Chapter 38
DIANE'S POV
Naglalakad lang ako sa Hallway para makabalik ako sa Opisina ko, pero parang natataranta ang mga taong nakasalubong ko. Parang may problema dito sa Capital Palace noong wala ako dito sa kinaroroonan ko at parang sa isang department ang may problema.
Habang naglalakad ako, biglang nag-ring ang phone ko mula sa bulsa ko kaya kinuha ko iyon para sagutin ang tawag na iyon. "Hello?"
"Diane, nasaan ka ngayon?" Si Madam lang naman.
"N-nasa Hallway sa Six Floor?"
"Nasa Fourth Floor kami at alam mo ba ang problema ngayon sa Agriculture Department?"
Dahil sa sinabi ni Madam ay tumahimik nalang ako habang naririnig ko siya sa phone ko, pumasok sa isipan ko na may something na nangyayari doon. Hindi ko alam kung ano ang problema na iyon at hindi ko nararamdaman kung ano.
"Alam mo bang na-hack ang system nila?" Ito ang karagdagang sabi ni Madam at huminto ako sa paglalakad na parang statue nalang sa sobrang tahimik ko nang marinig niya ang sabi niya sa phone ko.
"Diane, bakit hindi ka makapagsalita?"
"P-paanong... N-nangyari..."
"Basta na-hack at wala na akong makitang documents na nasa computer nila ngayon. Nasaan ba ka nang mangyari ito? Kila Theodore, diba?"
"Sandali lang..." Binaba ko ang phone ko at daling tumakbo ako para pumunta ng Fourth Floor.
****
"Sandali! Hindi ninyo alam kung saan nanggaling?!" Ito ang aking sinabi sa mga empleyado ng Agriculture Department dahil wala silang alam kung paanong na-hack ang system nila.
Nasa loob ako ng Agriculture Department ngayong oras na ito. Tanging mga empleyado ng department na ito, si Richane, Si Madam, mga security guard na nakaabang sa nakasaradong pinto at ako lang ang nasa kinaroroonan namin ngayon at dahil ako ang kasalukuyang chairman ay gusto ko silang kausapin bakit ganito.
"Basta lang na-hack, ganun? Tama ba ako?"
"Kahit anong tanong mo sa kanila Diane, wala silang alam dahil inosente sila." Ito naman ang sabi ni Madam sa akin. "Sa palagay ko, under ng Einheitlichkeit Organization ang nasa likod ng pag-hack sa system nila." Karagdagang sabi pa ni Madam.
"Hindi naman mangyayari ang hack ng system ng Agriculture Department kung wala namang nangyayaring giyera between us at ng organisasyon na iyon." Wika naman ni Richane sa aming dalawa ni Madam. "Maaring Einheitlichkeit Organization nga ang nasa likod ng pag-hack sa system ng Agriculture Department pero hindi ko parin masasabing sila talaga dahil wala tayong matibay na ebidensya laban sa kanila." Karagdagang wika pa ni Richane.
"Okay! Ganito nalang, asikasuhin ninyo yung mga offline works kung meron man at kung tapos na o wala man kayong offline works o paper works na hindi kailangan ng internet o computer ay umuwi nalang muna kayo." Ito nalang ang aking sinabi sa mga empleyado ko.
"Opo..." Tugon naman nilang lahat sa sinabi ko dahil wala na akong magagawa so far kundi mag-offline works muna silang lahat. Bumalik sila sa kani-kanilang upuan para gawin ang duty nila ngayon na walang internet o kahit computer lang.
"Mag-usap muna tayo sa Hall mamaya, Madam." Ito naman ang sinabi ko sa kanya.
"Ano naman pag-uusapan natin, Diane?" Tanong naman ni Madam sa akin at napansin kong nakataas ang isang kilay niya.
"About dito dahil may napapansin na akong iba dito sa Capital Palace."
"Okay! Around early evening na tayo mag-usap dahil may kailangan akong asikasuhin sa Special Force Center." Ito naman ang sinabi ni Madam sa akin.
"Sige po, Madam." Tugon ko naman sa kanyang sinabi. Naglakad si Madam palapit sa pinto at binuksan ng mga escort ko ang pinto, lumabas na ito si Madam sa kinaroroonan namin para umalis ito papuntang Special Force Center as her duty bilang Chief ng Special Force.
Humarap naman ako kay Richane at utos ko sa kanya "Ikaw naman, paki-imbestiga nalang kasama ng IT Department tungkol dito kung saang location yung hacker kung kakayanin ninyo."
