Thirty One

Pinuntahan ni JL si Donato sa residence nila sa Maynila kahit pa hatinggabi. Hindi siya magpaligoy-ligoy pa sa kanyang sadya.

"Himala na ikaw na ang nagpakita sa'kin ngayon, anak." Donato seemed to become emotional while looking at his son. Inaasahan naman niya talaga na anytime, makikipag-usap na rin ito sa kanya dahil lang sa taong hinahanap nito.

"Kilala n'yo ba si Rodiel Silvano?" Tinatagan ni JL ang sarili habang sinasalubong ang tingin ng ama.

"Oo at kilalang kilala mo siya," sagot ni Donato. "Mas nakilala mo siya kaysa sa sarili mong tatay. He guided you when I'm absent as your father. Hindi ko lang nagustuhan ay 'yong pag-mentor niya sa'yo bilang isang bilyarista."

Kusang tumulo ang luha sa mga mata ni JL. He couldn't process what he had just learned. Bigla siyang nagkaroon ng assumption na baka ang taong hinahanap niya, at ang taong hinahanap din ni Rocher ay iisa.

"Si Tatay Jervin ba? Siya ba si Rodiel Silvano?"

Napalunok si Donato at tumingin nang diretso kay JL. "Oo, anak. Si Jervin ay si Rodiel Silvano. Ginamit niya ang ibang pangalan para sa seguridad ng kanyang pamilya at para maitago ang kanyang pagkakakilanlan mula sa mga kaaway. Dati siyang nabiktima ng illegal recruiter pa-abroad. Muntik niyang mapatay ang isang tauhan doon at habang tumatakas siya, muntik ko na siyang masagasaan. I did my own ways to protect him, wala na siyang ibang malapitan at nagkasakit pa siya noon. Kaya ipinasok ko siya sa kompanya natin. Naging malaking tulong pala ang pagdating niya dahil may background na siya sa paglalaro ng billiards. Lumago ang negosyo dahil sa kanya."

Parang binagsakan ng mabigat na bagay si JL. Hindi niya matanggap ang narinig, lalo na't si Tatay Jervin ang naging gabay at inspirasyon niya sa paglalaro ng bilyar. Hindi rin niya maatim na sa loob ng mahabang panahon, nakapagtanim din siya ng galit sa sarili niyang ama kahit may mga dahilan pala ito noon. "Bakit, Pa? Bakit hindi n'yo sinabi sa akin? Why did you let me misunderstand your actions?"

"Hindi lahat ng bagay ay madaling ipaliwanag, anak," sagot ni Donato. "May mga pagkakataon na ang pag-iingat at pagprotekta sa mga mahal sa buhay ay nauuwi sa pag-iwas at pagtatago ng katotohanan. Bata ka pa no'n. Hindi mo pa dapat alam ang mga komplikadong bagay. Plus, you are dealing the sorrow we caused you, after naming maghiwalay ng mama mo."

Tumalikod si JL at humakbang palayo sa kanyang ama. But he suddenly stopped and realized that walking out without apologizing is not right. Bumalik siya sa kanyang ama at niyakap ito. Tumagal ng ilang minuto ang kanilang pagkakayakap bago bumitaw si JL. Tumulo ang mga luha niya habang hawak ang mga balikat ng kanyang ama.

"Pa, salamat sa lahat. Pero kailangan ko pa ring alamin kung paano ko haharapin ito," sabi ni JL habang walang humpay ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.

Naintindihan naman ni Donato ang sitwasyon. "Anak, nandito lang ako. Mula nang makulong si Villaverde, saka lang siya nagpakita. Naging tauhan pala siya sa mga ilegal na transaksyon sa negosyo ng amo niya at natatakot siyang magpakita kahit sa sarili niyang pamilya, pero nakakapagtaka lang din na hindi na niya ako kino-contact after naming mag-usap, hindi ko na rin na-reach ang number niya. Sasabihin ko na sana pero mas gusto ko na magpatuloy ka sa pag-aaral mo at bago ka bumalik sa resthouse, nagkaroon naman tayo ng pagtatalo."

"I understand, pa. Kung si Tatay Jervin ay si Rodiel Silvano, it only means na siya rin pala ang tatay ni Rocher. Iisang tao lang pala ang hinahanap namin." Now he's crying, not from the pain of an unfortunate and unacceptable truth, but because his heart is rejoicing.

"Balikan mo na siya. Tell her the truth, anak."

***

Makaraan ang ilang araw na nag-iisip si JL kung paano sasabihin kay Rocher ang buong katotohanan, nagpasya siyang tawagan ito. Hindi niya alintana ang bigat ng sitwasyon; ang mahalaga ay mapawi ang sakit at galit sa pagitan nila. Nang marinig ni Rocher ang tunog ng kanyang phone at makita ang pangalan ni JL sa screen, nagdalawang-isip siyang sagutin ito. Nanaig pa rin ang dikta ng puso niya na sagutin ang tawag— given the fact that she also missed his voice.

"Rocher, kailangan kitang makausap. Kailangan kong ipaliwanag ang lahat," mahina ngunit puno ng determinasyon na sabi ni JL.

"JL, hindi ko alam kung kaya ko pa," sagot ni Rocher, may panginginig sa boses.

