Chapter 33
ENGRA'S POV
Naglalakad ako papunta sa isang location dito sa Barangay Bambang sa Pasig City, kailangan ko daw kasi pumunta sa isang iskwater area dahil nandoon ang nangyayaring giyera ngayon. Ang daming Offender na sugatan ang aking nakita at napaisip ko nalang na paano ko matapos ang giyera dito kung malapit na maubos ang mga kakampi namin na nandito. May mga buildings na almost masira na at ang iba ay nasusunog sa iba't ibang parte ng mga building na iyon.
"Bul aymaqqa ne bolar edi?" tanong ko sa sarili ko na hindi ko pa alam ang sagot.
Isang offender na lalaki ang lumapit sa akin at huminto nalang ako as paglalakad, may sugat sa braso at may black eye sa kanang mata. "Mabuti at dumating po kayo."
"A-anong nangyayari dito at bakit ganyan kayo?" Tanong ko sa kanya habang inaalalayan ko siya sa pagtayo dahil almost na babagsak na ito sa kanyang kinatatayuan.
"May kakaiba po sa kanilang kapanyarihan." Paliwanag niya at kita ko sa kanyang mata ang takot at trauma doon. "Kahit sniper na sundalo po ay hindi kinaya dahil sadyang malakas ang kalaban."
"Ano bang kapangyarihan ang mayroon sa kanila?"
"May mga kakaiba po sa kanilang mga kapangyarihan at hindi ko po alam kung ano po iyon."
"What do you mean kakaiba?"
"Isa po akong Wind Element User pero nagagawa po nilang labanan ang Cataclysm Shunt namin." Paliwanag pa niya sa akin at nagkaroon ako ng tanong sa isip ko kung ano ang tinutukoy niya. "Kaya din po niyang kontrolin ang hangin na pinakawalan namin at ang mas masaklap pa dito ay hinihila po niya kami at binubugbog."
"Niya?" Kaagad na tanong ko sa kanya. "Ibig sabihin ay isang tao lang ang tinutukoy mo?" Tanong ko pa sa kanya.
"O-opo..."
Tumingin ako sa dinadaanan habang inaalalayan ko ang Offender na kausap ko. Iniisip ko kung ano ang sinasabi niya at na-imagine ko na sa utak ko ang scenario noong naganap ang pangyayari na iyon. Wala parin akong ideya kung ano ang kanyang tinutukoy pero sigurado ako na nandito parin sa lugar na iyon ang taong tinutukoy niya.
Naglakad ako habang inaalalayan ko parin siya papunta sa isang pinto at dahan-dahan kong pinaupo sa sahig. "Ikaw na po bahala basta tawagin ninyo nalang ang nasa base." Sabi ko sa kanya habang binigay ko ang Walkie Talkie na dapat gagamitin ko while battle.
"Sige po." Tugon naman niya at nanatiling nakaupo ito sa sahig malapit sa pinto.
Kaagad na tumakbo na ako palayo sa kanya ng mabilis para puntahan ang location na sinasabi ng mga naririnig ko mula sa mga Offender. Kailangan kong puntahan ang taong tinutukoy niya para malaman ko kung sino ba sila at kung ano talaga ang pakay nila.
Tuloy parin ako sa takbo habang nakatingin ako sa aking dinadaanan, ang daming building at kalsada na maraming biyak ang aking dinadaanan ngunit wala na akong nakikitang mga tao na nasa dinadaanan ko.
Bumagal lang ako sa pagtakbo dahil nakaramdam ako ng pagod hanggang sa naisipan kong maglakad muna habang nakatingin parin ako sa dinadaanan ko.
Ngunit biglang nag-emerge ang isang usok sa aking kinatatayuan. Huminto ako sa paglalakad habang napapikit ang aking mga mata at hinahawi-hawi ko ang usok na nasa kinatatayuan ko. Tinakpan ko ang mukha ko para hindi ako makalanghap ng usok mula doon.
