Chapter 41
ENGRA'S POV
"Sa ngayon, kailangan ninyo gamutin gamit ang mga equipment na mayroon kayo once na hindi na kaya ng mga Med Unit na hawak ninyo. Kapag hindi ninyo kaya, tawagin ninyo nalang ako para tulungan ko kayo." Ito ang bilin ko sa mga team leader ng Med Unit na kausap ko ngayon. "Maraming Offender at kapwa ninyong Med Unit na sugatan kaya sa utos ng ating Chairman na gamutin ang mga ito at pagpahingahin ninyo muna sila ng isang linggo. Once na hindi na nila talaga kaya, ipa-uwi ninyo nalang sa kani-kanilang mga bahay except sa mga nakatira sa Pasig dahil may shelter na nag-provide para sa kanila." Karagdagang sabi ko pa sa kanila.
"Masusunod po, Ma'am."
"Okay! Kayo na bahala sa iba pang step. Asikasuhin ninyo na ang mga nasa Med Tent."
"Opo!" Tugon pa nilang lahat at siya'y umalis sa harapan ko para gawin ang duty nila as Med Unit. Tumalikod naman ako pagkatapos nilang umalis at tahimik akong naglakad para makapunta sa command area.
Ngunit sumalubong sa akin si Eunice sa dinadaanan ko at dito ko nalang siya sinundan. "Eunice, ano na balita?"
"Nasaan ang ika-tatlong Chairman?" Ito ang tanong niya sa akin after niyang humarap ito sa akin at wala ito sa mood.
"N-nasa Command Area, Eunice." Sagot ko naman. "Alam mo ba na tutulungan nila tayo ngayon?" Tanong ko naman ito sa kanya pero hindi niya ito sinagot. Lumihis itong dumaan sa akin at papunta naman siya ngayon sa Command Area habang lumingon ako sa kanya at sinundan ko siya. "Sandali lang, Eunice-"
"May kailangan ko lang naman malaman..." Ito ang biglang sagot ni Eunice sa akin habang patuloy kami sa kakalakad.
"Anong gusto mo ba malaman?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko, patuloy parin kaming dalawa sa paglakad hanggang sa pumasok na nga kami sa Command Area. Nabungad namin ang Third Chairman na nakaupo sa isang upuan habang nagbabasa ito ng folder na may laman ng mga dokumento. Nakasalamin ito at tahimik lang siya sa pagbabasa.
Lumapit naman ito si Eunice sa kanya at daling binalibag ang folder na bitbit niya sa lamesa infront of Third Chairman. Nagsilakihan ang aking mga mata sa kanya ginawa at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pumasok sa isipan ko na bakit ganito si Eunice ngayon.
Huminto sa pagbabasa si Third Chairman at tumingin siya kay Eunice. "Oh! Nandito kana pala, Eunice." Sabi niya habang nilapag niya ang folder sa lamesa ng maayos.
"Bakit ka nandito?" Tanong ni Eunice sa kanya na parang tinataasan ng boses ito.
"Ang Chairman ang nag-deploy sa akin para tulungan ko kayo." Paliwanag naman ni Third Chairman sa kanya. "I'll have some idea for the possible plan of this war-"
"Ceasefire muna ng dalawang araw." Kaagad na sabi ni Eunice kaya huminto si Third Chairman sa pagsasalita.
"C-cease...fire?!" Ito naman ang pagtataka ko. "W-wait! Paano mo nalaman na mag-ceasefire sila?" Tanong ko pa sa kay Eunice habang umabante ako ng isang beses para lumapit sa kanila dalawa.
"Ang isa doon ay kaklase ko lang din naman na walang ginawa kun'di mang-bully noong Highschool palang kami." Ito naman ang sagot ni Eunice habang lumingon siya sa akin.
"Wow! M-mukhang ikaw ang magta-takeover doon sa taong tinutukoy mo, Eunice." Ito naman ang komento ko sa sagot niya. "Nga pala! Ano pala nangyari doon?" Tanong ko pa kay Eunice dahil gusto ko malaman kung ano nangyari sa mission niya.
"Nahuli niya akong nagtago sa vent dahil may ability siyang makaramdam mg mana which means kaya niyang makaramdam kung may malapit sa kanya ng via mana sensing ability." Paliwanag pa ni Eunice. "Mabuti ay hindi niya ako inatake kun'di riot talaga ang mangyayari." Karagdagang sabi pa niya at lumingon na ito kay Third Chairman.
