Twenty Nine

Nakarating sina Rocher at JL sa Maynila ng mas maaga kaysa inaasahan. Napagkasunduan nilang dalawa na puntahan ang nanay at ate ni Rocher na nananinirahan sa Blumentritt.

Mainit na yakap ang natanggap ni Rocher mula sa kanyang batang pamangkin na si Raze. Namukhaan pa rin pala siya nito kahit matagal na silang hindi nagkita.

Ikinatuwa naman ni JL na makita ang heartwarming moment ni Rocher sa pamangkin nito.

Ilang saglit pa, dinala sila ni Raze papasok sa loob ng bahay at mukhang hindi na nasurpresa ang nanay at ate ni Rocher nang makita silang magkasama.

"Ma, ate, kailangan ko po kayong makausap. Sorry kung hindi ako nagpapakita sa inyo," panimulang sabi ni Rocher na halos pabulong pa.

Nagkatinginan ang kanyang nanay na si Marietta at ate niyang si Rossy. Walang salitang namumutawi sa kanilang bibig at nagkakaintindihan sila sa pagtitinginan lamang. Ilang saglit pa ay tumango si Rossy at nilapitan ang anak na si Raze.

"Labas muna tayo anak, bibili tayo ng meryenda." Kinarga niya ang anak at lumabas sila sa bahay.

JL remained silent and was just observing. Ramdam niya na may tensyon sa mag-ina dahil hindi pa rin sila nag-iimikan. Hindi pa rin siya pinakikilala ni Rocher kaya nanatili lang siyang nakatayo sa pinto.

Huminga nang malalim si Rocher bago magsimula. Hindi pa rin nagsasalita ang kanyang ina, kaya mas lalo siyang na-pressure.

"Ma, hindi po ako teacher. Nagpanggap lang po ako para matuwa kayo sa akin. At isa pa, hindi ko po tinigil ang paghahanap kay papa. Alam ko pong galit kayo sa kanya, pero gusto ko pa ring malaman kung buhay pa ba siya o hindi." Maluha-luha si Rocher nang ilantad ang sikretong itinatago niya.

Hindi umimik si Marietta, sa halip ay pinukol niya ng mapanuring tingin si JL. Pagkatapos, ibibalik niya ang tingin sa anak na puno ng simpatya.

"Alam ko na. Sina Arghie at Glenda na ang nagsabi. Mula nang mabalitaan namin na nagkaroon ng sunog sa tinutuluyan mong apartment. Pinaamin ko sila sa kung anong nalalaman nila. Hindi mo kailangang itago sa'min na hindi ka board passer at hindi ka nagtuturo, pero naintindihan kita sa bahaging iyon," sentimyento ni Marietta. Naupo siya sa bakanteng silya at uminom ng isang basong tubig bago magpatuloy sa pagsasalita.

"Ang hindi ko lang maintindihan, iyong pagpayag mo na maging asset ng pulis, kapalit ang pag-iimbestiga nila sa pagkawala ng tatay mo at sa kompanyang pinasukan niya. Hindi ko maintindihan kung bakit hinahanap mo pa ang taong nagbigay sa'yo ng sama ng loob!"

Lumakas ang boses ni Marietta at kahit si JL, natinag sa kinatatayuan dahil sa pagkagulat. Naisip niya na dapat hindi siya makinig sa kung anumang pag-uusapan ng mag-ina at dapat na siyang umalis. Hahakbang pa lang siya papunta sa labas, muling bumulyaw na naman si Marietta.

"Hindi ka aalis dito, Jasper Luis Claveria!"

Nasurpresa si JL nang tawagin siya ni Marietta sa tunay niyang pangalan. The hostility was evident in Marietta's voice.

"I'm sorry po kung hindi ko pinayagan si Rocher na bumalik sa inyo kaagad. Masyadong komplikado pa ang nangyari na may kinalaman sa sunog at malalagay po sa alanganin ang buhay niya," magalang na paliwanag ni JL sa ginang. "Wala po akong masamang intensiyon sa ginawa ko dahil alam kong iyon ang nararapat."

"Wala akong pakialam sa paliwanag mo! Kung bumalik ka dahil utos ng pamilya mo at para saktan si Rocher, napakasamá mo naman! Matagal nang naghirap ang asawa ko sa kompanya ninyo kaya hindi pala siya nakakauwi sa amin!"

Parang sinakluban ng langit at lupa sina JL at Rocher nang marinig ang rebelasyon ni Marietta.

JL's knees were shaking when he started making assumptions on his mind. Inulan din siya ng maraming katanungan kung bakit gano'n ang ipinahayag ng nanay ni Rocher. Ramdam niya sa pananalita nito ang hinanakit at panunumbat.

Napalunok si JL sa bigat ng mga sinabi ni Marietta. Ang dami niyang gustong itanong ngunit kinailangan niyang magtimpi upang iproseso lahat ng paratang sa kanyang isip.

