Chapter 28

5 minutes ago before the explosion...

ARON'S POV

Tamang sandok ako ng kanin gamit ang panandok, sandok lang ako ng mga tatlong scoop ng kanin at isa-isang nilagay ko sa plato. Kinuha ko naman ang mangkok na mayroong noodles bilang ulam ko at nilapag ko naman sa plato. Ito lang kasi ang aming ulam kaya't tipid-tipid lang kaming dalawa ni Rona ngayon.

Pumunta ako sa harap ng telebisyon at umupo sa sofa. Nilapag ko ang plato sa mga hita ko at kinuha ko ang remote na nasa tabi ko, ma-turn on ko lang ang telebisyon para ako'y manood ng palabas.

Nang nabuhay ang telebisyon, kaagad na nilagay ko sa sofa ang remote at kinamayan ko ang kanin, pinasok ang mga kanin na nasa kamay ko sa loob ng bunganga ko at nagmuya ako ng nagmuya ng ilang beses.

Mamaya ay isang channel sa telebisyon ang nabungad ko.

-------

"Samantala naman, nagkaroon ng State Lockdown ang lungsod ng Pasig dahil sa kaganapan ng giyera roon laban sa isang Gang. Ayon sa mga pulis, pasadong alas-onse ng umaga ay nagsimula ang kaguluhan sa pagitan ng isang Gang na under ng isang organisasyon at ang mga Offender Special Force."

-------

Ito ang nabungad sa akin habang kumakain ng kain at noodles bilang aking hapunan at nakaupo sa isang sala sa harapan ng telebisyon. Well, Pasig War naman ang next. Another Gang under organization na sinasabi nila tita Diane pa naman at alam kong nagaganap parin ang giyera between Erobern at sila Lala. Paniguradong hindi kami made-deploy nito ngunit ready naman kami sa kung ano ang mangyayari.

Lumabas si Rona sa C.R at nakabalumbon ang towel niya sa ulo, suot niya ay puting sando at itim na short na halos kita na ang thigh niya.

Umupo siya sa tabi ko habang nakatingin siya sa telebisyon at aniya'y "May giyera na naman daw ah?"

"Under ng organisasyon na sinasabi ni Tita Diane ang tinutukoy." I replied. "May information na ang isa pang gang but itong sa Pasig ay ibang Gang naman ang kaharap. May nabalitaan ako sa Social Media na kini-kidnap nila ang mga bata at ginagamit daw nila iyon to something na kalokohan."

"S-sandali, ano reason kung bakit pati bata ay damay sa kalokohan nila?!" Ito ang kaagad na tanong ni Rona habang siya'y tumayo at pumunta sa harap ko na mayroong kulubot ang kanyang noo.

"Siguro, iyan ang magiging tanong nila Tita Diane." Ito nalang ang sagot ko dahil wala akong ideya tungkol doon.

Nilapag ko ang plato na mayroong pagkain sa tabi ko sa bandang kanan at karagdagang wika ko pang "Ang pagkaalam ko lang ay under sila ng Organization na kalaban nila Lala ngayong araw na ito. Siguro ay strategy ng Organization nila na magkagulo sa Antipolo para ang karamihan ng Offender ay mapunta doon at ang isa pang Gang ay maghahasik sa Capital State."

Humarap naman si Rona sa telebisyon at tugon naman niyang "Siguro nga ganun ang strategy nila, Aron."

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko habang karagdagang ani kong "Hindi pa sigurado about sa Pasig, pero sa Antipolo ay sure na talagang matatapos ang lahat. Need natin ang information mula sa Erobern at nabalitaan ko na ang isa pang Gang ay K-ki-kri... Basta K-R-I-E-G ang spell."

"Sa ngayon, kailangan matapos nila Lala ang Erobern." Wika ni Rona habang naglalakad papunta sa tabi ko sa kaliwa ko at ito'y umupo sa kinauupuan ko. "Mahirap na lalo't hindi natin alam ang mangyayari ngayon dahil dalawa ang giyera na nagaganap sa Luzon, isa sa Rizal at isa sa Pasig." Karagdagang sabi pa ni Rona habang nakatingin kami sa isa't isa.