"Try ko lang gawin sa kanila iyon muna." Ito naman ang reply ni Richane sa akin. "If not, kukuha kami ng isang sample ng computer dito at i-che-check namin ang bawat SPECS ng Computer na gagamitin namin at susubukan namin maghanap ng evidence about doon."
"Magandang ideya." Ito naman ang komento ko sa kanya. "Balitaan mo nalang ako sa update even hindi ninyo na magawa ng paraan dahil mahirap-hirap ang pag-imbestiga sa hacker."
"Sige po, Tita." Ito ang huling sinabi ni Richane at sumunod naman itong umalis sa kinaroroonan ko ngayon para gawin niya ang duty niya as Scout Agent.
Lumapit ang mga Escort o mga Body guards ko at tanong ng isa sa akin "Saan po tayo, Ika-limang Chairman?"
"Bumalik muna kayo sa Office of the Chairman." Ito nalang ang utos ko sa kanila. "Kaya ko na ang sarili ko dahil may pupuntahan naman ulit akong importanteng tao."
"Okay po, masusunod po Ika-limang Chairman." Ito naman ang sinabi niya at sila'y lumabas sa kinaroroonan ko para umakyat sa Office ko.
Nang ako ang tanging nakatayo sa kinaroroonan ko. Kinuha ko ang Phone ko galing sa bulsa ng puting coat na suot ko ngayon para may matawagan na naman akong importanteng tao. Habang nag-ring ang phone ko, napapaisip ako na kung siya ba o yung anak niya ang kakailanganin ko sa pabor ko dahil kailangan ko talaga ng tulong ngayon para malaman kung paano matapos ang issue na ito.
"Hello...?" Ito ang narinig ko sa phone ko. Isang boses babae na medyo matanda lang naman.
"Kailangan ko ang tulong mo ngayon."
"Para saan naman? Saka na pag nakarating na ako diyan sa April-"
"I need you or your daughter for this case."
"For what, Diane?"
"Saka ko na sasabihin kung makakapunta na kayo dito before March."
"Sandali! Alam kong dahil sag giyera na nangyayari sa Pasig ngayon at kami naman ay nagkakaproblema sa paparating bagyo ngayon ma magla-landfall sa Samar bukas daw-"
"Tutulungan kita diyan pero kailangan ko ang tulong mo."
"Para saan nga, Diane? Papuntahin ko nalang ang anak ko diyan mamaya ay susunod naman ako sa March." Ito ang narinig ko mula sa phone ko. "Ano ba gagawin ko dito?"
"Paparating ko lang ang mga Wind user ng Capital State at Mainland Luzon para matapos na problema mo diyan."
"Okay! Sabihin ko ito sa anak ko na papupuntahin kita diyan." Ito ang huling sabi niya mula sa Phone ko at binaba niya a ng tawag.
Binulsa ko ulit ang phone ko sa bulsa ng coat na suot ko habang ako'y napapikit nalang.
Konti nalang, tapos na ito.
-
ENGRA'S POV
"As soon as possible, paki-tulungan si Eunice ngayon dahil medyo risky daw ang mission niya." Utos ko sa limang Offender na nasa harapan ko. Sa mga oras na ito, mission na ni Eunice ngayon at kailangang may back-up siya dahil umalis lang ito na walang back-up o kasamang Offender unit.
"Opo, Maam." Tugon naman nila at siya'y umalis sa harapan ko para puntahan nila si Eunice, sinabi ko sa kanila kung saan siya pupunta at kung ano ang mission niya bilang assistant nalang nila sa kanya.
Ngayon, tanging ako nalang ang natitira doon sa kinaroroonan ko ngayon, nasa Storage room ako ngayon at tanging mga karton lang ang kasama ko ngayon sa kinaroroonan ko. Nagbabasa lang ng documents habang nakasandal sa isang poste ng tent ma kinaroroonan ko.
According sa document, apat na gang ang under sa Einheitlichkeit Organization. They are Erobern, Krieg, Ausgehungert at Ableben. Pinag-aaralan ko muna ang Krieg gang dahil ito ang kalaban namin ngayon. Ayon din sa binabasa ko, apat na malalaking pangalan ang nasa itaas or yung pinaka-namumuno sa gang na ito which is ang isa ay si Dodong. Nakakatawa pangalan ang langhiya.
While I'm reading the documents, may pumasok na isang babae na Offender at tinawag niya ako. "Miss Engra?"
"Ano po 'yon?" Lingon ko sa kanya.
