Chapter 1:

Euclid Astral Gemini

I looked at each one of them dumfounded. Ano bang missing piece-missing piece kuno? They are confusing me.

"But before she meet the round table, please sire, kung maaari, please let her take a bath. We don't want her stepping in the Moon Academy like that, do we?" Tumitikhim na sabi ni Leo which made me roll my eyes. Parang ang dumi-dumi kong tao ah? Well, he's partly right. Panglimang araw ko na ata itong walang ligo—But I don't smell! I'm just dirty! Hinihintay ko kasi ang mga magnanakaw na iyon na dumaan muna (refer to chapter 1). They might caught me naked, bathing on the deep waters of that river.

Babae padin ako 'noh!

"Well, I'm sure you can do that Loki?" Tanong naman ng hari. Loki at my side looked at me as if I was the most dirtiest thing. Now, mas malupit pa ito sa sinabi ni Leo. He uttered no words but conveyed completely na ang dumi ko.

I looked at what I'm wearing.

An old army's man clothes. Ninakaw ko lang din naman kasi ito. So much for being poor. Bukod pa doon ay sigurado akong puno ng putik ang aking mukha at sabog ang aking buhok.

I heard my stomach grumbled which made the King laugh, habang ako naman ay hiyang-hiya na. Oh damn. Mangnanakaw ako, but I've got shame too!

"Yes, I should clean him up." Naiiling nalang na sabi ni Loki, though I can still feel him a li'l bit hesitant.

"Good! And after, meet us for food. I'll ready everything at the school caft. You know what to do." Kris winked at me and at Loki. Napakibit balikat na lamang ako. Happy to have me cleaned and a nice meal after five days of poverty and starvation.

"Let's?" Leo asked Kris. Agad naman silang tumalikod. I even saw Leo looked back at Loki and bleehed at him. Childish, really.

"So? When do we start?" I asked Loki, with a smile stretched from ear to ear. Baby, I'm excited for my hot bath!

"You do know that your mouth smells bad, don't you?" Bigla n'yang inis na sabi. So ayaw n'ya akong kausap? Well sorry, I was talkative. I haven't even talked to anyone since my last fight.
Which were all full of statements like 'die' or 'please spare me'.

Sinubukan ko namang itaas ang braso ko at palad upang huminga doon. Well yeah, amoy panis na laway nga. Ambaho! Hell! Parang hindi ako babae.

Napatingin naman ako sa dangling chandelier na nakasabit sa may itaas ng hallway. If only I can bring it with me. Kay saya noon! I would love to steal and sell all of 'em! Then, I'll buy a house, and uhmm... have a nice warm bath whilst chewing delicious food. "And please return those diamonds and aquamarines you stole from Blade. I don't want them missing."

Ngayon naman ay ako ang napairap. Sinisira n'ya ang imagination ko! "Now you're the one being talkative."

Muli akong sinamaan ng tingin ni Loki. "Again, brush first." Na sinagot ko muli ng isang irap. I am slowly hating everything about him. "And you are the one being talkative. So stop it. You're starting to make me guess that you are gay."

"Me? gay?" Nanlalaking mata kong saad. Napatingin naman ako sa isang napakakintab na pader at tiningnan ang repleksyon ko.

Sadya bang hindi na ako mukhang babae? I shivered when I saw myself. Mukha talaga akong matandang ermitanyong nalipasan na ng panahon. First off all, dahil sa napakadumi kong mukha. I shrugged off. Hindi ko s'ya masisisi.

Maya-maya ay nakarating na kami sa isang which I guess is a bathroom. Masyado kasi itong malaki to be called a bathroom. Tulad ng lahat ng gamit nila ay nagkikintaban dito. Amoy na amoy mo din ang napakabangong halimuyak na nasa loob.

"Strip." Gulat kong tiningnan si Loki ng magsalita ito. I saw him touching the water. "Hot enough. Now strip." Walang pakundangan n'yang saad. I felt my face turned pale.

"I-I can bath." Tinaasan ako nito ng kilay. I gulped. "Alone." Dugtong ko pa. He massaged his forehead.

"Look you ass. Nandito ako dahil naatasan ako ng hari na paliguan ka. It's my job to make sure you are well. Now maghubad ka o ako ang maghuhubad sa'yo." I shivered after imagining him stripping me. Goodness gracious! I have never had such nonsensical debate with someone before! At galing s'ya sa Altaria!