"Matatapos talaga ang sa Antipolo, mananalo sila Lala at makukuha nila ang information about sa Organization pero ang katanungan dito..." Huminga ako ng malalim at habang nakatingin sa telebisyon ay karagdagang sabi kong "Maka-survive kaya ang Erobern o tatakas kaya sila?"

"Hindi ko alam, Aron James..." Ito nalang ang tugon ni Rona sa sinabi ko. "Magagawa nila ang lahat basta ang need natin ay ang information about sa kanila."

"Sabagay..." Wika ko nalang habang napasandal nalang ako sa sofa at habang nakatingin sa telebisyon ay may nakakalap sa utak ko na isang tanong.

"Bakit ito ang sumunod sa War on Rebel?"

-

LORNA'S POV

Nanatili paring nakatayo si Luanne sa harapan ko, nasa likuran naman ni Luanne si Kennedy dahil pinoprotektahan ng kapatid ko ang hinayupak na lalaki na iyon, si Lala naman ay nasa likod ni Kennedy at nakatutok ang Plant Blade na hawak niya sa Leeg mg kalaban namin na isa sa mga founder ng Erobern Gang under Einheitlichleit Organization.

Dala ang aking galit sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha kay Kennedy, pero naiiba noong nakatingin ako kay Luanne na nagiging hinagpis at pighati dahil sa lahat na poprotekta kay Kennedy ay bakit ang kapatid ko pa?

"Lorna, hindi si Kennedy ang kalaban natin dito." Ito ang sinabi ni Luanne sa akin at dito lalong nagtaka ang isip ko bakit ito ang binitawan niyang salita. "Offender si Kennedy at magkakampi tayong tatlo dito." Karagdagang sabi pa ni Luanne habang nakikita ko na lumuluha ang mga mata niya.

"Anong... ibig mong sabihin?" Ito naman ang tanong ko sa kanya dahil nagtataka talaga ako na bakit pinoprotektahan niya si Kennedy.

"Alam ko ang katotohanan about sa taong nasa likod ng paghamak sa sarili ko." Paliwanag ni Luanne habang nakikita ko talaga sa mata niya na totoo ang mga sinasabi niya, luha ang nakabalot sa mga mata niya at parang bibigay na ito sa pag-iyak. "Hindi si Kennedy ang nasa likod dahil wala siyang alam sa pangyayari, nalaman nalang niya ang lahat dahil sa magulang niya at mismong magulang pa niya ang tumulong sa akin bakit buhay parin ako."

"Lorna, wala talaga akong alam sa sinabi mo." Ani naman ni Kennedy sa akin. "Year Twenty-twenty ako maging miyembro ng isang gang under Einheitlichleit Organization at ang Krieg ang tinutukoy ko. Sila din ang isa sa mga gumahasa sa kanya at sa utos ni Mayor Timberline ay hinanap at sumali ako sa kanila, hindi parin patay ang service ko bilang Special Force-"

"Kung hindi patay ang serbisyo mo, nasaan ka noong nasa kalagitnaan ng War on Rebel?" Kaagad na tanong ko kay Kennedy kaya't huminto sa pagsasalita si Kennedy. "Nasaan ka noong nasa kalagitnaan ako ng delubyo?"

"Lorna, hindi ko alam ang gagawin ko." Ito lang ang sagot ni Kennedy sa tanong ko. "Ang sa War on Rebel, ako ang nagbantay kay Luanne dahil baka madamay pa pati ang Hospital sa giyera. Utos iyon ng Tita Timberline iyon at sa kanya mo iyan sabihin o sa kanya mo la itanong about sa akin."

Nalilito na ako na parang may umiikot sa mga iniisip ko about sa kanilang dalawa. Bakit ganito na ang nangyayari? Ako lang ba ang ignorante sa sitwasyon naming tatlo?

"Tutulungan ko kayo sa nais ninyo, Lorna." Sabi ni Kennedy sa akin. "Kung sa tingin ninyo na traydor ako, patayin mo nalang ako kaagad. I will give you an information at nabalitaan ko din na may giyera sa Pasig. I will help you as soon as possible and kahit mabulok ako sa bilangguan ang consequence mo or ninyo ni Chairman Diane ay tatanggapin ko, kahit death penalty pa basta ibibigay ko sa inyo ang information na kailangan ninyo."

"Kennedy..." Ito nalang ang linya ko noong pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya.

