Three
"Cher! Tingnan mo, may nagkukumpulang tao doon sa kabilang kanto, tara tingnan natin!"
Mabilis na pag-iling ang sagot ni Rocher sa paanyaya ni Arghie. "Baka may naaksidente dyan. At saka, parating na ang mga pulis do'n sa bilyaran, 'wag na tayong bumalik."
"Dali na. Dyan din naman ang daan natin," pamimilit naman ni Arghie kaya sa bandang huli, walang nagawa si Rocher kundi magpatianod sa gusto ng kaibigan.
Kapwa ikinagulat nila nang mamukhaan ang lalaki na nakahandusay sa kalsada, matapos na tanggalin ng isang pulis ang helmet na suot nito. Ikinagulat din ni Arghie na nakasuot lang pala ng wig ang lalaki at lumantad ang mas maganda nitong haircut.
"'Yan 'yong si Alyas JL, 'di ba?" tanong ni Arghie nang masiguro na tama nga siya ng taong tinutukoy. "Hala, kawawa."
"Tara na. Grabe, ayoko siya tingnan," kinakabahang sambit naman ni Rocher saka umiwas ng tingin. "Baka naman may pamilya pa 'yan na pupunta sa kanya. Saka parang 'di naman siya napuruhan."
"Paano mo nasabing hindi napuruhan, 'di ka nga makatingin. Mawawalan na siya ng malay!" tili naman ni Arghie.
"Kilala n'yo ba siya? Kailangan niya ng kasama sa ospital," untag naman ng police officer sa kanilang dalawa.
"Sige po, kami na lang ang sasama," presinta ni Arghie na mariing tinutulan ni Rocher.
"Hoy!—"
"Tumutulong ka nga sa mga pusa at asong galá, sa tao pa kaya?" giit naman ni Arghie.
After several minutes, dumating din ang ambulansya at naisugod si JL sa ospital na pinakamalapit. Si Arghie na ang nakipag-coordinate sa mga doktor at nakahinga naman siya nang maluwag dahil ligtas na si JL.
"Walang kahit anong number sa phone niya. Kahit sa logs, wala rin," pahayag naman ni Rocher nang lapitan siya ni Arghie.
"Sa itsurang 'yan wala siyang pamilya? O girlfriend? Try mo buksan ang messenger baka mayro'n," mungkahi naman ni Arghie.
"Walang kahit anong social media apps na naka-install," bagot na tugon naman ni Rocher. "Pero buti na lang hindi nawala ang napanalunan niya. Pwede na niya ipambayad sa pagka-admit niya rito kaya sa tingin ko, pwede na natin siyang iwan. Ang suspicious naman niya kasi. Tapos naka-wig lang pala siya. Baka pugante 'yan."
"Umiral na naman ang pagiging judgmental mo. Kung hinahanap nga talaga siya ng batas, kanina pa lang sana dinakip na siya ng mga pulis," bwelta naman ni Arghie. "Pero what if, may koneksyon pala siya kay Wilson Villaverde?"
"Sabagay. Oo nga, ano?" Ngumuso lang si Rocher at mula sa glass window, malaya niyang tinatanaw si JL na mahimbing ang tulog dahil sa gamot na binigay ng doktor. Gwapo nga ang binata pero hindi niya maiwasang husgahan ang pagkatao nito. Sa unang tingin pa lang niya, batid na niya kaagad na kinukumutan ito ng misteryo.
Mag-uusap pa sana sila ngunit may mga lalaking mukhang sigá na papalapit sa kanilang kinatatayuan.
"Baka may kilala kayong Jasper Luis Claveria," bungad ng lalaki na mukhang bouncer dahil sa hubog ng katawan nito.
"Si Alyas JL ba?" Halata ang pagkaalarma sa boses ni Arghie at dahan dahan niyang siniko si Rocher sa mga sandaling iyon.
"Oo. Kami ang nagdala sa kanya. Nakiusyoso lang kami. Nando'n siya," malumanay na sagot ni Arghie at itinuro ang kanilang katapat na hospital ward. "Kayo yata ang relative o kaibigan niya, wala kasi kaming mahanap na contact sa phone niya. Kung kayo nga, mauuna na kami."
"Opo. E-exit na kami huh?" pag-second the motion ni Rocher. Kaya pagkapasok ng dalawang lalaki sa hospital room, mabilis na paglakad papalayo ang ginawa nila ni Arghie.
