Chapter 42
ARON'S POV
"Attacker's win!" Ito ang narinig ko sa headset na suot ko which means I won. Kakatapos ko lang maglaro lang ng Valorant at nanalo pa ako.
"Hayzzz! Salamat sa diyos, nanalo ang team ko." Ito ang aking sinabi habang tinanggal ko ang headset at nilapag ko sa lamesa.
"Magpasalamat ka Aron, ang lakas ng kakampi mo." Ito naman ang rason ni Rona sa akin. Naglaro lang kami sa Computer Shop ilang kilometro lang ang layo mula sa HQ.
"Paano mo naman nasabi, Ronalisa Manoban?" Ito ang tanong ko sa kanya.
"Aron, ano ba rank mo?" Tanong naman niya sa akin.
"Ahmmmm... P-platinum one."
"Ano ba rank ko?"
"Radiant."
"Sino mas mataas sa atin?"
"Ikaw."
"Oh! Sino ba mas malakas sa atin?" Ito pa ang tanong ni Rona na parang pinapaliwanag niya na kung sino ang mataas na rank ay malakas din.
"Anong pakialam mo sa ranking, hindi naman iyon basehan kung sino malakas." Buwelta ko kay Rona.
"Hindi mo lang masabi na malakas ako sa'yo dahil nahihiya ka lang." Nang-aalaska si Rona sa akin. Ganito talaga si Rona kapag laro ang pag-uusapan, akala niya siya ang 'GOAT' sa ganitong laro pero hindi siya maka-trenta na kills at single digit lang ang death.
"Ay sus! Rona, how many kills did you have?" Ito ang tanong ko sa kanya.
"Mmmmm... N-nine!"
"How about me?" Follow up question ko sa kanya.
"Ahmmm... N-nineteen... D-diba?" Ito ang sagot niya.
"Oh! Ano masasabi mo ngayon, Ronalisa Manoban?!"
"Mababa lang ang rank mo, LeBron James Landez." Ito na lang ang sagot ni Rona sa akin.
"Hanggang ganyan ka lang naman, Rona." Buwelta ko naman at alam kong nahihiya na siya ng kaunti sa akin.
"Bakit ba?!" Tinaasan ang tono ni Rona ng kaunti habang narinig ko ito sa kanya. Nagmumukha na siyang kawawa dahil hindi siya makaporma ngayon.
"Napipikon na ang baby girl-" biglang huminto ako sa panga-aasar kay Rona nang nag-ring ang cellphone ko. Dito ko kinuha mula sa ibabaw ng lamesa at sinagot ko ang tawag.
"Sandali lang ah..." Ito ang sabi ko kay Rona at nakatingin naman ito sa akin ng seryoso. Hindi siya galit sa akin, parang may something lang siya dahil may tumawag sa akin.
Kinausap ko na lang ang taong nagsasalita sa phone ko. May something siguro at mahalaga ang tawag na ito dahil mukhang about na naman ito sa Gangwar na nangyayari sa Pasig ngayon.
"Hello po?"
"Aron, si Richane ito."
"Oh Ate! Anong meron? Bakit ka napatawag?"
"Busy ka ba ngayon? Sino kasama mo ngayon?"
"Ahmmmm... N-nasa computer shop kami ni Rona ngayon. Si Lala naman nasa work niya."
"Okay! I need your help now na."
"For what?"
Hindi niya sinagot ang tanong kaya biglang binaba ang tawag ni Ate Richane. Naglakihan nalang ang aking mga mata dahil dito at napatingin ako sa screen ng phone ko.
"Anong meron, Aron?" Ito ang tanong ni Rona sa akin. Nag-iba ang tono naming dalawa sa pagsasalita dahil masyadong seryoso na ang usapan namin.
"Hindi ko alam, Rona." Ito ang sagot ko sa kanya habang lumingon ako kay Rona na mayroong pagtataka sa aking isipan kung ano mayroon kay Ate Richane ngayon. "Tumawag lang si Ate Richane pero binaba kaagad for unknown reason." Karagdagang sabi ko pa sa kanya.
