Chapter 15:
A/N: Malapit na ang katapusan!!! Konti nalang at may cover na tayo hehehehe ;) I hope. Pleeeaaase ^_^ (samahan n'yo po ako magpray)
At kung bakit double ud? Iyon ay dahil mahal na mahal ko kayo. *mwah*
THANKS FOR READING❤️
~•~•~•~•~
Euclid Astral Gemini
"Ingat ka anak ha?" Naiiyak na sambit ni My habang nakahawak sa aking isang siko. Ngumiti naman ako at tumango.
"Pangako po." Saad ko at yumakap dito ng mahigpit. Ganoon din naman si Dad. Sa isang tabi ay napansin ko ang nakaupo lang na Yura sa may tabi, tahimik na nagmamasid. Maya-maya ay nagtagpo ang aming mga mata. Ngumiti ako sa kanya na sinagot lamang nito ng isang irap at lumihis ng tingin. Ngunit kahit ganoon ay hindi naka lampas sa tingin ko ang mahinhin nitong ngiti.
Kung may natutunan man ako kay Yura, iyon ay ang pagiging in denial nito. Laging baliktad ang kanyang sinasabi at pinaparamdam sa totoo n'yang gusto. Marahil ay upang maprotektahan ang kanyang puso mula sa mga taong noon ay nanakit sa kanya.
"Would you like to come with us A? Pupuntahan namin ang kapatid mo." Ungkat naman ni Dad. Tumango ako dito.
"Sige po. Susunod nalang ako." Tinanguan ako ni My at ni Dad. Umuna naman ang mga ito habang nakasunod ako. Ng makarating sa pinupwestuhan ni Yura ay agad na pinanggitnaan nilang dalawa si Yura.
"Ang ganda-ganda talaga ng anak ko!" Puri ni My habang inaayos ang ilang hibla ng buhok ni Yura. Inayos din n'ya ang rosas na nakadisenyo sa buhok nito.
"Yura, you take care of yourself okay?" Saad naman ni Dad at hinawakan ang kamay nito 'saka pinaglaruan. He played Yura's fingers. "And remember, na kahit ikaw ang maging si Diana, ikaw padin ang mahal na mahal naming si Yura." Paalala nito at hinalikan ang ulo ng aking kapatid.
I marveled at the sight.
Napatingin ako sa langit na kay dilim at tanging ang buong buwan lamang ang nagbibigay liwanag. Sinasabing ngayon pinaka-malapit ang buwan sa mundo kaya naman masuwerte kami dahil mas mataas ang tsansang mabuhay namin ang dyosa ng buwan na si Artemis o Diana, na kilala ding dyosa ng pagkapanganak.
Sa pagtitig ko dito ay hindi ko maiwasang maisip ang mga bagay na maaaring mangyari sa pagtatapos ng ritwal mamayang isasagawa.
Napahawak ako bigla sa kabaak ng aking ulo ng bigla itong tumibok ng kay sakit. Saglit ding nagdilim ang aking paningin at napahawak ako sa balikat ng aking ina.
Alala ako nitong tiningnan. "Ayos ka lang ba anak?" Nawala naman ang sakit kaya tumango ako dito at ngumiti.
Tiningnan ko naman si Yura. "Magiingat ka mamaya ha?" Sambit ko dito. May ilan kasi noong pagsu-summon ang hindi nagtagumpay dahil hindi buong puso ang pagtanggap nila sa kung sino mang dyosa ang bababa. Kung si Diana ba ito o si Hecate. "Tandaan mo; nandito lang kaming mga Elra." Nakakindat ko pang sabi.
At oo, tama kayo ng narinig.
Mas pinili ko ang maging isang Elra at mabuhay tulad ng dati kong gawi. Ayaw ko nang masaktan pa ng sobra ang kapatid ko dahil saakin. Pero hindi ko din naman iniwan ang pamilya ko. Nangako ako sa kanilang kahit na hindi man ang pangalan nila ang aking bitbitin ay mamahalin at sasamahan ko padin sila ng buong puso.
Kahit medyo nalungkot ay tinanggap naman 'yun ng aking ina't ama. Ganoon din si Yura.
Mabuti nadin iyon, kesa naman sa dalawa kami ni Yura na magiging Luna. Tinuro kasi daw noon na ang lahat ng babaeng anak na ipapanganak ng mga pamilyang namumuno sa mga piling bansa ay dapat pangalanan lahat ng 'Luna'. Nagkataon naman na dalawa kami kaya't ganoon nalang ang pinangalan.
