Eighteen
Tumitig si Rocher kay JL dahil sa biglaan nitong pagtahimik. Sinusubok niyang basahin ang mukha ng binata, ngunit ang facial expression nito ay hindi na makapagbigay ng kahit anong pahiwatig. She can't tell if he's still mad. Huminga siya nang malalim at nagdesisyon na ituloy ang dapat nilang pag-usapan.
"Bakit mo ako tinutulungan nang ganito?" tanong ni Rocher.
Humakbang si JL palayo, papunta sa bintana at tumingin sa magandang overlooking view sa labas.
"Kasi, I found you interesting. Since that Saturday night, na walang naniwala sa'kin, dumating ka sa billiard room na 'yon at pumusta ka sa'kin kahit hindi mo ako kilala. I feel like I found a camaraderie in you," taimtim na pag-amin ni JL.
"Ikaw lang ang nag-iisang babae doon. Tapos, ang cool mo pa."
"Iyon lang?" untag ni Rocher. Hindi siya kumbinsido sa naging sagot ng binata. Gusto pa niyang ma-elaborate man lang nito ang gusto nitong iparating.
Naglakad tuloy siya papalapit kay JL na ang mga hakbang ay tahimik at maingat. "Hindi ako sanay na may nag-aalala para sa akin. Lalo na't isang katulad mo na hindi ko naman kilala. Hostage mo na ba ako ngayon? May iba ka bang plano sa'kin? Miyembro ka ba ng gang?"
"Masama na talaga ang impression mo sa'kin noon pa. Is it because I am a loser who's now into gambling? Responsable naman ako. Hindi ko ninanakaw ang perang pinupusta ko at alam ko kung kailan ako titigil. Nabubuhay ako sa sugal, hindi sa nakaw. May effort sa pagkuha ko ng pera. That's the difference," paliwanag naman ni JL. This time, hindi na niya napreno ang kanyang bibig kahit na maganda naman ang intensyon ng kanyang sinabi.
"Maiintindihan pa sana kita kung talagang mahirap ka, JL. Kaso, ano ba itong mga 'to? May mga tauhan ka, may ganitong resthouse ka na pag-aari. Hindi mo ako masisi kung bakit iba ang tingin ko sa'yo," paliwanag naman ni Rocher sa kanyang panig.
"Kaya nga gusto kong ipakilala ang sarili ko sa'yo, eh. Ako ang lumapit sa'yo, not to imply that I'm a creep even though I found you really interesting. And after I learned about your past and your reasons why you landed on that job, ginusto ko nang alisin ka sa gano'ng field," matapang na pag-amin ni JL. Maybe, the effect of drinking coffee made his heart thump in an abnormal way but he's aware that it's not the reason. Parang nagpapahaging na siya ng damdamin sa taong gusto niyang kilalanin at makasama nang matagal.
"May gusto ka ba sa'kin?"
Itinago ni JL ang pagkataranta dahil sa tanong na biglang ibinato ni Rocher. Umiwas siya ng tingin at lumakad paalis sa living room area. Walking out is his last resort.
Hinabol siya ng tingin ni Rocher habang unti-unti nitong napagtanto ang wala naman siyang dapat na maramdaman sa mga sinabi ni JL. Nag-assume lang siguro siya dahil sa kabaitan nito.
Later on, parang bumalik sa kanya lahat ng alaalang iniwasan niyang balikan— na may nagmamalasakit sa kanyang isang tao at itinaboy niya lang dahil ayaw niyang maranasan ang sakit na dulot ng pag-ibig.
"Pwede naman niyang sabihin na wala. Pero bakit kailangan niyang mag-walk out?"
Naiiling na lang siya at napansin niya ang kape na naiwan sa mesa. Iyon nga pala ang ihinanda ni Lucio. She's quite disappointed because the coffee is already cold. It's no longer enjoyable to drink.
***
Habang pinapakalma ni JL ang sarili sa kanyang silid, inoobserbahan lang pala siya ni Lucio hangga't sa hindi na ito makapagtiis na magtanong.
"Boss."
"Bakit?" Iniangat ni JL ang mukha para tingnan ang empleyadong tila pwede niyang gawing love coach. Si Lucio, pati na rin si Sev, ang nagsisilbing right arm niya dahil sila lang ang pinagkakatiwalaan ng kanyang ama. Matagal na niyang kasama ang mga ito at sila rin ang madaling makapansin kung may nararamdaman siyang hindi dapat isawalang bahala.
"Anong nangyari sa pag-uusap ninyo ni Rocher? Sinabi mo na sa kanya iyong sa sunog?" tanong ni Lucio.
Inunahan ng pagtango ni JL ang kanyang sagot habang hinuhugot pa sa kaibuturan ng puso niya ang dapat niyang sabihin. Hindi kasi siya pamilyar sa ganitong bagay.
"Tinanong niya rin pala ako kung may gusto ako sa kanya dahil tinutulungan ko siya. Nag-walk out lang ako." Parang sinilihan ang pisngi ni JL sa kanyang pag-amin.
Napatigil si Lucio at sandaling nag-isip bago muling nagsalita. Natawa na lang din siya sa nakikitang expression ng kanyang amo. Halatang loser ito pagdating sa pag-ibig.
"Kaya ka nag-walk out? Dahil hindi mo alam ang isasagot?"
