Chapter 2:
Euclid Astral Gemini
"And this will be your classroom." Saad ng babaeng naatasang magikot saakin sa eskwelahan. Nagpasalamat naman ako dito bago s'ya umalis at tiningnan ang classroom na aking papasukan. Sa buong buhay ko ay hindi ko inakalang makakapasok pa pala ako sa isang eskwelahan.
Inayos ko ang ribbon sa aking leeg bago pumanhik papaloob.
Nang makapasok ako ay hindi ko mapigilan ang mapatigil saaking lakad. Kilala ko silang apat na nasa loob ngunit bakit tila galit ang babaeng nakapuwesto sa harapan? Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin saakin na tila may ginawa akong isang kasalanan.
"At sino ka?" Mataray n'ya pang tanong. I was about to answer ng nauna nang sumagot si Loki.
"Euclid Astral Gemini ma'am. Please forgive her. Ngayon lang s'ya nakapasok sa isang eskwelahan." Now I don't know if he is trying to help or shame me. But I assure you, it didn't work. Sanay na naman akong kinukutya at kinakaawaan ng mga tao.
"Yah, so please get this over with. Wala pa akong alam sa mga nangyayari and it would be helpful kung sasabihin n'yo sakin kung bakit ba talaga ako naririto." Walang emosyon kong sabi. Yes, what Loki said didn't affect me. I'm just a little bit ticked on him. I now see him as the personification of evil itself.
"O-okay then." Napalunok nitong saad.
I looked around the room. Madami pa doong upuan ngunit walang mga nakaupo. So I just chose the seat on far left. Wala din naman akong balak makinig sa iba pang impormasyon bukod sa dahilan kung bakit nila ako dito dinala.
"Now Miss Stanovich, pwede na po kayong umalis." Kris said towards the woman. Napakunot naman ang noo nito. The lady was about to ask something ngunit napangunahan na s'ya. "My father has given me the authority to discuss something about her and her stay—for this day." Hindi na muling sumagot ang babae ngunit tumango na lamang. Tsaka umalis ng silid.
"Now, why am I here?" Nagtataka kong tanong at humalumbaba sa mesa. Umupo naman si Criz sa mesa sa harapan ko.
"You see, we are currently making a trial." May binigay s'ya saaking libro na agad kong tinanggap. Hindi man ako magaling magbasa ay medyo marunong naman ako. Lalo na dahil lumaki ako na laging nagbabasa ng job offerings.
Binuksan ko ang libro na may titulong 'Elven Knights' doon ay may mga nakapaloob na sinaunang mga sulat at batas. Ngunit ang mas nakakuha ng aking pansin ay ang mga katagang:
From the twelve was one,
And from one was two,
He who completes must due,
And find the outmost true.
In the back of my mind, alam kong pamilyar saakin ang mga salitang ito. Bakit nga ba hindi? It was from my most favorite song: Whispers of the Moon.
"You see Euclid, having that Gemini on your name, isn't just pure coincidence." Muli akong napalingon sa nagkikintabang mata ni Crescent. It was like the moon. Clear and pure. "There is a high chance na ikaw ang ku-kompleto sa kasalukuyang, Elra (Elven Round). Trabaho ko bilang prinsesa ng lugar na ito ang hanapin ang bawat isa sa mga Elven Knights. At kahit babae ka ay malakas ang pakiramdam kong ikaw ang kukompleto sa kanila. So please lend us a helping hand upang maibalik sa pagkabuhay ang dyosa ng buwan." napakunot naman ang noo ko. Kanina lamang ay binabanggit n'ya ang tungkol sa Elven Knights at ngayon naman ay tinutukoy n'ya ang kuwento ng dyosa ng buwan na si Luna.
"Ano naman ang koneksyon ng Elven Knights sa dyosang iyon?" I muttered in a pout. Well, I kind'a don't believe in gods and goddesses. I believe that there is only one God and under him are all other deities. So technically, parang may gods and goddesses padin but for me, they are only under my God, His Son and the Holy Spirit.
"You see, the mortal chosen to be Luna is the key to all of these." Kris flicked her fingers and in a snap. Nandilim ang paligid. Non could be seen, at hindi narin ako nagtangkang magtanong kung bakit. Especially when a 3D silhouette of a girl flashed in front.
Kris continued.