"Mahal?! Nahihibang ka na ba?!" Napalingon kaming lahat sa isang mamang sumigaw. Puno ng galit at pagkalito ang mga mata nito.
Sa harap naman n'ya ay si Loki at ang ina nitong hawak-hawak ang kamay ng lalake. Marahil ay iyon ang asawa n'ya at ama ni Loki.
"Kumalma ka Ytrio!" Sambit ng Tita Theia. Paulit-ulit naman ang ginawang paghinga ng ama ni Loki.
"Kaya naman sinasabi ko sa'yong noon pa man ay lumayo ka na sa iba!"
"Ytrio! Ano ba ito?! Pinapalaki mo ang gulo!" Sigaw ni Tita upang pigilan ang asawa. "Isa lamang iyong biro!"
"Biro?? Ngunit hindi ba iyon din ang tanging tinitingnan n'ya?! Tagapaghawak s'ya ng Aquarius Theia! Baka ng dahil pa sa anak natin kung bakit magkagulo!" Hindi papaawat na sabi ni Tito Ytrio. Napabaling ito saakin at masama akong tiningnan. Hindi naman 'yun napansin ng iba dahil abala sila sa pagiisip kung ano ba talaga ang nangyayari.
Kinabahan ako ng makita ang walang emosyong mga mata ni Loki. Tahimik lang itong nagmamasid at nakatingin sa kanyang ama na mas lalong nagpakaba saakin.
"Sinabi ko bang kaylangan ko ng salita mo kung sino man ang gustuhin ko?" Sagot ni Loki ng may pait. "Diba't wala ka namang pakialam? Hinayaan mo nga ako dati hindi ba? Inagaw mo ang nanay ko! Bakit kung makapagsalita ka ngayon ikaw pa itong dapat kong pasalamatan na nabuhay ako sa mundong ito? Na dapat lahat ng utos mo ay sundin ko?"
"Anak!" Sigaw ni Tita Theia ng pagalit. Ngunit hindi nagbago at natantya si Loki.
Bumalatay ang sakit sa mga mata ni Tito Ytrio. Ngumisi naman sa kanya ang kanyang anak. "Hindi ka makasagot? Bakit? Dahil wala ka naman talagang papel hindi ba?" Naramdaman namin ang lungkot at hinagpis sa bawat salitang lumalabas sa bunganga ni Loki. Tumalikod ito at agarang umalis.
"Nasasaktan ako para kay Ytrio." Mahinang sambit ng aking ama. Hinawakan naman ni My ang kamay nito.
"Ipagdasal nalang natin sila. Hindi din naman masisisi si Loki ng dahil sa pinagdaanan nito." Tumango naman ang aking ama sa sinabi ni My at bumalik sa pakikipagusap kay Yura. "Ikaw anak? Wala ka bang balak sundan si Loki?" Rinig kong tanong ni Dad kay Yura na dahilan ng pagtingin ko sa dalawa.
"Ano kasi Dy," napatingin naman si Yura saakin na dahilan ng pagkalito ko.
"Come on, isa pa, matagal na kayong hindi nagkikita hindi ba?" Dad breathed. "Alam mong ikaw lang ang nasasandalan noon sa mga panahong ganito." Yura heaved a heavy sigh.
"Okay, I'll talk to him." Sambit na lamang nito at tumayo na. Sinubukan kong hulihin ang mga titig nito upang malaman kung anong meron pero lahat 'yun ay iniwasan n'ya na lamang.
Naramdaman ko naman ang paghigit ni My sa aking damit kaya't napabaling ako dito. "Lika 'nak, umupo ka sa gitna namin ng Dad mo." Hiling n'ya na agad ko din namang pinagbigyan. Hinilig ni My ang ulo n'ya sa aking balikat. Si Dad naman ay pinaglaruan lang din ang aking mga daliri sa kanan.
"I'm so proud of you A, I mean Euclid anak. Hindi ko inaakalang ang prinsesa namin noon ay lalaki bilang isang napakaganda at napakatapang na Elra." Puri naman ni Dad na ikinangiti ko.
"At ang nagiisang babaeng Elra pa talaga!" Tuwang-tuwang sabi naman ni mama. "Pero wait 'nak, may nagugustuhan ka na ba? Baka mamaya ay may manliligaw ka na, hindi pa kami informed." Nakahalukipkip na sabi nito at minata ako.