Just to give you a bit of a background knowledge, Altaria is the most well known school in our country.

"I'll bath alone! Sisigiraduhin kong maayos akong maliligo!" Sambit ko ng medyo garalgal ang boses. "Isa pa, mas maganda na 'yun 'cause you don't have to touch someone as dirty as me right?" O sige na! 'Yan na! Papanindigan ko na ang pagiging madumi, mabaho at kung ano man, makapaligo lamang ng tahimik!

He seem to contemplate for a sec, ngunit agad din naman n'yang naintindihan kung ano ang magagawa nitong mabuti para sa kanya. "A'right. I'll be outside."

"Thanks God." I whispered with a long breath ng agad itong lumabas. Agad ko namang hinubad ang mga damit ko. Starting from my boots, hanggang sa underwear. My face grimaced. Nakakadiri na talaga ako. Yuck!

Sumalang ako sa bath tub at pinakiramdaman muna ang tubig. When was the last time I have had such a warm bath? Sapagkat ng magkamuwang ako ay magisa nalang ako sa mundong aking ginagalawan. I wonder where's my mom? My dad?

And where is he? Where is my teacher?

And who am I?

Who exactly is Euclid Astral Gemini?

I got a soap from the side at sinabon ang aking katawan. I also got a small towel at sinabon 'yun tsaka kinuskos sa aking katawan upang masiguradong wala akong amoy at magiging malinis.

Medyo napaungol naman ako ng lumandas ang shampoo sa aking buhok at kinuskos iyon. Dammit! This is heaven! I am in freaking heaven!

Naghilamos nadin ako.

Nagmuni-muni muna ako sandali sa bathtub. I... I haven't been affiliated with anyone for such a long, long time. Kaya't hindi ko alam kung ano ba dapat ang aking gawin.

The truth is that, I am not only here for the possible treasures I might steal, nandito din ako dahil gusto kong malaman kung saan ako dadalhin ng tadhana once I will be swept away.

All my life, I've been living in the streets, specifically, the dumps. Masaya akong magisa actually. Ngunit ayaw ko namang mamatay ng lagi nalang akong nagliliwaliw, naggagala. I want something more than that. I am content, but not happy. And I think that, that is my problem.

Ano nga ba ang makakapagpasaya saakin?

And what must I do to achieve that?

Pinilig ko ang ulo ko at pumikit. If... If he didn't save me that day, mabubuhay ba ako ng ganto? Or will I be happy? Will I be happy dead?

I sighed and let some tears fall.

Oh Al, if only I died. Magiging masaya ka kaya?

Napamulat naman ako when I felt someone stepped behind me. Agad akong umalis sa pagkakababad at pumuwesto sa likod ng nilalang. Holding him on his neck.

"What the?" Gulat pa nitong saad. That was when I realized it was Loki. I rolled my eyes.

"Ano nanaman bang kaylangan mo?" Inis kong saad at binaba ang aking kamay. I hissed. Hindi ko kasi agad naramdaman ang awra n'ya ng dahil sa usok mula sa mainit na tubig. It's making me dizzy.

"Who are you?" Parang gulat na sabi nito. Doon naman ay naalala ko ang hubad kong katawan. Agad akong humigit ng tuwalya mula sa isang tabi.

"Euclid. Now Loki, ano ba ang pinunta mo? I told you to stay out!" Bulyaw ko. Doon naman ay napatingin s'ya sa kanyang nasa kamay it was a pair of clothes. A knight's clothes.

"You didn't tell me you were a woman!" Naiinis ngunit namumula ang tengang saad nito. I rolled my eyes.

"Why would the King use the particle 'she' for me kung hindi ako babae?" Sagot ko. I mentally laughed as I saw him freaked out. An innocent one isn't he? Napamura ito.

"Wash yourself. Babalik ako." Saad nito at tinungo ang pinto. Not answering my questions... "And please, your teeth." Napairap nalang ako at nilock na ang pinto. Ngipin-ngipin! Hmpf!

Pero bago muling bumalik sa bathtub ay naglinis muna ako ng ngipin. Nakatatlong beses pa nga eh! Para masigurado kong malinis na talaga!

Pagkatapos ay naisipan kong muling maghubad upang makapagbanlaw na.

