Chapter 37

DIANE'S POV

Kinabukasan...
Capital Palace, Manila
7:15 am

"The war is still in process, Madam Chairman." Ito ang sabi ng isang Offender na nagmula sa Pasig. Nakaharap ito sa akin at may bitbit itong baggage. "What is your command?"

"Nandoon naman si Eunice." Ito nalang ang aking sagot sa kanya. Nakaupo ako sa Chairman's Chair at "Sa ngayon, ang gagawin mo lang ay sundin ang utos nila since Sidesweeper sila." Ito naman ang bilin ko sa kanya.

"Masusunod po, Madam Chairman." Ito naman ang kanyang tugon at ito'y tumalikod sa akin para simulan niyang maglakad palabas ng room at makabalik sa warzone na nangyayari ngayon.

Nang ako ngayon ang mag-isa sa kinaroroonan ko, tumayo ako mula sa upuan at lumapit sa bintana na dahan-dahan. Nakadungaw ako sa labas ng Capital Palace at nakikita kong peaceful ang lugar, walang masyadong ayaw o something na napapansin ko ngayon at halos mga tunog ng ibon nalang ang naririnig ko dahil kakaunti lang ang mga tao na nandoon.

Maya-maya, kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa at ginamit ko iyon para tawagan ang isang taong nais kong idagdag sa pagwalis ng salot sa lipunan na nangyayari ngayon. Nagsimulang mag-ring ang phone ko para kontakin ang tao na iyon at pumindot pa ako ng isa pa para mag-loudspeaker. Hinihintay ko iyon na sagutin niya ang tawag habang nakatingin parin ako sa labas ng bintana.

"Hello Diane...?" Ito ang bungad sa phone call naming dalawa.

"Hello Sir." Tugon ko naman at nagsimula na namin ang conversation naming dalawa ng taong iyon.

"Bakit mo pala dineploy sila Eunice, Diane? I thought, sila Jadren o sila Regine ang dineploy mo."

"Don't worry about it, may tiwala ako sa tao na iyon. Well Sir, I need you for my favor as Fifth Chairman of Capital State."

"What favor?" Ito ang tanong niya at napatahimik nalang ako dahil baka hindi siya papayag sa gusto ko para sa kanya. "Ano bang meron? Nandiyan naman ang Madam Erika mo, uh?"

Pumikit ang aking nga mata at sinabing "I need you as my solution."

"And what is it?" Tanong pa niya sa akin at dito na namulat ang aking mga mata.

"Saka ko na sasabihin iyan kapag nandiyan na ako sa inyo."

****

White Plains, Quezon City.
9:59 am.


"Magandang umaga, Ika-limang Chairman." Pagbati ng isang security guard sa akin habang sinara niya ang gate dahil nakapasok ako sa isang mansyon.

"Magandang umaga sa iyo." Bati ko naman sa kanya at tumungo. "Nasaan pala siya?"

"Nasa sala po siya ngayon at naghihintay ka niya po." Sagot niya.

"Salamat." Sabi ko at nagsimulang maglakad palayo sa kanya at palapit sa pinto ng mansion na kinaroroonan ko ngayon ng tahimik.

Suot ko ang Chairman's coat as my duty which is the Chairman of the state. Walang kaba ang aking nararamdaman o kahit nerbiyos lang dahil sa taong kakausapin ko ngayon.

Nang ako'y nasa pinto, kakatok sana ako pero biglang may bumukas sa pinto. "Hello, Diane!" Pagbati ng tao na iyon na may kasamang ngiti at pamilyar na pamilyar siya sa akin.

Si Ate Amygee, bestfriend ni Madam noong highschool.

"Hello po, Ate Amygee." Pagbati ko naman sa kanya.

"Tara! Pasok ka." Anyaya niya at sinunod ko naman iyon na pumasok ako sa loob ng mansion nila. Sinarado naman niya ang pinto pagkatapos akong pumasok at nagpatuloy sa pag-uusap naming dalawa ni Ate Amygee.