Napaisip ko nalang na paano nagkaroon ng ganito sa kinatatayuan ko. Iniisip ko na trap ito ng Gang na kalaban namin ngayon at mamaya ay torture habang nakapaligid ang usok sa kinaroroonan ko ngayon but hindi iyon ang resulta. Naglaho nalang ang mga usok sa kinatatayuan ko but there's a man at my front a few feet from each other. Kalbo at nakasuot ng black pants at black jacket na mayroong brown boots at sandong puti sa loob ng jacket niya.
"Hello!" Pagbati ng lalaki na iyon kaya't nakabuwelo na ang right-hand ko to make a counterattack.
"Sino ka?" Tanong ko na mayroong gigil na tono habang nanatiling nakatutok ang aking mga mata sa lalaking yun.
"My name is Tedsen and my mission is to eliminate you in this area." Pagpapakilala niya sa akin at naglabas ito ng kutsilyo mula sa kanyang bulsa.
While stares at him, my right feet was step backward once while narrow my eyes, my heart beats faster and slightly trembling my body. Hindi ko alam kung bakit at to be honest ay hindi ko na ito kontrolado except sa utak ko.
"I think, you're getting nervous because I'm here." He smirked while hold his knife as I know that he wants to fight me.
"Ano... ba talaga... ang pakay ninyo?"
"My answer for what is the real purpose why we are fighting against the government that you are also belonging to them is mysterious."
"Dahil natatakot ka kung sasabihin mo ang tunay na dahilan."
"We have a purpose but it's still mysterious and we let you to know what is it."
"Kasinungalingan..." Bulong ko bilang reply ko sa kanya sinabi while angrily stares at him.
"If you don't believe, it's true and it is our plan to reach our objectives in this war." Paliwanag pa niya at nakikita ko sa kanyang ang kanyang ngisi sa kanyang mukha na tila baga'y may plano siyang umatake sa akin.
Nanahimik nalang kaming dalawa habang nakatingin kami ng lalaki na iyon sa isa't isa. Nanatiling nakangisi ang kanyang mukha habang hawak niya ang kutsilyo.
"If you want to fight me," Tinapon niya ang hawak niyang kutsilyo sa left side niya. "I will not use any kind of weapon that I have." Paliwanag pa niya sa akin kung bakit niya ito ginawa.
"Pupulutin mo din naman." I said while still stares at him. "Bakit ikaw kaya ang mauna para simulan ang laban nating dalawa."
"Okay!" Kaagad na tinulak ang kanyang dalawang kamay sa kanyang harapan, may hangin na lumabas mula sa kanyang mga kamay at ang hangin na papunta sa akin iyon na mayroong bilis na halos parang babagsak na ang poste na nasa tabi ko ilang talampakan lang ang layo.
Kaagad namang ginawa ko ang kanyang ginawa bilang defensive move ko, tinulak ko ang aking harapan gamit ang aking mga kamay at ang mga palad na nasa mga kamay ay mayroon hangin na nilabas.
Nagkaroon ng malakas ng impact ng hangin na iyon at lalong pinalayo kaming dalawa ng kalaban ko na halos kalahating metro na ang layo sa pagitan naming dalawa, parang nag-slide ako paatras at ang dalawang forearm ko ay nasa harapan ng pagmumukha ko habang tumambling naman ang lalaki na iyon ng isang beses paatras.
Tumayo ako ng tuwid at daling binaba ang aking braso habang nakatingin ako sa lalaking iyon. Nakatayo naman ng maayos ang lalaking iyon at nanatiling nakangisi ito habang nakatingin siya sa akin.
"Now, your turn." Dahil sa sinabi niya ito sa akin at balak ko naman ako ang umatake sa kanya pero sa isip-isip ko ay may something else kaya sinabi niya ito sa akin at naisip kong hindi ako aatake sa kanya.
"Ikaw dapat..." Buwelta ko naman dahil alam kong may binabalak ito sa akin ng masama.
"You want to arrest me, right? So, you first." Reply ng lalaking iyon sa akin.
"Oo na!"
