Chapter 25
LORNA'S POV
"P-paano..." Bukas ang bunganga ko dahil hindi ko akalaing pumunta si Lorna dito.
"Saka ko na ipaliwanag ang lahat dahil alam ko ang totoo kung ano ang nangyari two years ago." Sabi ni Luanne sa akin.
Ngunit nakarinig kami ng pagsabog sa labas ng parking lot na kadahilanan ng pagkatahimik naming dalawa.
"A-ano iyon?" Tanong ko.
"Nandito na ang iba pang mga offender sa compound na ito." Sabi naman ni Luanne sa akin.
"Sandali! Paano-"
"Delikado ang mission na ito dahil may isang gang under the Einheitlichkeit Organization na naghasik sa Pasig kanina lang umaga." Ani Luanne. "Dumating ang iba pang offender doon at hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang giyera. Ni-lockdown naman ng Mayor ng Pasig para hindi makalabas ang ibang gang at ang mga sibilyan nama'y pinapunta sa Evacuation Center sa labas ng lungsod na iyon."
"Ibig sabihin-"
"Nagdeklara na si Fifth Chairman ng Giyera kontra sa Einheitlichkeit Organization." Sabi pa ni Luanne ay naglakihan ang mata ko dahil sa sinabi niya.
Kaagad na kinuha ko ang phone ko para tignan ang pangyayari sa Capital State sa isang Social Media Apps. Tamang pindot lang ako at i-search ang salitang CAPITAL STATE UPDATE.
Hanggang sa nabungad ko na ang isang post tungkol sa Pasig City.
-----
"Pasig City is now Warzone since War on Rebel."
"Capital State Chairman Diane Kalembang declared a war against the gang organization called Einheitlichkeit."
-----
Naglakihan ang mga mata ko at bumukaka ang bunganga ko dahil sa akin nabasa at nakita.
Ibig sabihin ay giyera na naman but this time ay sa ibang grupo naman.
Tumingin ako kay Luanne para sabihing "Alam mo kung anong gang ang nasa Pasig?"
"Walang sinabi si Fourth Chairman about dito basta under sila ng Einheitlichkeit Organization." Sabi naman ni Luanne. "Sa ngayon, ang gagawin natin dito ay mahuli natin ang founder ng gang na kumakalaban sa atin dito sa lugar na ito. Since nakapasok na tayo sa mismong lungga nila ay madali na natin sila matalo."
Tumayo si Luanne at binuksan ang pinto. "Kailangan ko puntahan ang iba pang offender sa labas para matulungan ko sila. Hanapin mo nalang ang founder nila or tulungan mo sila Jelailah."
Lumabas si Luanne sa kotseng sinasakyan namin at kaagad na sinara ang pinto para walang makakita sa akin. Tumakbo na nga si Luanne palayo sa kotse para ito'y makaalis na.
"Lorna, mukhang aangat si Luanne sa iyo kahit estudyante mo pa siya." Sabi naman ni Jadren sa akin.
"Jadren, puntahan natin sila Lala at Jelailah." Sabi ko sa kanya.
"Sige!"
Dito na kami bumaba sa sinasakyan namin at walang naiwan ng kahit ano. Sinara namin ang kotse at dito kami naglakad palayo doon at papasok naman ng Main Building para hindi kami halata na kalaban kami ng Erobern.
-
LUANNE'S POV
Tamang takbo lang ako palabas ng Parking Lot at nabungad ko ang isang sigalot sa pagitan ng Erobern Gang at ng mga Offender Special Force.
Kaagad na tumakbo ako sa left side ko para maiwasan akong madamay sa gulo. Sa mabuting palad ay walang pumapansin sa akin na kahit na sino kahit Erobern pa mismo.
While running, nakarinig ako ng consecutive explosions but slight lang ang pagbomba na iyon.
Tuloy lang ako sa takbo hanggang nakarating na ako sa isang sirang gusali. Dito ko natagpuan sila Wayi at ang mga kasama niya na nag-aabang sa gilid.
"Wayi..." Sambit ko para lumingon siya sa akin.
"Oh! Ikaw ba ang pinadala ng Ika-apat na Chairman?"
"Sumunod kayo sa akin." Kaagad na tumakbo ako sa kanan at sumunod naman silang dalawa sa akin.