"Kamusta kana, Diane?"

"Maayos naman po ako ngayon, Ate."

"All about sa pabor ba iyan namin, noh?" Tanong niya sa akin. "Balita ko sa kanya, involved din ako diyan."

"Opo, Ate Amygee." Sagot ko naman sa tanong niya which is kasama siya sa solution ng mangyayari sa Pasig to end the war. "I need you too for my favor since I don't have idea of what I do right now."

"Okay! Ganun talaga ang buhay kapag Chairman ka." Ito ang kaagad niyang sabi habang napansin ko sa mukha niya na nararamdaman niya ang paghihirap ko ngayon. "Minsan, may struggles tayo sa buhay na hindi natin inaasahan pero ganun talaga ang buhay dahil kasama iyon sa tadhana natin iyon."

"Alam ko po iyon, Ate Amygee."

"Kagaya ng Master mo at ng Madam Erika mo noong dalaga at binata pa sila na sa una ay naghiwalay silang dalawa dahil ayaw ni Erika si Akihiro at that time, pero itinadhana parin iyon dahil gusto ng isang tao. Same like Jelailah na akala niya end na pero siya mismo nagtapos kasi alam niyang magagawa ang lahat ng nasa kanya at itinadhana rin niya iyon. Also sa estudyante mo na si Aron noong war on rebel last year and like his father, ginusto niyang tapusin ang-"

"Okay! Nasaan ba siya ngayon?" Tanong niya bilang interruption ko at huminto si Ate Amygee sa pagsasalita. "Hindi magsisimula ang conversation without him."

"Okay! Tatawagin ko nalang siya para nakababa dito dahil nasa kwarto siya ngayon." Sabi naman ni Ate Amygee. "Upo ka nalang sa sofa."

"Opo." Tugon ko naman at umalis na si Ate Amygee para umakyat sa isa sa mga kwarto ng mansion na ito. Pumunta naman ako sa sofa at ako'y napaupo nalang doon habang hinihintay ko nalang sila kaya ako lang ang tao sa kinaroroonan ko ngayon.

Biglang tumunog ang phone ko na nasa bulsa ng Chairman's coat na suot ko. Kinuha ko ang phone ko mula doon at sinagot ko ang tawag habang wala pa sila dito sa kinaroroonan ko.

"Hello?"

"Tita! Nasaan ka ngayon?!" Si Richane lang naman.

"Bakit naman, Richane? Nasa bahay ako ng Ninang Amygee mo ngayon."

"We have a bad news po, Tita."

"A-anong bad news?!"

"..." Hindi ito sumagot si Richane sa akin. Napapaisip ako kung bakit parang natataranta si Richane ngayon at nahalata iyon sa tone of voice niya.

"Richane..?"

"..." Wala parin response si Richane sa tanong ko at naririnig ko lang ang maingay na background sa kinaroroonan niya ngayon.

"Richane, nasaan ka ba ngayon? Ano ba nangyayari diyan?" Tanong ko sa kanya na hindi ko pa nalalaman.

"..." Tanging maging na background lang ang naririnig ko na halos napa-panic ang mga tao ngayon doon sa kinaroroonan niya. Maya-maya ay biglang binaba ang tawag bilang pagtatapos ng conversation naming dalawa ni Richane.

Kaagad na gumawa ng message thru text para malaman ko kung ano ang nangyayari doon. Isang tanong lang naman ang nilagay ko doon kung 'ANONG NANGYARI DIYAN?' lang.

Nang sinend ko iyon ay dumating na sila Amygee kasama ang lalaking kinausap ko kanina.

"Oh Diane! Naparito ka pala." Wika ng lalaking iyon at napatingin ako sa kanya. Naglalakad ito kasama si Amygee palapit sa akin at huminto sa tabi ng sofa na kinauupuan ko.

Tumayo ako at sabi ko naman "Magandang umaga sa iyo, Sir."

"Magandang umaga din, Diane." Pagbati naman niya sa akin at may kasamang ngiti.

