Chapter 6
LALA'S POV
A week later...
"PASADO AKO!!!!" Sigaw ni Aron dahil sa sinabi niyang pasado daw siya according sa nakalap sa phone niya.
I gazed on them habang tuwang-tuwa ang dalawa dahil students na sila ng Ateneo De Manila University. I'm so glad to hear and know that because I have a boyfriend and a bestfriend na magiging part ng Blue Eagles.
"Naku Aron, mukhang tayo na ngayon ang Protector na nag-aaral sa mataas na university in SF History." Rona said which she stated the fact na sila nga talaga ang unang nag-aral ng ganoon in Post-First Protector era.
According sa source na nabasa ko, pinagpatuloy parin nila ang pag-aaral nila Inay kahit members na sila ng Special Force.
Since sila Aron and Rona ay students na ng isang university here in the Philippines while ako naman is still working for our company, magkakaroon na kami ng Time management about this. Baka tuwing tanghali ay sarado itong HQ dahil sa kinabibisihan naming tatlong sa kung ano ang maaaring mangyari.
"Mukhang tahimik ang HQ tuwing tanghali." I said while sitting on our sofa. "We need to manage our time since ang busy natin ngayon."
"Hindi naman mawawala sa atin ang oras na iyan." Aron said. "Once na my emergency, alam na nila siguro ang excuse natin sa kanila."
"Mabuti ka nga Ellainah na isa kang CEO while kami ay students lang naman." Pag-aalalang sabi ni Rona habang hawak niya ang Kutsara since kumakain siya ng pancit canton. "Kailangan lang namin ng isang katibayan na Special Force kami."
"Kailangan natin sigurong pag-usapan si Mama about rito dahil once na magkaroon tayo ng mission eh dapat magpaalam muna tayo da kanila." Aron said while looking on Rona at the front.
"Kaya nga Aron, baka lang sabihin nila na gawin lang rason ang pagiging Special Force natin para tumakas lang sa paaralan." Sabi pa ni Rona.
*Tenenenen!!!* Tunog ng Phone ko bilang sign ng pagtawag sa akin ni Inay.
"Excuse lang muna.", Kaagad na kinuha ko ang phone ko habang tumalikod ako sa kanila at sinagot ko ang tawag ni Inay.
"He-hello Inay?"
"Alam mo naman siguro ang araw ngayon, Lala?"
"Ahhh, nag-breakfast pa po kami. I'm going to that a few seconds lang."
"Hindi na bali! Susunduin ka nalang ni Jelailah diyan mamaya."
"Si Ate Jelailah po? Bakit po-"
"Kasama siya sa training natin ngayon about sa Atheist Vision mo, Ellainah. Kaya maghanda kana para mamaya."
"Sige po Inay."
Binaba na ni Inay ang tawag kaya binulsa ko ang phone ko at humarap kila Aron at Rona.
"Ellainah, ano na kaya gagawin ni Mama sa iyo mamaya sa training mo?" Tanong kaagad ni Aron sa akin.
"I don't know babe, but siguro hindi naman masyadong difficult ang challenge na maaring matanggap ko." I said. "Hindi naman magbibigay si Inay ng isang challenge for Atheist Vision since she have knowledge about it."
"I see..." Linya nalang ni Aron.
Napaisip nalang ako na bakit ako mayroon Atheist Vision, hindi naman ako taga Creepy Thorn o kung ano man ang tawag diyan.
Dapat two-way na dapat ako, pero why Atheist Vision kaagad?
-
DIANE'S POV
"Mister President, mabuti naman na napirmahan ninyo ang receiving paper about sa martial law... Sir, since dumadami kasi ang bilang ng gang war dito sa Capital State kaya nagdeklara na ako ng martial law dito... Opo sir... Sisiguraduhin kong wala nang gang na maghahasik ng kabobohan dito dahil sino pa naman idiot na magbabaril-barilan dito... Opo Mister President... Good day rin po at ingat."
Pagkatapos kong kausapin ang pangulo ng Pilipinas thru telephone, binaba ko iyon at daling kinuha ko ang folder na naglalaman ng mga dokumento, binuklat ko iyon at binasa ko mabuti dahil about sa other gangs (hindi under ng organisasyong kasama ang Erobern) na involved sa Gang war noong nakaraan mga araw ang nakalagay roon.