Habang tumatakbo, nag-uusap kaming apat muna. "Sino mga kasama mo?"
"Mga membro ng Sixteenth Scout Agent sila." Sagot ni Wayi.
"Sixteenth? May Sixteenth Scout Agent na pala."
Kaagad na huminto kami sa isang pader at sumandal ako doon. Naki-sandal na din silang apat sa tabi ko habang ako'y sumisilip lang sa mismong battlefield ngayon.
"May sinabi si Fourth Chairman na tamaan sa paa ang mga miyembro ng Erobern para mas mapabilis natin sila matalo." Sabi ko habang ako'y sumisilip sa battlefield.
"Paano?" Tanong ni Wayi sa akin.
Kaagad na pumunta ako sa isang barrel at nakita ko ang apat na klaseng sniper rifle. Isang C14 Timberwolf, isang L42A1, isang AWM at isang Marine Scout Sniper Rifle na gawang Pinoy. Kaagad na kinuha ko iyon at hinagis sa kanila isa-isa kaya't sinalo naman nila iyon.
"Ito ang gagamitin namin?" Tanong pa ni Wayi sa akin habang tinignan niya ang Sniper na hawak niya.
"Kayo na bahalang pumuntirya ng mga kalaban basta huwag ninyong patayin, iyan ang utos ni Fourth Chairman sa atin kaya goodluck." Sabi ko at daling tumakbo palayo sa kanila.
Nang huminto ako sa likod ng Farm House, biglang may narinig akong boses sa earphone na nakakabit sa kanang tenga ko.
"Ano na status, Marga?"
"Maayos naman po ang lahat. Inutusan ko na sila Wayi sa gagawin nila while papunta naman ako ngayon kila Madam Cheska since kasama mo sila kanina doon."
"Okay! Nasa Communication Area One sila but before anything else ay pasabugin mo naman ang isa pang Farm House."
"Farm house? Diba sinabi mo po na isang Farm House lang po ang pasabugin-"
"Utos naman ni Fifth Chairman since may evidence na nakalap regarding diyan at nasa kamay ni Lala ang Ebidensya na iyon."
"Okay! Gagawin ko na po."
"May C4 na binigay ako sa iyo kaya gamitin mo iyan para diyan. Pagkatapos mo itanim ay puntahan mo naman sila Lala sa loob ng Main Building habang papunta ka doon at sirain mo ang mga tore na maaring madadaanan mo para may advantage ang offender sa laban."
"Okay po."
Dahil nasa Farm House ako, kaagad na kinuha ko ang C4 Bomb sa Bag ko habang napaupo ako sa sahig.
Huminga ako ng malalim at pumindot ako ng ilang beses, ma-orasan ko lang ang bombang hinahawakan ko at nilagay ko sa isang sulok na kung saan ay walang makakakita sa ginagawa ko ngayon.
Nang tumayo ako ng maayos, may isang bagay na parang nakatutok sa likuran ng ulo ko.
"Wag kang kikilos ng masama." Wika ng isang lalaki sa likuran ko kaya't tinaas ko nalang ang kamay ko ng tahimik.
"Humarap ka sa akin." Sabi niya at sinunod ko ang utos niyang humarap ako sa kanya ng dahan-dahan. Dito ko nakita si Atkings na may dalang baril at nakatutok sa mukha ko.
Kinapkapan niya ako sa mga bulsa ko sa pantalon ko habang nakatutok parin ang baril niya sa ulo ko.
Humawak siya sa braso ko at wika niyang "Sumunod ka sa akin at ako ang makakalaban mo."
Wala na akong magawa kundi tumugon nalang ako ng salitang "Opo..."
Hinila niya ako habang naglalakad kaming dalawa papunta sa kung saang lugar dapat ako dalhin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay tinanim ko ang bomba na hindi niya alam at walang nakakaalam.
-
LALA DEL ROMEO'S POV
Tuloy lang ako sa paghahanap ng mga document sa isang table dito sa silid na kinaroroonan namin which is the office nila.
Tamang kuha lang ako ng mga document, binabasa ko lang iyon kung ano ang nilalaman at kaagad na binalik ko sa kung saan ito naka-pwesto dahil hindi iyon ang hinahanap namin.
"Wala ka pa nahahanap?" Tanong ni Ate Jelailah sa akin.