"Baka nawalan ata siya ng signal." Sabi naman ni Rona bilang motibo kung ano ang nangyari kay Ate Richane. "Mahalaga siguro ang pagtawag niya sa iyo dahil for sure ay about sa giyera. Try mo kaya tawagan siya?"
"S-sige..." Gagawin ko sana ang suggestion ni Rona pero biglang nag-ring na naman ang phone ko at ang tumatawag ngayon ay si Tita Diane.
"Wait! Tumatawag si Tita." Wika ko at dito ko sinagot ang tawag niya. "Hello?"
"Aron, tumawag si Richane sa iyo, tama?" Ito ang narinig ko kay Tita Diane mula sa phone ko.
"Ahmmmm... O-opo!"
"Okay! Kailangan ninyong pumunta kayong tatlo ni Rona at Lala sa office ko mamaya."
"Ano po ang reason kung bakit?"
"Pag-uusapan natin iyan sa office ko mamaya."
"Mga anong oras po?"
"Ngayong oras na ito."
"S-sandali! Ano ba talaga nangyayari, Tita?"
"Saka ko na iyan sasabihin mamaya pag nandito na kayong tatlo ni Rona at Lala."
"Pero si Lala, may meeting ngayon sa company nila. Paano na iyon?"
"Aron, I know pero makakapunta siya mamaya dahil tumawag muna ako sa kanya after kayong dalawa ni Rona."
"Sige! Makakapunta po kaming dalawa mamaya at aalis na kaming dalawa ngayong oras na ito."
"Sige! Mag-ingat kayong dalawa." Ito ang huling sabi ni Tita Diane at binaba ang tawag. Binaba ko naman ang phone ko at ako'y tumingin kay Rona.
"Oh! Anong sabi naman ni Senpai sa atin?" Tanong ni Rona sa akin. "Aalis na tayo kaagad papunta sa Capital Palace?" Tanong pa niya sa akin.
"Oo, Rona."
****
Ilang minuto ang nakalipas, naglalakad na kaming dalawa ni Rona sa Hallway ng Capital Palace para pumunta sa Office of the Chairman dahil may pag-uusapan kami ni Tita Diane ngayong araw na ito. Palaisipan parin sa akin kung anong nangyari kanina kagaya ng pagbaba ng tawag ni Ate Richane at basta pinapapunta lang kami ni Tita Diane ngayon sa office niya.
Nang nakarating na kami ay kaagad na kumatok muna sa pinto ng tatlong beses. Kagaya noong Chairman pa si Mama, walang escort ngayon sa labas ng office niya. Noong kay Third Chairman palang ay mayroon itong mga body guards na nakabantay sa labas ng office na ito. Siguro ay kaya na ni Tita na depensahan ang kanyang sarili na walang body guard.
"Bukas daw iyan, Aron." Ito ang sabi ni Rona sa akin kaya binuksan ko nalang ang pinto. Bumungad sa akin si Tita Diane at Lala na magkaharap na nakaupo silang dalawa ngayon. Nandito din si Ate Richane at Mama sa kinaroroonan na ito ngayon. Nakatayo silang dalawa sa likuran ni Tita Diane. Pumasok na kami sa Office of the Chairman at sinarado ni Rona ang pinto.
"Ano mayroon ngayon?" Ito ang tanong ko sa kanilang apat.
"Aron, pasensya na kung naputol ang tawag." Ito ang sabi ni Ate Richane sa akin.
"Okay lang iyon, Ate." Ito naman ang sinabi ko sa kanya at ako'y tumingin kay Tita Diane. "Ano ba mayroon ngayon?"
"Aron, kailangan ko ang tulong ninyo dahil I.T Student ka naman." Wika naman ni Mama kaya tumingin ako sa kanya.
"Soon to be IT Student palang, Mama." Clarification ko sa sinabi niya. "Pero ano po mayroon?"