"Malakas ang Krieg dahil may kapangyarihan sila na hindi lang basta-basta Main Element ang gamit nila." Pahayag ni Kennedy sa akin. "May Grasp Vision pa sila at ang mas masaklap pa ay may Cosmos element pa sila."

"Cosmos Element?!" Ito naman ang linya ni Lala, nakakunot ang noo at nagkataas ang isa niyang kilay habang nakatutok parin ang hawak niyang Dhalia Petal sa leeg ni Kennedy.  "What do you mean?"

"Ang leader ng Organisasyon na ito ay walang iba kundi ay isang Special Force." Sagot ni Kennedy sa tanong ni Lala. "Ngunit wala akong ideya kung sino ang taong nasa likod ng organisasyon na under ng Einheitlichkeit Organization."

"Ang pagkaalam ko, involved ang Ausgehungert and Ableben sa gulo." Karagdagang paliwanag ni Kennedy. "Wala akong ideya about sa Krieg dahil noong nasa gang ako doon ay naririnig ko na may ginahasa silang Special Force na Offender ngunit hindi ko alam kung involved ang Krieg sa gulo. Ang pagkaalam ko kasi na yung Special Force na iyon ay may pinagseselosan sa isang lalaking mahal niya."

"Ngunit ang sabi mo sa amin ay isang lalaki, ano ang ibig mong sabihin?" Tanong muli ni Lala kay Kennedy habang nasa likod ito at nakatutok parin ang hawak niyang plant blade sa leeg ng kalaban namin.

"Iyon ang sinabi sa amin ni Atkings noong nasa Krieg pa kami kaya't nagtataka ako na bakit lalaki iyon." Ito naman ang sagot ni Kennedy sa tanong ni Lala kaya't aalog-alog na ang utak ko sa sobrang lito. "Alam ni Mayor Timberline na kasinungalingan ang salaysay na iyon kaya't sinakyan ko nalang ang kalokohan nila. Imposibleng lalaki ang mastermind ng nangrape dahil nag-selos ang mastermind sa biktima kaya't inutusan ng mga alagad niya na gahasahin ito habang walang malay." Karagdagang sabi pa ni Kennedy kaya't hindi talaga mapigilang malito sa pangyayari.

Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Parang mas may alam pa si Kennedy sa kaso kaya't ngayon lang ito nasabi sa akin? Ano ba talaga si Kennedy sa aming pamilya?

"Luanne, m-may nakausap ka bang babae noong hindi pa naganap ang krimen?" Tanong ko kay Luanne habang nakatingin na ako sa kanya ng diretso.

"Ikaw lang naman ang kausap kong babae at ang nanay mo lang, Lorna." Sagot naman ni Luanne sa tanong ko habang nakikita ko talaga sa kanya ang pag-aalala.

Ang iniisip ko lang, baka kakilala ito ni Kennedy kaya't nadamay si Luanne na walang kaalam-alam. Bakit dahil lang sa selos? Ano ba talaga ang pakay ng babae na iyon kay Kennedy? Katulad din ba siya ni Luanne?

"Ano naman reason bakit-" magsasalita pa sana ako ngunit biglang nagsalita si Kennedy kaya't huminto nalang ako.

"Hindi ko alam ang reason." Ito nalang ang sabi ni Kennedy sa amin. "Hindi ko alam kung bakit may Einheitlichkeit Organization at maging ako ay hindi ko alam kung para saan ito."

"Eh paano naman si Atkings?" Tanong ko pa kay Kennedy dahil sa naisip ko na parte ng strategy ito ni Kennedy para mabiktima kami.

"Hindi alam ni Atkings na Special Force parin ako." Sagot naman ni Kennedy. "Hindi niya alam ang nangyari dalawang taon ang nakaraan ngunit ang kanyang kuya ay involved sa gulo."

"What do you mean?" Tanong ni Lala kay Kennedy.

"Ang kuya niya ay member naman ng Ausgehungert at siya ang kasalukuyang Founder ng gang na iyon." Pahayag ni Kennedy bilang sagot sa amin.