"Luna has three personifications." Sa pagbanggit n'ya noon ay nawala ang babae. "The goddess of the moon," A girl wearing blue linens with a tied up silver hair while holding a bow emerged from the shadows. Sa liwanag na dala nito ay nakita at naaninang ko ang pagkumpas ni Kris. "of the underworld," Sumunod namang lumitaw mula sa dilim ay isang babaeng may koronang tinik. Her red hair flowed 'till her knees. May hawak itong isang karayom at kutsilyo. "and the goddess of hunt." huling lumabas naman ay isang babaeng tila normal na nilalang o tao lamang. Kasunod na nito ay ang pagkakabuhay muli ng ilaw.
No one dared to mutter anything, 'cause like me, all of us in the room were enticed by the magical proceedings that just happened. Muling lumapit saakin si Kris at hinawakan ang aking kamay.
"Ayaw naming mabuhay s'ya o masummon bilang goddess of the underworld and goddess of the hunt. If Luna is summoned to be the goddess of the underworld, she would be Hecate, and she might destroy instead of saving us, or, she could only perform witchcraft and tell us what to do or where to go. If she is summoned to be the goddess of the hunt, she would just be a normal human. But if summoned as the Goddess of the moon, Diana or Artemis, she would have the ability to put a stop to the great Gynaican Curse. It was a curse by the goddess Hera, that every female and creatures who can bore offspring in the face of our world will die. So as to end the traces of man and all the living creatures themselves." I nodded to let her continue. "And to summon her, what we need, are all of the Elven Knights."
Muling namatay ang ilaw.
May lumitaw na isang bola ng liwanag sa gitna. It was like a visual story telling, but all were in three dimensional. Mula sa bola ng liwanag ay lumabas ang isang paikot na lugar na punong-puno ng tubig. Above it shone the moon's light.
Sa baba ay naroon ang isang babaeng ginamit n'ya kaninang panlarawan bilang 'Luna' nakapalibot naman dito ay ang labing isang binata na nakaapak sa isang pabilog na estraktura may hawak na mga armas ang bawat isa.
May isang bilog na walang nakatayo. Lumapit doon si Kris kaya naman nasilayan namin ang kanyang mukha. She snapped her fingers at ngumiti saakin. "This is your place Gemini. You are the one who'll complete the Elven Round."
*****
"You okay?" Napabalik ako sa katotohanan ng may humawak sa aking balikat. It was Taurus. Kuminang naman sa liwanag ang pula nitong buhok.
"O-oo naman." Wala parin sa huwisyo kong sagot. After the talk Kris made, hindi ako makapagdesisyon kung sasama ba ako sa kanila o hindi. Dahil sa pagsama ko daw ay may mga hamon akong kaylangang harapin.
Mula sa aking likod ay umikot si Thor patungo sa aking tabihan. "Look Euclid, it's fine if you don't want to. Don't be so hard on yourself. Malay mo, iba pala talaga di'ba? Isa pa, you are a lady." Kibit balikat nitong saad. Marahil ay gustong pagaanin ang nararamdaman ko.
Nasabi kasi saakin kanina ni Kris na walang babae ang nagiging parte pa ng Elra. Kaya malaki ang tsansang hindi talaga ako 'yun, ngunit gusto nilang sumugal. Para sa ikaliligtas ng mundo.
"Lahat ba talaga kayong nasa Elra ay lalaki?" Tanong ko kay Thor na ikinatango nito. "Nasaan sila?"
"Some are in their own countries. Konti nalang kaming mga nagaaral. Habang ang iba naman ay nagta-trabaho. But mostly, madalas ay nasa kanilang twenties pa. Kaya naman nagkakaintindihan parin kami."
"And gemini nalang ang kulang?" Tumango saakin si Thor.
"Gemini is the personification of two elements. At kung ikaw man iyon, kaylangan naming palabasin ang isa mo pang katauhan." I awkwardly laughed at him. Isa pang katauhan?
Napahawak ako sa kanan kong kamay na mayroong benda.
Baka ako nga?
Ngunit ayaw kong ilabas ang isa ko pang katauhan. Ayaw kong makontrol ng sarili kong kinatatakutan.
"May problema ba?" Tanong n'ya ng mapansin ang mukha kong unti-unting nawawalan ng kulay at nagiging simputi ng papel. Pinunasan ko ang maliit na butil ng pawis na lumandas sa aking leeg.