Binasa ko at intindi ko ng mabuti dahil hindi lang ito isa kundi halos double digit sila.
Mamaya ay dumating na si Regine at Keki, pumasok sila sa loob ng opisina ko at isinarado ni Keki ang pinto. "Fifth Chairman..." Linya ng dalawa kaya nahinto ako sa pagbabasa ay tumingin sa kanila.
"Ooh! Regine? Keki?"
"May sasabihin sana kami sa inyo." Linya ni Keki kaya nagtataka ako ngayon dahil nakangiti sila sa akin.
"Well, go ahead."
"May babae kasing naghahanap sa inyo." Sabi ni Regine. "Since na naghahanap ka ng Irrigation Specialist, may isang babae na nag-aaplay sa inyo."
"Nasaan ba siya?" Tanong ko sa kanila.
"Ahh wait lang po.", lumapit si Regine sa pinto at binuksan para tawagin ang sinabing nag-aaplay sa trabaho na kinakailangan ko dito.
Nang lumapit sa harapan ko si Regine, dito na pumasok ang isang babae. Maputi, mahaba ang itim na buhok, nakasalamin, maitim na dress ang suot at may hairband na kulay pula.
"Magandang araw sa inyo, ika-limang Chairman ng Capital State." Pagbati niya sa akin at lumapit siya sa harapan ko para makatabi kila Regine na nasa kanan niya at kay Kerry Anne sa kaliwa niya.
"Madam, siya si Charlotte Vendavelle. Isa siya sa tumulong noong bagyong Lando noong year two thousand and fifteen at the age of fourteen." Ani Regine. "Tinulungan niya naman ang mga magsasaka dito sa Capital State para makabangon after Typhoon Lando."
"Oh!" Dahil sa sinabi ni Regine ay ganito nalang ang aking komento habang nagsuot ng eyeglass. "Mabuti naman ay bumalik ka sa serbisyo, miss Charlotte."
"Ikinagagalak ko pong makilala kita muli, Ika-limang Chairman." Wika ni Charlotte sa akin na may kasamang ngiti. "Marahil ay gusto kong makatulong muli sa mga kababayan natin mula sa sektor ng agrikultura, natamaan sila ng epekto ng giyera kontra sa norte lalo na ang mga nakatira sa norte."
"Kailangan ko ng tulong mo for that. Nagkakulang na tayo sa kagamitan at since ikaw lang ang may kakayahan sa larangang ng agrikultura ay naniniwala ako sa iyong process na gagawin mo."
"Regine, Kerry Anne, maari ninyo ba kaming iwanan." Utos ko sa dalawang Special Force na nasa opisina ko.
"Opo, Madam!" Tugon nalang ng dalawa at lumabas sila ng pinto bago nila isinarado kaya naiwan na kaming dalawa ni Charlotte sa loob ng opisina.
"Maupo ka Miss Charlotte." Paubaya ko sa kanya kaya napaupo siya sa harapan ko pero pa-side ang pwesto ng upuang kinauupuan niya.
Kumuha ako ng mga dokumento sa drawer ko at kaagad na nilapag ko sa lamesa para ipakita ko sa kanya about sa agricultural recovery.
"Ang mga mangingisda sa Malabon at Navotas ay nawawalan ng materyales when it comes to agri-fishery." Ani ko sa kanya. "Ang mga taga Valenzuela at Quezon City naman ay lack of resources naman kaya wala silang ani sa kanilang sakahan."
"So ano po maari ko pong gawin for that?" Tanong ni Charlotte sa akin. "In agri-fishery recovery, we need funds since fishermen don't have any equipment for their jobs. Ano nga pala yung wala sa kanila?"
"When it comes to agri-fishery, they need a boat, fishnets and other tools and equipment." Sagot ko sa kanya. "Mas priority natin ang bangka ay ang lambat dahil some of rebels during war on Rebel ay ginamit ang bangka ng mga mangingisda para umatake sa ilog Tullahan."
"Pwede din siguro pumunta ako sa City Hall ng Navotas at Malabon para malaman ko kung ano pa ang kakailanganin nila para sa pagbangon mula sa giyera." Charlotte said.
