Eight
Sa kabilang banda, dumating na ang bagong tenant sa apartment ni Madam Vebz. Gwapo raw ito at naging usap-usapan agad sa kanilang lugar.
"Wala pa namang asawa si Rocher, pwedeng siya na lang ang ireto natin sa kanya," hagikhik ni Aling Rosa sa kausap niyang pamangkin na si Maurice habang pinapanood ang bagong lipat na binata.
JL daw ang pangalan nito ayon kay Madam Vebz Kabilin-bilinan pa nga sa kanila na pakisamahan nang maayos ang bagong tenant dahil nagpapagaling pa ito mula sa injury na natamo nito sa isang motorcycle accident.
"Bakit pa irereto kay Rocher kung pwede naman sa'kin na lang. Age doesn't matter Mukha naman siyang bata kahit mid 20s na siya," hirit naman ni Maurice.
"Mas kailangan ni Rocher ng lalaki na mapapangasawa nya, sa sitwasyon niya ngayon. Kailangan niyang mag-asawa para naman himidI na siya ma-pressure sa kakahanap ng pera at trabaho. At isa pa, ang harot mo Maurice! 16 ka pa lang, saway naman ni Aling Rosa.
"Kailangan bang mag-asawa ni Ate Rocher para lang may bubuhay sa kanya? Kung naririnig kayo no'n hindi siya maqg-a-agree," kampanteng giit naman ni Maurice.
Hindi nila namamalayan na naririnig sila ni JL kahit anong pilit nilang kontrolin ang hina ng kanilang mga boses. Dahil kailangan niya ng tulong, napilitan tuloy siyang i-approach ang dalawang iyon na nakatambay sa di kalayuan ng hallway bago unakyat sa itaas kung nasaan
ang unit na uupahan niya.
"Excuse me po, magtatanong lang po sana ako kung mayro'n dito na pwede akong matulungang magbuhat ng ilang bags? Magagaan lang naman po yan, magalang na panimula ni JL sa magtiyahin. Hindi obvious ang pagiging injured niya dahil nakatanggal na ang arm sling Support sa kanyang braso at isang buwan na rin naman ang lumipas nang maksidente siya.
"Ako nang bahala, pogi," maagap na saqot ni Aling Rosa at kinuha naman ang bag na
pagmamay-ari ni JL.
"Ikaw ba si JL?" biglang tanong ni Maurice.
"Ako nga, hello sa inyo," nahihiyang sagot naman ni JL Nagiging conscious siya dahil sa ibinabatong tingin ng magtiy ahin. Totoa nga na bago pa siya lumipat, kumalat na sa neighborhood ang tungkol sa kanya.
Madali naman siyang natulungan ni Aling Rosa. Nang makaakyat na sa kanyang unit sinubukan niyang abutan ito ng maliit na halaga pero agad naman itong tumanggi nang ibalik nito sa kamay niya ang pera.
"Mas kailangan mo yan. Sinabi ni Madam Vebz na kakagaling mo lang daw sa aksidente. May kabigatan pala ang bag mo at ano ba yang mahabang lagayan na nakasabit sa likod mo?" usisa naman ni Aling Rosa.
"Tako po," tugon naman ni JL na nagpataas ng kilay ng ginang. Kalaunan, napatango na lang din ito.
"Bilyarista ka pala, mainam," sagot naman ni Aling Rosa na halata ang pagkabilib sa himig ng pananalita.
"Noon po." Pineke ni JL ang ngiti.
"Sige. kapag may kailangan ka o may mga tanong ka, katukin mo lang kami sa Unit 125," bilin naman ni Aling Rosa saka umalis.
Umismid lamang si JL at dahan dahang ibinaba ang nakasukbit na lagayan ng tako sa likuran niya. Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago lumabas sa unit. Napagtanto niyang nasa kabilang unit pala naninirahan si Rocher. Talagang inalam niya kung saan ito nakatira dahil hindi niya napigilan ang sarili na mangamba para sa kaligtasan nito. Kahit hindi niya pa nakikita ang itsura ni Rocher na walang face mask, hindi pa rin nabawasan ang sudden attraction na naramdaman niya sa una nilang pagkikita. He would do anything to know her, even though his method seems off. Baka nga creep pa ang kalabasan niya kahit wala naman siyang balak na masama kay Rocher.
***
"Uy! Cher!"
Napalingon agad si Rocher sa pinanggalingan ng boses ng lalaking tumawag sa kanya. That's her former high school classmate, Xavier. Isa na itong veterinarian at nagmamay-ari ng vet clinic malapit sa apartment na tinutuluyan niya.
Naantala din ang pagpapakain ni Rocher sa mga stray cat dahil sa paglapit ni Xavier na talaga namang natutuwa sa ginawa niyang pagmalasakit.
"Very good. Sinunod mo kung gaano lang karami ang dapat mong ipakain sa kanila," masayang sambit ni Xavier habang nakatuon ang tingin sa dalawang ginger cats na kumakain pa rin.
"Dito sa mga 'to napupunta ang mga sahod ko, eh," natutuwang sagot naman ni Rocher saka ibinaling ang tingin kay Xavier. "Magpalunsad naman sana kayo ng libreng kapón."
"Nakipag-coordinate na ako sa LGU," paglalahad naman ni Xavier saka nilaparan ang ngiti. "Welcome ka sa clinic if gusto mo mag-partime."
"Salamat. Pero sana hindi mo nakalimutan 'yong ginawa ko sa'yong hindi maganda. Dapat nga hindi mo na ako tinutulungan, eh." Nahihiyang umiwas ng tingin si Rocher sa gwapong binata. Inilibot niya ang tingin sa paligid.
"Gabi na rin pala. Masyado kang masipag," dagdag pa ni Rocher nang muli niyang salubungin ang tingin ni Xavier.
"Kilala mo naman ako, Cher. Hindi ako marunong mag-imbak ng sama ng loob. Saka parang 'yon lang?" apologetic na paglilinaw naman ni Xavier na bakas naman ang sinseridad sa binitawang salita.
"Pero kahit na ba, parang nasaktan kita noon," malungkot na sagot ni Rocher.
"Okay na 'yo, lumipas na. Huwag ka nang ma-guilty. Okay?" Nag-thumbs up pa si Xavier para i-assure na totoo ang kanyang mga sinabi.
"Salamat. Mag-iingat ka." Mas nilaparan ni Rocher ang pagkakangiti bago tuluyang maghiwalay ang kanilang landas.
After they parted ways, naisipan na rin ni Rocher na bumalik sa apartment para makapagpahinga. Ngunit habang binabagtas ang daan, napansin niya sa madilim na alley ang pamilyar na babaeng umiiyak at parang desperado nang humingi ng tulong. Biglang nanumbalik sa alaala niya kung sino iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top