"Ah... Okay!"
"Ibig mo bang sabihin, alam nilang nag-iisipya ka doon?" Tanong naman ni Third Chairman kay Eunice at tumango na lang siya bilang kanyang sagot.
"Eh bakit hindi mo naman sila i-sabotahe?" Sirit naman ni Eunice kay Third Chairman.
"Ang habol ko lang doon ay alamin ang iba't-ibang lugar doon at kung sino ang nasa likod ng Gang." Eunice answered. "Ano naman ang gagawin ko doon kung isa-sabotahe ko sila?" Karagdagang sabi pa nito na parang tinataasan niya talaga ng boses si Third Chairman.
"May punto ka naman." Komento naman ni Third Chairman.
"Eunice, ano pala nasa folder na dala mo?" Tanong ko naman sa kanya.
"Dokumento lang ito na binigay sa aki ng kaklase kong miyembro ng Gang." Ito ang kanyang sagot at tumingin ulit siya sa akin na parang iba ang mood niya talaga ngayon. "Nandito na daw lahat ng information nila pero noong binasa ko ito ay wala akong nakita ko nabasa kung ano pa ba ang dalawa pang Gang na tinutukoy under Einheitlichkeit Organization." Karagdagang paliwanag pa niya ito.
"Binigay niya sa iyo kahit magkalaban kayo?!"
"Hanggang ngayon, masama parin ang trato niya sa akin kahit hindi ko naman siya inaano noong magkaklase pa kami." Ito naman ang winika ni Eunice at lumingon naman siya ulit kay Third Chairman. "Simula noong una ay parang punching bag at unan kung paano niya ako itrato bilang kaklase niya. Alam din ni Aron ito noon pero natatakot ako noon na baka may mangyari pang masama sa akin noon."
"Okay! Alam kong wala ka sa mood ngayon, k-kailangan mo muna magpahinga sa ngayon at uutusan naman namin ni Engra ang iba pang Offender na magkaroon ng ceasefire agreement ng two days between us and the Krieg Gang." Ito na lang ang narinig ko kay Third Chairman kay Eunice. Alam kong wala sa mood si Eunice pero hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit.
Umalis na lang si Eunice palabas ng Command Area habang ako ay nakatingin sa kanya para panoorin ang paglabas niya sa tent na kinaroroonan ko ngayon. Tanging kami ni Third Chairman ang natira sa kinaroroonan namin ngayon. Hindi parin talaga maiwasan isipin kung ano talaga ang nagyayari kay Eunice ngayon, hindi naman siya ganito kanina at nasa mood pa nga ito pero iba na siya ngayon after ng mission niya.
"Mukhang hindi maganda ang lagay ni Eunice ngayon." Ito ang narinig ko kay Third Chairman. "Paniguradong sa mission ang dahilan kung bakit." Karagdagang pa niyang wika.
Lumingon ako kay Third Chairman at may tanong ako sa kanya. "A-alam ninyo po ba ang nangyari kay Eunice?"
"Sa ngayon iha, wala akong ideya kung bakit siya nagkakaganyan ngayon." Ito naman ang kanyang sagot habang tinanggal niya ang salamin na suot niya at nilapag niya iyon sa lamesa. "Ikaw ba, any idea about her?" Binalik naman ni Third Chairman ang tanong na ito sa akin.
"I don't have any idea, Sir." Ito naman ang sagot ko sa kanyang tanong. "Nakasalubong ko lang po siyang ganoon galing po sa mission niya at hindi niya iyon sinabi kung ano ang dahilan dahil hindi ko naman iyon tinanong." Karagdagang wika ko pa bilang paliwanag ko naman sa kanya kung bakit.
"Okay! That's fine, Engra." Tugon na lang ni Third Chairman. "Since sinabi ni Eunice na magkakaroon ng ceasefire, i-command nalang natin ang lahat ng mga Offender na nasa battlefield ngayon as soon as possible." Karagdagang wika niya bilang dagdag sa magiging plano namin kung paano kami maghanda after ng ceasefire.
"Ano po ang gagawin ko ngayon?"
