Episode 24: Angles of the Truth II


DISCLAIMER:

This chapter is brought about as a courtroom scene. Beware that it is not written professionally nor co-produced by a person expert in law. Also, I used the concept of a jury trial considering the story happens in a classic empire setting. Please, please, please expect that there will be mistakes in terminologies, process, and grammars you will encounter while reading. Please bear with this Dora-the-Explorer writer. The courtroom scene in this chapter will differ from real-world proceedings.  I’m sure you noticed that I am making a whole weird world here so if you happen to be a law student or so, I’m warning you; this should never be a basis to mock trials. The author is not knowledgeable enough to give you a perfect thrill, but at least I’m proud I pulled off a major element of the story’s plot. This is the continuation of the trial of Duke Ryo's case. Enjoy reading. 

P.S. You will encounter this one, so I might as well give an illustration (no copyright infringement intended):


A horse's saddle, kayo na bahala mag-imagine kung gaano ka-extra 'yong kay Duchess Liria, haha.


***





Lady Lara believed she wasn't yet risking anything for her goal. After all, what risk did she take in obeying the empress? What stake did she hold, sitting among the audience at her father's trial? What hard rock was she leaping over by deciding to witness the discussion of her late mother's case? To these questions, she had no answers. But the pair of eyes watching her from meters away had one.

Along with knowing why he was there, Prince Rohan understood what Lady Lara must have felt inside the courtroom. Nervous, pained. She's fighting the urge not to cry, seeing her father in this situation and hearing things about her mother’s death, he thought. At least that’s what His Highness considered a risk she was taking.

The girl risked her peace.

“Remis, maaari mo bang ilarawan at isalaysay ang natuklasan mong nangyari sa Reforro Road isang umaga noong ika-walo ng Hunyo, ngayong taon? Kung payaga’y ipagsimula sa kung bakit ka naroon.”

Lady Lara sighed as she waited for the prosecution’s witness to answer the question. Tapos nang manumpa ang binatilyo na lahat ng sasabihin niya ay katotohanan at pawang katotohanan lamang. Now, she expected for him to tell the truth. She hoped to trust his story.

“Kahit na . . . may kalayuan ho ang tirahan namin sa Reforro Road, at tahimik po ang lugar na 'yon," sa wakas ay nagboses na ito. Hindi na masyadong pinansin ni Lara ang tindig ng binatilyo, even his pale, dry skin, which failed to compliment his clean bright clothes. "Nasanay na ho kami ng kaibigan ko na doon sa gilid ng daan na 'yon kumukuha ng mga laglag na sanga para ipanggatong.

"Noong papauwi na kami bitbit ang mga sako namin, biglabiglaan na lamang po kaming nataranta nang may paparating sa'ming kabayo, napakabilis ng takbo."

Lara's teeth clenched. Ayaw niyang tanungin ang sarili kung kaya niya bang pakinggan kung ano ang dinanas ng duchess.

"Pinaikotan niya po kami kaya halos hindi na kami makagalaw at napapikit na lang hanggang sa huminto ito sa ginagawa.

"Tila humihingi po ito ng . . . ng tulong."

Maririnig ang mahinang tawanan ng mga tagapanuod. They seemed overly amused by the way the boy phrased it.

Lady Lara sighed deeply. Rory, noticing, tapped her wrist gently.  Mabagal namang lumingon si Lara sa kaniya.

"I can't laugh about that Rory. Mom always told me about her human-like horse," she whispered.

Rory nodded understandingly, and they both faced the front when the witness continued his testimony.

"Sinundan ho namin ang kabayo kasi hindi naman kami marunong sumakay roon."

"Sinundan?" Solicitor Jewelrite interrupted. "Why? Where did it go? Where did it lead you?"

The boy subtly exhaled. "Nadatnan po namin si Duchess Liria na nakikipaglabanan sa grupo ng mga lalaking nakaitim, at pulos nakatakip ang mukha."

"Saan niyo mismo nadatnan?"

"Sa ibabaw ng daan. P-Pero nanatili lang po kami sa ilalim at likod ng may kalakihang puno, tila natakot rin kasing lumapit roon ang kabayo. Ang kabayo ni Duchess Liria."

"Paano mo nasisigurong kabayo iyon ng duchess?"

Makikita ang saglit na paggalaw ng labi ng binatilyo sa isang malungkot na ngiti. "Palagi po kasing bumibisita ang duchess sa pook namin . . . para mambigay ng pagkain tsaka mga damit. Kaya nga po kami napayagang doon dumayo para maghanap ng panggatong e. Kahit hindi naman talaga pupuwede pagpalagian ng mga simpleng katulad namin ang lugar na 'yon, pinayagan ho kami ng duchess.  Iyon po ang kabayo na ginagamit niya tuwing napupunta sa pook namin at nakikihalubilo sa mga tao roon.