"Hinahanap po kayo ng ika-tatlong Chairman." Ito ang narinig ko sa kanya at biglang naguluhan ako sa kanyang sinabi.
"H-huh..?!"
"Si ika-tatlong Chairman po, hinahanap po kayo." Sabi pa niya sa akin at nilapag ko nalang ang documents sa ibabaw ng karton malapit sa side ko.
Lumapit ako sa kanya at tanong kong "N-nandito si Third Chairman?"
"Opo, Miss Engra." Sagot niya sa aking tanong at may ngiti pa ito habang nagsasalita. "Hinahanap po kayo ngayon dahil may pag-uusapan daw po kayo kasama si Madam Amygee."
Dahil sa sinabi niya, tumingin nalang ako sa lupa para mag-isip kung bakit nandito ang ika-tatlong Chairman ng Capital State. Walang sinabi si Fifth Chairman about dito at maski din kay Eunice ay wala ito sinabi na darating ito sa lugar na ito.
Umiling ang mata ko sa kanya para tumingin ako ng diretso sa babaeng nasa harapan ko at sabi kong "Susunod ako. Saan ba siya?"
"Nasa command tent po sila ngayon." Sagot naman niya.
"Sige! Susunod ako. Pakisabi na may gagawin lang ako na kaunti dito."
"Masusunod po, Miss Engra." Ito ang huling sabi niya at umalis na ito sa harapan ko para pumunta siya kila Third Chairman.
Tumalikod naman ako sa pintuan ng tent at pumikit nalang ang aking mga mata para mag-isip. First time ko naman kasi makita ang dating Chairman ng State na kinatatayuan ko ngayon at wala akong ideya sa taong iyon. Alam ko lang Chairman siya pero wala akong alam sa background niya before siya maging Chairman ng Capital State.
Balaha na!
Dumilat ang mga mata ko at daling kinuha ko ang documents na binasa ko kanina as my kodigo at ako'y lumabas ng tent. Naglalakad ako ng diretso habang maraming offender at medical unit ang nakasalubong ko sa daan. Ang iba ay sugatan habang ang iba naman ay naghahanda sa kani-kanilang mission. Alam ko yan dahil karamihan sa kanila ay inutusan ko at dineploy ko.
Ilang segundo na nakalipas, nakarating na ako sa isa pang tent at nandoon ang isang Offender na kinausap ko kanina sa Storage Room.
"Nasaan na ba siya?" Tanong ko sa kanya.
"Kausap niya po si Madam Amygee ngayon." Sagot naman niya sa akin. "Tawagin ko lang po sila."
"Sige."
Pumasok ang offender na iyon sa tent na nasa harapan ko ngayon para tawagan niya sila Third Chairman. Hinihintay ko sila para makilala ko ang Third Chairman ng Capital State.
Nang lumabas na silang dalawa, ibang Third Chairman ang nakita ko. Hindi na ito nagsusuot ng eyeglass at blue T-shirt na ang suot nito instead na naka-eyeglass at naka-polo na black.
"Ikaw pala si Engralinda. Magandang umaga sa iyo." Pagbati niya sa akin at balak niyang makipag-kamay ito kaya't nag-shakehands kaming dalawa and pagkatapos kami naman ng asawa niya na si Maam Amygee.
"Magandang umaga din po sa inyo, Third Chairman at Maam Amygee." Pagbati ko naman sa kanilang dalawa. "Bakit po kayo naparito?"
"Wala siguro sinabi si Diane sa iyo na magiging parte din kami ng pagma-manage sa giyera na ito." Ani Maam Amygee. "Nga pala, ako pala si Amygee Cayetano-Savel, ang dati-"
"Kilala ko na po kayong dalawa." Daling sabi ko kaagad kaya huminto siya sa pagsasalita. "Nga pala, any update na sinabi ni Fifth Chairman sa inyo?"
"Sa ngayon, pina-deploy lang kaming dalawa at darating si Cheska Landez." Ani Third Chairman. "Kilala mo naman siguro ang mga kapatid ni Second Chairman, noh?"
"Okay! Kasama din natin siya sa magiging in-charge ng action na giyera na ito." Ito naman ang aking sinabi. "Nga po pala, ito po ang information ng Einheitlichkeit Organization." Karagdagang sabi ko pa at binigyan ko ang documents na hawak ko kay Third Chairman.
"Okay! Maraming salamat dito." Tinanggap naman ni Third Chairman ang documents na binigay ko sa kanya. "Nga pala, si Eunice?"