"May nang-hack sa database ng Agriculture Department noong nakaraang araw." Ito ang diretsong sabi ni Mama sa akin. Nagtaas-kilay nalang ako nang marinig ko ang sinabi niya at naglakihan ang aking mga mata.
"A-ano...?!" Tinaasan ko ng tono ng kaunti dahil narinig ako ng isang salita. 'Na-hack ang database.'
"Yung database ng Agri Dept, na-hack noong last day." Pagkaklaro naman ni Ate Richane.
"Paano po?" Tanong naman ni Rona kila Mama mula sa likod ko.
"Iyan ang hindi namin alam." Sagot naman ni Tita Diane. "Kaya ito ang mission nating lima ngayon."
"Tutulungan tayo ng IT Department ng Capital State para gabayan tayo sa kung ano ang mangyayari." Ani Mama. "Since ito ang challenge natin na hindi pa natin nasusubukan sa buhay natin, kailangan natin na doble-ingat sa mission na ito."
"Ano po pala ang mission?" Tanong pa ni Rona kay Tita Diane.
May binato si Tita Diane sa akin ng isang clear book at ito'y aking sinalo. "Dito nilalaman ang information sa nangyari noong isang araw." Ito ang narinig ko kay Tita Diane habang binuklat ko iyon at isa-isang tignan ang nilalaman ng clear book na hawak ko. Napansin ko naman na nakikibasa din si Rona at Lala sa tabi ko.
"Around in the morning, nangyari ang hack at hindi makagamit ng maayos ang Agriculture Department. Sinubukan ng IT Department ng Capital State, Philippine National Police at National Bureau of Investigation para ma-identify sa taong ito pero napasukan ng virus ang lahat ng departamentong nabanggit ko." Ito ang ani ni Mama habang binabasa namin ang nilalaman ng clear book. Also parehas lang naman ito sa sinabi niya.
"Kailangan natin malaman kung saan nagmula ang hacker." Ito ang narinig ko mula kay Tita Diane. "Kailangan natin makuha ang IP Address, Location, any accounts under the hacker even troll, dummy poser or RP account, personal credentials of the hacker like phone number, email address or username in any platforms kahit sa gaming platform, and finally the credit card or debit card ng hacker."
"Kailangan natin makuha ang component na ginagamit ng hacker sa pagha-hack like computer devices either desktop or laptop, any storage devices kagaya ng Flash Drive, Portable Disk, Floppy Disk kung mayroon man at kahit Software Storage Devices ay kailangan natin makuha sa taong ito." Karagdagang sabi naman ni Mama sa sinabi ni Tita Diane.
"Balita ko na Ceasefire ang Pasig City ngayon kaya dito na tayo masasagawa ng operation sa pagitan ng gobyerno which is tayo at ng hacker." Tita Diane added. "Kailangan din natin malaman kung under ito ng Einheitlichkeit Organization."
"Automatic na iyan, Tita." Ito naman ang kaagad na komento ko habang binigay ko kila Rona at Lala ang Clear book. "As usual, kalaban natin sila at paniguradong under ito ng Einheitlichkeit Organization." Karagdagang wika ko habang lumapit ako kay Tita Diane sa table niya.
"Kailangan natin ng ebidensya na under nga siya ng organisasyong kinakalaban natin ngayon." Ito ang giit ni Tita Diane sa akin at naririnig ko sa pananalita niya na hindi siya sigurado sa sinabi ko. Kampante ako dahil under ito ng Einheitlichkeit Organization dahil halatang-halata naman na giyera sa Pasig at may giyera sa Antipolo noong nakaraan.
"Okay! Anong tools ba ang gagamitin natin para ma-trace natin ang Hacker na iyon?" Tanong ko sa kanya.
"Ang IT Department at ng isang organisasyong binubuo ng mga IT Experts at mga Hacker dito sa Pilipinas ang bahala sa atin kung anong mga tool ang gagamitin natin." Tita Diane.