Dito ko sinimulang tumakbo papunta sa kanya habang sinarado ang kaliwang kamay ko at nakabuwelo iyon mula sa likuran ko. Nanatiling nakangisi ang lalaking kalaban ko at parang predicted na sa kanya ang gagawin ko dahil wala lang ito reaction kundi ngumiti ito ng masama.
Nang malapit na ako sa kanya, dito ko nagpakawala ng kaliwang kamay at balak ko tamaan iyon sa mukha. Ngunit biglang dumura ito ng isang Wind-type Element mula sa kanyang bunganga at tumama iyon sa lupa lupa malapit sa kinatatayuan ko. Sumabog iyon at tumalsik ako mula roon, paatras na gumulong ng ilang beses palayo sa kalaban ko at nang nakahiga nalang ako sa lupa ay daling tumayo ako ng tuwid habang mayroon konting pasa ang paa ko.
"I forgot to say that I have a most powerful Wind Element move." Paliwanag ng kalaban ko sa akin habang nakatingin ito na mayroong ngisi sa kanyang mukha. "My wind element is so powerful than others and this is my favorite."
"Nakalimutan o sinadya mong hindi mo sabihin ang ginawa mo?"
"Well, it is up to you how you understand my gesture." Pangising wika pa niya habang nakatingin ito sa akin at tumahimik nalang ang aming paligid na walang nagsasalita sa isa sa amin dalawa.
Hindi ko alam kung paano ko ito matatapos, wind element lang ang kalaban ko pero wala akong ideya kung paano ko siya matatalo. Tanging Cataclysm Shunt lang ang maari kong gamitin bilang offensive move at defensive move if Wind to wind ang mangyayari. If I try to use water, maaring ma-dissolve ang water ko at baka ang ginawa niya sa akin kanina kung saan ako bumagsak ay maaring gawin niya iyon. Others elements too but tanging makakatalo talaga sa wind ay ang lightning at ang earth at iyon ang dalawang elements na wala ako.
Hindi na bale! Alam kong yabang lang ito kaya uunahan ko ulit siya.
Snapping my fingers in my right hand, two flowers emerge from it, and throw the Plant Blades that I have to my foe in a straight motion. Unfortunately, he catches the projectiles that I have to attack him using only one hand and I saw what happens to my Plant Blades, he immediately dissolves my Plant Blades that he holds into ashes and the ashes are dispersed into the sky. My eyes are popping out while sawing what he did and my heart starts to beat fast due to pressure.
"H-how..." Bulong ko sa sarili ko at nanatiling nakatingin ako sa kanya na mayroong pagtataka.
"Nature element? Nah! Don't do that again, darling." Pamgising sabi pa ng lalaking iyon habang binaba niya ang kamay niya pero hindi na ako makapagsalita pa dahil sa ginawa niya sa Plant Blade ko. "I'm going to warn you that you can't use Nature element and you know what is the reason behind this case." Paliwanag pa ng lalaking iyon sa akin habang nanatiling nakatingin ito sa akin na mayroong masamang ngiti na nakaukit sa kanyang mukha.
"Nature is weakest among all element..." Bulong ko ulit na tanging sarili ko lang ang nakakarinig.
"Try another thing, darling." Dikta pa niya sa akin at dahil dito ay lalong kumulo ang aking dugo sa kanya. "Just don't use Nature element or other biological and living things." Paalala pa niya sa akin kaya't pumasok sa isip ko na gamitin ko ang ibang elements na maaring maging counter sa wind.
Nang may ideya na ako, dito ko sinimulang umatake sa kanya. Huminga ako ng malalim at daling nagbuga ng malaking bilang ng apoy mula sa aking bibig ng iilang segundo, ang apoy na ibinuga ko ay dumiretso papunta sa aking kalaban.
Ngunit dahil sa atake na ito, ito din ang hudyat ng maari kong pagkatalo.
"Nah! Don't use fire as well." Pangisi niyang sabi at nakita ko sa kanya na parang madali na niya akong talunin.
Daling tumayo ako ng tuwid at sabi kong "Ang daya mo!!"
"Nah! I'm not a cheater." Buwelta niya. "I'm guiding and warn you because I'm here to make a fair match."