"Sa ngayon iha, i-assist mo ang mga Offender na babalik dito sa base natin at magsasagawa din ako ng Orientation sa kanila. Pakisabi naman ito kay Eunice after that para aware din siya mamaya."
"Opo!" Tugon ko naman sa kanya sinabi sa akin.
"Okay! Kailangan ko din basahin ang document na iniwan ni Eunice dito at kasama din ito sa Orientation mamaya. Bigay ko na din ito sa iyo para magkaroon ka naman ng idea about our opponent. Basta alam natin na ang isa doon ay kaklase ni Eunice at ang possible plan ko ay one on one sila." Dagdag pa ni Third Chairman habang napaupo na siya sa upuan niya at humarap ito sa akin.
"Magandang ideya po iyon, Sir." Ito naman ang komento ko habang nakatingin ako kay Third Chairman. "Gawin ko na lang muna na mag-assist ako ng mga nag-fallback na Offender dito, Sir." Karagdagang wika ko pa.
"Sige Engra, mag-ingat ka." Ito ang huling tugon ni Third Chairman at ako'y lumabas naman ng tent para gawin ko ang duty na binigay sa akin ni Third Chairman.
Alam kong may ceasefire ng dalawang araw kaya medyo kampante akong magagawa din ng iba pang mga Med Unit na i-recover ng mabilis ang iba pang Offender na sugatan as long as manalo kami dito sa laban na ito. Ngunit may konting pangamba lang dahil may posibleng mangyari na lalong ikalakas ng Gang na kalaban namin ngayon.
-
DIANE'S POV
"Well, I'm here to conduct a briefing today as for the reason of possible plan and action for resolution of the war between us and the Krieg Gang, a gang under the Einheitlichleit Organization." I introduced to them what's going on today habang nakatayo ako sa harapan nilang lahat. "Before we proceed, any clarification or questions?"
"May idea na ba kayo kung sino ang nasa likod ng organisasyong tinutukoy mo?" Tanong ng isang Mayor sa akin habang nagtaas ito ng kanyang kanang kamay.
"Sa ngayon, wala pa kaming idea kaya iyan din ang pag-uusapan natin kung ano din ang action natin diyan on how we reveal them." Ito naman ang aking sagot.
"Okay! Nice idea, Fifth Chairman." Tugon nalang ng mayor na iyon.
"Nga pala! Dalawang gang ang na-reveal natin ngayon kaya may dalawa pang Gang ang natitira kung ano pa ba ang under ng Einheitlichkeit Organization." Ito ang winika ko kaya dito nagsimula ang briefing for this day. "Ang tinutukoy ko palang ay ang Erobern at ang Krieg lamang ang nalaman natin ngayon kaya kailangan pa natin lalong dagdagan ang effort natin para malaman pa natin ang dalawa pang Gang under the Einheitlichleit Organization sa lalong madaling panahon."
"Maari parin ba tayong dumagdag ng nga kapulisan natin to stop the war?" Tanong naman ng isa pang Mayor.
"Sure, why not?"
"Ilang troops po ba?"
"Kailangan natin kausapin ang Philippine National Police kung ilang pulis ba ang kailangan natin." Ito ang aking sagot dahil hindi ko kayang sagutin ang tanong niya. "Next briefing ay sasabihin ko with PNP Chief para matulungan nila tayo and also Armed Forces of the Philippines na din para dumagdag pa ang lakas natin to defend the city." Karagdagang wika ko pa sa kanila.
"Hindi po ba, may mga vigilante at mga iba pang Gang tayo? What if isama din natin sila sa plano natin na dagdagan pa ang forces?" Tanong pa ng isang mayor.
"May mga gang na sumama na din sa atin pero ang iba ay ayaw naman ay hindi sila talaga papayag na samahan nila tayo." I answered while sitting down on my chair. "Karamihan sa mga sinama ay mga kalaban ng Einheitlichkeit Organization at matutulungan natin silang itaguyod ang nais nila sa kani-kanilang barangay."
"Ngayon, ano po pala ang status ng lungsod ko?" Tanong ng Mayor ng Pasig sa akin habang tumayo ito sa kinauupuan niya. "Natatakot parin ako sa kung anong gawin ng Krieg Gang sa lungsod ko." Wika pa niya at nakikita ko sa kanyang mukha ang pangamba.
"Sa ngayon, 'at war' parin ang iba't ibang mga barangay sa Pasig." Sagot ko naman. "Mostly, southern part."