"Wala talaga eh. Ikaw ba Ate?"
"Kahit saan ay wala parin ako nahanap na kahit ano." Ate Jelailah replied. "Baka nasa ibang pang kwarto ata ang iba pang mga files na kung saan ay nandoon ang maaring hinahanap natin."
"Siguro nga, Ate Jelailah." Tugon ko naman habang lumingon ako sa kanya.
"Pero patuloy lang tayo sa paghahanap at baka nandito pala yung maaring mahanap natin, Lala."
"Sige, Ate Jelailah." Tugon ko habang ako'y tumalikod at kumuha ng isang folder.
Ngunit noong paghawak ko palang ng folder ay may nakaramdam na ako ng kakaiba, parang may paparating dito at mga kalaban ang tinutukoy ko.
Binitawan ko ang folder kaya't nakalagay sa ibabaw ng shelf, tumakbo kaagad ako kay Ate Jelailah at hinawakan ko ang braso niya, hinila ko siya papunta sa upuan at ako'y umupo.
"Lala? Anong nangyari sa iyo?" Tanong ni Ate Jelailah sa akin habang siya'y nakatayo.
"M-may paparating..." Bulong ko da kanya kaya't umupo nalang siya sa tabi ko.
Ngunit ay may hawak siyang folder kaya't tinago niya iyon sa ilalim ng lamesa.
"Paano mo nalaman?" Bulong naman ni Ate Jelailah sa akin.
"Diba may Atheist Vision ako?" Paliwanag ko sa kanya.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Lala."
"B-basta may nakaramdam akong kakaiba." Sabi ko nalang sa kanya.
Dito na kaming nakarinig ng pagbukas ng doorknob kaya't tumingin kami doon. My eyes are squinting and my mouth are open while gaze on the door.
Nang bumukas ang pinto ng kung sino man ay daling ngumiti ako at nilapag ko ang mga kamay ko sa lamesa habang ang mata ko'y nag-pop lang ng konti.
"Oh! Lorna! Honeylabs!" ate Jelailah called to them kaya namaling akala ako.
"Kala ko ba naghahanap kayo ng mga documents?" Tanong ni Lorna sa amin.
"Ahhhh... Si Lala..." Tumingin si Ate Jelailah sa akin.
"Ah!" Tumayo ako sa kinauupuan ko para sabihing "Akala ko kasi may paparating na kalaban kaya napaupo nalang kami dito."
"Okay!" Pumasok sila sa silid at sinarado ni Jadren ang pinto.
"May bad news kaming sasabihin sa inyong dalawa." Wika ni Lorna.
"Ano naman iyon?" Tanong ni Ate Jelailah.
"Naniniwala ba kayo na may giyera na sa labas ng Main Building na ito?" Lorna said and my eyes are squinting again.
"Giyera sa labas? So ibig sabihin ay-" nahinto bigla si Ate Jelailah dahil may sinabi si Jadren sa amin.
"Dumating dito sila Luanne at maging ang Offender." Paliwanag ni Lorna sa amin. "Anong dahilan kung bakit?"
"Anong dahilan?"
"Yung Ate Diane mo Lala, nagdeklara na ng giyera against Einheitlichkeit Organization." Sabi ni Lorna at naglakihan nalang ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Kakagaling lang tayo sa giyera, diba? Bakit another war ulit?" Tanong ni Ate Jelailah sa dalawa.
"Honeylabs, hindi lang Erobern ang kumalaban sa atin ngayon."Kuya Jadren.
"Ano ibig mong sabihin, Honeylabs?" Ate Jelailah.
"Kaya nagdeklara si Tita Diane dahil naging battlefield na ang Pasig." Paliwanag ni Kuya Jadren.
"Battlefield?! Pasig?! What do you mean?" Tanong ko while my eyes are narrowed.
"Kung ang Erobern ay dito sa Antipolo, may isang Gang under the Einheitlichkeit na nakikipagdigmaan sa Pasig City but instead another gang ay mismong government ng Capital State na ang kalaban natin." Paliwanag ni Lorna kaya't naglakihan na ang mata ko and my jaw are suddenly dropped.
Tumayo naman bigla si Ate Jelailah at sabing "So, sino naman ang nasa Pasig ngayon?"