"May kakilala din akong mga Hacker at makakatulong din sila sa atin, Aron." Ito naman ang narinig ko mula kay Ate Richane habang napalingon ako sa kanya. "Isa pa, may kakilala naman ang high school bestfriend ko ng isang professor mula sa De La Salle University na isa din hacker ang makakatulong sa atin." Karagdagang wika pa nito.
"Mas dadagdagan ko pa ng isang kaklase namin ni Amygee noong Highschool na isa ding Manager ng isang BPO Company na nagtapos din ng BSIT at isa pang Professor ng UST." Ito naman ang sinabi ni Mama. "Mas madami ang kailangan natin dahil hindi ito biro."
"Gagamitin natin ang mga kapangyarihan natin lalo na kay Lala." Ito ang sabi ni Tita Diane. "Mas malakas tayo kaysa sa hacker kaya importante natin gamitin ang Witchcraft ability natin."
"Okay! Saan natin sisimulan ang lahat?" Tanong ko sa kanya.
"Well, saan po nga ba?"
****
Hapon ng araw na ito, nakabalik kami sa Base na kung saan naging base noong War on Rebel in a few months. Buhay parin ang Main Base ng Capital State na ginamit na ng dalawang giyera na nangyayari dito sa lugar na ito.
"Welcome back, baby!" Ito ang sinabi ko habang nakapasok kami sa malaking Command Area ng Base na ito.
"Well, dito tayo magsasagawa ng ating operation sa pag-access at paghanap natin sa hacker na nang-hack sa Agriculture Department." Ito ang sinabi ni Mama. "Sa totoo lang, malabong ma-trace ng hacker ang lugar na ito dahil may nilagay si Theo dito noong siya pa ang namahala bilang Chairman ng Capital State."
"Okay! So, what's going on na?" Tanong ko naman da kanila.
"Sa ngayon, kailangan natin kabitan ng internet connection ang lugar na ito at kailangan din natin dagdagan ang data bank ng base na ito." Ito ang sabi ni Mama.
"Mas magandang ideya kung magbura tayo ng mga files na hindi na mapapakinabangan ngayon." Ito naman ang suggestion ni Tita Diane.
"Ikaw bahala, Diane."
"Pero po, paano natin sisimulan kung hindi ko po alam kung nasaan po ang mga sinasabi ninyo?" Ito naman ang tanong ni Rona kila Mama.
"Simula noong unang dating ko dito, wala akong nakita ng DATA BANK sa lugar na ito." Sabi ko naman. "Nilibot ko ang lugar na ito at wala akong makita."
"Hindi ninyo makikita dahil nasa ilalim ng lupa 'yung data bank na tinutukoy ninyo." Ito ang narinig ko sa boses ni Ate Richane kaya humarap at tumingin ako sa kanya.
"Paano mo naman nasabi?" Sabi ko dahil may pagtataka ang aking isipan. "Paano masasagap ng data sa ilalim ng lupa?" Tanong ko pa sa kanya dahil para sa akin ay imposibleng mangyari iyon. Para sa akin, mahihirapan ng pagkalap ng data kung sa ilalim ng lupa ilalagay ang data bank.
"Hindi mo ba alam na mayroong underground Data Center sa Kansas, Aron James?" Ito naman ang birada ni Ate Richane at para sa akin ay hindi ako naniniwala.
"I think, it is familiar place." Narinig ko naman si Lala kaya lumingon ako sa kanya. "I guess, it is Cavern Technologies."
"You're right, Ellainah." Komento ni Tita Diane.
"Dahil sa underground data center na iyon, dito nagka-idea si Third Chairman at si Tita Yorme na ilagay sa ilalim ng lupa ang mga data bank para mas safe at mas maliit na chance na sirain ang data center." Ani Ate Richane.
"Sandali!" Lumingon ako kay Ate Richane at ako'y nagtanong sa kanya. "Alam mo ba kung nasaan ang data center na sinasabi mo dito?"