"Ma, hindi po kami nandito para magdulot ng sama ng loob at ungkatin ang nakaraan. Gusto ko lang pong malaman kung ano ang totoong nangyari kay papa," pakiusap ni Rocher at hindi na niya napigilan ang paghikbi. "Tutulungan ako ni JL."

Napatitig si Marietta sa kanyang anak na ang mga mata'y puno ng hinanakit at pangungulila. "Rocher, may malaking pagkakautang ang tatay mo kay Donato na boss niya. Kaya hindi natin siya nakakausap, eh dahil sa paghihigpit ni Donato sa kanya."

Nagimbal si Rocher sa narinig. Para bang lahat ng pagsisikap at sakripisyo niya ay nauwi sa wala. Hindi lang pala siya ang may lihim na itinatago. "Bakit, Ma? Bakit hindi niyo sinabi agad? Bakit n'yo itinago sa amin? At kanino n'yo 'yan nalaman?"

"Gusto kong protektahan kayo. Ayokong maranasan niyo ang sakit at takot na naranasan ko," umiiyak na sagot ni Marietta. "Lalo ka, Rocher. Ayoko nang mapahamak ka pa lalo dahil sa paghahanap mo sa kanya. Ikaw ang pinakanaapektuhan nang hindi na bumalik sa atin ang tatay mo. Nalaman ko lang ito mula mismo sa tatay mo na hindi pa makapagpakita sa ngayon. May pumunta rito na kakilala raw niya at nag-iwan ng sulat."

Hindi napigilan ni Rocher ang mas mabilis na pag-agos ng kanyang mga luha. Habang si JL, hindi na napigilan na sumabat sa usapan ng mag-ina at halos mapaluha na rin.

"Pwede ko bang malaman ang pangalan ng asawa ninyo?"

"Rodiel Silvano. Pero hindi mo siya kilala dahil may iba siyang ginagamit na pangalan at inutos 'yon ng tatay mo sa kanya!" May panunumbat ang rebelasyon ni Marietta.

Walang ideya si JL sa narinig na pangalan dahil first time pa lang niya na narinig iyon. Wala siyang kilalang Rodiel sa billiard equipment business ng kanyang ama noon. Pero nagkaroon din siya ng hinala na maaaring hindi ito matatanggap ni Rocher kung mapatunayang totoo. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon at ang tensyon sa paligid. Nagtataka siya kung bakit tila may malaking bahagi ng kuwento ang hindi pa niya alam.

"Rocher, hindi ko talaga alam ang lahat ng nangyayari noon," biglang sabad ni JL, "Pero gusto kong malaman ang katotohanan kasama mo. Karapatan ko rin naman siguro na i-defend ang tatay ko sa gusot na 'to."

"Natural na siya ang ipagtatanggol mo dahil tatay mo siya!" giit naman ni Marietta.

"I won't waste any time ma'am. May hinahanap din po akong tao," sagot naman ni JL. "Kung iniisip n'yo na ginagantihan ko si Rocher, nagkakamali kayo. In fact, mahal na mahal ko siya."

"Ano?" Pinandilatan ni Marietta si JL. "Kung anumang feelings ang mayro'n ka para sa anak ko, ihinto mo na 'yan. Huwag mong nilalason ang isip niya!"

"Mama." Sa wakas, nagkaroon din ng lakas ng loob si Rocher na muling pumagitan.

"Mahal ko rin po si JL. Hindi ko rin naman ginusto ang nangyari. Pero bigla ko na lang din naman siyang natutuhan na mahalin."

Nagkaroon ng kislap ang mga mata ni JL dahil sa narinig. Rocher's courage to admit her own feelings could be considered as her way of defending JL.

"Sa tingin mo ba, hahayaan ko lang kayong dalawa na magsama? Ayaw kong magkaroon siya ng ugnayan sa pamilya mo, Jasper Luis!" mariing pagtutol ni Marietta. "Kahit pa sabihin mo na binuntis mo na siya!"

Nagkatinginan sina Rocher at JL. Natunaw ang tensyon sa paligid at kapwa sila napahalakhak nang bahagya.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko? Pinatuloy mo siya sa resthouse mo, hindi ba? Anong iisipin ko bilang nanay niya? Hihingi ka ng kapalit kahit anong mangyari!" inis na bwelta ni Marietta.

"Hindi po sumagi sa isip ko na gawin iyon kay Rocher. May tamang panahon naman na gawin namin 'yon. Naiintindihan ko po na komplikado pa ang lahat. Kailangan ko rin pong mag-aral. Habang magkasama kami ni Rocher, talagang nag-tutor lang po siya sa'kin," matapang na pag-amin ni JL.

"Hindi rin po siya gumagawa ng bagay na nakaka-violate ng privacy ko," sabi naman ni Rocher.

"So hihintayin mo pa na i-violate niya ang privacy mo?" inis na tanong naman ni Marietta. "Hindi na nakakabuti sa'tin ang pag-uusap na 'to."

"Babalik po ako rito. Aalamin ko ang lahat," tugon naman ni JL. Nilapitan niya si Rocher at hinawakan ang kamay nitong nanlalamig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top