"Hindi ko alam kung sino ang nasa Pasig City ngayon." Sagot naman ni Lorna. "Ang alam ko lang ay may giyera doon against another gang under ng Einheitlichkeit Organization."
"Lala? Nandiyan ka pa ba?" May nagsasalita na naman sa earphone ko at ang boses na iyon ay nagmula kay Inay.
"I-inay?"
"Lala, we have a bad news right now."
"What do you mean, Inay?"
"Alam mo bang nandito si Luanne, diba?"
"Opo, Inay."
"Nahuli siya ni Atkings."
Dahil sa sinabi ni Inay, my eyes are popping out and my jaw is suddenly dropped.
"Lala, what's wrong?" Napansin naman ako ni Ate Lorna but hindi ko nalang siya pinansin dahil kausap ko si Inay sa earphone ko.
"Ngayon, only have to do is to rescue her as soon as possible. Si Kennedy ay nasa Training Area while si Atkings ay papunta sa Communication Area Two. Ikaw na bahala kung paano ang diskarte ninyong dalawa."
"Okay, Inay."
"Goodluck and go home after all these things."
"Opo." Tugon ko as our conversation was come to end.
"Lala, ano sabi sa iyo ni Mommy?" Tanong ni Ate Jelailah sa akin after niyang mag-turn back para humarap siya sa akin.
Lumingon ako sa kanya while my face are back to normal and sabihin sa kanya tungkol kay Luanne. "Ah... Si Luanne ay n-nahuli ni Atkings."
"A-ano?!" Wika ni Luanne na may mataas na tono and her eyes are popping out while her mouth are open.
"Paano naman nahuli ni Atkings si Luanne?" Tanong ni Jelailah while her eyes are narrowed.
"H-hindi ko alam basta ganito ang plano natin-"
"Ako na bahala kay Luanne dahil kapatid ko siya-" Lorna.
"Luanne, kay Kennedy ka." I suddenly interrupt her.
"Anong ako kay Kennedy? Kapatid ko si Luanne kaya ako ang bahala sa kanya." Sabi ni Lorna while bare teeth and her eyebrows are down.
Kumurap ang aking mga mata kaya't nag-iba ang paningin ko like masyadong wide ang nakikita ko. "Inay's Order..."
Dahil sa akin ginawa ay tumahimik nalang si Lorna.
"Ate Jelailah, kayo na po bahala ni Kuya Jadren kay Atkings dahil nasa Communication Area Two lang siya." Paubaya ko kay Ate Jelailah after lumingon ako sa kanya.
"Copy, Lala." Tugon naman ni Ate Jelailah. "Let's go Honeylabs."
"Okay! Tutulungan kita." Wika naman ni Kuya Jadren at sinimulan nilang tumakbo palabas ng silid para pumunta sa Communication Area Two.
Lumingon ako kay Lorna at still her eyes are down and her teeth are barely closed.
"Lorna, nasa Training Area naman si Kennedy and ikaw na bahala doon. I'm promise na pupunta kami sa iyo as soon as possible." Sabi ko nalang sa kanya.
"Once na may mangyari sa kapatid ko, magkakamatayan tayong dalawa. Magpasalamat ka lang ngayon dahil kasintahan ka ng anak ng Ika-apat na Chairman ng Capital State." Sabi naman ni Lorna sa akin at tumalikod na ito para simulan niyang tumakbo palabas ng silid at iniwan ang pinto na nakabukas.
Huminga ako ng malalim dahil habang ganoon si Lorna ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Alam ko naman iyon kaya hindi ko nalang pinatulan pa, kaya lang nagka-Atheist Vision ako dahil para sa kaligtasan ko naman din.
Kumurap muli ang aking mga mata at bumalik ang paningin ko sa dating ayos.
"Promise, hindi ko hahayaang mangyari iyon."
*Diane Kalembang's POV*
Dahil sa nagdeklara ako ng giyera against Einheitlichkeit Organization, nasagawa ako ng sketch and puzzle how to defeat, defend and expose them sa opisina ko. Mag-isa lang ako dito habang ako'y gumuguhit ng kung ano-ano basta related sa gagawin naming plano.
Mamaya ay tumunog ang cellphone ko bilang ringtone as a call and I suddenly pick up and tap once para isagot ang tawag ko. Kaagad na nilagay ko ang phone sa tenga ko habang hawak ko iyon.