"Kinausap ko na sila Ate Timberline about dito at for sure ay natutulungan mo rin sila at vice versa." Sabi ko nalang sa kanya. "For agri-fishery recovery talaga ay bangka at lambat lang ang priority nila dahil some of fishermen ngayon ay naglalangoy pa sa kanilang pond para makapag-hanap-buhay pa."
"Well, kailan ko ba sisimulan ang trabaho ko?" Tanong ni Charlotte sa akin at tumayo siya sa kinauupuan niya.
"Well, handa ka ba kung ngayon?"
"Kahit ngayon ay pwedeng-pwede naman." Lakas-loob na wika ni Charlotte na may kasamang ngiti.
"Okay! Go to Northern District Hall sa Novaliches, Quezon city at hanapin ninyo ang Agriculture District secretary, alam na niya about dito dahil kinausap ko na siya kani-kanilang lang at sure na gagawin mo na kaagad ang trabaho mo ngayon." Utos ko sa kanya. "Samahan mo na rin ang dalawang nasa labas for your assistance."
"Masusunod, Ika-limang Chairman ng Capital State." Dito na lumabas si Charlotte sa opisina ko para gawin ang tungkulin niya for agricultural recovery of our State.
Nang ako na ang mag-isa sa opisina, na-stretch ko muna ang braso ko at balik na naman sa dating gawi at yan ang magpirma na naman ako ng receiving papers.
****
An hour later...
"May nabalitaan ko na magkakaroon muli ng Gangwar between sa isang gang na under ng isang organisasyon at ng isang independent gang." Salaysay ko kila Ate Timberline, Tita Elijah at sa iba pang Mayors at representative ng City dito sa Capital State. "Hindi sinabi kung kailan at kung saan pero naghahanda na sila sa Gangwar nila soon."
"May martial law naman tayo eh, ano pa ba ang kailangan natin gawin?" Tanong ni Ate Timberline sa akin.
"Balita ko, may kagamitang pandigma sila at hindi alam ng undercover agent natin na nandoon kung saan galing ang mga baril, granada at iba pang kagamitan sa pakikidigma." Ani ko sa kanila at hinawakan ko ang remote ng projector para pumindot kaya pinakita ko sa kanila ang picture about sa sinabi ko. "Mga PPSh-41, Tommy gun, M4A1 at AK47 ang nakalap roon."
"Pagtataka ko lang na bakit may M4A1 at AK47 sila?" Tanong ni Tita Elijah kaya napaisip ko bigla na paano nakuha ang ganoon baril dahil for government lang naman iyon.
"Hindi ko akalain na may M4A1 at Ak47 ang mga Erobern." Wika ni Ate Timberline. "Posibleng galing sa illegal yan since walang sinuman ang makakabili ng ganitong baril except gobyerno ka but in legal way."
"Pagtataka ko lang na saan kaya sila nakakabili ng ganitong baril?" Inulit pa ni Tita Elijah ang tanong kaya ako ang nakasagot sa kanya.
"Maaring galing sa organisasyon nila for sure or sa ibang gangs na kasapi ng organisasyon nila." Ito ang sagot ko sa kanya pero theory lang naman. "Imposibleng galing sa ibang bansa ang kagamitan na yan at maaring galing ito sa giyera, dinadampot nila iyon once na may mga sundalo na namatay at nakahilata ang bangkay sa lupa."
"All of these guns ay galing sa United States at for sure ay galing sa Vietnam War or sa War on Terror ang mga baril na iyan." Karagdagang sabi ko pa sa kanila. "Maaring galing sa Artic War since naging part naman ng US sa giyera na iyon."
"Naging illegal dahil galing sa mga sundalong nasawi ang mga baril na iyan, tama?" Paniguradong sabi ni Ate Timberline kaya tumango ako bilang sagot ng Oo.
"Yes..."
"Siguro, need natin imbestigahan ang about dito." Suggest ni Tita Elijah. "Illegal firearms kasi ang mga iyan at involved na dito ang organisasyon nila dahil maaring sa kanila yan galing yan."
"Mukhang tama ka, Tita Elijah." Tugon ko sa kanya. "At maaring imbestigahan ang about sa mga baril na ito kung saan talaga nanggaling."