"Alam ninyo, bago ninyo makahanap ang Ableben, unahin ninyo ang Krieg at pagkatapos ay ang Ausgehungert." Ito ang paalala sa amin ni Kennedy. "Once na mauna ninyo ang Ableben, magkakaroon ulit ng giyera between us and the Einheitlichkeit Organization. Iyan ang iniiwasan ni Mayor Timberline kaya't iniisa-isa nila ang lahat, nagkataon lang na sinabi sa amin ng Founder ng Krieg na gagawa kami ng isa pang Gang at pagkatapos ay kami ang gagawing pantakip-butas sa alitan natin kaya't sinakyan nalang namin ang trip."

Biglang nagsalita si Lala at parang may kausap siya sa earphone niya. "Hello...? Nandito parin po sa Training Area... Opo, Madam... Copy that, Over."

"Ano sabi? Sino iyon?" Ito ang katanungan ko kay Lala.

Binaba ni Lala ang kamay niyang may hawak na Plant Blade at nakayuko ang ulo. "Kakampi natin si Kennedy, si Mayor Timberline ang nagsabi ngayon lang oras na ito at nabalitaan niya na nasa giyera ang Erobern at tayo."

Dito nag-iba ang pwesto naming apat at dahil totoo ang sinabing kakampi namin si Kennedy ay lumapit ako sa kanya.

"Kennedy, gusto ko lang humingi ng patawad sa iyo dahil sa totoo lang ay pinoprotektahan ko lang kasi si Luanne dahil sa kung ano ang nasa isip ko." Wika ko kay Kennedy bilang paghingi ng patawad habang ang mga kamay ko ay nasa gitnang dibdib. "Hindi ko kasi alam na mabuti kang tao at hindi ko alam na ginagawa mo din ang lahat para sa kapatid ko." Karagdagang wika ko pa sa kanya.

Nilapag niya ang isang kamay sa aking balikat at sabing "Ako ang dapat humingi ng patawad sa iyo dahil hindi ko sinabi ang lahat. Sa toto lang ay tama lang ang ginawa mo na protektahan mo si Luanne para sa hinaharap niya." Ito naman ang sinabi ni Kennedy sa akin at ako'y nagkaroon ng ngiti sa aking mukha noong narinig ko iyon.

Lumingon kaming dalawa kay Luanne at sabi naming "Ikaw naman, mag-ingat ka."

"Opo..." Tugon naman ni Luanne sa aming dalawa kaya't tumingin kami ni Kennedy sa isa't isa at ngumiti muli.

Naging matagumpay ang pagkasunod naming dalawa at nalaman ko na hindi masamang tao si Kennedy, kagaya ko din siya na pinoprotektahan si Luanne sa kahit anong mangyari.

Ngunit may sumigaw si Lala na "MAY PAGSABOG DITO SA KINATATAYUAN NATIN!!"

Lumingon kaming tatlo sa kanya at dahil sa sinabi niya ay isang malakas na tibok ng puso ang aking naramdaman, ibig sabihin ay totoo ang sinabi ni Lala. Kaagad na hinila ko si Lala sa amin at nag-grouphug kami na hindi nila alam. "Tama si Lala at kailangan natin-"

Kaagad nakabalot kami ng buhangin at nagmula iyon kay Kennedy. "Tama ka, Lorna at parang may paparating dito."

Dito namin narinig ang isang pagsabog mula sa labas ng kinaroroonan namin at nakaramdam pa kami ng katamtamang lindol. Ang dilim ng paligid namin dahil sa Sand Cup ni Kennedy kaya't napapikit nalang ako habang niyakap ko sila Kennedy, Lala at Luanne.

"Hindi pa ito tapos..." Ito ang aking bulong na taning sarili ko lang ang nakakarinig.

"Ano ba nangyayari, Lala?" Tanong ni Luanne.

"According sa nakikita ko ay nasira ang gusali na kinaroroonan natin." Sagot naman ni Lala. "Nakikita ko din na may isang lalaki sa east natin." Karagdagang ani pa niya.

Noong nagliwanag ang paningin ko, kaagad minulat ko ang mga mata ko. Nawala ang Sand Cup ni Kennedy at mamasdan naming apat na puro mga debris ang kinaroroonan namin. Paglingon-lingon lang ako sa kinaroroonan namin at talagang walang natira sa Training Area kundi mga debris na nasa lupa.

"Isa lang ang kilala ko na kayang manira ng isang gusali." Ito ang sinabi ni Atkings at dugtong pa niyang sabi "Si Atkings..."