"Si Eunice ngayon ay nasa mission po sa Pasig dahil inutusan po siya ni Fifth Chairman which is mag-spy lang siya about sa base ng kalaban natin. Kahapon, siya po mag-manage dito dahil may mission din po ako kahapon."
"Okay! Nice idea." Komento naman ni Third Chairman. "May magandang mission tuloy ako para sa iyo." Ito naman ang sinabi kay Maam Amygee.
"Pagpahingahin mo nga muna ako ng dalawang oras bago muna ako i-deploy kaagad, Theo." Sabi naman ni Ma'am Amygee kay Third Chairman. "Pero tutulungan ka namin ngayon sa abot ng makakaya namin." Ito naman ang sinabi niya sa akin.
"Nga pala, mamayang early afternoon ay masasagawa ako ng kahit kakaunting orientation sa lahat ng nandito ngayon to make better na din lalo na't hometown ko ang nakasalalay sa giyera na ito." Third Chairman.
"Ah sige po." Tugon ko naman sa kanyang sinabi.
"Ako na bahala dito sa command area to manage this tent habang kayo naman bahala sa iba." Ito ang huling sabi pa ni Third Chairman at pumasok na ito sa tent na nasa harapan ko kaya iniwan niya kaming dalawa ni Maam Amygee sa labas ng tent.
"Masusunod po." Ito naman ang tugon ko sa kanya as my acknowledgement habang nakatingin kaming dalawa ni Maam Amygee sa loob ng tent.
Pagkatapos iyon, tumingin kaming dalawa ni Maam Amygee sa isa't isa para mag-usap muna.
"Senior Rookie?" Tanong niya sa akin.
"O-opo, Maam."
"Well, nice to hear that. Ginalingan mo pa siguro lalo after ng medal of honor after war on rebel."
"Nasaan ka po pala kayo at that time?" Tanong ko sa kanya. "Special Force ka parin, hindi po ba?"
"At that time, Ambassador siya ng Philippine Embassy in Italy." Sagot naman ni Maam Amygee. "Kasama niya ako at that time at noong pumutok ang balita na may war on rebel ay nasarado lahat ng airport na papuntang Pilipinas kaya hindi kami makausad dito." Karagdagang niyang sagot.
"Eh kayo po?"
"Hall of Famer na noong nanalong Chairman si Ekang noong pangalawang takbo niya." Paliwanag niya kung bakit.
"S-sinong si Ekang?"
"Si Fourth Chairman lang naman."
"Eh bakit po tawag mo sa kanya na Ekang?"
"Classmate ko siya noong Highschool at College at bestfriend ko siya bago pumasok si Akane."
"Ahhh..."
"Kaya close parin kaming dalawa ni Ekang hanggang ngayon kahit hindi niya alam ay nandito ako."
"Nga po pala! Ano pala buhay ni Third Chairman bago siya maging Chairman ng Capital State?" Tanong ko sa kanya at tumahimik siya ng kaunti. Alam kong hindi niya masasagot ang tanong ko pero sinabi ko nalang "Kung medyo may pagka-dark ang buhay niya, okay nalang po kung wag n'yo nalang i-kwento."
"Scout Agent siya before while Offender naman ako." Ito ang kanyang sabi para simulan ang kwento ng buhay nilang dalawa lalo na kay Third Chairman. "Si Theo nalang ang natitirang member ng First Scout Agent na buhay dahil lahat ng member na iyon ay nasa kabilang buhay na. Halos parehas lang sila ni Ekang pero mas nauna kay Theo kaysa sa Ekang. Yung isa doon ay mahal na mahal niya which is si Carolayne."
"B-bakit naman?"
"First wife niya iyon."
"Ah... Kaya pala."
"At saka may anak silang dalawa pero hindi kinikilala ng anak yung tatay dahil sa nangyari sa nanay niya."
"Like what?"
"Yung... Paano siya namatay tapos hindi niya iyon natulungan."
"Eh ano ba nangyari sa kanya?"
"Mysterious pa ang nangyari sa kanya pero namatay lang siya kasama ni Nics sa kamay ni Akane noong Atheist Host."
"S-sino naman si Nics?"
"Si Boulevard lang naman."
"Boulevard...?"
"Sige, isipin mo?"
"Ellenardo Buenacarpio?!"
"Not so close."
"Sino po ba?"
"Harmonica Cromwell."
"Cromwell ba or Cromswell?"