"Guiding?! N-nagpapatawa ka ba?!"
"I'm always in a good state. Unfortunately, you didn't know what your opponent have." Paliwanag pa niya sa akin. "Now, what's your next move?"
Hindi ko nalang sinagot ang kanyang tanong, iniisip ko parin kung paano ako maka-atake sa kanya. Hindi ko din alam kung may tatagal pa ba ako dito.
"Silent means nothing-"
"MANAHIMIK KA!!!" Sigaw ko at hindi na muli ito nagsalita. Ngumisi nalang ang lalaking iyon at naka-crossarm pa ito.
Wala parin ako idea kung paano ko siya matatamaan kahit suntok ko lang. Gusto ko lang tumagal sa laban na ito pero hindi ko alam kung tatagal talaga ako.
-
LALA'S POV
I'm sitting on the bed while reading a novel book quietly. Wala silang dalawa sa HQ ngayon, my boyfriend is currently help Ate Jelailah for her students while nasa kanilang bahay naman si Rona ngayon.
Mamaya ay may kumatok sa pinto ng HQ. *Tok-tok-tok*
Huminto ako sa pagbabasa, nilapag ko ang book na binasa ko na nakabukaka at ako'y tumayo para pumunta sa pinto. Nang lumapit ako doon, binuksan ko ang pinto at nabungad ko si Kuya Jadren.
"Oh! Kuya Jadren." Pangiti-ngiti lang ako sa kanya, but he's so ferocious quietly to see me again. He does not reply anything, and he's in a bad mood.
"Why are you here?" Tanong ko sa kanya.
"It's your fault." Kaagad niyang sagot at nanatiling masama ang tingin niya sa akin.
"Huh?! Anong it's my fault?! Ano sinasabi mo, Kuya-"
"Don't call me Kuya Jadren because I'm not your brother-in-law." Kaagad na sabi ni Kuya Jadren at nanatiling nakasimangot ito. Tumahimik na naman muli ako at hindi ko alam ang kanyang sinasabi.
"Kung hindi man nangyaring naging kayo ni Aron, hindi sana mangyayari na ma-suspende ako ng anim na buwan." Pagalit na wika pa ni Kuya Jadren at naglakihan ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. I don't know na ganun ang kinahinatnan niya.
"W-why me? I'm sorry for-" biglang huminto ako dahil nagsalita biglang si Kuya Jadren.
"Huwag kang mag-sorry sa akin dahil nangyari na, Ellainah."
"A-ano ba gusto mong m-mangyari?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam talaga ang gusto niya sa akin.
"Ano pa ba sa tingin mo, Lala?" Imbes na sagutin niya ang tanong ko, sinabi ni Kuya Jadren sa akin para tanungin niya ako.
"H-hindi ko alam ang nais mo." Pag-amin ko sa kanya habang ang utak ko ay sadyang gumugulo.
"May paraan para makabalik ako sa serbisyo as Special Force at ang tanging President ng Pilipinas lang naman ang makaka-confirm." Ani Kuya Jadren. "Since six months lang naman, pasok iyon sa requirement para bumalik sa serbisyo ang isang taong na-suspende."
"Ano ba gagawin ko?"
"Only have to do is to go to Malacañang Palace and since kilalang kilala ka ng Presidente, maghanda ka lang ng form about sa akin. Isulat mo lang ang pangalan ko at ang unit ko. Pagkatapos ay ilagay mo sa reason ay unable to due military duty because of emergency at ikaw ang tatayong witness."
"Eh ano po ba ang kapalit?"
Ngumisi ito si Kuya Jadren at sabing "Simple lang, hiwalayan mo si Aron."
Dahil sa sinabi niya ay naglakihan na naman ang aking mga mata. He didn't know what happen if we break our relationship?
"Pag hindi ko ba magagawa ang nais mo-" huminto ako sa pagsasalita noong nakita ko ang papeles na kung saan nakasaad doon ang documents na nirerentahan ko.
"B-ba't n-nasa iyo yan?!" Tanong ko sa kanya at bumilis ang tibok ng puso ko.
