
Maayos naman kasi ang pagkaka-off shoulder ng suot ko. Pero tumango na lamang ako ng mapansing medyo mababa nga iyon.
At least he's honest.
"Why don't you come with me? Nandito ang ibang parte ng Elra." Sabi nito at tinalikuran ang malaking bintana. Naglakad s'ya patungo sa railings at tinanaw ang nasa baba. Dahil wala akong magawa ay sumunod na lamang ako. "Apart from Leo, Tauro and Khan, nandito ang mas matatanda pa saatin. There is Pio, the blue haired one," sabi n'ya at tinuro 'yung lalaki sa babang umiinom ng wine. "Then, Gita," tinuro n'ya naman 'yung kulay lila ang buhok, "and of course, Irie." Sunod n'yang tinuro ay ang isang lalaking kulay brown ang buhok. Sa dami kasi nila ay buhok nalang ang tinatandaan ko.
"Nasan pa ang apat? We were supposed to be twelve right?"
"Well, some are in their countries. Baka bukas pa ang dating nila para sa isasagawang Ritwal ng Buwan."
"Ritwal ng Buwan?" Ayun na ba 'yung gagawin upang isummon ang sinasabi nilang si Diana? Kahit wala na akong iba pang sinabi ay tumango saakin si Loki na parang naiintindihan ang iniisip ko. "Pero diba dapat nandoon si Luna?" At hanggang ngayon ay hindi ko parin kilala si Luna.
"Makikilala mo din s'ya." Binigyan ako ni Loki ng isang ngiti na akala ko dati'y hindi ko makikita.
"Nakainom ka ba?" Hindi ko na napigilang itanong na nagpabusangot sakanya. I mentally laughed. Klaseng nasira kong muli ang mood n'ya. Iba kasi ang bait n'ya ngayon.
"Bahala ka sa buhay mo. Tss." Parang bata nitong sambit at tumalikod. Napapatawa naman akong kumapit sa braso nito.
"Pikon! Pfft." Pangaasar ko pa na lalong nagpatuwid ng kanyang kilay habang nababa kami.
Nakarating kami sa isang lamesang pabilog. Ito siguro ang itinalaga naming mga upuan. Agad naman akong kumaway kay Khan at tumabi sa kanyang kinauupuan.
"I see, nagkita na agad kayo ni Loki." May himig ng pangaasar nitong bati at marahang tumawa. Nahampas ko nalang naman ang kanyang balikat. Parehong-pareho kasi sila ni Kris na gusto ata talaga kaming pagdikitin.
Nagusap kami tungkol sa mga bagay-bagay. Hanggang sa lumapit sa aming lamesa ang tatlong naggagandahan at nagtatangkadang mga lalaki. Ito ay ang mga tinuro kanina saakin ni Loki.
"Ohh, Gemini. So are you Gemini?" Sabi agad ng isa na si Pio at nangalumbaba sa lamesa 'saka ako tinitigan sa mata. Umupo naman sa tabi n'ya ang isa pang lalake, na sa pagkakaalala ko ay si Irie.
"Yeah! Loki's girl." Puna nito at inakbayan si Loki na tahimik lamang nakacellphone at earplugs nanaman sa isang tabi.
Nagulat naman ako ng may humawak saaking bewang at nagkaroon ng isang mainit na paghinga saaking leeg. Napalayo agad ako dito. "I like the way you smel—Aw!" Napalayo din ito saakin ng masabot nito ang isang table knife na nagmula sa gawi ni Loki. I mouthed a thank you at him ngunit muli lang nito akong inirapan.
At least I know he's kind. Kahit na mabaho ang ugali. Pfft.
"Loki!" Sigaw na sabi ng lalaking tumabi saakin kanina which is named Gita if I remembered correctly. "Anyway, I am Gita, Sagittarius Eifrenzen. At your service." Pakilala nito ng muling ngumiti saakin at hinalikan ang taas ng isa kong kamay. Agad ko naman 'yong binaba.
"C'mon Gita! Nagiging pedo ka nanaman." Pio remarked.
"I am not! Right baby?" Muling tingin saakin nito na tinawanan ko nalang ng pagak.
"Anyway, I'm Pio, short for Phildred Scorpio Oredon. And this guy here," Inakbayan n'ya ang katabi n'ya. "Is Prince Iran Aries Loundelle. Irie nalang itawag mo para maikli." I gladly smiled at my future well... Colleagues at nagpakilala nadin.
"Euclid Astral Gemini."
