Chapter 14:

A/N: Malagayang linggo ng palaspas!!! And for this week po, let us accept the challenge of accompanying Christ during His passion. Sana po ay alalahanin nating lahat ang kanyang pagpapakasakit at paghihirap upang maikigtas tayo sa ating nga sala. Nawa po ay maging lakas po tayo n'ya upang magpatuloy. ^^

~•~•~•~•~•~

Crescent Frendall Altair

"What is she doing?" Nakataas ang kilay na tanong ni Yura habang pinapanood na umiiyak si Euclid.

"Hey... Euclid." Tawag ko dito at lumapit. Wala parin naman s'yang tigil sa pagiyak. Mas lalo naman akong nagalala ng mahawakan ang mga braso nito. Nanaginginig s'ya at nanlalambot.

"My!!" Tawag pa nito kaya't napatigil si Tita Laia, ang asawa ng haring Lykos at ang ina ni Yura. Napatigil naman si Tita sa pagkanta ng isang awit na dasal para sa kaligtasan ng mundo. Ng magmulat ito ng mata ay doon ko lamang napagtanto ang labis nilang pagkakawangis ni Euclid.

Mapula ang mga labi at abo ang mga mata, kulay pilak ang buhok at maputlang balat.

Naramdaman ko ang biglang pagbigat ni Euclid kaya naman sinuportahan ko din ito sa may likod. Maya-maya ay dumating si Tito Lykos sa may pinto. "What's happening?" Taka nitong tanong ngunit ng humakbang sa loob ay agad ding napatigil. Nagpabalik-balik ang kanyang tingin sa asawa at kay Euclid.

Biglang may tumulong isang patak na luha sa mata ni Tita Laia, "My...." Bulong muli ni Euclid ng hindi inaalis ang tingin sa ginang. Napahigpit ang hawak nito saakin. Pero lahat iyon ay nawala ng lumapit si Tita saamin at s'ya mismo ang sumuporta sa katawan nito.

"A?" Pagak nitong tawa na dahilan ng pagkakatinginan naming lahat.

Anong nangyayari?

--

"Ugh! Nasakit na ang ulo ko!!!" Sambit ni Kuya Irie at nangalumbaba sa mesa dito sa round table ng Elra. Hindi lang naman s'ya ngunit pati ako rin, kanina pang nanghahaba ang nguso ko ng dahil sa masyadong maraming impormasyon na natanggap ng aking utak sa loob lamang ng tatlong araw.

TATLONG ARAW!

Pakiramdam ko ay mas magulo at mahirap ba ang kwento at storya ng buhay ni Euclid kesa sa lahat ng lesson namin noong high school sa math.

"So," Huminga si Kuya Libra. "Si Euclid Astral Gemini ay hindi talaga si Euclid Astral Gemini dahil pinangalanan lamang ito ni Loki?" Napatingin kaming lahat kay Loki upang kumpirmahin iyon, binigyan n'ya kami ng isang tango. "Nangangahulugan din itong hindi si Euclid si Gemini ngunit may iba pang Gemini." Napakunot nalang ang noo ko sa turan ni Kuya. Parang ang gulo? I rolled my eyes. Oh please Crescent, magulo na talaga! Sambit ko sa aking sarili. "At kung siya nga ang nawawalang parte ng pamilyang Badar, ibig sabihin s'ya ang pinakanauuna sa pila ng mga Luna."

"Anong pila?" Kuya Verge asked. Hindi na nga din ito magkaintindi sa uunahin, kung ang naglalambing ba n'yang aso o kami.

"For one, the name of the Badar's first child is: Gemini Astral Eurea Luna Zaphana Badar. Earning her the nickname, Gael--At least for most. Ito ang nawawalang prinsesa way back thirteen years ago. The one rumored dead?" Napataas ang kilay ni Kuya Kael kay Kuya Libra.

"And you happen to know all of this because?"

"Well, it's juicy. Dahil hindi naglabas ng pinal na statement ang magasawa ukol sa kung nasaan ang Prinsesa Gael." Napakibit balikat ito at natahimik. We all frowned when we saw Kuya Lib wiggled his eyebrows. "Isa pa, issue 'to. Nararapat ko talagang alamin." He winked.

"At hindi ka pa talaga n'yan bakla?" Asked Kuya Gita na dahilan ng pagsasamaan nila ng tingin.