"According kasi sa birth certificate niya, CROMWELL pero yung nakalagay sa document ng Special Force ay CROMSWELL kaya instead Harmonica Cromwell Boulevard, Harmonica CROMSWELL Boulevard ang pangalan ng kalsada sa Mandaluyong."
"Kaya po pala."
"Okay! Hindi naman si Nics ang topic kaya move on."
"Pero ano po ba nangyari after namatay silang dalawa?"
"Sa totoo lang, gusto niyang mag-suicide basta makita niya ang kanyang mahal niya which is si Carolayne."
"Ikaw po ba, anong nangyari sa inyo at that time?"
"Kung si Erika ay may Akane, ako naman ay may Carolayne which is bestfriend ko din. Parang kapatid ko na din siya maituturing pero wala na akong magagawa kung ganito talaga ang tadhana kaya ayun! Kawawa kaming dalawa ni Theo."
"Eh paano naman kayo nagkatuluyan?"
"Pumasok si Carolayne sa panaginip ko at may bilin siya sa akin."
"Ano naman iyon?"
"Ako na mag-takeover sa kanya."
"Teka Maam, sinunod mo ba ang-" biglang huminto ako sa pagsasalita noong nag-interrupt niya ako.
"To be honest, may gusto ako kay Theo noong hindi pa sila nagkatuluyan ni Carolayne. Ngunit, hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin noon at may gusto siya kay Carolayne." Kwento pa ni Maam Amygee.
"Parang same kay Rona." Sabi ko naman.
"Anong ibig mong sabihin?"
"M-may gusto siya kay Aron pero si Aron ay may gusto kay Lala." Paliwanag ko kung bakit nag-compare ako ng sa kanya kila Aron.
"P-parang ganun na nga!" Tugon naman niya. "Nang malaman ko na ikakasal na sila, umiyak nalang ako sa bahay ng buong maghapon at hinahanap pa ako ni Ekang, Akane at Akihiro noong panahon na iyon." Karagdagang niyang kwento habang nakikita kong parang tumatawa siya.
"Ano naman reaction nilang dalawa?"
"Sabi lang ni Akihiro, may ibang lalaki pa naman diyan maliban kay Theo. Si Ekang at Akane naman ay naghanap pa ng foreigner noong panahon na iyon basta maka-move on lang sa kanya pero wala parin dahil si Theo ang nilalaman ng puso ko noon hanggang sa nawala dahil mas natuklasan ko pang mas mabuti pang maghanap ng kaibigan kaysa sa ka-ibigan at doon na ako nagkaroon ng maraming kaibigan maliban pa kila Ekang, Akane, Akihiro, Simoune at sino pa man."
"Pero noong namatay si Maam Carolayne at pumasok siya sa panaginip mo, ano nangyari?"
Tumahimik muna si Maam Amygee ng ilang segundo at sagot niyang "Alam niyang mahal ko pa si Theodore kahit ang nasa piling niya ay si Carolayne."
"Tapos..?"
"Sinubukan ko ulit na akala ko bigo na naman ulit hanggang sa niligtas ko siya sa peligro noong mission niya. Doon na niya nasabing mahal niya ako na iniisip ko lang ay kasinungalingan lang at alam ko noon na naghahanap siya ng sandigan para maka-move on kay Carolayne pero hindi ko inakala na magkakaroon pa kami ng anak which is Engineer na ngayon sa Milan habang ang isa ay nag-aaral bilang doctor sa Venice." Kwento niya.
"Ang galing naman!" I commented. "Akala ko nga bad ending ang nangyari sa inyo."
"Pinangalanan ko abg isang anak ko ng 'Caroline Nicole' para maalala ni Theo na buhay pa si Carolayne at ayun! One big happy family na kami."
"Eh yung nangyari sa mga anak niya kay Maam Carolayne?"
"Sinusutento namin patago at tinanggap naman kaagad ng mga anak namin, especially si Caroline."
Ngumiti nalang ako sa kanya dahil hindi ko aakalaing ganito pala ang kwento nilang tatlo.
"Nga pala! Gusto ko makita ang med tent ninyo, pwede mo ba ako samahan?"
"Ay! Opo, Maam." Tugon ko naman at nagsimula na kaming maglakad papunta med tent.
Habang kaming naglalakad, nasa tabi niya ako at tinitignan ko lang siya. Ngumingiti nalang ako dahil parang chill na siya after maraming struggles na dumating sa kanya. Dahil sa kwento niya, nalaman ko din ang background nilang dalawa kahit papaano.
Ngayon, siya naman ang inspiration ko even she's an Offender Special Force.
-
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top