Twenty Four
Pagdating nina JL at Rocher sa baybayin ng dagat, agad nilang naramdaman ang sariwang hangin at narinig ang banayad na hampas ng mga alon. Matagal na ring hindi nakapamasyal sa anumang beach si Rocher kaya kahit papaano, naging grateful siya kay JL dahil ito pa ang nag-suggest na pumunta sila sa lugar na ingay ng alon lamang ang maririnig. Napagkasunduan din ng dalawa na mag-picnic kapag natapos na ang sunset na dapat nilang hintayin.
"Ang ganda rito," sabi ni JL, nakangiti habang tinitingnan ang malawak at asul na karagatan.
"Tama ka," sagot ni Rocher, nakapangalumbaba pa rin at nakatingin sa malayo. "10 years old pa yata ako nang huling makapunta sa dagat. Buo pa kaming pamilya no'n."
"Buti nga naranasan mo na magkaroon ng buong pamilya, eh. Ako, may parents nga pero emotionally absent naman noong itaguyod ako." Nagpakawala ng buntonghininga si JL.
"Oo nga pala. Hindi mo pa naikukwento sa'kin ang past mo. Paano ka natutong magbilyar? Saka bakit parang hindi kayo close ng tatay mong si Sir Donato?" Rocher was also eager to learn JL's backstory to better understand his feelings.
"Well ako naman, 12 years old ako nang maghiwalay sina mama at papa. Bago mangyari 'yong hiwalayan, Mama always refers to Papa as Sir Donato. Wala man lang silang term of endearment, tapos ang cold pa nila sa isa't isa," madamdaming pagsasalaysay ni JL.
"I used to hear from our house helper that Papa's side didn't approve of Mama before they got married. Sumáma ang loob ko kay papa dahil hinayaan niya lang na hiwalayan siya ni mama. I was left under his custody, and since then, I stopped calling him Papa. Like Mama, I now only refer to him as Sir Donato. Dahil madalas na busy si papa sa business namin, isinasama na niya ako kapag may field visit siyang naka-schedule. By the way, may pool billiard equipment company si papa. Since sinasama ako ni papa sa business na 'yon, doon ko unang nakita ang mga nagbibilyar. Napahanga ako kung paano sila maglaro. Nang maiwan akong nakatanga tuwing may kinakausap si papa sa phone niya, may lalaki na kasing edad niya na lumapit sa'kin at tinanong kung gusto kong maglaro. I agreed, and he was surprised by my first shot, saying it was already quite good—baka maging katulad ko pa sina Efren Bata Reyes at Ronnie Alcano balang araw."
JL felt the need to pause his revelations about his past. He was almost in tears at that moment.
"Okay lang 'yan. Kahit hindi mo muna ituloy agad. Lagi naman akong handang makinig," sabi ni Rocher, na talagang na-move na rin sa kwento ni JL tungkol sa childhood nito.
"Si Mang Jervin ang naging parang tatay ko na dahil nga emotionally absent ang sarili kong tatay noon. Pinagkatiwala na nga ako sa kanya ng tuluyan, eh. Naaalala ko yung mga panahon na pagkatapos kong mag-aral, pumupunta kami sa billiard hall. May access doon si Tatay Jervin dahil empleyado siya ni Papa at woodcrafts ang specialty niya. Nang tumagal, in-encourage niya akong pumunta sa iba't ibang bilyaran para maglaro. Hanggang sa sumali na kami sa open tournament. Todo support si Tatay Jervin noon, pero nang malaman ni Papa, nagalit siya. Dapat daw nag-aaral pa ako at sinasabi niyang masamang impluwensya si Tatay Jervin, kaya tinanggal siya sa trabaho. But my pursuance to become a pool player didn't simply stop there. Nang ipatapon niya ako sa Singapore, ginawa ko ang lahat para makapasok sa mga tournament. Hanggang sa pagtungtong ko ng legal age, naging official pool player ako. Hindi natuwa si Papa dahil akala niya may contact pa rin kami ni Tatay Jervin kahit wala naman talaga. Balita ko, nakatanggap daw ng mabigat na parusa si Tatay Jervin after kong mapadpad sa Singapore. Nang tumigil ako bilang athlete dahil sa injury three years ago, bumalik ako rito sa Pilipinas. Nalaman ko rin na may iba nang pamilya si mama, at natanggap ko naman 'yon. Ang hindi ko lang kayang tanggapin, ay 'yong hindi ko pa rin nakikita ang tinuturing kong ama."