"Chill. Kayo ang matatanda dito, magsiayos kayo." Suway naman ni Taurus sa mga ito.

"But then, ilang taon na ba si Gemini?—I mean Euclid, Lunas must be at least sixteen yearsold hindi ba? how will we summon the goddess?" Taka namang tanong ni kuya Rico na nagpatigil ng bangayan sa paligid. Loki cleared his throat kaya naman napalingon kami dito.

"She's already eighteen." Madiin nitong sabi.

"Really? Kailan?" Tanong naman ni Leo sa aking tabihan. All of our eyes were fixated on Loki.

"Noong kaarawan din ni Kris." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Noong kaarawan ko? Nagsisisi tuloy akong hindi ko man lamang ito nabati.

"How sure?" Asked Kuya Felis.

"It was her birthday noong una kaming makilala. It is also on that exact same date that her mother and I supposedly" Loki quoted the word 'supposedly', "died." natahimik kaming lahat sa sinabi nito.

Euclid have gone through so much things. Wala pa ata ako sa kalingkingan ng pinagdaanan n'ya.

"People, let us not forget her first name." Agaw pansin naman ni Kuya Kael. We all looked at him. "She still have the Gemini." Nilingon nito si Loki. "But I'm proud Loki, nabigyan mo s'ya ng dalawang pangalang tumugma sa tunay n'yang pagkakakakilanlan."

"Right. Nagtataka lang ako kung saan nanggaling ang Euclid." Sambit naman ng nagtataka at anpapaisip na si Kuya Pio kaya nilingon naming lahat si Loki.

"What?" Hindi kami tumigil sa pagtitig sa kanya. Instead ay mas pinanlakihan pa namin ito ng mata. Mukha naman kasing nage-gets n'ya kung ano ang gusto naming malaman, sadyang ayaw lang n'yang sagutin. Napansin namin ang pamumula ng tenga nito ng mapahilamos sa mukha. "Fine! Pinangalan ko s'ya sa paborito kong bulaklak!" Inis na sabi nito kaya't napuno ng pangaasar at sipol ang buong lugar.

"May ganoon bang bulaklak?" Kuya Gita asked habang hawak ang kanyang cellphone.

"Yes, it's a mythical flower na ayon sa isang alamat ay nagmula sa libing ng magasawang pilit na pinaglaban ang kanilang pagmamahalan. Thus earning it the meaning of true everlasting love." Said Khan na kanina pang nananahimik sa issang tabi. As always, nagbabasa nanaman ng isang libro. Lalo namang inasar si Loki na napaubob nalamang ng dahil sa hiya.

"I'm proud of you Khan, kahit napaka-kanser mo ay parang hindi ka man lang nagulat sa mga nangyayari." Nakathumbs up naman na sabi ni Kuya Verge. Tinaasan ito ng kilay ni Khan.

"What do you think is my zodiac sign Kuya Virgo?"

"Uhh, Cancer?" napapakunot na sabi ni Kuya Verge. "Shit! May sixth senses ka nga pala!"

"Bobo! sense lang 'yun! walang 's'!" Exclaimed Kuya Gita, at muli ay nagmurahan at nagsamaan sila ng tingin.

"That means, alam mo nang mangyayari 'to!" Namamanghang sabi ni Kuya Rico. Khan swiveled his head from left to right.

"I don't. Ramdam ko lamang." Binatukan naman ito ni Kuya Rico ng paulit-ulit na dahilan ng pagkainis nito.

"Come on! Ganun na din 'yun!!" Kuya Rico didn't seem to feel Khan's angry gazes. Napatawa nalang ako. "So back to the topic. Sino si Euclid? Is she Gemini or Luna?" Seryoso nitong tanong na muli naming kinatahimik na lahat.

I know that it's wrong. Ngunit umaasa akong sana ay s'ya si Luna, sa ganoon ay magsasama sila ni Loki, at kami naman ni Leo.

I heaved a sigh.

Me and my selfish reasons.

--

Euclid Astral Gemini

Napatulala ako sa kawalan habang inaalala ang sinabi saakin ni My. Oo, tama kayo ng narinig. S'ya nga ang mama ko.

Noon palang nahulog s'ya sa bangin ay nahulog s'ya sa isang sanga. Ngunit medyo malayo padin iyon sa taas kaya naman kaylangan n'yang gapangin ang matitilos na pader sa lugar na iyon paakyat.

