Chapter 26
LUANNE'S POV
Tinulak ako ni Atkings papasok ng kulungan kaya't hindi ko na ginawa pang maglaban pa sa kanya. Napaupo nalang ako bigla sa sahig after niya ako matulak.
"Ito na siguro ang huli mong bahay kaya't magdusa kang bruha ka," sabi ni Atkings sa akin at kaagad na sinara ang pinto.
Narinig ko ang bawat tunog sa labas kung paano kinandado ni Atkings ang pinto.
Daling tumayo ako sa kinaroroonan ko at naglakad papunta sa pinto. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto at daling hinila ko iyon ngunit ay hindi ito nabuksan dahil naka-lock. Bumitaw nalang ako sa doorknob at ako'y umupo nalang sa sahig na may kasamang sandal sa pader malapit sa pinto. Wala na ako magagawa pa at paniguradong mascot ako sa laban na ito, kampante pa naman akong mananalo kami laban sa Erobern ngunit dahil sa nakakulong ako ngayon ay maaring gawin ko lang ay hintayin sila na tulungan nila ako basta makawala lang dito sa kulungan na ito.
Habang naghihintay, naalala ko ang araw na iyon. I mean, ang araw na kung saan ang dahilan ng pagkatulog ko ng dalawang taon.
****
2 years ago...
South Caloocan, Capital State...
Tamang kain lang ako ng tirang spaghetti habang nakaupo sa sofa at ang aking mata ay nakatutok sa isang malaking T.V nila Lorna. Pinapanood ko lang ang isang telenobela na nasa TV noong gabi na iyon. Ngunit isang kabog ng pader ang narinig ko ay bumilis bigla ang puso ko, lumingon ako sa left side ko at ang mga mata ko ay naglakihan nalang.
Biglang narinig ko ang kalabog galing sa pinto dahilan para mabuksan iyon at may isang tao sa labas na bumato ng isang maliit ng bagay kaya't narating iyon sa kinaroroonan ko. Dito nalang biglang naging puti ang paningin ko at wala na ako marinig kundi isang tunog na halos masira na ang aking tenga.
May nakahawak sa kanang braso ko habang wala akong makita at kaagad na tinulak ko ang katawan niya na may kasamang hangin na lumalabas sa kamay ko.
Ngunit nakaramdam ako ng isang karayom na nakatusok sa kaliwang braso ko at ito ang dahilan ng pagbagsak ko at naging maitim ang paningin ko. Nasa isip ko lang na iyon ang katapusan ko, hindi pa ako nagpaalam kay Lorna na mawawala ako noong oras na iyon.
Habang hinang-hina ako ay may narinig ako ng isang salita.
"Vergewaltige sie.." boses babae pa naman ang narinig ko at may naghubad sa short at panty ko. Ibig sabihin nito, may gumahasa sa akin na hindi ko alam at tulog.
Madumi na ang pagkatao ko dahil sa kanila. Hindi ko aakalaing ganon ang nangyari sa akin after maging successful ang buhay ko. Ito ang consequence ng nangyari sa akin at dalang-dala ko na ito habang buhay.
End of flashback...
****
Napatayo nalang ako sa kinauupuan ko at sinimulan kong maglakad papunta sa kabilang sulok ng kulungan na kinaroroonan ko ng dahan-dahan. Nakayuko ang aking ulo while cross-arm ako dahil iniisip ko ang mga tanong bakit ganito ang nangyari sa akin.
Sa sobrang successful ko ba ay ito ang bad karma sa akin? May ginawa ba akong kasalanan sa kanila kaya't ginagahasa ako ng mga lalaki at binugbog ako ng mga babae na iyon? Sino ba sila? Ano ba talaga ang pakay nila? Ano ang dahilan bakit ganito?
Napasandal nalang ako sa sulok habang ako'y nakatayo, nakatingin sa pinto at ang mas masaklap pa dito ay naramdaman ko ang kirot sa ibaba ko. Magaling nga ako ngunit may mga parts ng katawan ko na hindi pa maayos at magaling kagaya ng p*ssy ko, ang likod, ang kanang bahagi ng paa ko at ang left cheek ko dahil sa nangyari sa akin dalawang taon ang nakaraan. Ito ang mga marka ng nakaraan ko at sa ngayon ay hirap mag-move on dahil sino pa namang makalimutan kaagad ang ginahasa ka ng hindi mo nararamdaman at binugbog ka ng tulog ka.