"May manliligaw ka?" Mapanuri namang tanong ni Dad na napapakunot.
"Wala po."
"Weh?" Tanong naman muli ni Ma. Napatawa nalang naman ako.
"Wala nga po."
"You should tell me about that person first anak, sisiguraduhin kong s'ya ang tamang lalaki para sa'yo." Saad ni Dad at ipinat ang aking ulo. "Pero may nagugustuhan na ba ang panganay ko?" Tanong pa nito.
Naramdaman ko naman ang pagbugso ng dugo sa dibdib ko.
"W-Wala po?"
"Ba't parang hindi sigurado?" Natatawang sabi nalang ni My. Inihawi nito ang buhok ko sa noo. "Basta kung sino man 'yan, sundin mo ang puso mo a'right?" Sunod-sunod na pagtango ang iginawad ko sa kanya. "Kahit na lahat ay hindi sumasangayon sa inyo, tandaan mo, tadhana mismo ang gagawa ng paraan." Saad ni mama at kumindat kay Dad.
My father smiled back at my mother.
Hindi ko alam kung ano ang naging kwento nila pero ramdam kong naging mahirap iyon. At kung ano man ang nangyari, mas lalo lang nitong pinatibay ang kanilang pagsasama.
"Hello King and Queen Badar." Bati ni Khan ng mapalapit ito saamin. Ngumiti naman dito si Mama at si Dad. "If you don't mind. Maaari ko bang hiramin muna si Euclid?"
Napatingin naman saakin si Dad na parang nagtatanong. Habang si My naman ay nakangiti at kumikindat naman sa akin. Bumaling silang pareho kay Cancer.
"Of course ijo! You are Cancer if I am not wrong?" Parang tuwang-tuwa pa na sambit ni mama.
"Yes madam," magalang naman nitong sagot. My dad laughed at Khans.
"Just call us Tito and Tita ijo, we've heard alot from your father." Napansin ko ang pangungunot ng noo ni Khan. O-oh! Ayaw na ayaw n'ya kasi ang paguusapan.
I saw him put on his super-kind-but-plastic-na-naiinis-smile. Madalas n'ya iyong suoting pag may nalaman s'yang hindi ka-aya-aya. At pakiramdam ko ay ako lang ang natatanging tao na alam kung ano ba talaga ang ngiting iyon.
"Eh? Let me guess, my father was drunk wasn't he?" Napatawa naman si Dad sa turan ni Khans.
"Oh yes he was! Ang daling lasingin ni Pareng Aug." Halos mawalan na ng hiningang saad nito habang humahalakhak. "Speaking, asan na ba 'yun?"
"Well tito, my mother is currently giving birth to my eleventh brother. Kaya naman po ay hindi sila makakapunta." Ngayon, pati si My ay napabunghalit na nang tawa. Ako naman ay hindi ko alam ang iisipin.
Eleventh brother? So bale twelve sila?
Hindi ba 'yun masakit?
"I can't believe na seseryosohin ni Aug ang sinabi n'ya dati." Khans now looked curious.
"Which was?" Tanong nito.
"Na pag-nafall sa kanya ang Mommy Eunovie mo, ay sadyang magaanak daw sila ng 'sandosena." Khans just laughed with my mom and dad. Hanggang sa lahat sila ay kumalma na. "Uhm so, I think you've got matters with my A?"
Tumango si Khan. "Yes po tita."
"Ay napaka-galang na bata!" Puri naman ng nanay ko kay Khan. "Sige sige, go na muna baby." Sabi nito saakin upang bigyang permiso.
"Ingatan mo ang prinsesa ko huh?" Pakiusap naman ni Dad. Ngayon tuloy ay pakiramdam kong para akong isang six years old na batang pinapayagang maggagala.
"Of course tito, I will take care of Gemini."
"Happy to hear that son. So, anak?" Tumango nalang ako.
"Bye po Dad, My." Humalik ako sa pisngi nila bago tumalikod at sumama kay Khan.
"So? How's the family life?" Usyoso nito. I smiled at him.
"Happy. Hindi ko nga alam na may tsansa pang makilala ko sila uli."