"Maari ba akong makapunta doon para makita ko ang mga Special Force a dineploy mo?"
"Maari naman kayo pumunta sa Base nila anytime."
"Okay! Pagkatapos ng briefing na ito, pupunta ako doon para kamusta ko lang ang lungsod ko."
"Okay! Nice idea." Komento ko naman dahil alam kong nag-aalala talaga ito sa lungsod niya. Mas okay nang dumalo ito kaysa sa hindi dahil duty ng Mayor na i-check ang lungsod niya.
"Sa ngayon, ano pala ang action natin during the war maliban sa hingi ng tulong mula sa Armed Forces?" Tanong ng isa pang Mayor sa akin.
"Maliban pala roon, kailangan ko din pala ng mga Barangay Tanod ninyo para tumulong din sa giyera na ito." Sabi ko pa sa kanila para dagdag idea na rin ito.
"Well, that's fine naman." Komento ng Mayor ng Pasig sa idea ko. "Malaki ang role ng mga Barangay Tanod noong War on Rebel, mas maganda din idea naman ito."
"Same weapon din ba gagamitin nila?" Tanong ng Mayor ng kalapit lungsod. Tinutukoy niya kung Pistol gun parin ba ang gagamitin ng mga Barangay Tanod.
"Pinag-iisipan ko parin pero hindi kagaya ng hawak nilang baston ang gagamitin nila." Ito ang sagot ko sa kanya. "Probably, sniper rifle na pero hindi pa ito final." Karagdagang wika ko pa para malaman pa nila ang posibleng hakbang sa ganitong plano.
"Nice idea naman kung ganoon, Fifth Chairman." Ito ang komento ng isang Mayor na nagtanong kanina kung anong weapon ang gagamitin ng barangay tanod. "As long as may training sila."
"Iyan din ang unang hakbang nila at mga 2-day lang naman ang kaya nating gawin." Ani ko.
"As long as may kasama silang Special Force, magagawa ng barangay tanod ang kanilang role na sinasabi mo." Ito naman ang sabi ng Mayor na iyon.
"So far, iyon lang muna ang mga plano natin to defend the one of the city in our State." Ito na lang ang sinabi ko sa kanila. "Sa ngayon, ibang topic naman ang pag-uusapan natin at ang plano natin i-recover ang iba pang bagay mula sa War on Rebel." Ito nalang ang aking sinabi bilang pagtatapos ng isang topic for this briefing.
Ang dami naming na-discuss at napag-usapan sa iba't ibang resources ng Capital State, at nasama na rin ang nangyari sa Capital Palace kahapon which is na-hack ang internet access ng Agriculture Department. Pinag-usapan naman ang about sa security when it comes sa Information Technology ng bawat City ng Capital State para hindi maiwasang magkaroon pa ng Cyberwar. I.T Security ang weakness ng Capital State, halos lahat naman ay ito ang weakness ng bawat State sa Pilipinas.
Marahil marami na silang ideya kung ano ang plano namin kung paano matapos sa suliranin na ito. Ito ang unang problema ng administrasyon ko kaya hindi ito madali bilang Chairman ng Capital State. Mas mahirap pa ito kaysa noong naging Vice Chairman ako at noong naging Konsehal ako ng Las Piñas. May mga bagay na halos parehas lang noong previous position ko, ngunit differences lang ay mas mahirap ang tungkulin dahil lahos desisyon ko ang nakataya. Kapag may mali ay sa akin ang sisi at nakataya ang buong State, lalo na't nakakaganap ang giyera between us at ng Krieg Gang.
Parati naman ako pinapayuhan ni Madam at Third Chairman. Si Madam ang parating nasa tabi ko noong ako na ang umupo bilang Chairman. Lagi niya sinasabing kasama talaga sa pagiging Chairman ang ganitong sitwasyon, normal na ito sa Chairman position dahil Mage Country or Witchcraft Country ang Pilipinas kaya tanging itong bansa lang ang mayroon ganitong problema sa loob ng bansa, the rest ay wala.
****
Kinagabihan, umuwi na ako sa bahay. Pagpasok palang ay normal na araw lang, mag-isa lang sa bahay. Si Engralinda ngayon ay nakatira kila Eunice habang si Jelailah ngayon na tumatayong kapatid ko ay nakatira kila Madam.