"Alam na alam naming tatlo." Sagot naman niya at dinaan nalang niya ako sa ngiti. "Kung gusto mo, sumama ka sa akin para ipakita ko."
"Lahat naman tayo ay pupunta doon, Richane." Sabi naman ni Mama kay Ate Richane at tumingin siya sa akin ng seryoso. "Aron, kailangan mo makita ang Data Center na nasa ilalim ng kinatatayuan natin ngayon. Ngunit dadaan pa tayo sa Lagusnilad underpass."
"A-ano?!" Kamuntik ko na sumigaw dahil sa sinabi ni Mama. "Paano naman tayo dadaan doon?"
"Hindi ka pa nakadaan sa Lagusnilad?!" Ito ang sabi ni Rona sa akin at ako'y tumingin sa kanya para sagutin ko ang tanong niya.
"Hindi pa pero wala akong makita sa TV na may isang daan papunta sa ilalim ng kinaroroonan natin ngayon." Sagot at paliwanag ko naman.
"Saka na namin i-explain sa inyo kapag nakarating na tayo sa madadaan natin." Sabi naman ni Mama at ako'y tumingin sa kanya. "Sa ngayon, ang gagawin natin ngayon ay buhayin muli ang base na ito para sa operasyon na gagawin natin."
"Paano nga ba?" Tanong ko kay Mama.
Tinanggal ni Mama ang eyeglass na suot niya at may sinabi siya ng isang salita. "ICT Student ka, diba?"
Dahil sa sinabi niya, may pumasok sa isipan ko na halos pareho ang nasa isip ni Mama. Gagawin na namin ngayon oras na ito at isusunod na namin ibalik ang data bank na nasa ilalim ng lupa na sinasabi nila. Simple lang naman ang gagawin, buhayin lang naman ang computer at konting test lang sa bawat Computer kung kakayanin pa ng SPECS.
****
Nang nasa kotse kami ni Tita Diane, hindi pa nagsisimulang umandar ang sasakyan dahil may hinihintay si Tita Diane.
Si Ate Richane ngayon ay naiwan sa base dahil para i-assist nila ang mga volunteer from IT Department, mga grupo ng mga IT Experts at iba pa. Ito kasi ang role niya so far at kaming lima ang bahala mula sa internet na gagamitin.
Amin pala kami dahil sa VIP ni Tita Diane.
"Sino ba ang hinihintay mo, Tita?" Tanong ko sa kanya. Ako'y nasa backseat kasama sila Lala, Rona at Ate Richane. Si Tita ang nasa Driver's Seat habang si Mama naman ang nasa tabi ni Tita.
"May isa akong very important person na kailangan sumama papunta sa Data Center ng Capital State." Sagot naman.
"Sino ba kasi tinutukoy mo?" Tanong ko pa sa kanya pero walang sagot si Tita. Tahimik lang ito habang nakatingin sa harapan niya.
"Mga anong oras ba tayo darating sa Lagusnilad?" Tanong naman ni Rona.
"Hintayin natin ang isa pa nating kasama." Sagot naman ni Mama habang napansin ko sa Rare View Mirror na nakatingin ito at parang nakatingin siya kay Rona. "Mga around gabi ay makakarating tayo sa Data Center natin." Karagdagang sabi pa nito.
"Ano ba yan! Ang tagal naman ng kasama mo, Tita." Reklamo ko habang nilagay ko ang mga kamay ko sa batok ko at nakasandal sa kinauupuan ko. "Pa-VIP ang kasama mo."
"Kaya nga VIP. Very-Important-Person. V-I-P. Did you get it, Babe?" Buwelta naman ni Lala.
"Okay! Hintayin na lang siya." Ito naman ang sinabi ko habang binabasa ang kamay ko sa paghawak ng batok ko.
Maya-maya ay dumating na ang taong tinutukoy ni Tita Diane. Kumatok ito sa pinto ng kotse sa pwesto mismo ni Tita at dahan-dahan binuksan ang bintana ng kotseng kinaroroonan namin ngayon. Babae siya, mahaba ang buhok at nakasuot ito ng pang-opisina na damit like black skirt at white blouse na naka-tuck-in.