Pagbalik ko sa Pilipinas, agad kong sinimulan ang paghahanap kay Tatay Jervin. Nagsimula ako sa mga dating lugar kung saan kami dumadayo. Nagtanong ako sa mga dating kaibigan niya, at kahit mga dating kasamahan sa trabaho. Pero iisa lang ang sagot nila. Palaging 'hindi ko alam', 'baka patay na'. May sakit kasi si Tatay Jervin. Nakalimutan ko kung anong tawag do'n at hindi siya pwedeng mapagod dahil madalas na sumakit ang likod niya. Pero kahit gano'n, ang ganda ng stance niya kapag titira na siya ng bola sa bilyaran. Naisip ko pa nga, baka professional player din siya dati."
Purong simpatya ang naramdaman ni Rocher sa mga nalaman niya. Kulang pa siguro ang mga salita para palakasin ang loob ni JL. She realized that she wronged him too. Dahil sa judgement niya rito, hindi niya naisip na may malalim palang dahilan si JL kaya kung saan-saan ito dumadayo at magkunwaring nagsusugal. She always thought that he's a typical carefree young man because he has a fallback.
"Pasensiya ka na JL, kung inisip ko na nagsusugal ka lang dahil trip mo. Hindi ko alam na may hinahanap ka pala. Sa simula pa lang, nagalit ako sa'yo, which is, hindi pala dapat," paumanhin ni Rocher na parang kakahiwa lang ng sibuyas habang tinitingnan si JL na malapit nang mag-breakdown sa mga sandaling iyon.
"Alam ko 'yong pakiramdam na may hinahanap tapos hindi makita. May times na mas lamang 'yong assumption na baka nga wala na sa mundo 'yong taong 'yon, eh."
Tumango-tango si JL at naantig naman sa expression ni Rocher. But the more that he's looking at her, nadudurog lang ang puso niya. And at that moment, tumibay na nga ang pangako niya sa kanyang sarili na hindi siya gagawa ng anumang bagay para paiyakin ang dalagang kaagapay niya ngayon.
"Ako rin, sorry kung inakala ko na may iba kang motibo noong gusto mong ipahuli si Villaverde. Sorry kung inakala ko na magnanakaw ka noong kinuha mo ang wallet ng isang abusive husband sa isang KTV bar na may billiard hall. Sorry kung may times na feeling mo, masyado akong naaawa sa'yo. When in fact, gusto kitang makilala. The moment that I saw you for the first time, na-amaze din ako sa'yo." JL couldn't express his admiration in a direct manner. Pinapakiramdaman pa niya kung dapat na bang sabihin kay Rocher na mahal na nga niya ito.
Masyado na rin yata siyang na-carried away at hindi niya namalayang naipatong na niya ang kamay niya sa ulo ni Rocher na hindi man lang tumutol sa sandaling iyon. He gently patted her head as his way of consoling her.
Napagtagumpayan naman ni Rocher na hindi lumuha sa harap ni JL. Ayaw niyang agawin ang moment nito at habang magkasalubong pa ang kanilang mga tingin, ramdam niya ang assurance sa tabi nito. Ramdam niya na kahit magulo ang mundo, basta sila ang magkasama, magagawa pa rin nilang mabuhay nang matiwasay.
"JL..."
"Bakit?" Bahagyang nakaramdam ng kaba si JL nang mamutawi sa bibig ni Rocher ang pangalan niya.
"Pwede ba kitang yakapin?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top