"Miss?" May isang boses na babae akong narinig mula sa pinto. Nakita ko na dalawang mata ang nakasilip sa akin kaya't nakataas ang isang kilay ko sa aking nakita.
Nawala siya sa labas ng pinto na iyon ngunit isang malakas na kalabog ang narinig kaya't nasira ang pinto ng kulungan na kinaroroonan ko at nakasandal nalang sa tabi ko a few decimeter away from it.
Isang babae ang nakita ko. Mahaba ang buhok niya na kulay brown, maputi at naka-palda at long sleeve polo ang suot.
"Sino ka?" Tanong ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin ng tahimik at hinawakan niya ang braso ko. "Sasagutin ko iyan kapag makakaalis tayong dalawa dito." Sabi ng babae na iyon.
"Salamat ah..." Wika ko sa kanya at tumungo siya bilang tugon niya.
Kaagad sinimulan naming tumakbo palabas ng kulungan habang nakahawak parin niya ang braso ko. Nagtataka ako sa kanya at parang si Fourth Chairman ang nakikita ko sa mga kinikilos niya.
Tuloy parin kami sa takbo sa Hallway at mabuting palad ay walang kahit na sinong Erobern ang nadatnan namin hanggang sa kumanan kami at nakarating sa isang madilim na lugar.
Napasilip siya sa labas ng silid at mamaya ay sinarado niya ang pinto kaagad. Biglang nagka-ilaw ang hawak niyang phone at nakatutok iyon sa akin while nakatingin na ito sa akin.
"Ikaw pala si Luanne." Sabi niya sa akin na may kasamang ngiti.
"Ahhh... S-sino ka ba?" Tanong niya sa akin.
"Kagaya mo rin ako, Luanne." Wika niya kaya't tumaas ang isang kilay ko.
"What do you mean?"
"Kung ikaw ang kapatid ni Lorna, kapatid naman ako ng ika-limang Chairman ng Capital State." Wika niya. "Ako lang naman si Lala Del Romeo. Kagaya mo rin ako na isa din akong ampon sa Family namin but iba lang ang naging landas."
"Ahhh..." Ganito nalang ang sabi ko habang ako'y napapikit ng mata at kaagad na namulat iyon.
"Nga pala Luanne, m-maayos ka pa ba? Kakagaling mo lang diba sa-"
"Maayos naman ako." Kaagad na sabi ko bilang interrupt kay Lala. "So, ikaw pala si Lala, ang estudyante ni Fourth Chairman."
"Y-yes, Luanne." Tugon naman niya and she smiled.
"Two years ako natulog, ano ba nangyari bago iyon?" Tanong ko sa kanya.
"Two... Y-years?!" Linya ni Lala kaya't nagsilakihan ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. "P-paano-"
"Long story." Kaagad na sabi ko kaya't nahinto nalang si Lala sa kanyang sasabihin. "Ano ba talaga ang nangyari after matulog ako?" Tanong ko pa sa kanya.
"Ahhh... E-eh may nangyari kasi na War on Rebel between the government which is tayo at ang rebelde na sila Jonuzh Millotic ang kalaban." Ani Lala. "Nagtagal iyon ng three months at ang location ay mostly sa Northern District. Since isa ako sa hero ng War on Rebel dahil ako at ang mga kasama ko lang naman ang nakahuli kay Jonuzh, nagka-Medal of Honour ako at isa na akong Senior Rookie."
"Sumunod naman ang Twenty-twenty State Election which is si Ate Diane naman ang tumakbo bilang Chairman ng Capital State at ang running mate niya ay si Miss Leanny Quirino." Kwento pa ni Lala sa akin at dahil sa sinabi na si Mom ang running mate niya ay nagtaas-kilay ako.
"R-running mate niya si Mom?"
"Dapat si Ate Jelailah sana but ayaw ni Ate Jelailah na tumakbo dahil ayaw niyang ma-involve ang name niya sa politics that's why Miss Leanny was ran for Vice Chairman position for her second attempt." Paliwanag ni Lala.
"Ano kasunod?"
"Nanalo silang dalawa at unang termino palang nila ay puro gangwar na sa iba't-ibang lugar here in this State. Nagdeklara ng Martial Law si Ate Diane because of that but hindi parin iyon naging successful dahil sa Erobern."