Nang lumingon ako sa kanan ko, dito ko namasdan ang isang lalaking nakatayo ilang metro ang layo mula sa kanyang kinatatayuan hanggang sa kinaroroonan naming apat.

"That guy..." Ito ang linyang binitawan ko mula sa bibig habang nakatingin sa lalaki na iyon.

Ramdam ko ang gigil noong nakatingin ako sa lalaki na iyon, mas malala pa ang galit ko kaysa kay Kennedy kanina.

Damhin ko ang hangin sa kinatatayuan namin dahil naging outdoor na ang kinaroroonan namin. My eyes are narrowed while staring my enemy who is the real founder of Erobern.

"Traydor ka rin pala, Kennedy." Ito ang narinig ko mula kay Atkings. "Isa ka din palang salot sa organisasyon natin, ikaw din naman ang isa sa nagbuo ng Erobern tapos ganito din pala ang isusukli mo sa akin."

"Hindi ko hinangad ang maging founder ng Erobern at mas mabuti pang pakibura ang aking pangalan sa Einheitlichkeit." Ito naman ang sagot ni Kennedy. "Kayo lang din naman ang nasa likod ng nangyari noong nakaraang-"

"Dito na nama tayo sa nakaraan eh! Pwede bang kalimutan mo ang nakaraan?"

"Imposibleng mabura ang nakaraan dahil balak ako patayin at ginahasa pa nila ako ng mga nasa Einheitlichkeit Organization." Ito naman ang sagot ni Luanne kay Atkings. "Hindi namin makakalimutan ang nakaraan dahil sa akin ay isa iyong trauma."

Dumating naman si Jadren at Jelailah sa kinaroroonan namin at tumabi iyon sa akin. "Anong nangyayari dito?" Tanong ni Jadren sa akin habang nakatingin ako kay Atkings.

Dumating naman sila Wayi, ang mga miyembro ng Sixteenth Scout Agent at ang magkapatid na Maggie at Cheska Landez. "Nabalitaan ko ang pangyayari dito at alam ko na din ang-" magsasalita sana si Ma'am Cheska ngunit nagsalita naman si Ma'am Maggie para kausapin si Kennedy kaya't nahinto siya sa pagsasalita.

"Kennedy, kompirmado na hindi ka miyembro ng Erobern at kakampi ka namin." Ito ang sabi ni Ma'am Maggie kay Kennedy.

"Huwag tayong kakampante dahil hindi lang ang nasa harapan natin ang miyembro ng Erobern." Ito naman ang sinabi ni Kennedy.

"What do you mean?" Ma'am Maggie confusedly asked ngunit hindi naman sinagot ni Kennedy ang tanong.

"Siguro naman ay alam mo ang nangyari, Atkings. Kuya mo pa naman ang miyembro ng Ausgehungert." Kennedy hissed on Atkings after stare at Atkings. "Hindi ko kailanman tumulong sa Einheitlichkeit kahit isaksak ko pa ang kaaway ko sa labas ng organisasyon."

Habang nagsasalita si Kennedy, may narinig akong footsteps at palakas na palakas iyon hanggang may nakita akong anino sa lupa, isang babae ang nasa tabi ko sa kabilang kinaroroonan nila Jelailah at isa lang ang nasa isip ko. Lumingon ako sa kanya at ang babaeng tinutukoy ko ay si Lala.

"Kennedy, Lorna, ako na bahalang nag-takeover sa lalaking ito." Ito ang salitang binitiwan ni Lala habang nakatingin siya kay Atkings. "Alam ko ang information about this guy dahil nabalitaan sa akin ito ni Inay."

"Lala, hindi natin alam ang taong iyan." Ito ang sinabi ko naman kay Lala.

"No Lorna, kaya ni Lala ang taong iyan dahil siya lang naman ang may Atheist Vision sa lahat." Ito naman ang pahayag ni Jelailah kaya't lumingon ako sa kanya na mayroong pagtataka.

"A-anong..." Linya ko nalang dahil hindi ako naniniwala sa sinabi ni Jelailah.

"Diba, siya ang Protector's Lung?" Karagdagang ani Jelailah kaya't lumingon muli ako kay Lala.