"Posibleng may illegal na bentahan diyan dahil imposibleng bibili ka ng baril kung isa ka lang sibilyan." Sabi pa ni Ate Timberline. "At paniguradong walang lisensya yang mga baril na iyan."
"Illegal firearms plus rebellion or pwede na siguro yung homicide." Wika ni Tita Elijah.
"Tita, hindi naman homicide dahil panigurado terrorism ang maaring isampa sa kanila dahil gangwar is also part of a terrorism." Ani ko sa kanila.
"But we need them for information about other gangs na under ng kanilang organisasyon." Karagdagang sabi ko pa. "We need information about other gangs dahil after ng Erobern ay may isusunod akong gang na under ng Einheitlichleit Organization. Since three gangs pa ang natitira after Erobern ay isusunod natin ang isa pa."
"Sa ngayon ay kailangan natin ng karagdagang lakas sa Military at Witchcraft reinforcement natin dahil alam na alam ko ang lokasyon ng Erobern." Karagdagang ani ko pa sa kanilang lahat. "Since umaabot na sa isang libo ang kasapi ng Erobern ay we need some armor machinery dahil mga second handed lang naman ang meron sa kanila."
"But how, Diane?" Tanong nila sa akin.
"May isa akong kilalang nasa Erobern ngayon, since alam na natin ang kagamitan nila ay mayroon na tayong alam kung paano sila lumaban." Sabi ko pa sa kanila.
Tumayo ako sa kinauupuan ko, lumitaw ang Two-way Vision ko sa aking mga mata at nagbigay ako ng isang pangungusap na "In July, tatapusin na natin ang kalbaryo nila."
-
THIRD POV
Isang linggo na nakalipas mula sa orientation, dumami na ang mga miyembro ng Erobern. Ngayon araw, nagsagawa ng isang magsasanay ang ibang membro ng gang sa pamamagitan ng sparring session.
Habang nagsasanay ang ibang miyembro, nag-uusap naman si Kennedy at Atkings. "Since dumadami na tayo, ano kaya ang una nating gagawin?" Tanong ni Atkings.
"Si boss na ang bahala kung anong mission natin." Sagot nalang ni Kennedy habang pinagmamasdan niya ang mga miyembrong nag-eensayo.
"Pero kailan pa ba tayo magkakaroon ng mission?" Tanong pa ni Atkings kay Kennedy.
"Hindi pa natin alam kung kailan.", dito humarap si Kennedy kay Atkings at wikang "But she said that paghandaan natin ang mission na matatanggap natin mula sa kanya. Sa ngayon ay tahimik ang lahat ng gang ngayon at wala pang balita sa iba pa, maging sa mga alliance natin ay wala pang balita kung ano ang kalagayan nila or reaction after nagdeklara ng Martial Law si Diane Kalembang sa Capital State."
"Paniguradong gangwar ulit ang mangyayari dahil may gang pa na natitira dito sa Capital State kahit naka-batas militar pa." Karagdagang wika pa ni Kennedy habang humarap siya sa mga tauhan niyang nag-eensayo. "Sabi ni Boss na ituloy parin ang ginagawa natin bilang gangster kahit nasa Martial law state ang Capital State. Hindi parin tayo titigil hangga't hindi pa niya nasasabing tapos na ang tungkulin natin at ang goal natin sa organisasyon kina-under natin."
"May mga tao na tayo ngayon, may kagamitang pangdigma na tayo para sa gangwar at karamihan sa mga ni-recruit natin ay mga Witchcrafter." Sabi naman ni Atkings habang niyakap niya ang kanyang sarili sa harapan ni Kennedy. "Mas lalakas na ang reinforcement ng ating organization natin at paniguradong tayong apat na ang titira."
"We need boss' permission and we attack the gang na gusto niyang atakehin para sa atin afterwards." Wika pa muli ni Kennedy habang nakatingin parin sa mga nag-eensayo na mga tauhan niya. "Kailangan natin magpakalakas dahil ang ibang gang ay lumalakas since under martial law na ang Capital State."
"Paano kung nangingialam ang mga Special Force?" Tanong ni Atkings kaya lumingon si Kennedy sa kanya.
