Twenty Seven
Nang tumila ang ulan, nagpasya silang maghanap ng staycation house na malapit sa kinaroroonan nila. They were fortunate enough to find a cozy place with a billiard gaming zone, a karaoke machine, and a mini bar. Solong solo nila ang lugar at hinayaan pa sila ng caretaker na mapag-isa doon.
"Tara, laro?" tanong ni JL saka kinuha ang tako na nakalagay nang maayos sa cue rack.
"Hindi ako gaanong expert sa billiards. Ayaw naman kasi akong turuan ni papa dati," pagbubunyag ni Rocher saka kumuha na rin ng isang tako at lumingon-lingon sa paligid.
"Baka magalit 'yong may-ari na maglalaro tayo kahit nabasá tayo sa ulan."
"Nope. Ipinagpaalam ko naman nang maayos. Saka pwede ka rin gumamit ng videoke," masayang sagot naman ni JL.
"Okay. Sana matalo kita," natatawang sagot ni Rocher. Ilang saglit pa ay itinuro ni JL ang tamang paglalaro matapos niyang ayusin ang mga bola sa loob ng ball rack.
"Ganito ang tamang stance, o posisyon kung paano ka titira," panimula ni JL saka dinemonstrate kung paano gawin ang bagay na kanyang tinutukoy. Bahagyang magkalayo lang ang kanyang mga binti habang nakayuko.
Nakamasid lang si Rocher at hindi maiwasang matuwa kay JL sa sandaling iyon. Nasa gilid siya nito at gagayahin niya lang kung ano ang ituturo nito sa kanya.
"Next, grip. Kung paano mo hahawakan ang tako. Stroke kung paano mo ipe-prepare ang pag-aim. Dapat balanse lang at magaan ang galaw ng mga braso mo." JL kept his actions well.
"Heto naman, bridge o plangketa." Ipinakita ni JL kung paano niya ipinatong sa kanyang daliri ang cue stick o tako.
"Open bridge ang recommended pero pwedeng pwede rin naman kahit closed bridge. Ikaw, kung saan ka komportable."
Saglit na sinulyapan ni JL si Rocher at natawa na lang siya sa panggagaya nito sa kanya. It's very obvious that she's a beginner. Kaya saglit niyang binitawan niya ang tako at hinawakan ang kamay ni Rocher para ituro kung paano ang tamang posture, kaya nagkalapit na naman silang dalawa. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil walang ginagawa si Rocher para itaboy siya sa sandaling iyon.
"Ganito ba?" kabadong tanong ni Rocher. Hindi siya kinakabahan dahil baka pagtawanan siya ni JL sa mali-mali niyang ginagawa. More like, she felt that because they're close and feeling each other's breath and heartbeat.
"Tama." Naging banayad ang boses ni JL. Patuloy siya sa pag-guide kay Rocher hangga't sa dumistansya na rin siya nang ma-realize niya na tama na ang ginagawa nito.
"Tapos sumargo ka na," he ordered. "Sargo or break shot."
Tumango-tango si Rocher at ginawa ang sinabi ni JL. Medyo dismayado lang siya dahil hindi nagkalat ang mga bola sa table nang matapos siya sa pag-break ng mga ito.
"Hindi mo nalakasan," komento ni JL sabay ngiti. "Pero ayos lang, goodluck kung paano mo ihuhulog."
"Then, unahin mong tukuyin ang target ball mo," dagdag ni JL habang ipinapakita ang tamang paraan ng pag-target. "Gamitin mo ang 'tip' ng cue stick para tamaan ang ball na gusto mong ipasok sa pocket."
"Okay, pa-try nga," sagot ni Rocher habang humahawak ng cue stick at tumututok sa isang striped ball. Sinubukan niyang i-calibrate ang kanyang timing. Nakita niyang umikot pa ang bola nang tamaan niya ito.
"Nice try! Ang tawag sa ginawa mo, pektus o side spin shot!" bulalas ni JL habang binibigyan si Rocher ng compliment. "Siguradong makakasanayan mo rin ito."
Mas lalong nagiging interesado si Rocher habang patuloy na tinuturo ni JL ang mga strategy sa paglalaro.
Nang mapagsawaan ang paglalaro, nagdesisyon si JL na gumamit ng videoke upang magdagdag ng kasiyahan sa kanilang staycation. "Gusto mo bang mag-karaoke? Mukhang magandang paraan para mag-relax pagkatapos ng laro."
"Pwede!" masiglang sagot ni Rocher. Ang paglipat mula sa billiard table papunta sa karaoke machine ang mas lalong nagdala sa kanya ng excitement. Mas nadagdagan lang iyon nang maisip niya na parang nagdi-date na silang dalawa.
Habang kinakanta ni Rocher ng kanyang paboritong kanta na "Pretty Boy" ng M2M, si JL naman ay abala sa paghahanda ng mga inumin mula sa mini bar. Ang malamig na ulan sa labas ay tila naging isang magandang backdrop sa kanilang bonding.
Matapos ang ilang minuto ng karaoke, naupo silang dalawa sa isang maliit na sofa sa bakanteng upuan sa mini bar. "JL, salamat sa lahat ng ito."
"Walang anuman," sagot ni JL habang pinapanood ang kanyang mga mata na nagliliwanag. "Sa totoo lang, ako ang dapat magpasalamat sa'yo. For letting me vent out, and for being here with me."
Ilang saglit pa, ibinigay niya ang isang flavored beer kay Rocher. "Ito, hindi nakakalasing."
"Salamat." Ang pagtingin ni Rocher kay JL ay puno ng pag-asa at pangarap. Sa gabing iyon, habang ang ulan ay patuloy na bumubuhos sa labas, nalaman nilang pareho na ang mga simpleng sandali ay maaaring magdala ng hindi malilimutang kaligayahan.
Tila nagkaroon sila ng mas malalim na koneksyon sa isa't isa. Hindi man nila aminin, ramdam nilang pareho nasa iisang pahina na rin sila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top