Tumango si JL na halatang nahihiya pa rin. "Oo. Gano'n na nga. Parang hindi ko na kinaya. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtapat o hindi. Kasi alam ko na masyado pang maaga."
"Alam mo, boss, hindi madali ang mga ganitong bagay. Pero minsan, kailangan lang nating maging totoo sa nararamdaman natin," maingat na payo ni Lucio.
"At isa pa, hindi ka pwedeng magpakampante. Malakas ang kalaban mo, aba."
"Sinong kalaban? Hindi naman bilyar ang pinag-uusapan natin." Napamaang si JL at sinalubong ang mapang-asar na tingin ng kanyang alalay.
"Sino pa nga ba, si Doc Xavier Espejos," pagbunyag ni Lucio.
Hindi na kagulat-gulat para kay JL ang naririnig niyang revelation. Halata naman kasi na higit pa sa kaibigan ang trato ni Xavier sa babaeng nagugustuhan niya. Even though he hate to admit it, mukhang maganda ang upbringing ng lalaking iyon at malaki ang chance na ito pa ang piliin ni Rocher kung talagang nanliligaw ito. Bonus points pa na gwapo rin ito at mas matangkad sa kanya. That man shouldn't be underestimated. Nakaka-insecure din ang propesyon nito.
"Saan mo naman nalaman na threat 'yang doktor na 'yan?" tanong pa ni JL.
"Kay Arghie." Inilabas ni Lucio ang phone niya para ipakita ang mga nakalap niyang pictures.
"Magkaklase na noong high school sina Rocher at Xavier. Talagang kilalang kilala na nila ang isa't isa. Sabi ni Arghie, nanligaw daw si Xavier kay Rocher pero basted," pagsasalaysay ni Lucio.
"Iyon naman pala, eh. Basted. Ibig sabihin naman pala, ayaw niya do'n," natatawang hirit naman ni JL na parang nakaramdam ng katiting na pag-asa.
"Hindi pa natatapos do'n. May pag-asa naman daw talaga si Xavier, kung hindi lang tumutol ang parents niya. Hindi nila gusto si Rocher para kay Xavier. Kasi hindi raw sila magka-level. Gusto ng parents ni Xavier na doktor din ang mapangasawa niya. Pero sabi nga ni Arghie, ideal type daw talaga ni Rocher si dok. At ngayong may ugnayan pa rin sila, pwede silang magligawan ulit."
JL gulped. Mabilis na naglaho ang naramdaman niyang pag-asa. He felt like he was quickly doomed because of his own assumptions.
"Lucio, anong dapat gawin? Should I treat her as my hostage? Para hindi na siya umalis?"
Humagalpak muli ng tawa si Lucio at paulit-ulit na umiling. "Boss, the thing you should do is to be decent. Huwag ka maging utak kriminal. Maging presentable ka, physically and emotionally. Tapatan mo rin ang credentials na mayro'n si dok. Kung nagawa na siyang ma-basted ni Rocher kahit gano'n na ang status niya, paano pa ba ikaw na hindi nakatapos ng college at wala nang balak na mag-aral?"
"Tama. Oo nga ano? Bakit hindi na lang ako mag-aral? Since gusto rin naman ni papa na mag-aral ako." JL beamed for a while.
"Pero gagawin mo rin ang pag-aaral para na rin sa sarili mo," paalala naman ni Lucio.
"Hindi ko naman nakakalimutan 'yon. May naisip na tuloy akong idea na mas mapapalapit ako sa kanya. What if magpa-tutor na lang ako sa kanya habang nandito pa siya? Education naman ang course niya, naturuan nga rin niya akong magmahal." Lumawak pa ang ngiti ni JL at nabuhayan siya ng loob. "Pero kung mag-aaral ako, baka mapabayaan ko lang 'yong misyon ko na mahanap ang taong matagal ko nang gustong makita."
"Manalig ka na lang kasi kay Sir Donato, hindi ka naman niya pinababayaan tungkol dyan," pang-engganyo ni Lucio.
"Sabagay. Kung susundin ko lang siya, hindi na rin kami mag-aaway," pampalubag-loob na turan ni JL. "Pero paano ko siya haharapin ngayon? Paano ko babawiin ang ginawa ko kanina?"
"Si Sir Donato pa ba ang tinutukoy mo, boss?" Pagak na natawa lang si Lucio.
"Si Rocher."
Napangisi lang si Lucio bago ilahad ang sagot na matagal din naman niyang pinag-isipan. "Simple lang, boss. Sabihin mo lang ang totoo. Humingi ka ng paumanhin at ipaliwanag mo kung bakit ka nag-walk out, kahit hindi mo masabi ang totoong dahilan pero ang mahalaga, makapagpaliwanag ka man lang."
Napabuntong-hininga si JL. "Sige, Lucio. Susubukan ko. Pero samahan mo ako, ha?"
"Boss? Ano ka, kindergarten student na kailangan pang ihatid ng magulang? Kaya mo na 'yan. Taasan mo lang ang confidence mo. Surely, hindi ka maba-badshot," pang-eengganyo muli ni Lucio habang pinipigil ang malakas na halakhak.
"I-check mo na lang kaya ulit si Rocher kung anong ginagawa niya sa living room, ayain mo mag-dinner."
"Okay. Sige, I'll check her." Tumayo si JL mula sa kinauupuan at lumabas ng silid.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top