"W-Wala naman." Peke ang tawa kong saad. Tumango naman saakin si Tauro at ngumiti.
"Basta tandaan mo, nasayo kung papayag ka o hindi. Dahil lahat ng bagay ay nakaayon sa tadhana, at ang tadhana ay laging natutupad. Tandaan mo 'yan." Sambit pa n'ya bago nagpaalam paalis.
Tumayo nalang naman ako ng unti-unting napuno ng estudyante ang paligid. Nakalimutan ko nga palang sabihin na nasa likod ng kastilyo ay ang eskwelahan at dorm ng Altaria kaya naman madami-dami din ang estudyante dito.
Lumakad ako ng walang patutunguhan. Hanggang sa makaabot ako sa isang kumpol ng mga damo at puno. Masigasig kong tinalon ang isa upang doon matulog.
Ngunit sa pagtulog kong iyon ay nakaramdam ako ng pagtalsik ng isang bato patungo saakin. Bagamat pikit ay sinambot ko iyon tsaka nagmulat ng mata. "Nice reflex." Sambit ng isang boses kasabay ng pagtalsik ng isang pang bagay. Sinambot ko din naman 'yun. Kasunod ay lumabas sa tabi ko si Loki.
"Ano 'toh?" Tanong ko habang binubuksan ang laman ng panyong pinagtagpi at itinali. Tinaasan ako ni Loki ng kilay na para bang tinatanong na: 'Hindi ba halata?'. Sa pagbukas ko noon ay bumungad saakin ang isang inumin at tinapay na nakaseal sa isang plastik. "Parang nabait ka ata?" Natatawa kong asar dito na ikina-sigasing nito.
"Inutusan ako ng prinsesa." Nakalihis ang tingin n'yang sabi saakin. Tumango nalang naman ako bago kumain.
"Salamat." Masaya kong sambit. Minsanan lang kasi akong makakain ng kompleto sa isang araw. Nagisip naman ako ng maaari naming pagusapan. "Anong armas ang paborito mong gamitin?" I asked. Muli nanaman ako nitong tinaasan ng kilay. Isang akto na muling nagtatanong na 'Hindi ba halata?'. Napairap nalang ako. "I'm trying to be nice Loki." May pagbabanta kong himig. Napahinga nalang naman ito sa hangin.
"Swords." Mula sa kanang kamay n'ya ay may hinigit s'yang leather glove. May isang malaking butas doon. Mula sa butas ay tumulo ang dugo, dugong unti-unting naging malaking espada. Ang espadang ginamit n'ya rin noong unang hapon kaming nagkita. "I don't only like it because it is my spirit weapon, I love it because of its meaning too. For me, the sword is power, authority, strength and courage and its wielder has the capacity to protect and fight for what he or she stands for." Tuwang-tuwa n'yang paliwanag habang pinapanood ang sariling repleksyon sa malaking espada. Napangiti nalang ako sa sinabi nito. I didn't expect him to be too sentimental. Medyo nagbago din ang masamang tingin ko dito. Mga one percent. "Ikaw? What weapon do you love the most?" Good mood nitong tanong.
"Guess." Nangaasar kong sabi na nagpaisip sa kanya. His face lightened up when he thought of something.
"Needles?" Patanong n'yang sagot na ikinailing ko. Napahawak ako sa kamay kong may benda. "Which then?" Nagtataka n'ya namang dagdag.
"I love bows and arrows. For me, shooting an arrow represents facing or moving forward with pure courage. It also means defending someone from afar without them knowing. Dahil naniniwala akong ang tunay na kabutihan ay makikita lamang sa dilim. Sa lugar kung saan tanging D'yos lang ang nakakaalam." He nodded at my remark.
"You are too religious aren't you?" Nakukunot noo n'yang sabi. I nodded at him. Sa paniniwala na kasing iyon ako lumaki. At wala na akong balak baguhin pa.
Loki stood up and stretched his muscles. Kita ko naman ang pagf-flex noon. Ngunit hindi ko pinahalata. It would make me look like a maniac addicted to him.
"So? I'll see you around?" Tanong nito at muling pinabalik sa kamay ang espada. I nodded at him.
"See you." Sambit ko na dahilan ng pagkawala n'ya. Muli akong napatingin sa kamay kong may benda.
Kung subukan ko man.... Makaya ko kaya?
VOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.
THANKS FOR READING!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top