"Inassign ako ni Tita Diane at since under naman ito ng Property Department, maari kong i-terminate ang property na kinaroroonan ng company mo." Paliwanag pa niya kung bakit nasa kanya iyon. "Also, under din ako ng DOLE kaya't maari kong buharin ang company mo until you will ban here in this country."
"H-how dare you to do this?! P-pati company ko, idadawit mo?!" Ito naman ang aking sinabi at gusto kong magalit sa kanya but I can't.
"Wala ka nang magagawa pa kun'di sundin mo nalang ako, Ellainah." Ngumisi si kuya Jadren at nakikita ko sa mata niya ang masamang tensyon sa akin. Nag-iba naman ang aura ko ngayon dahil pati company na pinaghirapan ng father ko ay gagalawin niya pa naman.
Unfortunately, there's a woman who appear at Kuya Jadren's back coming from the sky, she landed on the ground and I saw her ferocious face.
That woman is my sister, Ate Diane.
"Jadren..." Sambit niya sa name ng lalaking ayaw na ayaw sa akin.
Lumingon si kuya Jadren at humarap ito sa kanya. "And why are you interfere, Tita?"
"Gagawin mo talaga ang lahat pati company niya ay gagalawin mo din, noh?" Ate Diane seriously said. "Are you with us, Jadren?"
"Ibig mong sabihin, kumakampi kana kay Lala? Sabagay, kapatid mo siya kung maituturing sa iyo."
"Give me that document!" Utos ni Ate Diane kay Kuya Jadren but he didn't follow her and still hold the document on his hands. Instead, humarap siya sa akin at nanatiling nakangisi ang kanyang mukha.
"Na-predict mo naman ang mangyayari dahil sa Atheist Vision mo, Lala." Wika ni kuya Jadren sa akin. "Pero hindi pa tayo tapos, hindi ako titigil hangga't ikaw parin ang kasintahan ni Aron." Sabi pa niya at binigay niya sa akin ang document na hawak niya, tumalikod siya sa akin at lumihis siyang dumaan kay Ate Diane para ito'y makaalis.
Nang kami nalang ni Ate Diane ang natira, lumapit siya sa akin at tanong niyang "Nasaktan ka ba kay Jadren, Lala?"
"H-hindi naman po, Ate Diane." I answered her in a soft voice. "Hindi ko talaga akalaing gagawin din niya iyon sa akin."
Kinapa niya ang aking noo habang sabi niyang "Lala, it's not your fault dahil maswerte ka talaga kay Aron."
"Bakit nga pala suspended si Kuya Jadren ng six months?" Tanong ko sa kanya as confusion.
"Remember that he left you during your battle against Atkings, right?"
"Y-yes, I r-remember all of it."
"Under ng Special Force Law kasi na once umatake ang isang kalaban, dapat tutulungan ka niya." Paliwanag ni Ate Diane while her hands are on my shoulders.
"But why?"
"He left you without your permission." Kaagad niyang sagot. "Iniiwasan nating masaktan ka mentality because of his belief of love."
"A-ano bang nangyayari sa akin-"
"Lala, it's not your fault." Kaagad niyang sabi kaya't huminto ako sa pagsasalita. "Don't worry about it at huwag mo nalang isipin pa iyon." Karagdagang sabi pa ni Ate Diane habang kinuha niya ang document na iyon.
"Ate Diane..."
"Since ang priority ko ngayon ay ang sa Pasig kaya't magpahinga ka nalang muna." Ate Diane said while tumalikod na ito sa akin. "Ako na bahala kay Jadren." Sabi pa niya at ito'y naglakad palayo sa akin para makaalis na ito sa kinaroroonan ko ngayon.
Nanatiling nakatingin kay Ate Diane hanggang siya'y umalis na nga sa Harbor with much something in my mind.
I don't know what is going on and why. Palala na ng palala ang ginagawa ni Kuya Jadren sa akin at hindi pa ito natatapos. Hindi talaga siya titigil hangga't hindi ko hinihiwalayan si Aron but I can't stop him.
But how?
-
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top