"Einheitlichkeit Organization." Sabi ko bilang pagklaro sa sinabi ni Lala.
"Okay! Ein..."
"Basta yung organization nila."
"Okay!" Tugon nalang ni Lala at tumahimik nalang kaming dalawa, iniwan ko na siyang tignan si Lala at
Ngunit nag-iba na naman ang pinag-usapan naming dalawa sa sinabi niyang "Paano kayo nagkakilala ni Lorna?"
Tinaas ang isang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "Huh?"
"Tinatanong kita kung paano kayo nagkakilala ni Lorna?" Inulit pa ni Lala ang tanong.
"Ahhhh... K-kinupkop lang naman niya ako." Sagot ko naman sa kanya habang umiwas na naman akong tignan si Lala. "Nakakahiya lang sa una dahil mayaman pala sila Lorna dahil sa nanay niya."
"Ngunit hindi iyon ang hadlang kung bakit nila ako tinanggap." Tumingin ako kay Lala at karagdagang sabi ko pang "Simula noong tinulungan ako para mawala ako sa tinatawag na DANGER ZONE ko noong nakaraan ko bilang ako ay nagbago ang lahat, dahil sa kanila ay nag-iba ang Margareth Luanne Nowitzki kaya't nandito ako ngayon kasama kita. Hindi naman ito mangyayari ngayon na nandito ako kung hindi naman nila ako tinulungan."
"Ano ba yung nakaraan mo?" Tanong pa ni Lala sa akin.
Umiwas na naman akong tignan siya muli habang sinagot ko ang sinabi niya. "Isa lang akong pulubi noong kabataan ko, biktima ng child labor at tanging pagkain ko lang noon ay tig-pisong chichirya lang sa tabi-tabi."
"Ay! Nakilala mo ba ang mga magulang mo?"
"Wala ako magulang simula noong pinanganak na ako." Sabi ko naman sa kanya habang nakayuko ang ulo ko. "Hindi ko nga alam kung saan ako nagmula, kung saan ako pinanganak, kung taga saan ba talaga ako, ang daming tanong na hindi ko masagot sa sarili ko at hindi rin kayang isagot ng mga nakapaligid sa akin."
"But you have a name which is Margareth Luanne Nowitzki." Sabi naman ni Lala sa akin.
"Ang pangalang Margareth Luanne Nowitzki ay tanging pinangalan lang sa akin ni Mang Dado."
"M-ang Dado?! S-sino naman si Mang Dado?"
"Siya lang din naman ang taong ginawa akong trabahador noong bata palang ako at ang malupit na taong nakilala ko." Sabi ko naman kay Lala habang nakayuko parin ang ulo ko at nagsimulang tumulo ang mga luha ko galing sa mga mata ko. "Hindi ko alam kung bakit iyon ang pinangalan sa akin."
"Sandali! H-hindi ka naman mabubuhay kung hindi la inalagaan, diba?"
"Wala ako maalala kung paano ako inalagaan ng mga tao na iyon kahit sa information ng magulang ko ay wala akong maalala." Wika ko naman habang nakayuko parin ang ulo ko. "N-ni kahit kamag-anak ko nga ay hindi din nila alam."
Kinapa ako ni Lala sa balikat ko at sabi niyang "Parehas lang tayong dalawa kaya't nararamdaman ko ang sakit ng nararamdaman mo ngayon, Luanne."
Lumingon ako sa kanya at tanong kong "Paano mo naman nasabi?"
"Kinupkop ako ng isang lalaki na nagmula sa France at..." May kinuha si Lala sa kanyang bulsa at pinakita niya iyon sa akin, isang ID na naglalaman ng kanyang Information.
"Ellainah Del Romeo... C-chief Executive Officer?!" Binasa ko ng mabuti ang ID niya at naglakihan ang mga mata ko sa pagkabasa sa Chief Executive Officer.
"Na ngayon ay Chairman at Owner ng Del Romeo Petroleum Incorporated." Sabi pa ni Lala at karagdagang ngiti.
"P-paano..." Ito nalang ang linya ko habang bumuka nalang ang mga labi ko.