Halos maubusan na din kami kanina ng luha at hininga ng sabihin n'ya saaking binalik-balikan n'ya ako dun araw-araw pero sadyang hindi nagtatakpo ang aming landas.

Siguro ay 'yun ang mga oras na naglilibot kami ni Arkal. Pareho silang sising-sisi na hindi pinagpatuloy ang paghahanap saakin. Dahil sa murang edad na ako'y nawala ay napaka-liit ng tsansa na ako'y mabuhay pa.

Noong una ay sinubukan kong humanap ng sakit sa aking puso, pero pagmamahal at pangungulila lamang ang nakapa ko doon.

Matagal ang aming naging kamustahan at usapan, iyakan at yakapan.

Balak nga din nila akong ipalista muli bilang Badar, doon ay medyo nagdalawang isip ako. Oo nga't pamilya ko sila, ngunit parang napakahirap na hakbang ang muli ako doong manghimasok.

Yura was eyeing me the whole time. Natatakot akong baka magalit s'ya saakin dahil baka isipin nitong inaagaw ko ang ibang bagay sa kanya. She was an only child noong mga araw na wala pa ako. And I can't help but feel sad and hurt sa t'wing iisipin na ako ang nasa kanyang posisyon.

Another thing is that, napaka-dami kong magiging responsibilidad kung maging parte man ako ng pamilya nila. Dumagdag pa sa isipin ko ang mga posters ng mukha ko sa bayan na nagsasabing 'wanted'.

Kaya naman sinabi ko munang pagiisipan ko ito. I am torn between my parents' hopes and me and my sister's circumstances. Natatakot ako sa mga bagay na maaari kong kaharapin.

Nitong nakalipas ang tatlong araw, naramdaman ko ang muling pagkabuo ng basag kong personalidad. The fragments that was once torn and shapeless were tied back altogether. Na naging dahilan ng mas lalo kong pagtibay.

Pero sa mga bagay na aking nalalaman ngayon ay parang nagbabadya nanaman itong masira.

I'm afraid of moving forward.

Paano nalang pala kung ang gagawin ko at pipiliin ay mas makakagulo pa sa mundong ito? Everything was well. Noong ako ay si Gemini pa.

I cursed.

Kahit na nangako akong hinding-hindi na ako magmumura... Nalilito ako. Sobrang nalilito.

I closed my eyes and silently, helplessly begged God to help me.

Napatigil ako sa pagdadasal ng makaramdam ako ng isang taong nakatingala saakin mula sa lupa. Napamulat ako at doon ay natanto ko ang isang pares ng mga matang kaparehang-kapareha ng akin.

Si Yura...

Bigla itong tumikhim na nagpabalik saakin sa ulirat. Nginitian ko naman s'ya.

"Huwag mo akong ngitian. I hate you." Maikli nitong saad kaya napawi ang ngiti ko. Somehow it pains me na makita at malamang magiging ganto ang pakikitungo sa kapatid ko. But well, hindi ko naman s'ya masisisi. Dahil ako etong nanghimasok at dumating nalang ng basta-basta.

Nagulat ako ng biglang nasa tabihan ko na agad s'ya. Umupo s'ya sa tabi ko ngunit may espasyo padin sa aming gitna. Napabuntong-hininga ito. Tinanaw ko ang maamo n'yang mukha na nakatingin sa malayo.

Pareho kaya kaming kinakabahan?

Kung yakapin ko ba s'ya, yayakapin n'ya ako pabalik?

Napaiwas ako ng tingin ng taasan ako nito ng kilay. Naalala ko naman tuloy si Loki.

Parehong-pareho talaga sila.

"Alam mo ba, napaka-damot mo," panimula nito na dahilan ng paglingon kong muli sa kanya, "I grew up not being loved the correct way I'm supposed to. Bakit?" She looked at me.

"Bakit?" Tanong ko.

