Twenty Two
Napalitan ng pagkabagot ang mood ni JL. He quickly came back to his room kaysa kumustahin si Rocher kung handa na ito sa tutorial sessions. Narinig niya kasi kanina na may kausap ito sa phone at parang ang sweet pakinggan ng boses nito. Wala siyang ibang maisip na pwedeng kausapin ng dalaga, kundi si Xavier.
"Ang tanda na no'n para paalalahanang kumain."
Gusto niyang pigilan ang sariling damdamin sa pagkagusto na makita si Rocher pero hindi niya rin talaga ito matiis. Bumalik siya sa study room at nakapagtataka na sa gano'ng oras, hindi pa rin yata natatapos si Rocher sa preparations nito at sa sobrang pagka-busy, nakatulog na ito sa desk at nagawa na nitong unan ang mga papel at libro.
He couldn't just let her in that situation. Kahanga-hanga ang dedication nito na tulungan siya at kailangan niyang makabawi agad. Hindi na siya na-hesitate na pumasok dahil nakabukas naman ang pinto sa silid. As usual, nakabukas pa ang speakers nito at kasalukuyang tumutugtog ang love song ng OPM or P-pop group na BGYO.
"Walang halong bola... mahal na kita..." He beamed upon hearing the sentimental lyrics. Sana pala, pwede niyang iparating na lang sa awit ang feelings niya.
Alanganin siyang lumapit sa pwesto nito at bahagyang tinapik ito sa balikat. Sa huli, bigo siyang gisingin si Rocher. Bigla niyang na-realize na bukod sa pagiging matapang at straightforward, isa na rin sa kahanga-hangang abilidad ni Rocher ay ang makatulog kahit saang pwesto nang gano'n kadali.
"Rocher..."
He patted her gently on her shoulder, but it still didn't work. Napailing na lang siya at in-off ang speakers saka sinubukan na iwan ito. Pero pagkalipas lang ng isang minuto, narinig ni JL ang langitngit ng upuan kaya napalingon siya sa gawi ni Rocher.
***
Iglap na pagkagulat ang rumehistro sa mukha ni Rocher nang natunghayan niya si JL na palabas na sa study room. Her heart seemed to jump out of joy. Parang kanina lang, humiling siya na sana ay tumawag man lang ito pero higit pa sa hiling niya ang nangyari dahil umuwi ito at mukhang mas maayos na ang kalagayan kaysa noong nakaraang araw.
"Good evening." Naging pormal ang boses ni Rocher at nahihiyang tumingin kay JL. Kinukusot kusot pa niya ang mata na muntik nang mababad sa pagkakaidlip.
"I just checked if you're still awake." Mas nahihiya si JL na harapin si Rocher. Ilang ulit na siyang pinayuhan nina Sev at Lucio kung paano siya magtatapat ng pag-ibig o magpapahaging man lang, but he just realized that it's hard to confess—especially of you really meant those words.
"I see. Dumating ka na pala," tanging sagot ni Rocher.
"Low bat ako kanina. Saka, hindi pa ako familiar sa smartphone na gamit ko. Nakalimutan ko rin na magpa-load for data. Makikigamit sana ako kay Sev kanina para i-update ka kaso hindi ko pa kabisado ang number mo. I hope you won't get upset," apologetic na paliwanag ni JL at nanginginig pa ang boses.
"Okay lang. Hindi mo naman kailangan mag-explain. Saka hindi ka naman kamo nagra-rush para makapag-exam," sagot ni Rocher, while holding her breath.
"Basta. Dapat pala na-update kita," tugon ni JL saka umarko ang kilay nang makita sa table ang phone ni Rocher. "May tumawag ba sa'yo kanina?"
Mabilis na kumunot ang noo ni Rocher. "Mayro'n pero hindi naman gano'n kaimportante. Nangumusta lang na kaibigan."
"Baka mangungutang sa'yo," hirit pa ni JL.
"Hindi, ah. Siya pa nga 'yong gusto na magpautang," pagkaklaro ni Rocher saka bahagyang napangiwi. Judging with his subtle way of knowing what she's about to, parang binibigyan lang siya nito ng hint na dapat siyang mag-explain.
"Big time ba 'yon?" Nagkamot ng ulo si JL. Anytime, kung pwede lang niya sanang ipakita na nagmamaktol siya at hindi niya gusto ang katotohanang kausap ni Rocher ay ang dati nitong suitor, baka kanina pa niya naipakita.
"Oo. si Doc Xavier," sagot naman ni Rocher.
"Kaya pala nire-remind mong kumain na." Umiling si JL saka lumabas sa study room. Naiwang clueless si Rocher at mukhang hindi siya makakatulog nang hindi nalilinaw ang kinikilos ni JL. Pwedeng narinig nito ang usapan nila ni Xavier bago siya makatulog.
Without having hesitations, sinundan ni Rocher ang binata na naabutan niyang nags-stargazing sa garden ng resthouse.
"Uy." Rocher poked JL's back. "Anong masama kung i-remind sa tao na kumain na siya? Stressful kaya ang pagiging doktor."
JL heaved an audible sigh. Hindi niya nilingon si Rocher. He didn't want to distance himself, but his insecurities made him do that. Besides, wala siyang karapatan na magselos kaya hangga't maaari, dapat niyang itago ang ganitong pakiramdam. Lucio even advised him to be straightforward, at 'wag nang patagalin ang pag-amin pero hindi pa talaga sapat ang kumpiyansang mayro'n siya. Threatened siya kay Xavier dahil aminado siya na kung babae siyang isinilang, may posibilidad na magustuhan niya ang lalaking iyon.
He turned to her slowly, a mix of hesitation and sincerity in his eyes. "Wala naman. It's just... Nevermind. I shouldn't be acting like this."
"Okay. Mahaba ang binyahe mo. Pahinga ka na kung wala kang gagawin," kibit-balikat ni Rocher.
"Mamaya na." JL beamed. "Magkakape na lang ako."
Rocher grinned. "Pareho pala tayo. Trip ko rin magkape kahit gabi na, kahit bago matulog. Gusto mo ako na gumawa?"
"Sure." Rumehistro agad ang saya sa mukha ni JL.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top