"Theodore, alam mo na kung ano ang pag-uusapan natin." Sabi ni Amygee sa kanya.

"Since ikaw ang Third Chairman, may nais lang akong gawin para sa iyo po." Sabi ko sa kanya bilang

Yeap! That's Theodore Savel, the Third Chairman of Capital State.

"Ano ba nais mo?" Tanong ni Third Chairman sa akin at napangiti nalang ako habang ang aking mga mata ay nakatutok sa Chandelier nila.

"Isa lang ang masasabi ko." Wika ko at lumingon ulit sa ikatlong Chairman ng Capital State. "Welcome back, Sir."

-

RICHANE'S POV

Capital Palace,
11:23 am

"Hindi ko po alam kung paano nawala ang mga documents na nasa file kanina." Ito ang sabi ng isang empleyado under Agriculture Department. "Maski mga excel file po, nawawala na po dito sa computer ko." Karagdagang sabi pa niya sa akin.

Sa madaling salita, na-hack ang system ng Agriculture Department ng Capital State ngayon-ngayon lang. Lahat ng documents na nasa Drive, Email at iba pang safe storage websites ay nawawala na. Maski mga documents na plano ni Tita Diane for Malabon ay nawawala na din kaya narinig ko kay Regine na balita about na nangyayari sa Malabon ngayon.

Nasa Agriculture Department Room ako ngayon. May mga taga IT Department at Offender pa kaming kasama para lutasin ang issue ng department na ito ngayon. Around 9 o'clock in the morning nalaman ng Department na ito ang balita na na-hack ang system nila ng hindi matukoy na hacker. Iniisip namin na under ito ng Einheitlichkeit Organization. Even cyber war, delikado parin ito para sa Capital State dahil lalong tataas ang banta not in the Internet but the entire community.

"N-nandito naman ito kahapon at nagawa ko naman ayusin ang lahat ng numerical data sa mga excel na inayos ko kanina." Sabi pa ng employer na kausap ko ngayon. "Ang mas masama pa rito, hindi ko alam kung paano namin ito mababalik dahil hindi namin alam kung saan napadpad ang mga iyon."

"May alam ka na gumamit sa mga Files maliban sa inyo?" Tanong ko sa kanya.

"Tanging kami at ang Chairman lang ang makaka-access doon." Sagot naman niya sa akin. "Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko ngayon dahil may deadline po kami ngayon na sinabi ni Ika-limang Chairman noong nakaraang linggo." Karagdagang sabi pa niya at alam kong natataranta ito dahil sa tono ng boses ng pananalita niya.

"Okay! Kinausap ko na si Fifth Chairman about this pero wala pa siya reply about dito." Ito naman ang aking sinabi para kalmahin ang employee na kausap ko ngayon. "As soon as possible, kailangan namin ibalik ang mga files na nabura ng hacker sa system ninyo."

"Okay po! Maasahan po ako sa inyo." Ito naman ang kanyang sinabi at umalis sa harapan ko.

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at ako'y lumabas sa Agriculture Department. Daming tao sa labas at naririnig ko ang tsimis nila na tungkol nga sa nangyari sa department na iyon kanina.

"Kailangan kong tawagan si Mama about dito." With my phone, tinawagan ko si Mama ngayon kahit maingay ang surroundings ng kinaroroonan ko ngayon.

Habang nagriring ang phone ko para sagutin ni Mama ang tawag, ang dami kong naririnig sa kanila. Like may naririnig ako na under ng Department daw ang nang-hack sa system nila, ang iba ay may sinabi na may nag-resign diyan sa Department na iyon dahil sa something na at dahil doon ay naisipan niya i-hack iyon. Napapaisip ako na bakit maraming rumor ang naririnig ko sa kanila even na kanina lang naman ito nangyari.

"Hello, Richane?" Ito ang sagot ni Mama na galing sa phone ko.

"Hello Mama, ahmmm... May bad things po ngayon dito sa Capital Palace."

