Fourteen

Sa kabila ng malamig na pakikitungo ni Rocher kay JL, hindi naman tumigil si JL na gumawa ng paraan upang mapalapit sa dalaga. Since he finally knew her full name, siya na ang unang gumawa ng move para i-stalk ito sa social media.

He quickly typed "Rocher Silvano" on the search tab. Unang lumabas ang profile na si Rocher mismo ang nasa picture display. Nasa isang formal event ito at nakasuot ng dress na akma naman sa lugar na kinaroroonan nito. It was just a simple picture but JL found it beautiful, like he would never get tired upon looking at it.

Medyo nadismaya nga lang siya dahil walang add friend button sa profile ni Rocher but the good thing is, pwede naman siyang makapag-send ng message. Bahagya siyang natuwa dahil naka-public pa ang ilang posts nito ng mga music na trip nitong pakinggan. Walang sinuman ang mag-aakala na may double life ito dahil parang stan account lang naman ang profile nito.

"Mayro'n siyang Mariah Carey, Michelle Branch, James Taylor, Loonie, Girls Generation, Super Junior, Simply Red, Hall&Oates and lastly, BGYO? So weird. Who are they?" Hindi niya alam kung bakit naa-amaze din siya sa music taste ni Rocher kahit hindi niya naman kilala ang halos lahat ng artists na pinakikinggan nito. He's not a music enthusiast to begin with.

"Napaka-random niya, seriously," dagdag pa ni JL. Later on, nag-send na agad siya ng simpleng "hi" kay Rocher. Na sana lang ay makita nito sa message request.

At dahil hindi na rin siya makatulog, sinubukan niyang pakinggan ang isa sa mga favorite artist ni Rocher. Una niyang hinanap sa internet si James Taylor at sa pag-shuffle ng songs nito, agad na nag-play ang pinakasikat na "You've Got A Friend."

***

Pagod na pagod si Rocher pagkarating niya galing sa isang job interview. Bago pa niya maabot ang harap ng unit, bumungad sa kanya si JL na tila may hinihintay na panauhin, na walang iba, kundi siya. And of course, she couldn't help not to wonder why.

"Bakit? Anong kailangan mo?" tanong ni Rocher na halatang iritable sa tonado ng pananalita.

"Gusto ko lang sanang mag-sorry ulit at magpasalamat," sagot ni JL. "Saka dito naman na ako nakatira, right? Sino ka naman para pagbawalan ako kung saan ko gustong tumambay?"

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Rocher. "Pwede bang tantanan mo na ako? Hindi kasi maganda ang mood ko today."

"Halata nga, eh. Mas lalo yatang bumibigat ngayong nakikita mo na ako," biro naman ni JL kasabay ng pagpapakita niya ng nakakalokong ngiti. He's talking to her as if they were already close.

Iniayos niya ang arm sling support bago tumalikod kay Rocher. Didiretso na sana siya sa loob ng sariling unit.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Rocher ang ayos ni JL. Noong nakaraan naman, wala itong arm sling support kaya akala niya na talagang naka-recover ito kaagad. Posible sigurong lumala ang injury nito dahil sa sobrang pag eensayo. Pero ayon sa nalaman niya kay Arghie mula kay Lucio, hindi pa rin pwedeng bumalik sa pag-eensayo si JL kahit hindi man ito nagtamo ng injury. Na-disqualify na kasi ito ng billiards committee sa bansang nire-represent nito.

"Hindi ko naman intensyon na mapahiya ka noong nagreklamo ako sa barangay. Kaya nagdesisyon akong bayaran na lang ang utang mo," paliwanag ni JL.

Nanatiling tahimik si Rocher. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Pero sa kabila ng kanyang pagdadalawang-isip, nakaramdam din siya ng hiya. Parang balak na talaga siyang pasunurin ni JL sa anumang kagustuhan nito dahil lang binayaran na nito ang renta na pagkakautang niya kay Madam Vebz.

"Salamat, JL. Pero sana, sinabi mo sa akin nang maayos. Hindi 'yong parang na-trap ako sa isang sitwasyon na hindi ko na kontrolado," sagot ni Rocher. Nagkunwari na lang siyang humble. Palibhasa, sa sitwasyong ito, gusto rin niyang unawain si JL at halata naman na talagang kailangan nito ng tutulong sa kanya dahil sa hindi pa pala ito magaling sa natamo nitong injury.

"At isa pa, hindi ako tumatanggap ng pera na galing sa sugal. Saka nagsinungaling ka lang pala nang sabihin mo na sasabak ka sa tournament. Sabagay, talagang gawa-gawa mo lang naman talaga ang reklamo para magkaharap tayong dalawa, 'di ba?"

"Pasensiya na. Hindi ko talaga alam kung paano kita kakausapin nang maayos dahil para kang mailap na alitaptap," pag-amin ni JL. "Pero gusto ko lang talagang tumulong. Sana tanggapin mo kung anuman ang itutulong ko. Tulong iyon mula sa isang kaibigan. You've Got A Friend— by James Taylor."

Itinago na lamang ni Rocher ang ngiting sumibol sa kanyang labi sa pamamagitan ng pagyuko. Kahit papaano ay nabawasan ang kanyang inis at ngayon, nagkaroon na siya ng clue na baka na-stalk na ni JL pati ang accounts niya sa social media.

"Salamat, JL. Pero ito na ang huli. Hindi ko gusto ang may utang na loob sa kahit kanino. Kung gagawin mo man akong caregiver, dapat may bayad pa rin ako."

"Naiintindihan ko. Basta, kung may kailangan ka, nandito lang ako, your friendly neighbor," masayang sagot ni JL at bago tuluyang makapasok si Rocher sa unit nito, bigla siyang nahiwagaan sa mga salita nito kani-kanina lang.

"Rocher—"

"Ano na naman?" Inirapan agad ni Rocher si JL nang magtama ang kanilang paningin.

"Ibig sabihin, handa ka nang maging companion ko?" excited na tanong ng binata.

"Oo. Kapag rest day ko lang pwede. Goodnight."

Kahit magaan na ang mood ni Rocher, padabog pa rin niyang isinara ang pinto. Kahit siya, naiinis sa sarili kung bakit pumayag na siya sa gustong mangyari ni JL kahit hindi naman siya nito kinumbinsi nang sobra.

'Anong nangyayari? Nai-inlove na ba ako? Agad agad?'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top