"Ate, may Nitrogen ang kalaban mo kaya't mag-ingat ka sa kanya." Ito ang bilin ni Kennedy kay Lala.

"Nitrogen lang ang sa kanya..." Sabi ni Lala at dito ko nasaksihan ang pagkaroon ng kulay pula sa kanyang pupil na mayroong four stripped star na hugis diamond ang gitna. "Atheist Vision ang mayroon ako."

"Atheist Vision?" Tanong ng isang miyembro ng Sixteenth Scout Agent na si Wade bilang pagtataka.

Lumingon si Lala sa mga kasama namin at maging ako at nakita ako nga ekspresyon nilang lahat noong nasilayan nila ang mata ni Lala.

"Atheist... Vision..." Ito ang linya ni Kennedy while his jaw is suddenly dropped.

"First time kong nakita ang ganyan..." Ito naman ang komento ni Luanne habang naglakihan ang mga mata niya. "Ito ang Grasp Vision ni Akane Mendoza." Karagdagang ani pa ni Luanne.

"Wow..." Komento naman ni Wayi at ngumiti ito dahil sa kanyang nakita.

Ang miyembro ng Erobern ay pinagmasdan nila ang mata ni Lala at hindi na ito makapagsalita pa, maging sila ay namangha sa kanya. Sila Jelailah, Ma'am Maggie ay Ma'am Cheska at nakita ako ang kanilang mga ngiti sa kanilang mukha, ang nasa isip ko ay nakita nila ang atheist vision ni Lala dahil sila lang din naman ang magkasama.

Ngunit isa sa amin ang walang ekspresyon at balewala lang ang Atheist Vision ni Lala, ang tinutukoy ko lang naman ay si Jadren.

Inisip ko nalang na ano ang mayroon kay Jadren bakit wala lang sa kanya ang Atheist Vision kay Lala? Dahil lang ba sa nakaraan kasi kay Miss Akane? O baka may alitan silang dalawa.

Narinig ako ng isang footstep kaya't lumingon ako kay Lala, umabante ito ng dalawang hakbang at sabi niyang "Ako na bahala dito kaya't umalis na kayo sa kinaroroonan na ito. Ako at ang taong nasa harapan ko lang naman ang dapat nandito ngayon."

"Ano gagawin mo? Sacrifice mo ba ang sarili mo?" Ito naman ang tanong ni Jelailah kay Lala.

"Basic enemy lang ito kaya't trust me." Ito nalang ang sagot ni Lala. "As a leader of this group, go back to Capital State as soon as possible."

"R-roger!" Ito nalang ang tugon naming lahat at daling tumalikod kami kay Lala para magsimulang tumakbo papunta sa labas ng compound na ito.

Nang tumatakbo kami, biglang may napansin ako sa mga kasamahan namin kaya't huminto ako sa harap ng supply area. "S-sandali, may kulang sa atin?" Ito ang sinabi ko kaya't huminto silang lahat sa kakatakbo at humarap sa akin.

Dito ko napansin na nawawala si...

"Si Jadren?!" Ito ang sinabi ko dahil napansin ko na isa sa wala ang nasa kinaroroonan namin.

Namasdan ni Jelailah ang kinaroroonan ni Lala at maging ako at tumingin doon at dito namin nakita si Jadren na nasa tabi ni Lala.

Pupuntahan ko sana si Jadren ngunit may humawak sa aking braso, tumingin ako sa taong iyon at ang humawak sa akin ay si Jelailah.

"Ano ginagawa mo?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.

"May tiwala ako sa kasintahan ko kaya't hayaan nalang natin sila." Ito lang ang sinabi sa akin ni Jelailah.

Lumapit naman si Luanne at Kennedy sa akin at tinanong ako ng kapatid ko. "May problema ba?"

Lumingon ako kila Jadren at sabi kong "Parang may alitan kasi silang dalawa at hindi ko alam kung ano ang mangyayari between Lala and Jadren."

"Sa truck nalang natin pag-usapan yan kaya't kailangan natin puntahan ang ika-apat na Chairman." Ito naman ang sinabi samin ni Ma'am Maggie. "Let's go!" Karagdagang ani pa ni Ma'am Maggie bilang utos niya at wala na kaming magawa kundi tumalikod at tumakbo palayo doon hanggang sa labas ng Compound.

-

STUNN3R

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top