"Ano naman iyon, Richane?" Ito ang tanong ni Mama at tumahimik nalang ako sa tanong niya. Same like what I did earlier kay Tita Diane, bumibilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba at nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ito sa kanya.

"Richane?" Ito ang naririnig ko at hindi parin ako makasagot sa sa kanya, tahimik lang ang tanging reply ko sa tanong niya.

Iniisip ko kasi na hindi maniniwala sila Mama sa sasabihin ko. Ang mas mahirap pa, important thing ni Tita Diane pa ito.

"Huwag mo sabihin na-hack ang system ng Agriculture Department?" Ito ang narinig ko kay Mama kaya naglakihan ang aking mga mata sa kanya at hindi parin ako makapagsalita pa.

"Hindi ka makapagsalita kasi totoo ang sinasabi ko, Richane." Wika pa ulit ni Mama. "Ganito nalang, pupunta ako diyan dahil alam kong wala ang Tita Diane mo sa kinaroroonan mo ngayon at nasa bahay sila ng ninang Amygee mo. Kakausapin ko rin ang Tita Diane mo about sa nangyayari ngayon after malaman ko kung bakit na-hack." Karagdagang sabi pa ni Mama at hindi parin talaga ako makapagsalita.

"Alam kong nahihiya ka na baka hindi ako maniniwala sa sasabihin mo sana na hindi mo naman natuloy, alam ko na iyan at dahil sa Fanatic Vision ko nalaman ang dapat mo sasabihin sa akin tungkol sa nangyayari sa kinaroroonan mo ngayon. Richane, don't worry about it at alam ko naman na totoo ang lahat na nandiyan ngayon." Tuloy parin sa pagsasalita si Mama sa phone ko. "Hawak mo pa nga yung phone eh, don't worry at ako muna ang lulutas ng issue na iyan. Papunta na ako diyan later on kaya ibaba ko muna itong call na ito." Karagdagang sabi pa ni Mama at binaba ang tawag to end our conversation via phone, nanatiling hawak ko parin ang phone at nasa tenga iyon na parang may tumatawag na even wala na.

"How my mom know in this case?" Pabulong na tanong ko na tanging sarili ko lang ang nakakarinig. I can't believe na alam niya ang pangyayari about ngayon.

*Diane Kalembang's POV*

"The Einheitlichleit Organization is a organization that contains four gangs in Capital State." Ani ko kila Third Chairman at Ate Amygee as I give the information about what's going on right now in Capital State. "Under this organization, they have four gangs and their gang names symbolizes their goals in one word."

Still, nasa living room parin kaming tatlo. I'm sitting on the small sofa chair while magkatabi sila Ate Amygee at Third Chairman sa long sofa, nakaharap sila sa akin and there's a small table between them and me. This time around, I'm going to explain about my administration's problem to them para malaman nila at magkaroon sila ng idea how to finish the war.

"Erobern is the first gang to fight against us. Their gang's name means Conquer in German and their goal is to conquer against all of their enemies that they face. Natalo namin sila sa Antipolo noong nakaraang linggo, naaresto namin ang ibang miyembro habang ang iba ay tumakas. So far, wala na kaming balita kung ano ang nangyari sa kanila ngayon." Karagdagang sabi ko naman para ipakilala kila Ate Amygee at Third Chairman ang Einheitlichleit Organization.

"So, what's going on na sa labas after ninyo matalo ang Erobern?" Tanong ni Third Chairman sa akin.

"Well Sir, the next gang will emerge."

"And who are they?" Backup question pa ni Third Chairman.

"The name of the gang si Krieg and they are currently fight against us in Pasig na nandoon sila Eunice ngayon." Ito naman ang sagot ko sa backup question niya. "Their gang's name means War in German kaya gusto nila ng gulo. So far, kakaunti palang ang information ang nakalap ko sa kanila like nagsimula ang lahat sa apat na miyembro at ang Founder ng previous gang which is Erobern ay dating miyembro ng Krieg until he formed a new gang."

"How about the two gang that you didn't mention?" Tanong pa ni Third Chairman sa akin and he drink his tea.

