Twelve

"Anong ako? Saan niya ako nakita?" Hindi naisatinig ni Rocher ang katanungang sumagi sa isip niya habang tumatakbo. Mas prayoridad niya munang makalayo kay JL.

'Nakita ba niya ako sa bilyaran? Posible! Dahil nga bilyarista siya!'

"Hoy!" sigaw ni JL kay Rocher na napakabilis palang tumakbo, mas mabilis pa sa nasaksihan niya kanina nang nakawin nito ang wallet ng isang lalaki sa bilyaran.

"Bakit mo muna ako hinahabol?" patili ang tanong ni Rocher, sapat na para makabulabog ng mga taong natutulog pa sa mga oras na 'yon.

"Bakit ka kasi tumatakbo?" Pasigaw din ang sagot ni JL na umaabot pa rin nang malinaw sa pandinig ni Rocher.

"Bakit ka nandito? Bakit ka humahabol?" Rocher's voice trembled more while asking him. Hindi iyon dahil sa mabilis na pagtakbo, talagang binubundol na ng kaba ang puso niya na hindi naman niya nararamdaman kapag may tinutulungan siyang ibang tao at nai-involve siya sa mga raid ng anumang ilegal na pasugalan.

At nang marating na nilang pareho ang dead end ng isa sa iskinitang nalusutan nila, saka lang huminto si Rocher at patuloy pa rin sa paghahabol ng hininga.

Sa isang iglap, parang huminto ang oras nang mapagtanto niyang patuloy pa rin sa paglapit sa kanya si JL. Kahit mabilis ang approach nito para malapitan siya, pakiwari niya ay naka-slow motion ang bawat galaw nito. Para siyang namamalik-mata.

"Hindi mo na ako matatakasan, Rocher."

His words are clear enough to understand. Nang tuluyan itong makalapit, tinanggal na agad nito ang suot niyang cap at facemask.

JL beamed upon seeing Rocher's face for the first time. Kahit madilim pa sa kinaroroonan nila, malinaw na malinaw sa kanya ang lantad na kagandahan ng babaeng kaharap. His admiration seemed to rise up to the next level.

"Finally." His lips curled up. "Madali ko nang matatandaan kung sino ka."

"Wala kang mapapala sa'kin!" May pagdidiin ang bawat salita ni Rocher at pinaramdam niya kay JL ang isang technique na magpapawala sa kamalayan nito.

She punched his stomach and ran as if nothing happened.

***

"Saan po ba pwedeng magreklamo? I was assaulted," reklamo ni JL kay Madam Vebz nang tawagan niya ito. Dalawang araw na ang lumipas nang saklolohan siya ng mga taong nakakita sa kanya sa liblib na iskinita nang suntukin siya ni Rocher, na dahilan kung bakit siya nahimatay. Sadly, hindi pa rin bumabalik si Rocher sa unit nito matapos ang engkwentro nilang dalawa. Halatang umiiwas ito at nag-aalala na baka isuplong niya ito sa mga taong nakaalitan nito—but he won't do that. For sure, she had her valid reason to steal. Kahit hindi maamin ni JL, may kasalanan siya dahil pinakiusap pa niya kay Chief Rita na tumigil muna sa pagtatrabaho si Rocher, kaya napilitan itong magnakaw.

"Sino, kilala mo ba kung sino ang gumawa? May ninakaw ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Madam Vebz. For sure, nag-aalala lang naman ito kay JL dahil nakapagbitiw na siya ng advance 3 month deposit ng renta sa apartment, at nababahala ito na baka umalis siya bilang tenant.

"Yep, ninakaw niya po 'yong puso ko." Hindi niya maisatinig ang totoong sagot niya sa tanong ng landlady.