"Mas maganda na pati SF ay madadamay sa gangwar natin dahil hindi lang isa ang madurog kundi dalawa pa." Sagot nalang ni Kennedy. "Paniguradong mga Offender lang ang ide-deploy nila kaya mas mabuti nalang na damay sila."
"Well Kennedy, mukhang maganda ang ginawa natin." Wika ni Atkings pagkatapos binaba ang mga kamay niya at binulsa. "Matutuwa siguro si Boss sa plano natin."
Ngumisi nalang si Kennedy at tumingin muli sa mga tauhan niyang nag-eensayo sa harapan niya.
Sa isang sulok, nagmamasid si Luanne sa dalawang lider ng Erobern patago.
Nilapit ang kanyang kamay sa bibig at sabing "Hello Madam... Clear ang area dito... May theory na ako about sa kanila."
-
LALA'S POV
"Ibig sabihin nito ay kaya ko gawin ang ginagawa ni Miss Akane?" Tanong ko kay Inay.
Nasa SF Center na kami, sa may Training Ground kasama si Ate Jelailah at Inay. Kami lang ang tao sa kinaroroonan namin and this day is my first training in Atheist's Vision state.
"May nakalap lang ako sa librong isinulat ni Akane na aabot ng buwan ang training sa Atheist's Vision." Inay said. "Tatagal ng mga buwan ang training dahil need talaga mag-excess ang abilidad mo when it comes to Atheist's Vision."
"Dahil mga buwan ang training mo, mataas ang tsansa ng hindi mo na pag-aaral ang Cosmos element depende sa kung abilities ang maari mong magkaroon." Karagdagang ani pa ni Inay habang nag-crossarm siya sa harapan ko.
"So it means na may Cosmos element na ako automatically?" I asked her about what she said since I was confused dahil no need na ang Cosmos element training and lesson.
"Ang Fanatic at Atheist Vision ay mayroong Cosmos element." Inay said. "But it doesn't mean na may kakayahan ka nang mag-manipulate ang Cosmos element because of Atheist Vision."
"Ano po ibig mong sabihin, Inay?" Tanong ko pa sa kanya na lalo ko pang na-confuse.
"You don't have a Cosmos element Manipulation but you already have it by Flying, gravity control, time and space and many more but hindi kasama dito ang Dark Matter and Anti-matter so far." Ani Inay.
"Jelailah..." Dito tinawag ni Inay si Ate Jelailah, dumating siya sa amin na may dalang malaking sako. Bitbit niya iyon hanggang nakarating sa may Tennis Ball Machine.
Dito ko napaisip kaagad ang magiging challenge ko at yan ay isasalag ko ang mga bola ng tennis.
But the machine isn't just only one, there are eight machines and naka-surround iyon sa kinatatayuan ko. Sa likod ng bawat machine ay may dummy na nakatayo.
Lumapit si Ate Jelailah sa akin and she gives me a tennis racket. "Ito pala ang racket dahil kasama ito sa pagsubok na gagawin mo."
Dito ako nagtataka ng kaunti about this. "Ah... I thought, isasalag ko lang ang mga tennis ball na ibabato sa akin."
"Ang gagawin mo ay ihampas mo lang ang bawat bolang lalapit sa iyo at itama sa mga dummy." Instruction ni Inay sa akin. "You have ten minutes to do that and once na natamaan ka ng tennis ball ay failed."
"Pero with Atheist Vision?"
"It is up to you kung activate mo ang Atheist Vision kaagad." Dahil sa sinabi ni Inay sa akin ito ay lalo akong nagtataka.
"Anong ibig sabihin ng kaagad? Bakit-"
"Bibilis at bibilis ang machine kaya mag-ingat ka sa bawat galaw mo." Paalala bigla ni Inay sa akin at lumayo sa akin kasama si Ate Jelailah.
Napapunta sa gilid sila Inay at nakatingin sa akin. Sigaw niyang "BE READY, ELLAINAH!"
Hawak ko parin ang tennis racket, nag-squat ako habang nakapwesto ang racket ng dalawang kamay na hawak ko infront of my feminine area. Paikot-ikot ang mga mata ko para tignan ang bawat machine na nasa harapan ko.
Mamaya ay dito nagsimula ang challenge.
-
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top