Maya-maya ay may kumatok muli. Nilabas ko ang aking ulo sa may pintuan. It was Loki holding—uhh... "Longsleeves and skirt?" Kunot noo kong saad. I am not fond of wearing things like this. Damn.

"It's the school's uniform. Wag ka nang maarte." Saad pa n'ya at inabot saakin ang isang sapatos at paper bag. Sa paper bag nakalagay ang mga damit panloob.

"Thanks." Saad ko na lamang.

"Anything to make you look a bit human," He eyed me and rolled his eyes. "At least." Saad nito at sinarhan na mismo ang pinto. Naiinis ko naman 'yung nilock. Ugh! Sobra na talaga ang gagong 'yun!

Minutes later, I was combing my hair as I admire myself in the uniform. At least komportable. But still, hindi na ako makakade-kwatro. Tinuyo ko ang hanggang baywang kong puti na buhok. Nakasuot ako ngayon ng isang unipormeng longsleeve na puti na nakapaloob sa ilalim na palda na hanggang tuhod at checkered na pink ang disenyo. May belt din itong itim. Ang mga medyas naman ay hanggang tuhod at ang sapatos ay normal na sapatos ng isang estudyante.

May laso din sa loob ngunit hindi ko alam kung saan 'yun ilalagay. Sanay akong tinatali ang buhok ko ngunit basa pa naman ito kaya napilitan akong ibulsa na lamang iyon.

"Now you look human." Tumatango-tangong puna ni Loki pagkalabas ko. Tumango din ako bilang pagsangayon. I never knew that I could look and feel so clean. "Where is your ribbon?" Nagtataka n'yang tanong.

"Uhh, eto ba?" He stopped in his tracks and looked at what I'm holding. "Binulsa ko nalang, I don't know how to use it." Kamot ulo kong sabi.

He hissed once again. Hindi naman s'ya galit ano?

Hinablot n'ya saakin ang tali at pumuwesto sa harap ko. He touched my shoulders and made me face him as he towered over me. Natahimik naman ako. Pakiramdam ko kasi ay tila ba may bumara sa aking lalamunan.

Maya-maya ay lumayo na s'ya. Doon ay napagtanto kong itinali n'ya sa aking leeg ang laso.

"Salamat." Sabi ko. Kotang-kota na s'ya sa pasalamat ko huh?

"That's a very good gift for brushing your teeth elf." Napakunot nalang ako ng noo. Parang hindi s'ya nabubuhay na organismo ah? Tss. Piste! Napakalakas talaga ng apog. "In addition, don't push your luck too much. No woman has ever made it to be a part of The Elven Round. Baka mamaya ay makakaalis ka na din." I just nodded at him. Sanay nanaman akong mapatapon. Isa pa, I don't even know what's the Elven Round!

Nang lumabas kami ng kastilyo ay medyo madilim-dilim na. Nevertheless, there are still students who are walking outside. At ilang irap na ang natatanggap ko mula sa kanila.

Mas lalong umusbong ang usap-usapan at irapan ng makapasok kami sa isa pang establishimento. Ito naman ay nasa gitna nang parte ng lugar. Doon ay may isang kalhating-bilog na naka-elevate sa isang gilid. Kung saan may isang paikot na mesa.

Tulad ng kanina ay may mga chandeliers ditong nagbibigay liwanag. Ngunit hindi lang iyon. Dahil sa bawat pahabang lamesa ay may mga nakadekorang mga lagayan ng kandila at basket ng prutas.

Napatingin ako bigla sa isang grupo ng kalalakihan. Ang iba ay tila ba mangangain. I've never saw someone looked at me that way before! Napahawak tuloy ako sa isang parte ng coat ni Loki. Ngunit ng inis s'yang mapatingin ay bumitaw na lamang ako.

Ang taray!

Kaya naman ginawa ko ang lahat upang hindi na lamang pansinin ang mga kalalakihan.

Maya-maya naman ay napadaan kami sa isang grupo ng mga babae. May isang balak akong tisudin ngunit imbes na lakdawan ay lumihis nalang ako ng lakad. Dahil sigurado akong makakagawa lang iyon ng isang senaryo. At ayaw kong gumawa ng gulo.

Napairap naman saakin ang babae ng iwasan ko ito. Kasabay noon ay ang pagtawa ng ibang elf ka kanya na nakakita.