"Hello?"
"T-tita Diane..." Boses ni Ate Richane ang narinig ko.
"Oh! Ano balita, Richane?"
"Magsasagawa pa ba tayo ng pagpupulong mamayang hapon o gabi?"
"Well, tuloy naman around evening and ang pag-usapan natin ay ang magiging plano natin against the Einheitlichkeit Organization."
"Okay Tita! Around what time?"
"Seven O'clock start na tayo."
"Okay Tita!" Huling sinabi ni Richane at ito ang dahilan kung bakit kaagad niyang pinatay ang tawag.
Nilapag ang phone ko sa table and stand up sa kinauupuan ko para pumunta sa harap ng Bookshelf dahil kukunin ko ang isang libro about sa sinabi ni Master when it comes to this kind of situation.
Habang iniisa-isa kong tignan ang mga libro na nasa Bookshelf, may tumawag sa aking ngalan.
"Diane..."
Lumingon ako sa kanya mula sa likuran ko. "Oh Senpai..."
"We need to talk something about this one." She said while walks forward to my front immediately.
"Senpai, umupo lang ako bilang Chairman ay Einheitlichkeit Organization kaagad ang kalaban ko."
"Diane, alam ko kung sino ang next gang na maari nating i-expose after Erobern."
I suddenly narrowed my eyes dahil sa sinabi ni Senpai Leanny sa akin. "W-who?"
May binigay si Senpai Leanny sa akin ng isang folder kaya kaagad na kinuha ko iyon. "Well, dito mo malalaman kung sino ang taong tinutukoy ko." Wika ni Senpai Leanny sa akin.
Kaagad na binuklat ko ang folder na hawak ko at binasa ko ng maigi ang nilalaman ng document na iyon. Nalaman ko kung sino naman ang gang na nasa Pasay City.
"Well, under parin sila ng Einheitlichkeit Organization at mas mataas pa sila kaysa sa Erobern." Ani Senpai Leanny habang binabasa ko ng mabuti ang document na nasa folder na hawak ko. "Dito nagmula dati si Kennedy at Atkings mga ilang buwan na ang nakaraan bago mag-form ang Erobern gang na hinahawakan nila at kinakalaban nila Lala ngayon."
May nabasa akong hindi ko maintindihan. Spell is K-R-I-E-G at ang hirap i-pronounce iyon.
"Diane, ikaw na bahala kung ano ang gagawin natin against them." Wika pa ni Senpai Leanny sa akin at siya'y tumalikod sa harapan ko. "Wala pa tayong information about them kaya need natin ng spy or undercover agent na Special Force para malaman natin sila."
"Senpai, huli na ang lahat dahil kinakalaban na nila tayo ngayon sa Pasig City." Kaagad na wika ko habang ako'y nakatingin na sa kanya. "Ang kailangan natin ngayon ay malaman natin ang isa pang Gang kila Kennedy at Atkings."
"Ikaw na bahala diyan dahil ikaw ang Chairman." Wika nalang ni Senpai Leanny at naglakad siya papunta sa pinto. "Ipaliwanag mo nalang ang lahat about sa plano na maaring gawin ng Special Force na ide-deploy sa Pasig City. Ako na bahalang malaman ang information regarding kung sino ba talaga sila at ano ang purpose nila."
"Okay po, Senpai..."
Binuksan kaagad ni Senpai Leanny ang pinto para lumabas siya sa silid na kinaroroonan ko at sinarado niya ang pinto na iyon.
Sinarado ko naman ang folder na hawak ko at hinagis ko para ilagay ko iyon sa ibabaw ng lamesa ko.
Napasandal nalang ako ngayon sa Bookshelf habang nag-inhale na napakalakas and close my eyes at the same time.
Dumilat ang mata ko kaagad at nagka-crossarm ako habang nakasandal parin sa Bookshelf.
"Kiyerrr? No! Kriyeg? Nope..." Pilit kong bigkasin ang pangalan ng Gang na iyon ngunit hindi ko alam kung tama ba o mali.
"Hayzzz! Bahala na!" Kaagad nalang naglakad ako papunta sa upuan ko at umupo ako doon.
"Kung ano mang tawag sa inyo... You're next."
-
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top