Twenty

Nag-aalangan na lumabas si Rocher papunta sa garden kahit na gabi na. Second day na niya sa resthouse ni JL at nagtataka siya kung bakit hindi pa bumabalik si Lucio. Walang ibang tao roon kundi silang dalawa lang at nakakaramdam siya ng pagkabagot dahil wala siyang makausap. Sa pagkakaalam niya, maghapong nakakulong si JL sa silid nito na parang iniiwasan siya.

Nagdesisyon tuloy siyang lumabas na rin para maghanap ng kasagutan. Habang naglalakad siya sa madilim na garden, naririnig niya ang kaluskos ng mga dahon at ang pagaspas ng hangin lasabay ng tagaktak na tunog ng billiard balls. Tila nag-eensayo na si JL at mali ang hinala niya na umiiwas ito.

Nagtuloy-tuloy si Rocher sa paglalakad patungo sa pinanggagalingan ng tunog ng mga bola. Nang makarating siya sa likod ng hardin, nakita niya ang isang maliit na pavilion na may ilaw. Dahan-dahan siyang lumapit at sumilip doon.

Tama nga siya dahil naroon nga si JL na nakatayo sa tabi ng billiard table at nag-iisip kung paano niya titirahin ang kasunod na bola at tinatantiya niya ang dapat na magiging hulog ng mga ito sa side pocket.

Nakayuko si JL at nanatiling seryoso ang pagkakatutok sa bolang dapat i-shoot. His posture seemed good enough to play and he doesn't look like he still got an arm injury. Saglit siyang napahinto para magpatugtog ng music habang nag-eensayo.

Sa kabilang banda, ikinagulat naman ni Rocher na may background music na si JL dahil nag-play bigla ang bluetooth speaker na nakapwesto sa bilyaran ng pavillion. She had nothing to do but to secretly watch JL while looking at him with a hint of undeniable admiration. Sumasabay ang papausbong niyang paghanga sa kanta ni Mariah Carey na "Thank God I Found You". That's how love sounds like, but she's unaware of it.

"Gosh... Ano naman kung pinakikinggan niya 'yong favorite artist ko?" Her face turned red as she remained hiding. Inaabangan niya si JL na magpatuloy sa pag-eensayo hangga't sa itinabi na lang nito ang cue stick sa gilid saka huminga nang malalim. He made a long face as if he's worrying about things that he can't control.

"Anong problema niya?"

Gusto niya itong lapitan at tanungin kung anong nararamdaman nito. Simula nang magbitiw siya ng pasya na aalisin niya ang anumang panghuhusga kay JL, doon na rin nagsimula ang hangarin niya na unawain pa ito nang husto. She's also a willing listener if he requests to talk about his hardships.

Napapansin pa ni Rocher na hindi mapakali si JL. Panay kasi ang paglakad nito at iniikutan lang ang billiard table. Likewise, parang sinusukat na naman niya ang tamang shot na gagawin at matamang sinusuri ang bawat anggulo ng bola at sa wakas, nagpasya na rin ito na hawakan ang cue stick at muling naghanda ng magandang tira saka huminga nang malalim.

Ngunit naalarma si Rocher nang makitang rumehistro ang hindi maipaliwanag na discomfort sa mukha nito pagkatapos nitong bitawan ang cue stick nang mai-shoot niya sa corner pocket ang bola. Kinapa ni JL ang braso at balikat saka umupo ulit.

"Dapat talaga hindi ko na pinilit pa na mag-practice." Dinig na dinig sa labas ng pavillion ang boses ni JL na parang sinadya niya talagang lakasan kahit tumutugtog pa rin ang music sa speaker.

Pinakiramdaman muna ni Rocher ang sarili at pinag-iisipan pa kung magpapakita na siya kay JL para alalayan ito.

"Kailangan ko na sigurong magpunta sa ospital para magpa-check up," JL sighed. "Pero sino naman kayang sasama sa'kin? Wala naman si Lucio. Kasalanan ko rin naman ito, eh."

Once again, JL let out another heavy sigh. Sa wari ni Rocher, parang sinasadya na nitong mas lakasan pa ang boses. Nakakahalata na tuloy siya na baka nga kanina pa alam ni JL ang ginagawa niyang pagtatago.

After a while, umalis na rin si JL. Baka babalik na ito sa loob para mag-dinner. Iyon na rin ang naging hudyat kay Rocher para umalis sa kinatataguan niyang pwesto. Ngunit wala pa man sa ikasampung hakbang, nasalubong niya si JL na hindi man lang nahihiyang umiwas ng tingin, taliwas sa ginawa nito kaninang umaga. JL exudes a charm that everyone could notice. He's always been breathtaking since then. Pero mas makapigil-hininga na ito lalo na't silang dalawa lamang ang tao sa resthouse na teritoryo pa ni JL. Para bang kahit gusto nilang awatin ang kanilang sarili sa pagtatagisan ng tingin, parang hindi nila magagawa pa—dahil pareho na yata ilang bihag ang isa't isa.

"Parang may daga na biglang nawala sa lungga," JL beamed and stepped closer. "Nagpapahangin ka ba o may minamatyagan gaya ng ginagawa mo sa Laguna kapag may hinuhuli kayong nagsusugal?"