"Oh! Nandito kana pala. Pumasok kana sa likod." Ito ang sabi ni Tita Diane sa babaeng ito. Pumunta nga siya sa likuran ng kotse at binuksan ang pinto para ito'y tumabi sa akin.
"Sandali! Sino naman itong taong ito?" Tanong ko naman kay Tita Diane.
"Let her introduction herself." Tita Diane answered.
"Kayo po 'yung estudyante ni Madam Diane, 'no?" Tanong ng babaeng iyon sa amin at ako'y lumingon sa kanya.
"Ah... Kami po iyon, Ate." Sagot naman ni Rona.
"Okay! My name is Charlotte Vendavelle, I'm the secretary of Fifth Chairman of the Capital State and currently isa din ako sa hawak ng Agriculture Department." Pagpapakilala ng babaeng ito sa aming tatlo nila Lala at Rona. "Actually, I'm here not just to meet you. I'm here to help with you guys and also part po ako ng mission na ito."
"Did you have a witchcraft powers?" Tanong naman ni Lala kay Charlotte kaya daling sagot kaagad ito sa tanong ng kasintahan ko.
"Yes, I have."
"Main element?" Follow up question ko naman sa kanya.
"Currently, Nature." Ito ang kanyang sagot. "May water element naman ako but mostly ay nature lang ang mayroon ako like Plant Blade." Paliwanag pa ni Charlotte.
"Who's your mentor?" Tanong ko sa kanya pero nag-interrupt naman si Tita Diane sa interview namin sa kanya.
"Okay! Maari na tayong umalis, 'no?" Ito ang sabi ni Tita sa amin kaya lumingon ako sa kanya.
"I-andar mo nalang ang kotse para makaalis tayo." Ito naman ang sinabi ni Mama. "Minsan lang nila makasama si Charlotte sa atin at makausap ng estudyante natin." Karagdagang wika pa ni Mama kay Tita.
"Oo nga, Tita!" Tugon ko naman. "Kasi baka itong taong na ito ay Special Force kagaya namin."
Inakbayan ko si Charlotte habang nakatingin ako sa kanya. "Tama ba ako, Ate Charlotte?"
"Ahmmm..." Biglang namula ang mukha ni Charlotte dahil sa pag-akbay ko sa kanya. "H-hindi... Po a-ako n-naging Special Force k-kagaya ninyo." Paliwanag niya at napapansin ko na nauutal na ito sa pagsasalita. Halos ganito si Rona noong may gusto siya sa akin noong hindi pa kami ni Lala. Ibig sabihin nito ay may gusto siya sa akin?
"Parang may something si Ate Charlotte." Ito ang narinig ko kay Rona habang nanatiling naka-akbay parin ako kay Charlotte.
"B-babe, would you please stop that?" Ito naman ang paki-usap ni Lala at ako'y tumingin sa kanya habang nanatiling naka-akbay kay Charlotte. Napansin ko na naka-simangot ito at napansin ko naka-kamao na ang kamay ni Lala.
"W-why?" Tanong ko sa kanya.
"Just stop embrace her, please?" Pakiusap pa ni Lala kaya binitawan ko nalang si Charlotte at hinawakan ko na lang ang kamay ni Lala.
Tumingin ako kay Charlotte at humingi ako ng patawad. "Sorry..."
"O-okay lang iyon, Aron." Reply naman ni Charlotte.
"Okay! Kailangan na natin pumunta sa Lagusnilad underpass para makapasok tayo sa Data Center ng Capital State." Sabi ni Tita Diane at napa-andar na niya ang kotseng sinasakyan namin. "Mabilis lang ang byahe ngayon." Karagdagang wika pa nito.
"Okay! Let's go." Ito naman sinabi ni Mama at sinimulan na mag-drive si Tita para makaalis na kami papuntang Data Center na tinutukoy nila.
-
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top