"Oo nga! Sino din naman sila?" Ito naman ang karugtong tanong ni Ate Amygee na parang inulit lang niya ng tanong ni Third Chairman.

"Wala pa akong ideya kung ang gang naman ang dalawa pang natitira." Ito nalang ang aking sagot. "Iyan din ang goal ko especially kung sino ang pinaka-founder ng Einheitlichkeit Organization at saang gang siya belong."

"Okay! I get it and I know the background of your opponent." Nilapag ni Third Chairman ang tea sa table while he's speaking and suddenly stares at me. "Now, may I know what is my duty for this?"

"Isa lang naman ang nais ko to finish the war," napapikit ako at daling
iminulat ang aking mga mata habang tumingin na ako kay Ate Amygee para sabihin ko sa kanya "ang suportahan ninyo sila Eunice to handle the situation sa Pasig."

"Paano naman namin gagawin iyon, Diane?" Tanong ni Ate Amygee sa akin at napansin ko sa mukha niya na willing siyang tanggapin ang magiging duty niya as her comeback in Witchcraft Special Force. "As a Witchcrafter, gagawin ko ang lahat para-"

"It's mage..." klinaro naman ni Third Chairman sa sinabi ni Ate Amygee at nakatingin na siya sa kanyang asawa. "Pero kung saan kayo sanay, edi sa Witchcrafter." Karagdagang pa niyang sabi.

"Iisa lang iyon." Ito naman ang reply ni Ate Amygee kay Third Chairman habang lumingon ito sa akin. "Pinanganak ka talagang may criticism sa katawan mo."

"A-ano na naman iyon, Ameh?!" Third Chairman.

"Okay! Paano namin iyon magagawa?" Inulit pa ni Ate Amygee para mag-skip ang debate nilang dalawa.

"Kung hindi man makaya nila Eunice ang mission ko sa kanila, kayo na bahalang mag-takeover." Ito naman ang aking sinabi sa kanila ng dalawang. "Sa ngayon, may mission si Eunice habang si Engralinda ang nag-takeover muna sa base ngayon at alam kong kailangan niya ng tulong at paniguradong dalawang sa atin ang kailangan nandoon tayo ngayon."

"Kailan na kami pupunta doon?" Tanong naman ni Third Chairman sa akin kaya lumingon naman ako sa kanya.

"Kung gusto ninyo po, ngayon na mismo." Ito naman ang aking sagot.

"We have a little bit of information but mas okay na kung ngayon kaysa sa susunod na araw pa." Ito naman ang sinabi ni Third Chairman. "Since you want to finish the war, we are going to handle this situation and kung ano ang command ninyo ay-"

"Kayo na bahala sa idea ninyo." Ito ang kaagad na interruption ko sa sinabi ni Third Chairman kaya huminto siya sa pagsasalita.

"Oo nga pala! Chairman ka pala kaya pwede kang magka-idea ng kung ano ang gagawin mo para sa kanila." Sabi naman ni ate Amygee. "Balita ko nga, si Ekang nag-takeover ng nangyari sa Antipolo. "

"Hindi ko ito kaya ng mag-isa lang dahil ito ang bungad ng administrasyon ko." Paliwanag ko sa kanila kung bakit ko ito ginagawa ngayon. "I need your help right now with Madam dahil ayokong sumunod pa ito sa War on Rebel last year." Karagdagang sabi ko pa sa kanila.

"Okay! Pasig lang naman, diba?" Tanong ni Third Chairman sa akin at ito'y tumayo sa kinauupuan niya.

"Yes, Sir."

"Okay! We are in-charge of this war at kami na bahala kila Eunice." Karagdagang sabi pa ni Third Chairman. "What is mission na binigay mo kay Eunice?" Tanong pa ni Third Chairman sa akin.

"Madali lang naman, Sir." nag-ayos pa ako ng coat na suot ko ngayon at karagdagang sabi ko "To enter the opponent's base."

-

STUNN3R

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top