No'ng araw na 'yon, nalaglag at pinulot ko po ang siyahan ng kabayo. Doon ko po nasigurado dahil tanging ang duchess lang po ang nagmamay-ari ng desinyong iyon."

Solicitor Jewelrite nodded at the witness before looking at the judge. "Your Honor, the witness is pertaining to the orange-colored saddle admitted as evidence in Exhibit A."

"Noted," the judge replied. "The record will reflect that the witness is referring to the orange-colored saddle marked as Exhibit A. Proceed with your questioning."

Moving on, the solicitor seriously nodded at the boy and gestured with his hand. "Mangyaring ipagpatuloy."

Nagpakawala ng malalim na hininga ang binatilyo.

"Continue with your account of how you witnessed the fight unfolding."

The boy eagerly nodded. "Ang bilis po ng nangyari, nakakahilo hong panoorin ang palipat-lipat na pakikipaglaban ng duchess sa mga taong 'yon. Sa natuklasan ko po, pinalilibutan nila ang duchess, at mukhang may pinag-uusapan pa sila sa gitna ng labanan. Sa may katagalang panonood po namin ay nagawa ko pong mabilang ang mga katunggaling 'yon ng duchess. Pito ho. Pito po sila. Samantalang 'yong duchess, nag-iisa lang. Wala po akong nakitang kasama nito bukod sa mga kalaban.

"Anong sandata ba ang ginamit nila at ng duchess?"

"'Yong hawak po ni Duchess Liria, pamilyar po sa'kin kasi 'yon 'yong lagi niyang dala. Simpleng espada lang po. Habang iyong mga umatake ay panay ang pagtatapon ng mga punyal patungo sa direksiyon ng duchess. Hindi ko na—hindi ko na po masyadong malarawan kung paano iyon naiwasan ng duchess habang nakikipaglaban rin sa espada ng ibang lumalapit sa kaniya," pakurap-kurap na daldal ng binatilyo. "Ang lakas rin ho ng duchess pero halata hong napapagod na siya, kaya't nakita ho namin ang sunod-sunod na pagtama ng mga sandatang 'yon sa kaliwa't kanang braso niya."

Kasabay ng pagtapang ng boses ng binatilyo ay ang panginginig ng mga labi ni Lara. Even Rory's whispers to calm her couldn't do anything.

"Ang ingay po ng oras na 'yon, bukod sa pagpikit-pikit ay hindi rin namin maiwasang takpan ang mga tenga namin ng kaibigan ko. Masakit ho pakinggan ang bawat pagtama ng mga sandata sa isa't isa."

The prosecutor sighed and gave the boy a subtle cue to move on. Napalunok naman ang binatilyo at saka nagpatuloy.

"Hanggang sa kinalabit ko na lamang ang kaibigan ko at senenyasang lumayo-layo kami. Bitbit ko ang siyahan ng kabayo ni Duchess Liria habang tumatakbo pabalik sa mga puno, walang pahingang tinungo ang tanggapan ng mga sherip, at doon nagsumbong."

“Remis,” pagtawag ng prosecutor. “Noong mai-report niyo na ang nangyari, agad bang naniwala sa inyo ng kaibigan mo ang mga sherip?”

“O-Oo po. No’ng mabanggit ko po ang pangalan ng duchess, wala na silang ibang ginawa kun’di ang makinig.”

“Umakto ba sila agad?” Hindi pa man natatapos ang witness sa pagsasalita ay tila nagmamadali na ang prosecutor sa pagtanong.

Mabilis naman na napatango-tango ang binatilyo. “No’ng mabanggit ko po ang lugar kung saan ‘yon nangyari, ‘di na po nila kami pinatapos sa pagkukuwento. Naghanda agad sila para sumugod roon.”

From the seats, the female attorney nodded. Alright. So this is how he plays—she thought of the prosecutor—proving ahead that his opening statement goes smooth with the first testimony.

Noong mai-report niyo na ang nangyari, agad bang naniwala sa inyo ng kaibigan mo ang mga opisyal?

Umakto ba sila agad?

Perfect timing—she figured, smirking—and later he would question what could have happened in between.

“Isinama ba nila kayo ng kaibigan mo?” The prosecutor continued asking.

“Oo po,” sagot naman ng binatilyo.

“Resume telling us what happened.”

“Mabilis po ang naging biyahe namin papunta do’n at nang makababa mula sa mga kabayo, wala nang sinayang na oras ang mga sherip at mahigpit na agad ang mga hawak sa sandata nila. Pero  wala na po kaming nakitang ni kabayo man lang ni Duchess Liria. Payapa ‘yong lugar. Para talagang walang nangyari. Kaya kami ng kaibigan ko na nasa loob ng karwahe ng mga sherip, biglang nagulat no’ng pumasok ang isa sa kanila tapos tinitigan kami nang masama. Pinagalitan po kami kasi akala’y gumagawa kami ng kalokohan.”