"May ninakawan po siya sa bilyaran. Pero hindi ko mamukhaan, eh. Magf-file na lang po siguro ako ng complaint. Anyway, gusto kong ireklamo na lang 'yong nasa kabilang unit, na nagpapatugtog kahit hatinggabi na. Naririnig kasi sa unit ko 'yong tugtog. Wala siyang konsiderasyon. Sa totoo lang, nai-interrupt ang pagtulog ko nang sapat. Kailangan ko rin na magpagaling dahil sasabak na po ako sa open tournament," pagsisinungaling ni JL. This was his last resort to meet Rocher. Kailangan nilang magkausap nang maayos at kailangan niyang iparating na hindi siya panganib sa buhay nito.

"Ipatawag mo sa barangay. Actually, may concern din ako dyan kay Rocher, eh. Hindi pa siya nagbabayad ng rent niya. Magharap-harap tayo do'n!" suhestyon naman ni Madam Vebz sa kabilang linya at tumaas na ang boses.

JL quickly agreed to it.

***

"Nakatulugan ko lang po 'yong sound system kanina pero kapag gabi naman, alam ko kung anong oras lang dapat magpatugtog. Pwede naman po sana niya akong katukin imbis na ipatawag pa ako rito. Pasensiya na sa perwisyong nagawa ko," mapagpaumanhing sambit ni Rocher na hindi magawang tumingin nang diretso kina Madam Vebz at JL dahil pareho siyang may atraso sa mga ito.

"Hindi pwede. Baka isinumbong na niya ako sa mga pulis. Baka may hawak na siyang ebidensya kaya niya 'to ginagawa," sa isip ni Rocher habang umiiwas ng tingin sa gwapong binata. Hindi sumagi sa isip niya na ganito pala ang paraan nito ng paghihiganti. Pero ang mas mahalaga ngayon, kailangan niyang ipakita na mas mapagkumbaba siya at handang humingi ng pasensiya.

"Okay. Pasensiya na rin, I really don't intend to give inconveniences too. I was just hesitant to approach you." Kinakabahan si JL sa sandaling iyon. Paulit-ulit na nga siyang napalunok ng laway habang kaharap si Rocher. May pagkatuso ang babaeng ito dahil ibang-iba ang ugaling pinakikita nito sa lahat. Para siyang kabaliktaran ng Rocher na nakasuot ng facemask at gumagawa ng kalokohan sa gabi. Ang Rocher na kaharap niya ngayon, parang maamong tupa at soft spoken. Higit sa lahat, parang mahina ang loob at madaling paiyakin ng sinuman.

"I'm preparing for a tournament, hindi ako nakakapag-focus sa practice ko," dagdag na paglilinaw pa ni JL. Wala namang katotohanan sa sinabi niyang iyon dahil hindi pa siya pwedeng makapaglaro.

"At iritable pa 'yan dahil kailangan pa rin niyang mag-practice kahit injured siya," sabad naman ni Madam Vebz kasabay ng pag-ismid. "Para namang hindi ka nasabihan ni Mang Ruffy."

"Sorry po. Nakaligtaan ko na yata," sagot lamang ni Rocher para ipakitang nagpapakumbaba siya sa kanyang landlady. Kung sasabayan pa niya ang pagtataray nito, baka mapaalis pa siya nang wala sa oras.

"Makakalimutin ka na talaga, kita mo nga pati rent mo makakalimutan mo nang bayaran," sarkastikong tugon naman ni Madam Vebz.

JL knew how it's humiliating on Rocher's part. Sigurado siyang magagamit na niya ang pagkakataong ito para makuha ang loob ni Rocher.

"Iyong tungkol lang sa pagpapatugtog ang concern ko, hindi n'yo na dapat i-bring up ang ibang issues n'yo sa kanya," depensa ni JL kay Rocher.

"Magkakasundo na lang kayo. Gagawa tayo ng kasulatan tungkol sa pagpapatugtog tapos sa pagbabayad nitong si Ms. Rocher sa obligasyon niya," mungkahi ng kanilang punong barangay na sinang-ayunan naman nilang lahat.

Hindi nakaimik si Rocher. Everything happened so fast. Parang si JL ang direktor ng eksenang nangyayari. Gaya ng mga eksenang scripted sa pelikula, it turns out that they were both executing a sham!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top