Five
Habang isinasagawa ang paghahanap sa babaeng tinawag ni JL bilang "serious masked girl", pinahanap niya rin ang lalaking nagngangalang Arghie Castrones. Mabuti na lang at sumagot ito nang isang beses sa tawag ni Sev. Hindi muna siya makikipagkita at hahayaan niyang sina Sev at Lucio na ang magpaabot ng pasasalamat at kaunting reward dahil sa ginawang pagsaklolo sa kanya ni Arghie.
Habang si Rocher naman, nanatiling nagmumukmok sa kwarto ng inuupahan niyang apartment house. She's still lamenting about her aspirations. Unti-unti na ngang nawawalan siya ng motivation para mag-navigate ng career at nawawalan na rin siya ng pag-asa na makita ang taong matagal na niyang hinahanap na dahilan din kung bakit siya pumayag na maging asset ng otoridad. Napadako ang tingin niya sa A4 sized poster ng paborito niyang P-pop group at pansamantalang nawala ang mga pag-aalinlangan niya.
"Si JL ng BGYO lang ang JL na dapat kong isipin, hindi 'yong Alyas JL na bilyarista," inis na pagsaway ni Rocher sa kanyang sarili at pinilit na ngitian ang poster na para bang gagalaw ang larawan ng grupong nakapaskil para ngitian siya pabalik. Dahil sa wari niya, mahigit limang beses na niyang naisip ang JL na 'yon matapos ang aksidente. Sa kabilang banda, gusto rin naman niyang malaman kung naging maayos na ang kalagayan ng binatang iyon.
"Ang gwapo niya para maging isang bilyarista na nagsusugal. Sayang."
Natigil lang ang pag-iisip niya nang malalim dahil sa pagtawag ni Arghie sa kanyang phone.
"Napatawag ka, urgent ba?" tanong ni Rocher sa kaibigan.
"Nag-reach out sa'kin si Alyas JL. Gustong makipagkita. Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Hindi pa naman siguro kailangan ng back up, not unless may kahina-hinala siya na gagawin."
"Kanina iniiisip lang kita, eh," biglang bulalas na Rocher na naging dahilan ng pagtawa ni Arghie sa kabilang linya.
"Huy, Cher. Anong ibig mong sabihin? May asawa na ako," natatawang tugon naman ni Arghie. Kaya sa isang iglap, biglang natampal ni Rocher ang sarili niyang bibig dahil na-misunderstood siya ng kaibigan.
"Hindi ikaw ang tinutukoy ko. Sorry naman. May iba lang akong iniisip," she clarified. Kinapa niya ang kanyang puso at muling tiningnan ang nakapaskil na poster ng BGYO.
"Iniisip ko lang 'yong idol kong si JL na singer," pagsisinungaling niya pa.
"Baka ibang JL 'yan— baka 'yong JL na kilala ko o natin," pambubuyo pa ni Arghie. "Iyong JL na tinulungan natin ang naiisip mo, dahil baka connected kay Wilson, 'di ba?"
"Sige na nga. Oo, siya talaga," napipilitang pag-amin ni Rocher.
"Bakit ba gusto pa niyang mag-reach out? Wala naman tayong ninakaw sa kanya." Nag-spark din kahit papaano ang curiosity ni Rocher patungkol kay JL. Because if her intuitive thoughts about him turns out to be true, kakailanganin niyang dumistansya at mag-ingat.
"Magpapasalamat daw. Kinakabahan nga ako, eh. Baka may masamang gagawin. Kailangan pa ba kitang isama?" curious na tanong ni Arghie.
"Ikaw na lang siguro. Tapos sabihan mo ako kung kailan ka pupunta doon para maback-up-an kita kung sakali para na rin sa safety mo."
"Okay Cher. Bye. Mag-chat and text lang ako."
Huminga nang malalim si Rocher. Kinakapa niya ang dibdib nang i-off ang tawag. Lumalim nang husto ang curiosity niya tungkol kay Alyas JL. Alam niyang hindi lang kaligtasan ng buhay niya ang dilemma niya rito, pati na rin ang kaligtasan ng kanyang puso. Kakaiba nga naman talaga ang karisma ng estrangherong lalaki. He's a charmer in disguise of a gambler that needs to be avoided.
***
"Nandito na ako sa meeting place namin. Pero hindi si Alyas JL ang kausap ko ngayon. Nasaan ka na?"