Tumango-tango ang prosecutor at maigi pang nakinig.

“Pinagsabihan po kami ni Sheriff Stanley sa akala nilay kalokohan namin hanggang maiuwi nila kami. Pero giniit po naming totoo lahat ng sinalaysay namin sa kanila. Kaya iyon, sinabihan niya kami na kapag napatunayan nilang totoo ang mga tinuran namin, saka lang nila kami pakikinggan ulit.”

“At napatunayan nila, hindi ba?” The prosecutor asked calmly.

Tumango ang binatilyo. “Hindi po naglao’y kumalat na sa pook ang balitang pumanaw na ang duchess ng Charlotte. Lahat po ay nagulat at nalumbay kasi . . . kay buti po ni Duchess Liria e.” Napakagat labi ito para pigilan ang emosyon. “Ang hirap pong paniwalaan na kahit ang gano’ng klaseng tao, may nagtangkang pumatay . . . at nagtagumpay. Inakala pa ng mga kapit-bahay namin na pumanaw lamang sa sakit o kaya’y aksidente.

"Kilala po kasi ang duchess na magaling sa pakikipaglaban lalo kapag ang mga simpleng taong pinoprotektahan niya ang naaargabyado. Kaya naging imposible sa isip namin na matatalo ito sa isang labanan. Iyon po ang una nilang pinaniniwalaan hanggang sa dinayo ulit kami ng mga opisyal, hinahanap kami ng kaibigan ko na naging saksi sa krimen. Isinali po nila kami no’ng magsimula na silang mag-imbestiga.”

“Remis, may we go back to the incident you and your friend had witnessed? Sinabi mo na nabilang mo ang mga taong umatake sa Duchess. Pito, hindi ba?”

“Oo po.”

“Sinabi mo rin na walang kasama ang duchess, walang tumulong sa kaniya upang manlaban.”

“Oo po,” ulit ng binatilyo.

“At maaari’y lilinawin ko, nangyari iyon sa Reforro Road, kung saan sinabi mong hindi pupuwedeng palagian ng mga katulad mo. Katulad mong ano?”

"Katulad kong hindi ho maharlika."

Another set of chuckles came from the audience. Lara swallowed, looking around, and then she decided to just focus her eyes in front.

"At katulad kong hindi nakatira sa mansiyon ng duke at duchess," pagwawagi ng boses ng binatilyo, tila hindi apektado sa ingay ng madla.

The prosecutor cleared his throat. "At sa tingin mo'y bakit ganoon?"

"Kasi po . . . ginagamit lamang ang daan na 'yon para sa biyaheng galing mansiyon ng duchess patungo sa palasyo."

"Kaya ba sumasang-ayon ka na sa araw na 'yon, na nasaksihan mong patayin ang duchess, hinarangan siya ng pitong taong iyon bago pa man siya makarating sa palasyo?"

"O-Oo po—"

Adeliya didn’t waste time to get the judge’s attention. “Objection, Your Honor.” Now, everyone’s eyes were at her. “The question calls for the witness to speculate about the duchess’ cause of death. The witness did not state he saw the duchess die.”

Napangisi lamang ang prosecutor.

“Objection sustained.” The judge nodded, to which Adeliya smiled. “The prosecution must change its question.”

The prosecutor put both of his hands backward and cleared his throat. “Remis, I’ll restructure the question. Since you stated na ang daang iyon ay para lamang sa biyaheng galing mansiyon ng duchess papunta sa palasyo, do you attest that . . . the seven men hindered the duchess from going to the palace?”

“Oo po.”

“At ani mo'y may pinag-uusapan pa sila ng duchess habang nangyayari ang labanan?”

“Oo po.”

The prosecutor cleared his throat and faced the court before speaking. “Your Honor, ladies and gentlemen of the jury, you've heard from Remis, who provided a compelling eyewitness account of the tragic events on Reforro Road. I guess that ended the first witness’ testimony. I have no further questions, your honor.” He subtly bowed.

Shortly after, Adeliya stood from her seat, her demeanor more composed than before. It was her turn to examine the witness. She glanced briefly at the daughter of both the accused and the victim, who looked drained but fighting, then slowly turned her gaze to her own beloved sister, sitting beside the young lady.

"Zel, my Zel," she unconsciously mouthed.

This was why she decided to step into a courtroom again: to reclaim her sister. She had once lost her, and after an era of regrets, she now had this chance to bring her back—by defending the Duke of Charlotte.

Or was she really defending him?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top