"Loki." Sambit ni Kris ng makarating kami sa taas ng stage. Nang mapatingin ito saakin ay agad s'yang napangiti at niyakap ako. "I knew you would be beautiful!" She said. Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko. S'ya lamang ang nilalang na nagsasabi saakin ng ganoon pagkatapos ng diretsyong anim na taon.

"Woah! Babae ni Loki?" Suddenly asked a guy with blazing red hair habang nakatingin saakin. Kasabay ng pagakakatapos ng pagkakasaad n'ya noon ay ang paglipad ng isang mansanas. "Chill Loki! I was just asking." Saad nito at sinambot ang mansanas na tinapon ni Loki bago ito kinagat.

"Now that isn't a very funny remark Taurus. So track your shits down bago kita tuluyan." Napalunok nalang ako sa sinabi ni Loki. I know he hates me alright? Ngunit h'wag naman s'ya sana gumamit ng dahas ng dahil lang doon.

Isa pa, I would gladly accept him to fight with me if he wants to. Alam kong mas malakas s'ya, but I also know that I've got a li'l bit chance with him. Mga hmm... seven percent.

"Now, now. Don't fight gentlemen. Isa pa, why don't you all welcome her?" Sambit ni Kris at hinigit ako patungo sa isang upuan. Lumayo naman s'ya saakin at tumungo sa upuang nasa gitna ni Leo at Loki. Anyways, katabi naman ako ni Loki kaya medyo malapit parin kami. The large round table wasn't filled.

Ako, si Loki, si Leo, si Kris at si Taurus lamang ang nandito. Maya-maya ay unti-unti nang napuno ang hall at nagkaroon na din ng pagkain sa aming harapan.

And at that whole duration, ramdam ko ang titig ng iba't-ibang nilalang. Ngunit nahahati lamang ito sa dalawa. Naiinis at malalaswa. And during those, I fought the urge of holding unto someone. Kaya naman ay kanina ko pang kinukurot ang sarili kong daliri. This is the reason why I prefer to be dust. Sa ganoong paraan ay hindi ako mapapansin.

Truth is, I'm afraid of being judged.

Nang maramdaman ko ang hapdi doon ay inabot ko ang isang tissue. Dumugo pa tuloy. Tss.

"Good evening dear Altarian Students!" Sigaw ng mahal na hari ng ito ay dumating sa may pintuan. Halos lahat naman ay nagtayuan at sabay-sabay na tumungo.

Medyo nahuli naman ako dahil kahit kaylan ay hindi pa ako nakaranas ng ganito sa aking buhay.

Elganteng naglakad ang hari patungo sa aming lamesa. Nginitian n'ya naman kami at binalikan ko s'ya ng isa pang ngiti.

He started grace (a prayer) at kasunod noon ay ang pagupo namin sa lamesa. Now, wala nang pagdadalawang isip na umupo ako at kumain. Buti nalang at hindi nila napansing sabik na sabik akong ngumuya. My tummy has been grumbling ever since.

I drank my juice and smiled at them. "Ano po ba ang dahilan at dinala ako dito?" I asked the king. Napalingon tuloy saakin ang iba. Eyeing me.

"Hindi pa ba sa'yo nasasabi ni Criscenda?" Takang tanong nito. Crescent wiped the smudge off her face.

"I'm sure father na mas maganda kung bukas ko nalang sa kanya sasabihin. She seems tired."

"Then, how 'bout a bit of an intro? I'm Taurus Feuro Regalta." Sabi ni Taurus na katabi ni Leo at ngumiti saakin.

"Euclid Gemini." Masaya ko nalang na sabi. Happy that I've talked.

"Where are you from?" Tanong naman n'ya ng kasunod. Medyo nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko. But I've realized. What harm would it bring me if I answered?

"Uhh, nowhere. Kahit saan naman ako makapangnakaw. But my birthplace is here." His eyes widened.

"You steal?"

"Uhh yeah?" Dapat ko bang sagutin 'yun?

"Cool! You gotta teach me some of that!" Tuwang-tuwa pa n'yang sabi.

"For goodness' sake Taurus! Nasa harap ng pagkain. Don't get all giddy." Suway naman ni Loki sa parang uod na si Taurus. Natawa nalang naman ako. They are like father and son. But then, my laughter was cut off by a burp when Loki's eyes turned to slit.

Fine! I'll behave!

VOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.

THANKS FOR READING!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top