"Hayyyyyz! Panibagong araw na naman."
Binuksan ko ang T.V at ang Playstation 1 ko para maglaro kahit sandali. Dito nalang ako bumabawi bilang Chairman ng Capital State o kahit noong naging Vice Chairman pa ako.
Gamit ang aking Playstation 1 console na halos dalawang dekada tanda, tahimik lang akong naglaro ng paborito kong laro bago pa ako naging Special Force. Dahan-dahan akong ngumiti habang naglalaro at parang bumalik ako sa pagkabata. Ito lang ang libangan ko noon pa man hanggang ngayon. Mas pipiliin kong mamuhay kasama ang Playstation 1 ko kaysa sa kung anong bagay na panglibangan.
"AY T*NGA!" Sigaw ko dahil sa kabobohan kong kamalian sa laro ngunit nakangiti parin ako. Kahit suot ko parin ang Chairman's Coat, GO parin ako sa kung ano ang nais ko at walang iba kun'di maglaro lang ng Playstation 1.
Ilang segundo lang, biglang nag-ring ang phone ko kaya pinindot ko ang START button para mag-pause ang laro ko at kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng Chairman's coat na suot. Sinagot ko ng tawag at ni-loudspeaker ko habang nilapag ko sa tabi ko.
"Hello?"
"Si Theodore ito, Diane." Ito ang narinig ko sa cellphone ko habang nagpatuloy ako sa kakalaro ng Playstation 1 ko.
"Oh! Sir, ano po balita?"
"Nanghihingi ng ceasefire ang Krieg Gang ngayon sabi ni Eunice."
"Oh! bakit naman, Sir? At sino naman nagsabi?"
"May sinabi si Eunice na isang kaklase niya ang naging miyembro ng Gang." Ito ang paliwanag ni Third Chairman habang patuloy lang ako sa paglalaro ng Playstation at nakakinig sa kanya.
"Ano naman po kwento niya sa mission na binigay ko sa kanya, Sir?" Tanong ko sa kanya at patuloy lang kami sa pag-uusap habang ako ah naglalaro lang ng Playstation 1 sa harapan ko at nakaupo sa sofa.
"Nahuli daw siya ng taong tinutukoy ni Eunice pero hindi naman ito naglaban."
"Ano naman po gusto niyang mangyari, Sir?"
"Hindi ko tinanong kay Eunice kung ano dahil lumapit siya sa akin na wala sa mood."
"Okay... Wala siya sa mood, uh?"
"Ngunit may bitbit siyang folder papunta dito at binasa ko ngayon."
"Saan po galing? Sa mismo pong base ng Krieg Gang?"
"Bigay ng kaklase ni Eunice, sa base nila mismo, Yes."
"Okay! Ano pong nilalaman, Sir?"
"According dito... W-walang nakalagay kung sino talaga ang founder ng Einheitlichkeit Organization. Nakalagay lang dito ang mga pangalan ng mga miyembro including na ang kaklase ni Eunice dito na si Benjamin Nolan Paras o mas kilala sa alias niyang 'Buknoy' at itong tao na ito ay Head ng Krieg Gang."
Nang malaman ko na iyon, pindot kaagad ng START button para i-pause muna ang laro. "Okay! Paki-scan at pa-send iyan sa akin via PDF at ako na bahala diyan, Sir."
"Okay! Got it, Diane."
"Kayo na po bahala sa plano ninyo basta ang maari kong i-suggest sa inyo diyan ay mag-execute na kayo one day after the ceasefire."
"Okay! Copy!" Ito ang huling sagot ni Third Chairman at binaba na niya ang tawag.
Nilapag ko muna ang Playstation console ko sa tabi at kinuha ko naman ang phone ko. Gumawa ako ng message kay Madam thru chat sa Messenger para sabihin ang update na nangyayari sa Pasig ngayon.
'Madam, may ideya na tayo kung sino naman ang nasa likod ng Krieg Gang.'
'Mamaya, i-send ko sa'yo ang PDF format ng document. Gusto ko lang ipakita sa iyo ang nilalaman para malaman natin ang mga tao na member ng gang na iyon.'
Pagkatapos ay nilapag ko ulit ang phone ko sa tabi at kinuha ko ang Playstation 1 console. "Let's play..."
-
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top