"Well, ang tagal mong nawala. And I can't believe na ang babaeng naliligo pala sa lawa ay ang prinsesa ng mga Badar at si Gemini huh? Your life is such a great coincidence. Like something out of a fantasy book." Napatawa nalang naman ako sa sinabi n'ya. Oh I can't blame him. Kahit naman kasi ako ay nao-overwhelm sa mga nangyayari.
First days of my life which I remembered was that, I was lost and alone. And then, there was Arkal who saved me from that deep sorrowful abyss. Na dahilan kung bakit muling nadurog ang puso ko for the second time. But well, in the end, everything was tied together.
Unti-unti kong nadikit muli ang basag-basag na pragmento ng aking pagkatao. At napagtanto kung saan kumukunekta ang lahat. But then, may mga bagay parin talagang mas magandang panatilihin kung ano 'yun.
Like my individuality as Euclid Astral Gemini.
Pagkatapos ng ilang hakbang ay napagtanto kong tinatahak namin ni Cancer ang daan palabas ng pagdadaungan ng inisiyasyon. Napakunot ang noo ko.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko dito ng may bahid ng pagtataka. Khans then stopped from his tracks and looked me in the eye.
"Did you know that Cancer is the zodiac sign closest to the Lady of the Moon?" Maamo ang mukha nitong paliwanag. Ano namang meron dun? Umiling nalang ako sa sinabi ni Khan. "Well, Artemis or Diana is the lady that rules over our sign." Paliwanag n'ya at patuloy na naglakad. I just followed him. "Look Euclid, this is the first time that I an not so sure of the steps I might make." Lumapit si Khan sa isang lugar sa hardinan. Naglakad pa kami at naglakad hanggang sa marating namin ang isang lugar na may makapal na vines ang nakapalibot.
"And?" Tanong ko dito ng tumigil ito sa paglalakad.
"But I feel the urge that you are much better than who Diana or Artemis might be." Binuksan n'ya ang baging. Hindi ko naman mapigilan ang manlaki ang mga mata ng makita ang lugar na napapaloob doon.
It was a dark place, may isang lawa sa doon na may bato sa gitna, at tanging mga alitaptap lang ang nagbibigay ng liwanag, it was like a big hole of ecstasy under the land. May malaking butas kasi sa taas kung saan kitang-kita mo ang napaka-maaliwalas na langit. Napakunot ako sa tanawin.
"Di'ba dito tayo unang nagkita?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito at tumango.
"Yes, at ang natatanging maaari lamang pumasok dito ay ang may malalaking kagampanan sa pagbuhay ng muli sa dyosa. Ang may mga titulong Luna, Elra pati na ang mga hari at reyna." Napansin namin ang buwan na unti-unting sumisilay sa taas ng lugar, naaninagan nito ang ngumingiti n'yang mukha. "Kaya't noon pa man ay alam kong may isa ka nang malaking papel sa lahat ng bagay na mangyayari."
"Bakit mo 'to sinasabi saakin?" Tanong ko pa na nagpababa ng tingin nito.
Kinuha n'ya ang maliit na orasang may tali mula sa kanyang bulsa at pinakita iyon saakin.
"Tatlong oras." Napakunot ako ng biglang nanlabo ang isa kong paningin kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso. "Tatlong oras na nalalabi, para sa isang pagmamahalang natatangi." Napansin ko ang pagliwanag ng isang mata ni Khan. Naging kulay asul ito na napakatingkad. At sa mismong bilog ng kanyang mata ay kita ko ang 'tila maliit na orasan doon. Bumilis ang tibok ng aking puso, hanggang sa tanging si Khan at ako nalang ang aking nakikita habang nakatayo kami sa gitna ng dilim. Muli s'yang sumambit ng mga salita. "Tatalikod ako sa katotohanang dapat ay maging tapat ako sa dyosa, sana'y h'wag mong sayangin iyon at ituloy sa kaunting panahon ang pagmamahalan n'yong naudlot." Sa puntong iyon ay tuluyan na akong nalito. Lumayo ng lumayo ang bawat tunog ng kalikasang naririnig ko kanina.
Ngumiti ito saakin.
Para naman akong nahilo sa ngiti ni Khans na iyon kaya't napapikit ako ng mata.
At sa aking pagmulat ay hindi ko inaasahan ang aking nakita.
Nandito ako, nakatayo sa gitnang bato.
Kaharap ang likod ng prinsipeng si Aquarius Loki Fergarro.
~*~*~*~*~*~*~*~
VOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.
THANKS FOR READING!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top