"I was graduate in University of Paris or Université de Paris, Suma Cum Laude in Bachelor of Science in Business Administration. Nag-accelerate ako ng ilang beses noong elementary at high school ko kaya't ang bata ko pang natapos ng kolehiyo." Sabi pa ni Lala habang binulsa niya ang ID niya kaya't hindi ako makapagsalita pa. "Noong namatay ang father ko ay naging CEO muna ako ng ilang months and then ay naging Chairman na ako ng Del Romeo Petroleum Incorporated."
"Eh b-bakit ka pa nag-Special Force?" Tanong ko pa sa kanya.
"Hinahanap ko lang naman ang tunay kong pamilya here in the Philippines at ito lang naman ang paraan para mahanap ko sila." Sabi naman ni Lala.
"Wow..." Ito nalang talaga ang sinabi ko habang ngumiti nalang ako sa kanya.
Ngunit ay may kausap na naman si Lala sa earphone na nakakabit sa tenga niya. "Hello Inay... Yes po... I'm here in Penalty Area with Luanne... Okay po..."
Pagkatapos ay humarap si Lala sa akin at sabi niyang "Makakaalis tayo dito dahil walang mga tao na nandito except sa ating dalawa."
"Si-sige..."
"Sumunod ka sa akin." Sabi ni Lala at kaagad nagsimula kaming maglakad para makalabas na kami sa gusaling ito.
-
JELAILAH'S POV
"Bilisan mo at mahuli natin si Atkings..." Sabi ko kay Jadren habang patuloy parin kami sa pagtakbo sa loob ng Communication Area Two.
"Nasa Second Floor lang naman si Atkings kaya't kailangan makarating tayo doon." Wika naman ng kasintahan ko na si Jadren.
Huminto muna kami sa harapan ng hagdanan, nakaramdam ako ng pagod kaya't hingal na hingal ako at napayuko nalang ako habang nakakapit ako sa baluster ng hagdanan. Napaupo naman si Jadren sa hagdan at nakayuko naman ang kanyang ulo. Balot na kami ng pawis sa aming mga katawan at uhaw na uhaw.
Ngunit may nakarinig akong tunog parang may sumasapi na nagmumula sa itaas kaya't tumaas ang isang kilay ko, napatingin nalang ako doon mula sa kisame at bumitaw sa paghawak da baluster.
"Honeylabs, tumayo ka at may paparating." Sabi ko kay Jadren habang nakatingin parin sa kisame at tumayo na nga ito papunta sa akin at hinawakan niya ang kaliwang kamay sa gamit ang kanang kamay niya.
My eyes are narrowed while stare at the ceiling area of this place, until may isang bolang nag-reflect sa pader papunta sa amin. Sumabog iyon bigla sa kinatatayuan namin but puno ng usok ang nakapalibot sa amin kaya't panay ubo nalang kaming dalawa at sinampal namin ang mga usok sa kung saan-saan mawala lang iyon.
"Ugh! Ugh! Ugh!" Kaagad na tinakpan ko ang bibig at ilong ko using my left hand and my eyes are close habang patuloy parin sa pagpapaypay gamit naman ang kanang kamay ko.
Nang nawala ang usok at dumilat ang mga mata ko, nakita namin na halos dosenang mga humanoid ang nabungad sa amin na may baril ang kaliwang kamay.
"A-anong... Ibig... Sabihin ito?..." Tanong ni Jadren at dahil sa tono ng pananalita niya ay nagulat at nagtataka ito.
"M-mga AiBot..." Sabi ko naman bilang sagot sa tanong ni Jadren while stares on the AiBots and my jaw are dropped.
"Ai... AiBot?"
"Isang Humanoid na ginawa ng Capital State Government noong panahon pa si Second Chairman ang namamalakad noon dahil ang tungkulin lang nila ay i-assist ang mga Armed Forces at Witchcraft Special Force sa giyera like sila ang frontrunner at once na may makalap na information about sa kalaban ay alam na nila ang mangyayari." Sabi ko naman sa kanya while nakatingin sa mga robot. "Hindi ito nagamit dahil na-veto niya kaagad-agad ng tatay mo dahil mga AI robots ito, baka ito pa nga ang mag-extinct sa atin at sila ang mananaig sa mundong ito dahil may sinabi ang nanay mo na magkakaroon ng World War Three but itong mga robots ang magiging kalaban natin."
"W-wala akong nabalitaan ng ganito noong Chairman pa si Papa noon." Sabi naman ni Jadren. "Sandali, p-paano natin matatalo ang mga iyan?"
