Two
"Sa wakas, may pumusta na kay Alyas JL. Kaso nag-iisa nga lang siya."
Tila nanumbalik ang kumpyansa ni JL sa narinig. After losing continuously as a pool player in most prestigious tournaments due to his injury, nawala ang kredibilidad niya bilang isang magaling na manlalaro. In fact, he kept a low profile in order not to put himself in shame. Dahil paniguradong pagtatawanan lamang siya kung malalaman ng iba na lumalaban na pala siya internationally at nakuha pa niyang makipaglaro sa maliliit na bilyaran. Pero hindi lang naman dahil sa pustahan kaya siya naglalaro. Narito raw sa lugar ang taong matagal na niyang hinahanap.
Itinuro ng spotter kay JL kung sino ang kaisa-isang pumusta sa kanya at nakapagtatakang babae pa iyon. She probably knows him o baka isa pala ito sa kanyang tagahanga. But upon seeing how she looks like, naaninag agad ni JL na hindi ito basta-bastang babae na naligaw lang sa lugar na ito. He could also sense how wonderful she is, despite wearing a mask that covers the lower part of her face.
"Sabi pa niya, hindi niya alam kung sino ka pero sa'yo pa rin siya pumusta," dagdag pa ng spotter. "Baka may crush lang sa'yo."
Nginitian lamang ni JL ang tinutukoy ng spotter. Dahil nakatingin ito sa ibang direksyon, hindi nito napansin na kanina pa siya ngumingiti at gusto niya sana itong pasalamatan dahil kahit papaano, may nagtiwala sa kanya kahit out of sympathy ang pagtitiwalang iyon.
Sa sandaling ito, napaisip si JL sa kakaibang damdamin na dala ng kanyang prospect fan. Kahit pa nga't hindi niya kilala ang babae, hindi maikakaila na may kakaibang taimtim na suporta mula sa awra nito kahit mukhang wala naman talaga itong paki sa laro at mas lalong wala itong paki sa mga lalaking nakapaligid. Aware din naman siya na walang makakakilala sa kanya sa lugar na ito. Hindi naman Pilipinas ang nirerepresenta niyang bansa noong active pa siya sa pagsali sa mga pool tournament.
"Teka lang," bulong niya sa sarili, "Kausapin ko ba siya at itanong kung kilala niya ako? Paano kung kilala nga niya ako tapos i-reveal niya na nakapag-tournament na ako sa ibang bansa?"
Ngunit sa gitna ng kanyang mga iniisip, naramdaman ni JL na dapat nang umusad ang laban dahil sa narinig niyang sigaw mula sa spotter. Dapat siyang mag-focus sa laro upang hindi mabigo ang nag-iisang pumusta na nagtiwala sa kanya.
After that, nag-toss coin na kung sino ang unang sasargo o magbi-break ng mga bola sa table. JL chose head over tail, at pumabor nga sa napili niya ang pagtihaya ng baryang ihinagis.
Sa unang sargo, pinilit ni JL na ibaling ang kanyang atensyon sa laro. Nangyari ang laro na tila misteryo na lamang sa kanya. Alam niya na hindi na siya ang dating mahusay na bilyarista. Ngunit sa kabila ng kanyang pagkalungkot, may kakaibang lakas na sumapi sa kalooban niya dahil pinapanood pa rin siya ng babaeng iyon kahit parang may iba pa itong iniisip.
Hanggang sa huli, naipanalo ni JL ang laban. His win may not be only for him but also a win for that girl who supported him.
Pagkatapos ng laro, sinubukan niya na lumapit sa babae. Matapos lang na ibigay at pagpartehin ang napanaluhan sa pustahan, hindi na tinanggap ng babae ang pera at binalingan na lamang ang lalaking kasama nito.
"Sa'yo na lang ito Arghie. Para mabawi mo man lang ang talo mo sa pagpusta sa kalaban," mapang-asar na pakli ng babae na nagdulot ng kaunting tuwa kay JL. Naging appealing sa paningin niya ang pino nitong ngiti na mababakas sa mga mata nito.
"Mali talaga ako, na-underestimate ko si Alyas JL," pagmamaktol naman ni Arghie na tinanggap ang lumagong pera ni Rocher. "Pero hindi ko kukunin lahat. Iyong pinuhunan ko lang. Nakakahiya naman, para akong sugapa."
Matapos ang pag-uusap, nagkaroon na rin ng chance si JL na makalapit sana sa babaeng tila hindi excited sa perang napasakamay na nito.
"Salamat," bungad sana ni JL sa babae. "Kahit hindi mo ako kilala, salamat dahil—"
Ngunit bago pa man niya narinig ang anumang tugon mula sa babae, bigla na lang itong nagmadaling umalis kasama ang lalaking kasama nito kanina lang. He looked for her in the midst of the crowded billiard hall, pero tila para siyang bula na madaling nawala.
"Diyos ko," bulong ni JL sa kanyang sarili. "Hindi ko nga talaga siya fan."
But despite that, he had a hopeful thought that he will see her once more.
"Sino 'yon?" nagtatakang tanong ni JL habang nakatuon pa rin ang mga mata sa mga taong nag-uulutan sa bilyaran. He finally had the urge to ask, instead of letting himself feel a sense of regret, dahil hindi man lang niya napasalamatan ang babae.
"Sino?" balik-tanong ng spotter.
"Iyong babaeng pumusta sa'kin."
"Ewan, di naman 'yon tumatambay dito. Nakakagulat nga kasi wala namang mga babae na mahilig sa bilyar," pagbubunyag naman ng spotter.
Naiiling na umusad si JL pero mas mabilis naman siyang napigilan ng spotter. "Boss, balato ko muna."
"Okay okay." Agad na kinuha ni JL sa bulsa ang isanlibo at mabilis na tumakbo paalis. Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon, mahigit sa limang tao ang tila ayaw na siyang paalisin.
"Niloloko lang pala tayo ng taong 'to. Professional na bilyarista na pala 'to. Jasper 'the Illusionist' pala ang bansag sa kanya!" asik ng lalaking halata ang pagkagusto na bigwasan si JL sa mga sandaling iyon.
"Hindi, ah. Baka kamukha ko lang," pagkakaila naman ni JL. Kung sinuman ang tumimbre sa kanya sa mga ito, malamang sa malamang ay ang babaeng pumusta para sa kanya. Kaya sa isang iglap, napalitan ng pagkainis ang paghanga sanang nararamdaman niya para rito.
"Mandaraya ka pala at propesyonal na bilyarista ka naman pala! Ang dumi mo maglaro!" paratang naman ng isa pang lalaki na nag-trigger sa emosyon ni JL. Noong lumalahok pa kasi siya sa mga tournament, talagang aminado naman siya na nasangkot nga siya sa maruming laro dahil wala naman siyang choice noon at kinagat na niya ang malaking halaga na kapalit nito.
"Hindi ako ganyan! At isa pa, magaling naman ang inilaban ninyo sa'kin, ah! Match kami!" sigaw naman ni JL na mas naging alerto sa mga sandaling iyon. Kaya nang makakuha ng tiyempo, mabilis na ang pagkaripas niya ng takbo at pinaharurot na ang kanyang motor. Ngunit sa pagmamadali, hindi na naging maingat si JL sa pagmamaneho at bumangga siya sa isang poste.
Unti-unting nagdilim ang kanyang paningin at nilukob ng matinding kirot ang katawan niya. Maswerte pa rin na hindi siya napuruhan at may nakakita sa kanya sa sandaling kinakailangan na niya ng saklolo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top