Sixteen
Nang bumagsak si JL, agad siyang sinikap buhatin ni Rocher. Kailangan nilang makatakas sa lumalaking apoy sa gusali. Due to adrenaline rush, mas naging malakas pa si Rocher, kahit pa nararamdaman niya ang bigat ng katawan ni JL sa mga oras na 'yon.
"Tulong! Kailangan ko ng tulong!" sigaw niya habang naglalakad sa makapal na usok palabas sa apartment. Agad namang lumapit ang ilang kalalakihan na bystanders upang tulungan siya sa pagbuhat kay JL.
"Maraming salamat!" hingal na pasasalamat ni Rocher sa mga tumulong at halos maiyak na siya dahil napagtanto niya na sa isang iglap lang, sinira lamang ng sunog ang mga ari-arian ng mga tao sa apartment na kanilang inuupahan.
Agad na inilagay ng mga medical personnel si JL sa stretcher at sinuri ang kanyang kondisyon.
"Stable naman siya. Kailangan lang niyang magpahinga at magpagaling. Nasobrahan lang siguro sa inhalation ng usok," sagot ng medic na nagbigay ng kaunting kapanatagan kay Rocher.
Habang naka-upo sa gilid, hawak pa rin ni Rocher ang mga dokumento at gamit na nais niyang iligtas. Saka niya lang naalala ang perang ibinigay nito sa kanya. In this time of chaos, saka niya lang na-realize na kailangan niya ng pera, regardless kung saan ito nagmula.
***
Namulat na lang si JL na puro puting kisame at dingding ang nakikita sa paligid. Hindi siya agad nakagalaw dahil naramdaman niya ang pagkirot sa kanyang braso at balikat. Mabilis naman siyang nakita ng nurse at na-monitor agad nito ang kanyang kalagayan.
Bukod sa nurse, si Sev lang ang naroon sa hospital ward kaya nakaramdam siya ng panghihinayang dahil wala na naman sa tabi niya ang gusto niyang makita.
"Si Rocher? Kumusta siya?" Bakas ang pag-aalala sa kanyang boses.
"Huwag ka nang mag-alala boss, nando'n na siya sa kaibigan niya," balita naman ni Sev.
"Ibig sabihin, ligtas din siya? Walang nangyaring masama sa kanya?" His face beamed in an instant.
"Oo naman boss, siya nga ang naglabas sa'yo sa building, eh. Bigla ka raw kasing nag-collapse."
"You mean, inilabas niya talaga ako nang mag-isa?" Mabilis na rumehistro ang pagtataka sa mukha ni JL.
"Oo boss. Isang kahanga-hangang babae. Kaya naman pala gusto mo siya," sagot ni Sev, may halong paghanga at panunudyo sa tinig.
Napabuntong-hininga si JL, naglalakbay ang isip niya sa mga nangyari dahil hindi niya maisip na sobrang bilis ng mga nangyari. Alam niyang hindi iyon aksidente lang.
Sa kabilang banda naman, hindi niya maipaliwanag kung gaano siya ka-grateful sa pagsagip sa kanya ni Rocher. Alam niyang malaking bagay ang ginawa nito para sa kanya, lalo na't mahirap ang sitwasyon. Sabagay, maliit na bagay pa siguro iyon kumpara sa mga sinusuong nitong panganib bilang asset ni Chief Rita.
"May utang na loob ako sa kanya," bulong ni JL sa sarili.
"Kailangan ko siyang pasalamatan. At kailangan kong malaman kung ano talaga ang dahilan ng sunog na iyon. Sigurado akong foul ang nangyari. Parang sinadya."
"Magpahinga ka muna, boss. Mahaba pa ang panahon para alamin ang mga bagay na 'yan. Ang mahalaga, ligtas ka at ligtas din si Rocher," mahinahon na payo naman ni Sev.
"Pero nasaan ba siya? Gusto ko siyang makita." Biglang lumungkot ang boses ni JL. "Sinong kaibigan ang kasama niya? Si Arghie ba 'yon?"
"Hindi, boss. Parang boyfriend niya. Doktor daw, eh. At napakagwapo," pahayag ni Sev, na intensyon din na hulihin ang magiging reaksyon ni JL.
"Hindi nabanggit ni Arghie na may boyfriend si Rocher, so malabo 'yang sinasabi mo." Kunwari ay hindi apektado si JL sa kanyang nalaman. But there's a part of him, wondering who's that man who helped Rocher. Assumption pa nga lang na may kasintahan ito, para na nang tinutusok ng karayom ang kanyang puso.
***
Samantala, si Rocher naman ay nasa isang maliit na kwarto sa veterinary clinic ni Xavier. Pagod man nang husto, sinisiguro niyang hindi mawawala ang determinasyon niya na maayos muli ang kanyang buhay matapos ang sunog. Hindi siya pwedeng malugnok lang nang dahil sa insidenteng iyon.