"May weakness ang mga AiBot na iyan which is sa center part ng torso lang nila tamaan." Paliwanag ko sa kanya bilang sagot habang nakatingin parin ako sa mga AiBot.
"Madali lang iyan, Honeylabs." Wika ni Jadren at binato niya ang Plant Blade niya sa isang AiBot, tumama at natusok ang gitnang bahagi ng katawan ng robot na iyon, ngunit ay gumagalaw parin ito.
"What..." Naglakihan nalang ang mga mata ko at nabukaka ang bunganga ko sa aking nakita.
Ngunit agad bumuwelo ang magkabilang braso ko habang huminga ako ng malalim at daling diniretso ko ang braso ko kaya't nagpakawala ako ng malakas ng hangin mula sa mga kamay ko. Dito na nagsi-lipad ang mga AiBot at tumama sa pader kadahilanan ng pagsira ng mga ibang parte ng mga robot na iyon.
Binaba ko ang mga braso ko at sabi kong "Pwede na tayong—"
Isang hakbang lang namin, dumating na naman ang isa pang dosenang mga robot sa hagdan at nakatingin iyon sa amin.
"What tha..." Huminto nalang ako sa balak kong dumiretso dahil sa mga AiBot na nakatayo sa hagdan.
"Mukhang tatagal ito." Wika nalang ni Jadren.
Mahirap pa naman sirain ang AiBot except lang sa center part ng torso, parang may nabago sa AiBot na binasa at pinag-aralan ko before.
Ang tanong dito ay...
"Paano kaya sirain ang AiBot?"
-
LORNA'S POV
Nakapasok na ako ngayon sa Training Area, iniwan kong nakabukas ang pinto dahil madilim sa kinaroroonan ko ngayon.
Dahan-dahan akong naglakad ng diretso habang lumingon-lingon sa kung saan-saan. Iniisip ko na nagtatago lang si Kennedy sa kinaroroonan ko ngayon at may patibong dito.
"NASAAN KANA, KENNEDY?!!!" Wika ko habang patuloy sa paglalakad na dahan-dahan at lumingon sa kung saan-saan.
Ngunit may narinig akong kalabog sa pinto at nagdilim bigla ang paligid ko, dito nalang bigla bumilis ang tibok ng puso ko at huminto sa paglalakad. Kaagad na pinikit ko ang mga mata at daling dumilat, nagkaroon lang ng konting linaw ang mata ko at nakikita ko ngayon ang madilim na paligid. Nasa gitna ako ngayon ng Training Area at ang iniisip ko ay baka may patibong dito.
Biglang nagliwanag ang mga gilid ng Malaking silid na nasa kinaroroonan ko kaya't lumingon ako sa mga ilaw na nasa corner, nakatutok pa naman ang ilaw sa akin at iniisip ko talagang may patibong dito, bumagal nalang ang tibok ng puso ko dahil kampante akong may patibong dito kaya't lagi akong handa kahit galing sa underground manggagaling ang patibong niya.
"NASAAN KANA, KENNEDY!!" Sigaw ko ngunit hindi siya nagpapakita or nagparamdam lang ng kahit ano man. "Hindi mo ba ako kilala!? Uto-uto ka talaga Kennedy!!!"
Mamaya ay bumungad nga si Kennedy sa harapan ko, neutral lang ang kanyang ekspresyon ng kanyang mukha at ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng kanyang pantalon na suot niya.
"Oh! Handa kana ba mawala sa mundo? Palibhasa ikaw lang din-"
"Lorna, tulungan mo ako sa nais ko..." Wika ni Kennedy na mayroong pakumbabang tono kaya't nahinto ako sa pagsasalita and my eyes are narrowed while stare at him.
"What do you mean? Ikaw lang din naman ang dahilan kung bakit na-hospital si Luanne!!"
"Nagkakamali ka, Lu- I mean, Lorna." Buwelta naman ni Kennedy.
"Tatapusin kita ngayon, Kennedy." Wika ko na mayroong gigil na tono at ang kanang kamay ko ay sinarado ko ng todo. "Hindi makatarungan ang ginawa mo kay Luanne..."
Hindi nalang makapagsalita pa si Kennedy at nanatiling neutral ang ekspresyon ng kanyang mukha habang nakatingin ito sa akin.
I want to suffer him kung ano mang ang nangyari kay Luanne. This time, I want to revenge for my sister.
-
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top