Napalunok si Rocher nang matanggap niya ang message ni Arghie. Kasalukuyan siyang nakatambay sa labas ng isang fast food na kinaroroonan na rin ng kanyang kaibigan. Nagsuot siya ng mask at bago pumasok sa loob, nagpadala na rin siya ng text message sa boss niyang si Chief Rita Hilario para kung sakaling threat nga ang taong pinadala ni Alyas JL, maba-back-up-an siya nito at walang masamang mangyayari.
Tinungo niya ang kalapit na table kung saan nakapwesto si Arghie at ang taong katagpo nito. Lalaki rin iyon na mukhang nagtatrabaho sa real estate kung pormahan lang naman ang basehan, na mas lalo lamang nagpakaba kay Rocher. Gano'n din kasi ang pananamit ni Wilson Villaverde at baka nga dakilang utusan pala ang pinadala nito.
Nagkunwari na lang siyang nagbabasa ng menu na nakalagay sa mesa, while trying to eavesdrop.
"Pinadala ako ng Boss kong si Jasper Luis Claveria," panimula ni Lucio kay Arghie sa kalmadong tinig.
"Iyong totoo? Bakit hindi ang boss mo 'yong humarap? Bakit ikaw? Ibig kong sabihin, oo nasa ospital pa siya pero bakit kailangang may ganitong pagkikita pa? Bakit ikaw ang humaharap sa akin?" diretsahang tanong pa ni Arghie na hindi magpapasindak. "Pwede namang padalawin mo na lang ako sa ospital."
"Dahil magbabayad kami sa abala," sagot pa ni Lucio.
"Hindi mo yata kasama ang girlfriend mo? Sabi ng colleague ko, may babae ka raw na kasama noong iligtas ninyo si Boss JL," pahabol na usisa ni Lucio.
"Huwag na kayong ma-curious sa kaibigan ko. Siguro may sadya kayo sa kanya," paasik na sagot na ni Arghie sabay iling at pasimpleng pagdukot sa phone niya para i-text si Rocher.
Napaigtad naman si Rocher nang mabasa ang message ni Arghie. Pinapaalis na siya nito pansamantala dahil hindi na rin maganda ang kutob nito kay Lucio. Masyado kasing pabitin kung maglahad ng impormasyon.
Rocher's reply: Hindi mo ako pwedeng paalisin lang nang hindi pa kayo natatapos na mag-usap. Ano ba? Nakikinig naman ako nang maigi.
Samantala, napansin ni Lucio ang pa-vibrate ng phone ni Arghie at nag-on ang screen. Na-sense niya agad na hindi maganda ang tingin sa kanya ni Arghie. Maybe, he was mistaken as a fraud, or someone who has ties with lawbreakers like Wilson Villaverde. Doon na niya naisip na timbrehan si JL na magpakita na, para mabawasan naman ang pagdududa nito.
Meanwhile, JL struggled to get out of his car. Buti na lang at nandyan si Sev para alalayan siya.
"Sure ka na boss? Hindi na kita sasamahan sa loob at maghihintay na lang ako?" paninigurong tanong ni Sev.
"Yup. Ngayon pang na-confirm ko na rito sa pinadalang picture ni Lucio, na ang nagligtas pala sa'kin ay kasamahan ng babaeng hinahanap ko," may ngiti sa labing pahayag ni JL.
"Wow. Baka nga itinadhana kayo ni facemasked Girl," panunudyo naman ni Sev.
"Walang gano'n," kontra naman ni JL bago lumakad papunta sa loob ng establishment. Hirap siyang magbukas ng pinto dahil nakalagay ang sling arm sa braso niya kaya kahit papaano, ginamit naman niya ang kaliwang kamay para maitulak ang glass door. Pero bago pa siya magtagumpay na itulak iyon, may mabuting tao na palang gumawa para alalayan siya. And when he gazes at that stranger, he's slowly feeling a sudden unfamiliar tension despite being already familiar with the person in front of him.
"Serious masked girl?" pabulong na tanong ni JL. Naramdaman niya ang pag-iwas ng tingin ng dalagang naka-facemask, at parang natakot ito nang makita siya kaya nabitawan nito ang hawakan ng pinto hangga't sa tumama ang glass door sa kanyang injured arm at natumba siya sa sahig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top