"Hindi ba pwedeng nag-iikot lang? Maganda naman pala rito sa Pangasinan. Kaso, napakalayo naman pabalik sa Maynila," kunwari ay nagrereklamo si Rocher. But if anyone would ask her if she wants to leave, she might say no and stay here for good. Kahit panandalian, basta makasama lang niya nang mas matagal si JL.

"Kaso, hindi ka pa pwedeng umuwi. Hindi ka pa safe. Dito ka muna. Saka may gusto sana akong i-request," hesitant na pakli ni JL saka nilakihan ang pagkakangiti. "Pero sana huwag mo akong husgahan."

"Tapos na rin naman akong husgahan ka," pag-amin ni Rocher habang tumatawa. "Pero sige, ano ba 'yon? Aside sa companionship?"

"Gusto kong magpatuloy sa college. Pero hindi pa ako nakakapag-entrance exam sa gusto kong pasukan na university," nahihiyang sagot naman ni JL. Since last night, he has already decided to pursue studying. Hindi naman talaga iyon para sa sarili niya, para na rin kay Rocher dahil tila nanliit siya sa kanyang sarili nang malaman niya na binasted nito si Xavier na mataas naman ang pinag-aralan. Ibig sabihin lang nito, kung nagawa ni Rocher na mambasted ng isang almost perfect na lalaki, paano pa kaya ang isang tulad niya na halos pariwara, nagsusugal, at may komplikadong relasyon sa sariling pamilya? Kaya nagising siya sa katotohanan na dapat, i-upgrade na niya ang kanyang sarili. Dapat may maipakita man lang siya na magandang upbringing sa babaeng nagugustuhan niya ngayon.

Napangit agadi si Rocher sa narinig niya mula kay JL. "Talaga? Gusto mong mag-college? Anong course naman ang balak mong kunin?"

"Baka Business Administration o kahit anong may kinalaman sa pagnenegosyo. Gusto kong magpatakbo ng sarili kong negosyo balang araw. Alam mo naman, para hindi na ako umaasa sa pagsusugal. Besides, gusto rin naman ng tatay ko na tulungan ko siya sa pag-manage ng business namin dito."

"So, tagapagmana ka naman pala. Pasaway ka lang," impressed na pagkakasabi ni Rocher.

"Actually, ayaw ko naman. Mahina kasi ang utak ko. Saka authoritative masyado si papa—si Sir Donato pala," pag-amin ni JL.

"Donato?" Saglit na napaisip si Rocher dahil may kung anong nanumbalik sa memorya niya matapos marinig ang pamilyar na pangalan. But she quickly shrugged that thought, imposibleng iyon ang Donato na ama ni JL. Napakaraming magkakapangalan sa Pilipinas.

"Yup. Anyway, gabi na. Matulog ka na rin, saka kumain ka na rin pala muna." Naging pormal ang tinig ni JL. Hindi niya talaga mapanindigan ang pagpapakitang hindi siya nakakaramdam ng kilig habang kaharap si Rocher. But at the same time, hindi niya rin kayang ipakita na parang nagkakapalagayan na talaga sila ng loob.

"Okay. Mauuna na ako." Mabilis namang tumalikod si Rocher at lumakad palayo.

"Sandali lang pala."

Upon hearing JL's baritone voice, agad naman na lumingon si Rocher. "Huh?"

JL chuckled before answering.

"Ano kasi..." Kumakamot pa siya ng ulo.

"Ano ba kasi 'yon?"

"Pwede bang samahan mo ako ngayong gabi lang?"

Awtomatikong kumunot ang noo ni Rocher sa narinig. "Excuse me? Ano?"

"No. Hindi gaya ng iniisip mo! I just don't know how to say this properly!" maagap na depensa ni JL. His voice cracked.

"Okay. So, ano nga?" Rocher stared at him as if she would punch his face. Pero syempre, panakot lang naman niya iyon at ayaw niyang ipakita na may impact ang paanyaya ng binata at hindi niya naman binibigyan ng anumang masamang kahulugan.

"Ayoko lang talaga na may nanonood sa'kin nang palihim. The moment na lumapit ka kanina sa space ko, alam ko na, eh," pag-amin ni JL. "At naging distracted ako, sa totoo lang."

Napaatras naman si Rocher at tila kinalampag ang buo niyang pagkatao. It means, nahuli na pala siya ni JL kanina at ito pa ang tila apologetic sa kanilang dalawa.

"Hindi ako sanay na may nanonood pag nagpa-practice ako, lalo na kung ikaw. Pero bakit naman kasi kailangan mong magtago?" Napalitan ng nakakalokong ngiti ang reaksyon ni JL.

"Huh? Hindi naman ako nagtatago, napadaan lang naman ako. Saka, paano mo ako nahuli?" Anytime, gusto na ni Rocher na magpalamon sa lupa.

"Just admit that your hiding skills are gone, the moment that I found you or from the start that I've known you," pabirong sabi ni JL.

Hindi na umimik si Rocher at pinili niyang humakbang nang paatras.

"Napadaan lang talaga ako. Huwag kang assuming!" giit pa ni Rocher saka nilayuan si JL habang nakahawak sa magkabila niyang pisngi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top