"Please, Rocher. Alam kong nasaktan kita at naiintindihan ko kung gaano kabigat ang pakiramdam mo ngayon, pero may mga bagay na dapat mong marinig mula sa akin," pakiusap ni JL, at dama sa tinig nito ang pagmamakaawa. "Hindi 'to mapag-uusapan over the phone."

Matapos ang ilang sandaling katahimikan, huminga nang malalim si Rocher at pumayag. "Sige, magkita tayo."

Napagkasunduan ng dalawa na magkita sa isang private billiard hall na pag-aari ng ama ni JL. They considered the place for their safety.

Hindi maikakaila mukha niya ang halong kaba at pag-asa nang dumating si Rocher. Litaw pa rin ang pagod sa mga mata nito. Naupo siya sa tabi ni JL, at nagkaroon ng maikling katahimikan bago nila simulan ang masinsinang pag-uusap.

"Rocher, ang taong hinahanap mo at ang taong nagbigay sa akin ng gabay ay iisa. Si Tatay Jervin—siya si Rodiel Silvano," sabi ni JL habang dahan-dahang tinititigan si Rocher na tila sinusukat ang reaksyon nito.

Napatigil si Rocher, nanlaki ang mga mata at 'di makapaniwala sa narinig. "Ano? Si Tatay... paano?"

Ipinaliwanag ni JL ang lahat. Habang nagsasalita si JL, hindi maiwasan ni Rocher ang pagpigil ng kanyang mga luha. Ang sakit na naramdaman niya ay biglang napalitan ng kaunting liwanag ng pag-asa, ngunit may halong takot pa rin.

Ilang saglit pa, napansin ni JL na may kakaibang ingay sa labas. Parang may nakasunod sa kanila. Or maybe he's just overreacting.

"Wait lang, titingnan ko kung may tao sa labas nitong space na 'to." Huminga siya nang malalim. He recalled what his father informed him few days. Nakalaya na raw si Wilson Villaverde at gumagala lang ang mga galamay nito malapit sa Maynila, kung saan nakatira ang pamilya ni Rocher.

Kumilos siya para i-check ang labas ng bilyaran. Walang ibang tao. Pero hindi niya maiwasang isipin na maaaring nasundan pa rin si Rocher ng kung sinuman.

"Nag-iingat naman ako, Jasper Luis."

Napanatag siya kahit papaano. Nilingon niya si Rocher at nilapitan ito nang mahinahon. He gazed at her with pure love and adoration.

"Hindi mo maaalis sa'kin na huwag mag-alala pagdating sa'yo, Cher."

Nagpalitan sila ng makahulugang ngiti at napailing bigla si JL. "Naninibago ako kapag tinatawag mo ako sa buong pangalan ko."

"Ayaw mo ba?"

The atmosphere lightened up, finally. Niyakap ni Rocher si JL nang mahigpit dahil hindi niya maitatanggi ang katotohanang gusto niya itong makita at hindi na ito nawaglit pa sa kanyang isipan. Ngayong nagkakaroon na ng linaw ang lahat, nabawasan na kahit papaano ang problema. Priority na lang nilang mahanap ang iisang tao na gusto nilang mahanap noon pa.

Walang nag-iimikan sa kanila, ngunit nando'n ang tensyon na hindi na dulot ng kaba. More like, it's like a fire igniting from an unexplainable tension. Mas lalong tumindi iyon nang i-off ni JL ang ilang bahagi ng ilaw sa billiard hall. He slowly cornered Rocher against the wall, with his gentle steps forward.

"I miss you, Rocher..." Malakas ang pintig ng puso niya habang binibigkas iyon. "Pwede ba kitang halikan?"

Rocher knows what's going to happen. Napangiti na lang siya at tinugon ang masuyo nitong halik.

But that moment halted when JL's phone rang. Isang unregistered number ang nag-miss call at nasundan pa ng text message na hindi maganda ang vibe.

"Alam ko kung nasaan si Rodiel Silvano. Kung gusto mong malaman, sumabak ka sa isang billiard match na malaki ang pustahan. Kung mananalo ka, ibibigay ko ang impormasyon. Pero tandaan mo boi, hindi mo pwedeng ipaalam 'to kahit kanino, lalo na sa tatay mo at sa girlfriend mo."

Bumilis ang pintig ng puso ni JL. Alam niyang ito ay isang patibong, ngunit ito rin ang nag-iisang pagkakataon para iligtas si Tatay Jervin. Tumingin siya kay Rocher, ang babaeng minamahal niya na ngayo'y hinahanap din ang sariling ama. Nasa gitna siya ng isang delikadong desisyon na maaaring magdala ng tagumpay o kapahamakan.

"Sinong nag-text?" usisa ni Rocher.

"Si papa lang. Nagtanong kung nagkita na ba tayo. Nothing to worry about." Napilitang magsinungaling si JL. Ine-expect na niyang mangyayari ang bagay na ito. Mabuti na lang at alam na niya ang gagawin.

"So, shall we continue—to that part?" He flaunted a playful smile.

Natatawang tumango si Rocher at muling ipinikit ang mga mata. Alam niyang may pangamba sa mga mata ni JL nang mabasa nito ang message kanina. Nagsisinungaling ito sa kanya pero hindi na mahalaga pa ang pag-aalinlangan dahil mas nangibabaw ang kagustuhan niya na ipakitang mahal na mahal niya ito. As of now, there's no room for an argument.

They shared those sweet kisses with a sense of too much longing for each other.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top