Twenty One

Pagkalipas ng ilang saglit, napagtanto nga ni Rocher na hindi na siya makakaligtas sa nakakalokong tingin ni JL. Huminga siya nang malalim at naglakad pabalik sa pwesto ng binata saka inayos ang sarili para hindi mahalatang apektado siya sa tinuran nito.

"Patawarin mo na ako kung nasaktan kita sa pagiging 'spy' ko," biro ni Rocher, sabay hampas sa balikat ni JL.

"Aray!" Napaigik si JL at hinawakan ang kanyang braso. Biglang naalarma si Rocher at nilapitan ito nang maigi. She has a habit of tapping someone's shoulders while laughing. Pero sa pagkakaalam niya, nagiging gano'n lang siya sa taong nakakapalagayan niya ng loob. At this point, hindi na niya maitatanggi na maaaring naging komportable na ang pakiramdam niya kay JL.

"Okay ka lang? Pasensiya na talaga," nag-aalala niyang pakli at bahagyang hinawakan ang braso ni JL at tumaas ang kamay niya papunta sa balikat naman nito, sa kanang bahagi na may injury.

"Kailangan mo akong tulungan na..." Sumibol na naman ang nakakalokong ngiti sa labi ni JL at lalo na namang naningkit ang kanyang mga mata.

"Huh?" kinakabahang tanong ni Rocher.

"Maghubad."

Pinandilatan lang siya ni Rocher, with a sudden gesture that she would attempt to hit his arms once more.

"Hindi ko na magalaw ang braso ko nang maayos at kapag ginagalaw ko, kumikirot lang ang balikat ko. Alam mo 'yon? Parang hihiwalay na," reklamo pa ni JL saka nalukot ang mukha. "What I'm trying to say is, mahihirapan akong magpalit ng pang-itaas na damit dahil sa kalagayan ko tapos hinampas mo pa ako. Kaya kailangan tulungan mo akong maghubad ng damit kapag magpapalit ako, gano'n lang at walang malisya. Saka takot ko lang sa'yo na ulitin mo 'yong pagpapatumba sa'kin sa madilim na eskinita. Kanina ko pa nga sinabi sa'yo na hindi ko naiisip 'yong mga ganoong bagay, eh."

Natawa si Rocher nang malakas. "Excuse me lang, teacher lang muna ang role ko at hindi caregiver. Hindi ko kayang mag-alaga ng injured na tao."

"Hindi naman ako alagain," depensa ni JL. "Pero niloloko lang naman kita sa part na gusto kong tulungan mo ako sa pagpapalit ng damit. Gusto ko lang talagang ma-feel na talagang sa isang iglap, pwede pala na maging ganito na tayo kakomportable sa isa't isa. Kaya salamat."

"Okay. Matutulog na ako. Ikaw din." Ngumiti si Rocher at saka tuluyang umalis. Hangga't sa pagpasok sa silid, nararamdaman pa rin niya ang malakas na pintig ng kanyang puso.

***

Ilang araw din na pinaghandaan ni Rocher ang study materials na kailangan para maturuan si JL sa paghahanda nito para sa entrance exam. She went without enough sleep for several days for it, talagang desidido siya na alalayan ang binata.

Meanwhile, JL was suddenly called back to Manila to speak with his father. Hindi lang maintindihan ni Rocher ang mga narinig niya noong nakaraang araw na kausap ni JL sa phone si Mr. Donato, parang may kung ano silang pinagtatalunan at tungkol iyon sa isang mahalagang tao na dati na raw naging empleyado sa kanilang kompanya.

Despite JL being in a negative mood after conversing with his authoritative father, nagawa pa rin niyang ipakita kay Rocher na wala siyang bigat na nararamdaman at maayos pa nga siyang nagpaalam sa resthouse.

Ngayon, si Rocher naman ang naiwang nakatanga at nag-o-overthink kung kumusta ang naging usapan ni JL sa ama nito. And most of all, mas iniiisip niya kung kailan ito babalik. Hangal na lang siya kung hanggang ngayon, hindi niya aaminin sa kanyang sarili na nami-miss niya si JL. She missed his chinky eyes and his graceful personality, na parang sa kanya lang nito naipapakita nang husto. She tried to focus on other tasks, pero pabalik-balik pa rin sa isipan niya si JL.

Habang tinitingnan niya ang mga kakailanganin sa study room, napabuntong-hininga na naman si Rocher. She realized just how much she really cares for him. Ngayon niya masasabing naalis na ang negatibong impression niya sa binata.

Then suddenly, nag-ring ang phone niya. She quickly picked it up, hoping it was JL, pero si Xavier naman pala.

"Rocher?"

"Kumusta ka na?" Pineke niya ang excitement sa kanyang boses.

"All good. Ikaw ba dyan? Kumusta ang pakikitungo sa'yo ni JL? Kapag may problema dyan, pupuntahan kita," nag-aalalang sagot naman ni Xavier.

"Maayos naman ako rito. Saka hindi kami magkasama ni JL. May inaayos din siya sa Maynila at tutulungan ko siyang makapasa sa entrance exam kapag umuwi na siya rito," paglalahad naman ni Rocher.

Napatikhim si Xavier sa kabilang linya. "So, magiging tutor ka niya? Sounds good. At least magagamit mo ang teaching skills mo."

"Thanks, Xavier. Pakikumusta na lang ako sa fur babies na inaalagaan mo dyan sa clinic huh? Magpahinga ka na rin dahil gabi na. Kailangan may energy ka lagi dahil kailangan ka nila."

"Alright Cher. Kumain ka na rin ng dinner mo okay?"

"Okay. Ikaw din, kumain ka na." Bahagya pa siyang napahalakhak.

Matapos ang pag-uusap nila, mabilis namang ibinalik ni Rocher sa mesa ang phone at napaalis din kaagad ang kanyang ngiti. Umasa kasi siya na si JL ang tatawag sa kanya. Sabagay, obvious naman na parang hindi ito gano'n kahilig sa anumang mode of communication. She also recalled that his phone has zero social media apps, as well as registered contacts on it.

"Hindi mahilig sa social media si JL. Pero tingin ko naman, ini-stalk pa rin niya ako." She bit her lower lip and giggled. Bukod sa pag-a-assume, parang napapadpad na siya sa pagiging delulu.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top