Hawak ang mga dokumentong nailigtas, alam niyang malaking bahagi pa rin ito ng kanyang trabaho at misyon laban sa mga scammer at illegal gamblers. Sa lalong madaling panahon, ibibigay na niya ang lahat kay Chief Rita.
At sa kabila ng lahat ng pangyayari, natutunan niyang mas pahalagahan ang mga taong tunay na nagmamalasakit at handang tumulong.
Magpapaalam sana siya kay Xavier pero mukhang abala naman ito sa pagharap sa mga pasyenteng hayop sa clinic. It might not be good timing.
"Hi," kaswal na bati niya kay Xavier na mabilis namang lumingon nang marinig ang pagbati niya.
"Kumusta ang tulog? Okay ka na?" tanong sa kanya ni Xavier habang busy ito sa pagbabasa ng result sa test na isinagawa nito sa isang shih tzu dog.
"Pasensiya na kung sinilip pa kita rito. Aalis lang sana ako saglit. May ibabalik lang akong mga dokumento kay chief," paalam pa ni Rocher.
"Kaya mo na bang mag-isa? I think it's not safe for you to go outside, tapos ikaw lang," tugon naman ni Xavier. "Natapos ko naman na i-examine si Bubbles."
"Ah, Bubbles ang name niya." Napangiti si Rocher at nilapitan ang pasyenteng aso.
"Hello, Bubbles!"
"Pwede na siyang i-discharge. May distemper kasi siya," sabi pa ni Xavier. "Mamaya, kukunin na siya ng fur parent niya at pwede ko naman ibilin ang ibang bagay sa assistant ko."
"Huwag mo na akong samahan. Okay lang ako. Saka, babalik na lang siguro ako sa'min," apologetic na sagot ni Rocher.
"Then, aaminin mo ba sa kanila 'yong profession mo?" Xavier asked. Mas lamang ang pag-aalala niya sa dalaga. Noon pa man, he wanted to be her Knight in shining armor but Rocher is the type of woman who could survive without anyone's help. Lagi na lang siya nitong tinatanggihan kapag gusto niyang tumulong. Nagkataon lang na napilit niya si Rocher na tumuloy muna sa clinic niya kahit isang araw lang.
"Siguro. Gano'n na lang," walang kagana-ganang sagot ni Rocher.
"Kahit ano namang desisyon mo, I always got your back," sincere na pahayag ni Xavier.
Hinayaan na lang siya ni Rocher na ihatid niya ito sa labas para makapaghintay ng sasakyan papunta sa Manila. Pero bago pa makapagpara ng taxi, isang hindi pamilyar na sasakyan ang huminto sa tapat ng vet clinic. Lumabas sa sasakyan sina Lucio at JL.
Rocher was quite stunned upon seeing them. Mas naka-focus lang siya kay JL dahil mukhang lumabas agad ito ng ospital kahit hindi pa dapat. He looks unwell despite standing as if nothing happened. Maayos pa rin ang composure nito.
Napaatras tuloy siya. Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi nang magtama ang paningin nila ni JL. Mapanuri ang mga mata ng gwapong binata. She felt the need to explain at that moment.
"Kumusta?" It was the only word that came out of her mouth.
"Do you know them?" Naging pormal ang tinig ni Xavier saka ibinaling ang tingin sa dalawang estranghero.
"Yes, she knows us. Dalawang beses na niyang iniligtas ang boss ko. Kaya nandito kami para bumawi sa kanya. Saka hindi rin acceptable sa part namin na umalis na lang siya. Hindi man lang kami nakapagpaalam nang maayos," sagot naman ni Lucio saka bumaling kay JL na halatang naninibugho sa kasama ni Rocher.
"Kukunin ko na siya."
Sabay sabay ang paglukot ng mga mukha ng nakarinig sa tinuran ni JL. Masyado kasi itong seryoso na parang intensyon na manindak.
"Excuse me? May financial obligation ba si Rocher sa inyo? It sounded like you were threatening her. The hostility is very obvious," sabad naman ni Xavier.
"Ah—" Parang nabuhusan ng malamig na tubig si JL. Parang naging exaggerated ang reaksyon niya. Even Lucio could never defend him.
"Wala. Kahit kailan, hindi naman mababayaran ng pera ang utang na loob. Pero gusto ko siyang tulungan, because she deserves it," pagklaro naman ni JL.
"Sasama ka ba, Rocher? Kilalang kilala mo na ba ang mga lalaking ito?" tanong pa ni Xavier na halatang higit pa sa kaibigan ang pag-aalala.
"Oo. Saka may kailangan akong i-discuss sa kanila. Pero huwag kang mag-alala, mag-a-update ako." Pinasigla ni Rocher ang boses niya para magbigay ng assurance.
"Okay. Mag-iingat ka palagi. Kung ang mga hayop nga, hinahanap kapag nawawala, ikaw pa kaya na malapit kong kaibigan?" Xavier beamed. Napansin niyang nasira na naman ang mukha ni JL dahil sa sinabi niyang iyon. He just shrugged it off.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top