"Dahil lagi silang naga-alala. Always saying things like, si A ganto, si A ganyan. And in every lessons, hindi nakakatakas sa pandinig ko ang mga napapakasakit na komento like: I miss Princess Gael, magkapatid ba talaga kayo? Mas madali s'yang turuan." Natameme ako sa sinabi nito. Kahit naman ata sino ay masasaktan pag laging kinukumpara. "And the hardest thing is that, ni minsan, hindi ko alam kung sino 'yung mas magaling na 'yun! Kung sino 'yung dapat kong malagpasan! Alam mo bang sobrang sakit na sinusubukan mong gawin ang lahat? Na kahit hindi mo na kaya, nagpupursigi ka padin para hindi sila magsisi na nakilala ka na nila? Na kahit pagod na pagod ka na, sinusubukan mo pading maging isang perpektong tao. Lahat ng bagay na 'yun naranasan ko! Pero ni minsan, hindi ko naramdaman mula sa kanila ang kuntento!" Napasinghot ito. Nang makita ko namang magsimulang tumulo ang kanyang luha ay napalunok ako ng sunod-sunod. Gusto ko s'yang yakapin. "And you know what I always tell myself?" Pinunasan nito ang patuloy padin na tumutulong mga luha mula sa kanyang mata. "That I'm better off alone dahil wala naman akong kwenta. Na mas magandang mamatay nalang ako kesa paulit-ulit na masaktan at masaksak ng matitilos at hasang-hasa nilang mga salita!"

"Sorry." Ang tangi ko nalang na sambit. Tinitigan naman ako ng mapupula na nitong mga mata. Napansin ko ang hapdi noon pero pinipilit n'yang hindi kumisap.

"At tingin mo doon lang 'yun nagtatapos? Well let me tell you A, inis na inis ako na bago pa man ako makilala ng isang tao, they always judge me first. Lahat ng 'yun ay dahil lang sa'yo! Sinira mo ang buhay ko."

"Still, hindi ko ginawa ang magpakamatay." Tiningnan ng mukha nitong puno ng luha ang kanyang pala-pulsuhan. Kinuyom niya ang kanyang kamao. "Dahil alam kong hindi kakayanin ng mama na mawalan pang muli ng isang anak. Na hindi kaya ni Dad, na makitang laging umiiyak si mama ng dahil dito!" Nilipad ng hangin ang itim at plantsado nitong buhok. "Kaya kahit ang sakit-sakit," Kinuha niya ang kamay ko at pinatong iyon sa kanyang dibdib. "Kaya kahit ang sakit, kinaya ko 'yun! Nagbingi-bingihan ako." Binitawan n'ya ang aking kamay at umayos ng upo. "And then malalaman ko na nandito ka lang pala at nagpapakasaya? Hugging up all the friends I made to myself? Nagda-drama? Shut up! Ikaw ang isa sa mga taong biniyayaan ng lahat! Na kahit nawala ka, nagkaroon ka ng tunay na kasiyahan. Na kahit nawala ka, hindi ikaw 'yung wala pang ginagawa hinuhusgahan na ng mga matang nagkalat. At huling-huli, ikaw ang taong biniyayaan ng lahat ng kilala n'ya ng walang tabas na pagmamahal! Tapos babalik ka lang at aagawin mo sila saakin?" Napatungo ako at pinanood ang tumatayon-tayon kong mga paa sa hangin. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata n'yang nababalot ng poot, lungkot, at galit. Dahil lahat ng iyon ay gawa ko.

Lahat ng iyon.

"Pero sino nga ba naman ako di'ba?" Tumawa s'ya sakin ng pagak. Naramdaman ko naman ang pangangapal at pagtirik ng balahibo ko sa batok ng makita ang mga mata nitong kay lamig ng yelo at 'sing blanko ng langit sa t'wing bumabagyo. Mga matang walang emosyon at pakiramdam. "I can't control my parent's happiness. Kahit na 'yun lamang ang aking hangad." Tumalon ito sa pababa sa lupa, mula sa aking puwesto ay pinanood ko ang kanyang postura. Nakatungo ito at halatang humihikbi. Malayong-malayo sa itsura n'ya noong una ko s'yang nakita. Ang itsura n'yang napaka-elegante at tila napaka-hirap lapitan.

"Dahil ikaw lang ang makakapagbigay noon." Umikot ito sa kanyang kinatatayuan at muling lumingon saakin. Suminag ang araw sa ngayon ay napaka-maaliwalas na ngunit basa n'yang mukha. "So please," Huminga s'ya ng malalim kasabay noon ang pagpatak ng isang butil ng luha. "Please ate, bumalik ka at pasayahin mo sila."

~*~*~*~*~*~*~*~

VOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.

THANKS FOR READING!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top