"Ohh! Nice name." Muli sabi ni Kuya Gita at umakbay sa aking upuan. Hindi ko nanaman 'yun pinansin at medyo lumayo na lang.
"Hayaan mo na 'yan Euclid, kahit naman ganyan 'uang si Kuya, he's still safe. Naninibago lang siguro at may babae sa grupo." Turan ni Tauro na nasa isang tabi. Tumango nalang naman ako.
"Now, now. Kumalma kayo. You are making Euclid worry, h'wag kayong FC." Kalmadong sabi ni Khan. For me, Khan is the only one who lives up to his zodiac. Tanging s'ya lang kasi ang kalmado, like the meaning of cancer. Habang ang iba, well... Medyo nasiraan siguro. Pfft!
"Chill Cancer. Ang kanser mo talaga." Pangaasar naman dito ni Kuya Irie na ikinalukot ng mukha ni Khan. Napatigil naman ako sa mahinang pagtawa ng sinamaan din ako nito ng tingin. Oops!
Nagusap-usap pa kami at nagkamustahan. Hanggang sa unti-unti nang mapuno ang hall. Napatayo kaming lahat ng ipapakilala na ang may kaarawan.
Mula sa isang hagdan ay nasa tuktok noon si Kris, binanggit ang kanyang buong pangalan bago s'ya bumaba. Escorted by Leo of course. Ang alam ko kasi ay balak silang ipakasal nito.
Hindi ko naman maiwasang mamangha. Kris looked like a goddess sent from the heavens. Ang itim nitong paalon-along buhok ay umabot hanggang sa kanyang bewang. At mas lalong napansin ang pagkamaputi nito ng dahil sa suot n'yang pulang napakalaki at napakagarbong ballgown. Binigyan n'ya ako ng isang ngiti ng mapansin ako sa mga tagasaksi na sinagot ko naman ng tango.
"Our Princess of Altaria, Crescent Frendall Ernadine Luna Altaria!" Pakilala ng isang tauhan. Halos mabingi naman ako ng marinig ang tunay at buong pangalan ni Kris. Luna? S'ya si Luna?
Mas lalong umusbong ang paghanga ko sa kanya. Halos ang dami-dami kasing nakapatong sa kanyang balikat ngunit nagagawa n'ya pading ngumiti. Nagagawa padin n'yang maging masaya.
Nagbigay ng kaunting pambungad si Kris at ang kanyang ama. We toast for her at sunod noon ay ang selebrasyon na. Ang kainan at sayawan.
--
"Happy birthday!" Masaya kong sambit kay Kris ng tumungo ito sa aming mesa. Masaya ko din s'yang inabutan ng isang regalo. It was a handmade bracelet of safety. Ginawa ko iyon mula sa isang spell na aking natutunan. Masaya naman n'ya iyong tinanggap.
"Thanks Euclid. Not only because of this cute charm but also for other things. Alam mo bang sobrang saya ko because you are the first girl friend that I ever had? Ikaw lamang kasi ang kilala kong naging totoo saakin. And I think that, that is the greatest gift ever!" She rejoiced and giggled na nagpangiti saakin. She was like me. S'ya din ang unang babaeng naging kaibigan ko.
"I also thank you Kris. Dahil hindi mo agad ako hinusgahan at bukod doon ay tinulungan mo pa akong iwan ang buhay kong makasalanan dati." Kalmado kong pasasalamat at niyakap s'ya.
"O s'ya! Walang iyakan!" Natatawa nitong sabi at marahang pinisil ang aking tagiliran. "And hey, bilang birthday gift ko. Why don't you dance with your prince?" Natatawa n'yang sabi at nginuso si Loki na nanonood saamin sa isang tabi.
"Alam mo, ang gaga mo talaga. You think I won't know about our suits?" Kuwari'y pikon kong sabi na ikinanguso nalang nito.
"Eh bagay talaga kayo eh!" Parang bata n'yang saad na nagpailing nalang saakin. "So? Enjoy!" Sabi nito at hinigit ako kung saan. I let her do the job. Ngunit mamaya ay bigla nalang ako nitong binitawan at kumindat saakin. Doon ay napagtanto kong dinala n'ya pala ako sa pintuan patungo sa garden na nilabasan ni Loki.
Sa hindi malamang dahilan ay nagpadala nalang ako sa ginawa n'ya. Hinarap ko ang pinto at doon ay pumasok.