"Sabi sa'yo, e. May something sa lalaking 'yon," halos pabulong na sambit ni Rocher. "Pero baka nga isa siya sa konektado kay Wilson. Kung gano'n, hindi kaya dapat kilalanin natin siya?"
"Malay ko ba. Sige, pero babalik pa ba tayo?" kibit-balikat na tanong naman ni Arghie at mas binilisan ang paglakad.
"Huwag na."
Mas binilisan nila ang paglakad hangga't sa nakatanggap na ng text message si Rocher.
"Naaresto na nila si Wilson Villaverde," sabi niya pa kay Arghie.
"Eh 'di congrats." Napangiti nang pilit si Arghie saka bumuntong-hininga.
"Parang hindi ka naman natutuwa dyan," nakakunot-noo na puna naman ni Rocher.
"Ako 'yong natatakot sa ginagawa mo, eh. Hindi ka ba natatakot na ikaw ang balikan no'ng goons ni Wilson. Oo nakakulong na 'yon for sure, pero paano kung makalaya? Hindi ka pa naman umaabot ng isang taon sa raket mo na 'yan, Cher. Lumipat ka na lang ng ibang trabaho," nababahalang pahayag naman ni Arghie.
"Alam mo," sambit ni Rocher saka napabuga ng hangin bago pa magsalitang muli. "Naramdaman ko na may purpose pa pala ang buhay ko sa mundo nang pasukin ko 'to. Feeling ko nga, isa akong unsung hero, eh."
"Ang mga unsung hero, namamatay din sa bandang dulo, Cher. Gusto mo ba na mangyari 'yon? Inaalok ka na ni Xavier ng trabaho sa vet clinic niya habang hindi ka pa nakakapag-take ng board exam, 'di ba?" bwelta naman ni Arghie.
Hindi agad nakaimik si Rocher hangga't sa napagpasyahan nilang huminto muna sa isang convenient store na 24 hours open.
"Nag-take ako ng board exam. Hindi ako nakapasa," malungkot na balita ni Rocher. Imbis na damdamin ulit ang bagay na 'yon, mas itinuon na lang niya ang pagkuha ng paborito niyang pagkain para mabayaran kaagad.
"Dapat kasi nag-review ka na lang muna at hindi mo na pinasok ang pagiging a—" Pinutol na nga lang ni Arghie ang gusto niyang sabihin dahil nasa pampublikong lugar pala sila.
"Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Kapag wala akong trabaho, feeling ko wala akong silbi," paglilinaw ni Rocher. Naupo siya sa bakanteng upuan at agad na nilantakan ang nabili niyang strawbery flavored donut.
"May silbi ka naman, hindi lang sapat ang pera mo," pakikisimpatya naman ni Arghie.
"Kaya nga nararamdaman ko na wala akong silbi, kasi wala akong pera. Magkatumbas ang dalawang 'yon. Hindi ako pwedeng pumalya, mataas ang expectations ng nanay at kapatid ko. Niluklok na nila ako sa pedestal. Saka hindi nila pwedeng malaman na ganito ang trabaho ko at kung bakit ako napasok sa ganito," pahayag naman ni Rocher. Napatigil siya sa pagkagat ng kanyang pagkain dahil naramdaman niyang tutulo na ang kanyang mga luha sa anumang oras. Bigla tuloy niyang sinimsim ang kape at nasamid siya dahil napaso siya rito. Her worries made her feel dumb and preoccupied.
"Ang init pala," tipid na sabi ni Rocher at pineke na lamang ang halakhak.
"Dapat kasi hindi mo na sinabi na nagtuturo ka na kahit wala ka pang lisensiya, kasi hindi ka pa naman talaga nakapagturo kahit kailan," sagot naman ni Arghie sa malungkot na tinig.
"Pangarap ni mama na maging teacher ako, eh. Pangarap niya 'yon sa ate ko," pag-alala naman ni Rocher.
"Kaso, nabuntis nang maaga ang ate mo kaya hindi niya natapos ang pag-aaral niya. Heto ka ngayon, tinutuloy mo ang pangarap na hindi naman sa'yo," turan ni Arghie.
"Kasi wala naman akong sariling pangarap. Gusto ko lang na maka-survive sa buhay."
"Mayro'n 'yan, Cher. Baka hindi mo pa alam sa ngayon."
"Malapit na akong magtrenta tapos hindi ko pa rin alam, eh. Ako na yata ang mismong problema, Arghie."
Kapwa sila napailing sa sandaling iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top