Mahaba ang naging paglakad ko sa gitna ng isang hallway na nasasaraduhan ng transparent na salamin. Sa dulo noon ay ang garden ni Kris na s'ya mismo ang nagpalago.
Sa gitna naman ay may fountain. Doon ay natanto ng aking mga mata si Loki na nasisinagan ng buwan. Open air na kasi dito at langhap na langhap mo ang sariwang hangin. Kumatok ako sa gilid ng maliit na gate na dahilan ng paglingon saakin ni Ki. Nagkatapat ang kanyang ginto na mata sa aking pilak na jolen.
"Can I?" I asked him, not breaking eye contact. Tumango lamang naman ito at bumalik sa panonood ng mga bituwin. Marahan akong naglakad patungo sa tabi n'ya. Buti nalang talaga at sapatos ang sinuot ko at hindi ang mga nagtataasang sandalyas na ipinadala ni Kris sa aking kwarto. Ng dahil doon ay madali akong nakakapaglakad. "Ayaw mo ba sa loob?"
"I'd rather not. Ang ingay." Matipid n'yang sagot na nagpatahimik saakin. Baka kasi mamaya ay nakakagulo na pala ako.
"Sorry." Paumanhin ko ng mahina at tsaka tumayo at babalik na sana sa loob ng hall. Napatigil ako sa paghakbang ng maramdaman ang isang paghigit sa manggas ng aking damit.
"Saan ka pupunta?" Loki asked. Napakibit balikat naman ako.
"Uhh, sa loob? Baka ayaw mo ng maingay." Mas lalo akong naguluhan ng bigla ako nitong paupuin sa tabi ng inuupuan n'ya sa may fountain.
"Just sit. Let's watch it." Napakunot ako ng noo sa sinabi n'ya. Sinundan ko naman ang kanyang tingin at napagtantong bituwin ang kanyang tinutukoy.
"Do you love stars?" Natutuwang tanong ko. Kung ganoon ay may common nadin naman pala kami. It's the stars that I love to watch the most, dahil syempre, it's a part of the night sky.
"Not the star. The moon." May himig nitong sambit. Mula sa gilid ng aking mga mata ay hindi ko mapigilan ang maantig sa munting pagkislap ng kanyang paningin ng dahil sa repleksyon dito ng buwan. "You know what? I'm giving you something." Mula sa kanyang bulsa ay may hinugot ito. "What do you see?" Napataas ako ng kilay upang gamitin sana ang technique n'yang 'hindi ba halata?' nang magpakita ito ng piso. Pero dahil ayaw kong sirain ang pagkakataon ay sumagot nalang ako.
"Piso?" Nahihiwagaan kong turan. Naghihintay ng sunod n'yang gagawin. Loki touched my left hand and opened it. On my palm does he put the coin and closed it. "U-uy!" Gulat kong sabi ng bigla n'yang baliktarin ang kamay ko at halikan ang taas nito. At that moment, sa pagtaas ng kanyang mukha ay lumiwanag ng sobrang liwanag ang loob ng nakasarado kong kamay.
Napabukas naman ako dito ay nakita ang isang sing-sing. Isang sing-sing na may pigurang buwan. Ngumiti saakin si Loki at muling iniikot ang aking kamay saka ipinasok ang sing-sing sa aking palasing-singan. Nanlaki ang aking mga mata. "Happy birthday Euclid." Tiningnan n'ya ako sa mukha at nakipagtagisan saakin ng titig. "Happy, happy, happy birthday."
"Arkal..." Mahina kong sambit na nagpabago ng ekspresyon nito. Pero hindi maaari. Patay na s'ya!
Magtatanong pa sana ako ng biglang may isang pagsabog ang naganap. Sabay kaming tumilapon ni Loki sa malamig na sahig, kaakibat ng pagkakasira ng pader ng mismong kastilyo at ang pagkakabasag ng salamin na daan patungo dito sa hardin.
"Are you okay?" Tanong nito habang tinutulungan ako itayo mula sa bewang. Napahiga kasi ako sa pagtilapon namin.
Tumango naman ako sa kanya. Muli nanamang nagkaroon ng isang malakas na pagsabog.
Nagkatinginan kami at agad na pumasok sa loob.
Doon ay nakita namin si Kris na nakatali sa isang malaking bulaklak na rosas. Duguan ang kanyang mga kamay at katawan ng dahil sa mga baging nitong may tinik na nakatusok sa kanyang katawan.
~*~*~*~*~*~*~*~
VOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.
THANKS FOR READING!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top